MAKALIPAS ANG TWENTY minutes ay huminto na ang dalang sasakyan ni Albert sa harapan ng detention center. Maingat na pabalagbag niyang ipinarada iyon at taas ang noong bumaba ng sasakyan. Agad na tumambad sa kanyang mga mata ang isang pigura na napapaligiran ng mga tao sa loob ng building. Para itong celebrity. Isinuot niya ang shades na itim habang pasandal na naupo sa unahan ng kanyang sasakyan. Mataman siyang nagmasid sa paligid. Maaaring ito ang mapangahas na abogadong kumuha ng kaso ng ama ni Bethany, gustong makilala at makita ito ni Albert kung karapat-dapat ba iyon ng galit niya. Baka isang pipitsuging abogado lang gaya ni Attorney Hidalgo iyon. Nagtataka rin ang lalaki kung bakit pinalitan pa ‘yun ni Bethany. At least iyon alam niya na kung anong laban ang gagawin nito. Ilang hakbang ang kanyang ginawa upang makita niya lang at masilip ang mukha ng pinagkakaguluhan nila. Nangatog na sa takot ang kanyang dalawang tuhod nang makita kung sino ang abogadong iyon. Napatayo na siya
GALIT NA INIHAMPAS ni Albert ang isa niyang palad sa katawan ng kotse matapos niyang ibaba ang tawag sa dalaga. Ang buong akala niya ay magtatagumpay na siyang makuha ito ngunit hindi pala. May pumigil na makuha niya ang gusto niya sa babae at hindi niya matanggap na ang future bayaw niya lang ang gagawa noon sa kanya. Halos dumugo na ang kanyang labi sa mariing pagkakakagat niya bunga ng kanyang galit at hinanakit na nararamdaman. Dito niya ibinaling ang lahat ng nararamdaman niya at hindi niya napansin na lumikha na iyon agad ng sugat. Ang sakit-sakit ng puso niya. Mas masakit pa ‘yun sa sugat na gawa ng kutsilyo sa kanyanng tagiliran. Parang wala iyong katapusan eh. “Bethany Guzman!” sambit ni Albert habang nandidilim na ang mga mata habang naiisip ang mukha ng babaeng paniguradong sa mga sandaling iyon ay pinagtatawanan na siya. “Inuubos mo ang pasensya ko. Sinasagad at sinusubukan mo ako kung hanggang saan aabot ang pagtitimpi ko ng mas tumitindi pang galit ko sa’yo! Hintayin mo
HUDYAT IYON UPANG magmadaling umalis na ang Manager sa lugar at iwan si Albert at ang babaeng ibinigay niya sa loob ng silid. Hustler na ginawa ng babae ang trabaho nito sa bar. Ilang buwan na siya sa trabaho kung kaya naman natural na alam niya kung paano paligayahin ang isang lalaki. Nagkusa na siyang yakapin ang leeg ng Albert at halikan iyon upang buhayin ang pagkalalaki ng kanilang customer na sa mga sandaling iyon ay nakabukol na. Nang maging masarap ang mga halik na iyon sa pakiramdam ni Albert ay inihiga na niya ang babae sa sofa. Walang ingat na idinagan niya ang kanyang katawan na hindi niya alam kung paano nagawang hubaran ng babaeng iyon na ang unang tingin niya ay inosente at walang alam sa ganung mga bagay. Nagkamali siya. Kamukha man ito ni Bethany, pagdating sa bagay na iyon ay wala itong nginig at pag-aalinlangan sa kanyang katawan. Maya-maya pa ay napuno na ng ilang mga halinghing at nasasarapang mga malalakas na ungol ang loob ng silid na iyon na pinabantayan pa ng
HILAW NA NGUMITI si Albert na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Mababakas ang rumehistrong takot sa kanyang mukha hindi niya man iyon tahasang sabihin sa nobya. Mabilis na umahon sa kanyang inuupuan ang lalaki na hindi na doon mapakali. Iyon lang ang naging choice niya upang pahapyaw silang iligaw. Ilang beses pa siyang napakurap ng kanyang mga mata upang kalamayin ang sarili at makaisip ng magandang palusot. Malamang pabango ng babae doon sa club ang pabangong naamoy ngayon ni Briel na dumikit sa kanyang katawan. Hinagod niya ang isang kamay sa ulo upang mag-isip ng idadahilan na bibilhin ng nobya niya.“Ah, Babe, pumunta kasi ako ng hospital kanina bago ako magtungo dito. Hindi ko pala nasabi sa’yo ‘no?” sambit niyang nilakipan pa iyon ng paawa niyang emosyon, marahang tumango si Briel. “Pinapalitan ko nga pala ng gasa iyong sugat ko sa tagiliran at pinalinisan ko na rin. S-Siguro sa nurse ang pabangong naamoy mo kasi siya lang naman ang lumapit sa akin kanina. Wala naman a
NGUMITI LANG SI Albert sa kanya at marahang tumango. Ngunit deep inside ay iniisip niyang sana ay huwag na silang mag-abot ng future bayaw niya doon dahil paniguradong masisira na naman ang kanyang araw. Maiisip na naman niya na mas pinapaboran nito ang dati niyang nobya kumpara sa kanya. Ni hindi nito naisip ang kanyang kapakanan, talagang nasa isip na nito na tulungan si Bethany dahil paniguradong may interes ang magiging bayaw sa kanya. Ang isiping iyon ay lalo pang nagpasidhi ng kanyang namumuong galit para sa abogadong ito.“Ayos lang Briel, marami pa namang pagkakataon kung hindi iyon ngayon.”Pagkatapos ng early dinner nila at late afternoon snack na dapat ay lunch nila ay isinama ni Briel sa second floor ng kanilang bahay si Albert. Sinulyapan lang sila ng mag-asawang Dankworth na hindi sumagi na may gagawing kababalaghan ang magkasintahan. Dinala niya ang nobyo doon sa kanyang silid hindi para doon kundi dahil gusto niyang ipakita dito ang silid niya. Hindi naman tumutol si
PAGKATAPOS NA PALIHIM na tumaas ang isang kilay ni Gavin kay Albert ay umayos na ng upo ang binata. Ilang sandapa noon ay pa-de kwatro niyang hinarap ang kapatid na babae na mukhang interesado sa bakanteng trabaho na under ng isa sa kanyang negosyo. Nahuhulaan na ng binatang may gustong hilingin si Briel na hindi niya naman tahasang personal na masabi sa kanyang harapan at sa harapan ng nobyo nito.“May kailangan ka ba sa akin, Briel?”Si Gavin na ang kusang nagbukas noon sabay sulyap ng pahapyaw kay Albert. “Kung mayroon nga Kuya Gav, pwede bang mangako kang hindi mo ako bibiguin?” tanong ni Briel sa kapatid na mas pinausli pa ang kanyang nguso habang matamang nakatingin.“Depende sa kung ano ang kailangan at hihilingin mo sa akin.” “Saan depende, Kuya Gav? Sinasabi mo ba ngayong makakaya mo akong biguin ha?”Hindi sumagot si Gavin na mahinang nagkibit lang ng kanyang balikat.“Kuya Gav?!” parang spoiled na bata na naman na bulalas ni Briel habang nakanguso pa rin ito. “Kilala kit
MABILIS NA DINALUHAN ng Ginang si Briel na parang torong nagwawala ng mga sandaling iyon. Ilang beses na tinanong niya ang anak kung ano ang masakit sa kanya ngunit sa halip na sumagot ito ay nagdadabog itong tumakbo paakyat ng kanyang silid habang pumapalahaw na naman ng malakas na iyak. Makahulugang nagkatinginan ang mag-asawa. Doon pa lang ay alam nilang may sumpong na naman ang kanilang unica hija. Matapos na kalmahin ang sarili ay sinundan na siya ng Ginang sa loob ng kanyang silid. Kinabahan na ang babae ng maalala ang minsan nitong pagtatangka sa sariling buhay. Natigilan na siya sa may pintuan pa lang ng silid.“Briel? Anak ano bang—”“You don’t have to leave na parang tinatakasan mo ako, Albert!” sigaw nitong nagwawala na sa loob ng kanyang silid habang may kausap sa kanyang cellphone, “Sana sinabi mo ng maayos sa akin!”“I am sorry Babe, babawi ako sa’yo. Hindi ko na kasi matagalan ang sakit ng tagiliran ko.”“Niloloko mo ba ako? Kung masakit iyan hindi mo kakayaning mag-dri
MATAPOS BAYARAN IYON ay bumalik na ng sasakyan si Gavin. Sa mga sandaling iyon naman ay kakatapos lang din ni Bethany mamili ng mga kailangan niyang personal na mga gamit. Bitbit ang mga paper bag ng mga pinamili ay bumalik na rin siya ng sasakyan. Napangiti nang maliit si Gavin nang makita ang dalaga. Para siyang nobyo nitong hinihintay itong matapos na mag-shopping. Hindi niya mapigilang masiyahan.“Anong mga binili mo?” tanong nitong ilang beses niyang sinipat ang paperbag na dala, “Akala ko ba personal na gamit lang ang kailangan mo?”“Iyon nga. Tapos may nakita akong cute na indoors sleepers kung kaya dalawang pares na ang binili ko. Tig-isa tayo. Mura lang naman eh. Saka dalawang piraso na rin ng bathrobes.”Pigil ang ngising nailing na doon si Gavin, naisip na ang mga babae nga naman talaga. Mahilig silang mamili ng iba’t-ibang mga gamit na nakita lang nila kahit na hindi naman nila kailangan. Iyong tipong takaw tingin lang sa kanilang mga mata na kahit mayroon pa at hindi nam
KULANG NA LANG ay mapapalakpak at magpa-banquet party sa galak ang ina ni Giovanni na hindi na mapigilan ang bibig na magbigay ng komento sa kanyang nalaman. Matagal na panahon na niyang hangad na magkaroon ng pamilya ang bunso niyang anak. At sa wakas, sa araw na iyon ay dumating na ang kasagutan sa matagal na niyang paulit-ulit na ipinagdarasal na mangyari. Ang buong akala niya talaga ay hindi na maiisipan nitong bumuo ng kanyang sariling pamilya. Iba talaga kapag nagmahal ang isang tao.“Kailan ang kasal? Ako na ang magpre-presentang mag-asikaso ng lahat!” taas pa nito ng kanyang kamay na salitan na ang tingin kay Giovanni at Briel na makahulugan nang nagkatinginan sa tinuran ng Donya. “Mama, hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na iyon. Hayaan niyo munang namnamin namin ang phase ng pagiging engaged. Saka na lang po namin iyon pag-uusapan. Hindi na rin namin ito patatagalin.” “Naku, doon din naman papunta bakit patatagalin pa? Di ba mga balae?” sagot ni Donya Livia na tiningna
PUNO NG PAGHANGA at hindi pa rin makapaniwala si Briel habang sinisipat ang suot niyang singsing sa daliri habang nakaupo na sila ni Giovanni sa table at dinudulutan na sila ng pagkain. Nasa kandungan niya ang bouquet ng bulaklak. Kagaya ng diamond sa kanyang daliri ay kumikinang sa labis na saya ang kanyang mga mata habang nakatunghay pa rin doon. Expected niya iyon ngunit hindi ganun kaganda ang singsing. Ang buong akala niya pa nga ay plain gold lang. Sa ginawa ng dating Gobernador na proposal, batid ni Briel sa kanyang puso na mas lalo niyang minahal ang lalaki. “Thank you!” patulis ng nguso ni Briel na itinaas pa ang kanyang daliri na muli na namang sinipat-sipat. “Saan?” kinikilig namang tanong ni Giovanni na hindi na rin maalis ang mga mata sa mukha ni Briel. “Dito. Alam kong grabe ang effort na ginawa mo para lang magawa mo ito.” Inilinga pa ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid upang sabihin na gusto niya ang ambience doon. May nagva-violin pa sa gilid nila upang i-se
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay