LOGINPAGAPANG NA MULING bumalik sa higaan Gia. Hindi nakuntento ang babae na humiga lang siya, hinila niya pa ang comforter na maayos ang tupi at walang pakundangan na ibinuka upang ibalot lang iyon sa kanyang nilalamig na katawan. Plano niya sanang maligo bago mahiga, pero kung gagawin niya ang bagay na iyon ay tiyak mahuhuli siya ni Bene sa kanyang pina-planong pagtulog dito. Sa totoo lang, wala naman talaga sa kanyang vocabulary ang umuwi ng mansion sa gabing iyon. Gusto niyang dito magpalipas ng oras hanggang umaga kasama ni Bene na alam niyang tututulan nang mariin ng kasintahan kung open niyang sasabihin. Syempre, hindi niya tahasang sinabi iyon kay Bene na paniguradong hindi papayag. Kanina pa nga lang, alanganin na siya papasukin mabuti at napilit lang niya. Pumasa ang alibi niya dito. “Matalino man ang matsing, nalalamangan din ng mas matalino sa kanyang matsing.”Humahagikhik na inayos ni Gia ang kanyang higa. Ini-imagine pa rin ang magiging hitsura ni Bene oras na makita siya
WALA SA VOCABULARY ni Bene na husgahan ang kasintahan na mayroong masamang pina-plano, pero nagtataka na siya. Kanina, nais lang nitong malaman ang name ng hotel at room number niya sa valid na rason. Tapos ngayon, gusto nitong pumasok na sa loob? Hindi naman marahil totoo ang namumuong hinala sa kanyang isipan sa naging aksyon nito. Huwag niya lang biglang sabihin na gusto niyang matulog sa room niya, hindi na siya mangingiming marahas na tumanggi dito. Hindi rin iyon pwede. Kasasagot lang nito sa kanya tapos ay ganun na agad sila? Mapapasama siya kapag nagkataon doon.“Come on, Bene…” padyak pa ni Gia ng kanyang mga paa. “Promise, behave lang ako. Wala akong masamang gagawin.”Walang nagawa si Bene kung hindi ang pagbigyan ang kasintahan. Nauna ng tumakbo papasok sa loob ng silid si Gia matapos na mabuksan niya ang pintuan noon at i-gesture na maaari na siyang pumasok sa loob. Padapa na siyang excited na tumalon sa malaking kama na nasa gitna ng suite na kinuha ni Bene. Hindi niya n
BATID NI GIA na pagod ang kasintahan sa byahe, pero anong magagawa niya ayaw pa niya talagang umuwi. Natatakot din siyang matulog tapos malaman na lang kinabukasan na nakababa na naman si Bene at hindi na naman natupad ang kanilang usapan na pupunta ito ng kanilang mansion upang makipagkita sa kanyang mga magulang. Hindi sa wala siyang tiwala sa nobyo noon. Nag-aalala lang siya na baka iyon na naman ang sumalubong sa kanya pagdilat ng mga mata niya.“Pero, Gia madaling araw na. Saka kailangan ko na ‘ring magpahinga para maaga akong pumunta bukas ng mansion niyo.”Natameme si Gia na umayos na ng upo. Kailangan niyang intindihin ang nararamdaman ni Bene, pero hindi niya mapigilan na ipilit ang kanyang gustong mangyari. Kailangan na makagawa siya ng paraan na hindi nito paghihinalaan.“Okay, pumapayag na ako but in one condition, Bene.”Biglang nangunot ang noo ni Bene sa binanggit na iyon ng nobya. “One condition? Ano naman iyon?” Hinawakan na ni Bene sa kanyang baba si Gia upang ihar
MABILIS NA BINAGO ni Gia ang kanilang topic. Ayaw niyang umiyak. Ayaw niyang sobrang maging seryoso ang tono ng kanilang usapan ni Bene. Naroon sila upang magsaya. I-well spent ang oras na magkasama silang dalawa ni Bene na dapat noon pa nila malayang nagagawa kung naging malinaw lang sa kanila ang lahat ng maaga. Iyon ang kanyang nais gawin.“Alright, sabi mo ‘yan ha?” Mabilis na dinampian ng halik ni Bene ang labi ni Gia na bahagyang napaawang nang matapos iyon. “Of course, Gia. Pagkatapos ng trabaho ko, sa iyo na ang lahat ng oras ko.” Namumula ang magkabilang pisngi ay malambing ng niyakap ang isang kamay ni Gia sa leeg ni Bene. Hinalikan ng nakaw sa pisngi ang lalaki. Natawa lang si Bene sa ginawa niya. Taliwas iyon sa pinakita niyang pagiging agresibo kanina. Sa labi siya nito agad hinalikan at hindi sa pisngi. Marahil ay maraming tao sa paligid kung kaya naman nahiya bigla ang nobya.“Ang tapang mo kaninang halikan ako sa labi tapos ngayon sa pisngi lang?” hindi napigilan ni
SA SINABING IYON ni Gia ay hindi na napigilan ni Bene na mamula ang leeg paakyat sa kanyang magkabilang tainga. Iyon ang nagiging reaksyon ng katawan niya kapag kinikilig siya at bumibilis ang tibok ng puso. Aaminin niya, kilig siya sa simpleng banat na salita ni Gia. Iba ang dating sa kanya ng mga papuri kapag nanggaling ito sa mismong bibig ni Gia.“Tama na ang papuri, Gia. Magkakasakit na ako sa'yo niyan ng hydrocephalus.”Ang tinutukoy ni Bene ay ang sakit na literal na paglaki ng ulo ng isang tao. “Bwisit ka talaga!” halakhak ni Gia na na-gets agad kung ano ang nais na ipahiwatig nito.Matapos dalhin ng waiter ang card na ginamit pangbayad ay magkahawak ng kamay na silang lumabas ng resto. Walang pakialam sa paligid kung may makakilala man sa kanilang dalawa. Maraming tao ang pakalat-kalat sa daan. Iyong iba ay piniling sa labas mag-celebrate ng New Year, manood ng fireworks na naka-set sa iisang lugar. Nilakad lang nina Gia at Bene patungong Melvin Jones Grandstand, malapit iyo
ILANG SAGLIT NA tumingin sa kabilang direksyon ang mata ni Gia upang tingnan kung parating na ang order nila. Ganun din ang ginawa ni Bene na hindi na muling nagsalita. Napapahiyang inayos na rin niya noon ang upo. Saglit na sinulyapan si Gia na ang buong atensyon ay nasa counter pa rin ng kainan. Batid niyang nililibang lang ng babae ang kanyang sarili.“Tell me Bene, bakit mo nga ba ako nagustuhan?” makahulugang tanong ni Gia nang muling lingunin ang kaharap.“Kailangan bang may dahilan?”“Hindi naman, pero curious lang ako. Bawal na bang ma-curious ang gaya ko? Gusto ko lang malaman ang thoughts mo.”Tumikhim si Bene upang gawing klaro ang tunog ng kanyang boses. Sa pakiramdam niya, mukhang kakailanganin niya ng mahabang pasensya ngayong kasintahan na niya si Gia. Iba ang trip nito, may panahon na masyado itong hyper. Malayo rin ang agwat ng edad nila na isa sa mga factor na kakailanganin niyang mag-adjust. Paniguradong may mga pagkakataon o araw na magkakainitan sila at hindi magk
OO, ALAM NI Gabriella na hindi gusto ni Brian noon pa ang batang iyon kaya naman mahahalata ang pananahimik nito at walang anumang reaction sa daloy ng kanilang usapan. At ayaw naman niyang iyon na lang ang kanilang maging topic.“Kapag maraming tira, mag-take out kayo mamaya.” lingon pa ni Briel s
MADILIM MAN ANG loob ng silid na hindi na nagawa pang buksan ni Brian ang ilaw ay hindi iyon naging alintana ng dalawa na patuloy sa halikan nilang ginagawa. Tanging ang malamlam na liwanag lang na nagmumula sa nakabukas na pintuan ang tanglaw ng katawan nilang parehong gumagalaw at nagpapalitan ng
HUMINGA NAMAN NANG malalim si Brian nang makitang lumabas ang assistant at iginiya sila sa reception room matapos na sabihin na susunod ang kanilang amo. Kanina pa siya atat na makita ang babae, panay ang linga ng kanyang mga mata. Hinahanap kung naroroon din ba si Benedict. Wala lang, gusto niya l
TAHIMIK SILANG PINANOOD ni Brian habang nasa loob ng kanyang sasakyan. Ilang beses niyang sinubukang lumabas at pumasok sa loob ng restaurant upang tahimik na makinig sa kanilang pinag-uusapan. Iyong tipong kahit hindi na siya nito makita at malanghap lang niya ang amoy ng pabango nito kahit na lih







