NANG TANGHALI DIN ng araw na iyon ay nagawa ng tuluyang mag-discharged ni Bethany ng katawan sa hospital. Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone habang ilang minutong tinitigan ang screen. Puno ng pag-aalangan kung tatawagan niya ba si Gavin o magpapadala na lang ng mensahe sa social media account nito para magpasalamat. Nahihiya siya sa naging asal niya kanina na naging mapagpaubaya dito.“Mamaya ko na lang siya siguro kakausapin.” bulong ng dalaga na itinago na sa loob ng bag niya ang hawak nitong cellphone.Nagpunta na si Bethany sa nurse station upang gawin ang discharge procedure. Wala na siyang binayaran pa kasi na-clear na lahat ng iyon ni Gavin bago ito umalis ng hospital kanina. Ang plano niya ay pupunta siya ng music center para mag-file ng leave sa araw na ‘yun. Gusto rin niyang ipaalam kung ano ang nangyari sa kanya nang nagdaang araw. Siguro naman ay maiintindihan siya ng mga nakakataas sa pinagtra-trabahuhan. Pupuntahan niya rin ang restaurant upang ipaalam din sa kanil
MULI PANG MAPAKLANG napangiti si Bethany nang maalala iyon. Babatukan? Kakampi? Nasaan sila ngayon? Hayon, botong-boto at siyang-siya kay Briel dahil malamang ay mas mayaman nga pala iyon. Mas mayaman sa kanya kung kaya naman ibibigay nito ang lahat ng kanilang kapritso at hihilingin. Malamang doon na sila sa may pera.“Mabuti po kung ganun, masaya po ako para kay Albert dahil lalagay na siya sa tahimik. Advance best wishes sa kanya, Tita. Congratulations din po dahil nakita kong napakaganda ng manugang niyo.” hindi man iyon taos sa puso niya pero alangan namang masama ang sabihin niya?Ang makita ang Ginang na medyo nahihiya ay alam niya ngang may alam ito sa mga nangyari. Batid din ng Ginang na hindi talaga okay sa kaharap na dating nobya ng anak ang nalalapit na kasal ni Albert. Mahaba ang pinagsamahan nila eh at syempre umaasa ang dalaga na magiging parte ng kanilang pamilya. Subalit ayon nga, iba ang kapalaran nito at pinipili sa kanilang dalawa. Okay lang naman sana iyon kay Bet
MATAPOS MANGGALING NI Bethany sa music center at sa restaurant upang magpaalam na hindi makakapasok ng araw na iyon ay nagtungo siya sa detention center upang bisitahin naman dito ang ama. Umitim ito at pumayat pero batid ng dalaga na wala itong ibang nararamdamang sakit sa kanyang katawan. Bumagsak lang ang timbang nito sa kakulangan ng pagkain. Iyon lang ang kanyang napuna bukod doon ay wala na.“Kumusta na po kayo dito, Papa?” tanong niyang pilit na ngumiti upang ipakitang masaya.“Heto, gaya ng nakikita mo. Kailan ba ako makakalabas dito anak? Miss ko na ang labas.”Nag-iwas ng tingin si Bethany sa kanya. Hindi niya mapigilang mamuo ang mga luha sa mata.“H-Huwag po kayong mag-alala Papa, sa sunod na pagbisita ko dito ay kasama ko na si Tita.”“Kumusta na pala siya?”“Ayos lang po, nag-aalala rin sa’yo pero ginagawan ko po ng paraan para mailabas na kayo.”“Sabihin mo alagaan niya ang sarili niya hanggang makalabas ako. Huwag siyang magpapabaya at kapag pumangit siya kamo ay papa
PAGKASARA NG RESTAURANT ay naghanda na si Bethany na umuwi. Nang bumaba siya ng stage kanina ay nakita niyang wala na si Gavin sa table nito kaya ang naisip niya ay umalis na ito ng hindi man lang siya kinakausap. Medyo nakaramdam siya doon ng pagtatampo kahit na alam niyang wala naman siyang karapatan. Isa pa pumunta ang lalake doon bilang customer. Hindi siya ang sadya nito kung kaya hindi dapat siya magalit o kahit ang matampo sa lalake.“Sana man lang nag-hello siya sa akin ‘di ba? Para naman siyang others.” puno na ng panghihinayang ang boses na turan niya halatang dismayado, “Ni hindi ko pa siya pormal na pinasasalamatan sa mga tulong niya sa sa akin noong nasa hospital ako. Ang daya naman!”Nang lumabas siya ng restaurant upang maghintay ng masasakyan ay nagulantang na lang siya nang biglang tumigil sa harapan niya ang isang golden continental na sasakyan. Nakababa ang bintana noon kung kaya naman kitang-kita ng dalaga kung sino ang nasa loob ng driver seat, si Gavin iyon. Bigl
AGAD NA BINAWI ni Gavin ang kanyang paningin kay Bethany na naghihintay ng kanyang magiging sagot sa tanong nito. Hindi niya rin alam kung ano sila, pero gusto niyang palaging nakikita ang dalaga. Ilang beses niya ngang naisip na mukhang nahihibang na siya dahil wala naman silang relasyon pero nais niyang bakuran ang dalaga. Bahagyang inilayo niya ang katawan sa dalaga matapos na mapabuga ng malalim na hininga. Maya-maya pa ay isinandal ng binata ang likod sa upuan ng sasakyan at bahagyang ipinikit na ang kanyang mga mata. Sa tanawing iyon ay mukhang pagod na pagod si Gavin na totoo naman. Pagod siya sa biyahe mula sa bakasyon at doon siya sa restaurant na pinagtra-trabahuhan agad ni Bethany siya dumeretso. Daig niya pang boyfriend nitong sabik na sabik makita ang dalaga mula sa malayong lugar. Mariing itinikom ni Bethany ang kanyang bibig habang ang kanyang mga mata ay hindi niya inaalis sa mukha ng abogadong sapo na ang noo ng mga sandaling iyon at nakapikit. Noon lang napagtanto n
MALAPAD NA NAPANGITI si Gavin nang makita niya ang maamong mukha ni Bethany na mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. Naburo pa ang kanyang mga mata sa mukha niya. Mula sa nakasara biyang mga mata hanggang sa nakatikom niyang bibig. Ang mahabang kayumangging buhok ng dalaga ay nakakalat sa kanyang mga balikat, nakadagdag pa iyon sa kanyang kagandahan na lalo pang nagpatibok ng puso ng binata. Magaan ang paghinga ni Bethany na kawangis ng isang batang mahimbing na natutulog sa bisig ng kanyang ina. Maganda ang dalaga, ilang beses na bang nasabi iyon ni Gavin sa kanyang isipan? Nakailang ulit na siya. Sobrang gumanda pa lalo ito sa paningin ni Gavin ng gabing iyon dahil nadagdagan iyon ng romantikong pakiramdam ng kanilang paligid. Hinigpitan pa ng binata ang yakap niya sa katawan ni Bethany kahit na medyo ngalay na siya doon at namamanhid na ang mga muscles niya. Sinulit niya ang bawat sandaling iyon kung saan ay malaya niyang napagmamasdan ang dalaga. Iyong tipong hindi nito mis
MABAGAL NA PUMASOK na sa loob ng kanilang bahay si Bethany makatapos ang ilang pasimpleng lingon kay Gavin gamit lang ang gilid ng kanyang mga mata. Tinitingnan niya kung aalis na ang binata doon lalo pa at halos umaga na iyon. Nang tuluyang maisara niya ang pintuan ay hindi niya mapigilan ang sariling bahagyang silipin sa bintana ang sasakyan ni Gavin na kasalukuyang naroon pa rin at hindi pa umaalis. Napuno na ng pagtataka ang kanyang mga mata, hindi mahulaan kung ano pa ang ginagawa ng abogado dahil nanatiling naka-park ang sasakyan nitong out of place sa kanilang lugar. Nakapasok na siya at lahat, naroon pa rin ang binata. Maraming katanungan na ang nabuo sa kanyang isipan. Biglang dumaan sa balintataw ng dalaga ang mga larawan na nakita niya sa cocktail party na pakalat-kalat lang sa social media. Awtomatiko siyang sumimangot at binitawan ang laylayan ng kurtinang bahagya niyang hinawi kanina upang tingnan ang binata sa labas. Alam ni Bethany na walang kahulugan ang lahat ng nang
PAGKALIPAS NG LIMANG minuto ay inihain na ng Ginang ang pagkain ni Bethany sa mesa at inayang kumain na doon ang dalaga. Bakas na sa mukha niya ang antok, pero laban pa rin sa paghihintay na makauwi ang kanyang hinihintay. Kanina pa din siya dito nag-aalala eh.“Bukas mo na hugasan ang mga pinagkainan. Matulog ka na rin pagkatapos mong kumain.”“Sige po, maraming salamat po, Tita.” muling sagot ni Bethany sabay hila na ng upuan.Sa halip na umalis ang Ginang at pumasok na ng silid ay humila rin ito ng upuan at naupo na sa kanyang harapan. Pinagmasdan siya nitong mabuti na parang may mga nais pang idagdag sa kanyang mga naunang sinabi.“May sasabihin pa po ba kayo, Tita sa akin?” tanong ng dalaga after niyang maglagay ng pagkain sa kanyang plato, at muling magsalin ng tubig sa kanyang baso. “Ano po ‘yun?”Ilang minutong nag-alinlangan ang Ginang kung sasabihin niya pa ba ang laman ng isipan o hindi na. Batid niyang maiipon iyon sa kanyang utak at hindi rin siya makakatulog sa gabing iy
SI GAVIN NAMAN ang malakas na humagalpak sa naging reaksyon ng kanyang kapatid sa kanyang balik na pagbibiro. Naghahamon ang mga matang hinarap na siya ni Briel an hindi naman inatrasan ni Gavin. Pinagtaasan pa siya ng kilay. Pinanood lang naman sila nina Mrs. Dankworth at Bethany na naiiling na lang sa behavior ng magkapatid pagdating sa kanilang mga anak. Bagay na hindi naman nila magagawang masabi dahil iba-iba ang guhit ng mga kapalaran ng tao.“Tama na ang inyong iyan, sa tigas ng mga ulo niyo noong mga na-inlove kayo pakiramdam ko igaganti kami sa inyo ng mga apo namin.” si Mr. Dankworth na kakapasok lang ng pintuan na galing sa pakikipaglaro sa kanyang mga amigo, isa-isa na niyang niyakap ang dalawang apo na nagkakarera ng tumakbo palapit upang sumalubong sa kanilang Lolo. “Igaganti kami ni Gabe, Brian, Bryson at iba pa naming magiging apo. Mas malala sa stress na inabot namin sa inyo.”Malakas na tumawa si Mrs. Dankworth ng parehong matameme ang magkapatid at magkatinginan ng
SINULIT NG MAG-ANAK ang panibagong Linggong iyon na nag-extend pa nang na-extend sa kagustuhan ni Briel, hanggang sa magkaroon ng result ang pagpapa-transfer ni Briel sa kanyang trabaho sa bansa at hanggang sumapit ang huling araw ng pananatili nilang mag-ina sa mansion. “Pwede namang dito na lang mag-aral si Brian.” suggestion ni Donya Livia na nasanay na rin sa presensya ng mag-ina sa kanilang mansion, naging bahagi na ito ng araw-araw nilang buhay na kasama sa lugar.Iyon ang ikinatwiran ni Briel nang magsimula na ang summer at kinailangan na talaga nilang bumaba ni Brian kahit pa halatang ayaw pa ng katawan nila. E-enroll nila ng summer class si Brian upang maging handa ito sa magiging tunay na pag-aaral sa pasukan. Nais nila na maging kagaya ito ni Gabe na nang magsimula ay marunong ng magsulat. At nang tanungin ito ni Briel, sabi ng anak sa school siya ni Gabe.“Hindi po pwede, Mama.” Mama na ang tawag niya kay Donya Livia sa kahilingan na rin ng matanda tutal umano ay iisang
MALIGAYA ANG BUONG pamilya ng mga Dankworth at Bianchi sa pagpapalit ng taong iyon dahil sama-sama sila. Naging instant double celebration din para sa kanila ang okasyong iyon nang dahil sa kaganapan ng proposal lalo na nang umabot pa sa kaalaman iyon ng ibang mga kamag-anak ng mga Bianchi ang tungkol sa kanilang magiging kasal na maaaring mangyari sa taong din iyon. Ilang araw pang nag-stay sa Baguio at nagdesisyon na bumaba na rin ang mag-asawang Dankworth at ang pamilya nina Gavin. Kung nauna sina Briel at Brian na umakyat ng Baguio sa kanila, sila naman ang nahuling bumaba. Nanatili sila sa mansion ng mga Bianchi na una pa lang ay planado na ni Briel na mangyayari, ni halos ay ayaw na niyang humiwalay sa dating Gobernador na wala namang problema sa kanilang pamilya dahil matanda na sila. Bumalik si Giovanni sa trabaho, ganunpaman ay masaya siyang araw-araw na hinihintay ng mag-ina niya ang kanyang pag-uwi kung kaya naman ay palagi siyang ganado. Palaging pauwi rin ang kanyang gust
KULANG NA LANG ay mapapalakpak at magpa-banquet party sa galak ang ina ni Giovanni na hindi na mapigilan ang bibig na magbigay ng komento sa kanyang nalaman. Matagal na panahon na niyang hangad na magkaroon ng pamilya ang bunso niyang anak. At sa wakas, sa araw na iyon ay dumating na ang kasagutan sa matagal na niyang paulit-ulit na ipinagdarasal na mangyari. Ang buong akala niya talaga ay hindi na maiisipan nitong bumuo ng kanyang sariling pamilya. Iba talaga kapag nagmahal ang isang tao.“Kailan ang kasal? Ako na ang magpre-presentang mag-asikaso ng lahat!” taas pa nito ng kanyang kamay na salitan na ang tingin kay Giovanni at Briel na makahulugan nang nagkatinginan sa tinuran ng Donya. “Mama, hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na iyon. Hayaan niyo munang namnamin namin ang phase ng pagiging engaged. Saka na lang po namin iyon pag-uusapan. Hindi na rin namin ito patatagalin.” “Naku, doon din naman papunta bakit patatagalin pa? Di ba mga balae?” sagot ni Donya Livia na tiningna
PUNO NG PAGHANGA at hindi pa rin makapaniwala si Briel habang sinisipat ang suot niyang singsing sa daliri habang nakaupo na sila ni Giovanni sa table at dinudulutan na sila ng pagkain. Nasa kandungan niya ang bouquet ng bulaklak. Kagaya ng diamond sa kanyang daliri ay kumikinang sa labis na saya ang kanyang mga mata habang nakatunghay pa rin doon. Expected niya iyon ngunit hindi ganun kaganda ang singsing. Ang buong akala niya pa nga ay plain gold lang. Sa ginawa ng dating Gobernador na proposal, batid ni Briel sa kanyang puso na mas lalo niyang minahal ang lalaki. “Thank you!” patulis ng nguso ni Briel na itinaas pa ang kanyang daliri na muli na namang sinipat-sipat. “Saan?” kinikilig namang tanong ni Giovanni na hindi na rin maalis ang mga mata sa mukha ni Briel. “Dito. Alam kong grabe ang effort na ginawa mo para lang magawa mo ito.” Inilinga pa ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid upang sabihin na gusto niya ang ambience doon. May nagva-violin pa sa gilid nila upang i-se
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka