TUMAWA LANG SI Benedict. Umiling. Kaya nga gusto niyang umuwi na sila ng ina para masolo siya nito tapos sasama siya? Alam ng lalaking nagiging mabuti lang si Ceska kung kaya siya nito iniimbitahan na sumama.“Hindi pwede. Bonding niyo iyan ng Mommy mo kaya bakit ako makikigulo? Pupuntahan ko na lang kayo bukas.” Hindi na nagsalita pa si Ceska. Syempre, hindi pumayag si Benedict na hindi sila ihatid ng kanyang ina. Iyong mga dala ng Ginang na gulayin at iba pang pagkain ay ipinadala ng lalaki at kumuha lang siya ng kaunti at sapat na sa kanya. Tatlong buwan na walang nakatira sa apartment ni Ceska, ngunit walang mintis na ipinapalinis iyon ni Benedict kada buwan. Kung hindi, paniguradong magtataka ang kanyang ina kung bakit ganun iyon karumi gayong dito siya nakatira? Walang plano pa rin si Ceska na ipaalam sa ina ang tungkol sa dating nobyo o pagkakaroon nito. Ayaw niya itong mag-alala pa. “Aalis ka na rin agad?” tanong ni Ceska pagkahatid ni Benedict sa kanila, nais pa sanang imbi
HUMAGALPAK NA NG tawa si Ceska, nahuhulaan na niya ang susunod na reaction ni Benedict. Hindi nga siya nagkamali. “Sinungaling iyang anak mo Tita, kahit maalat, matabang, kulang sa ibang timpla sasabihin niyan ay masarap.” tahasan na niyang turan na para bang mayroong ibang pakahulugan sa mga sunod sinabi. “Hindi magsabi ng totoo. Paano ko mapapasarap ng tunay ang niluluto ko kung lahat na lang sa kanya ay masarap? Di ba tama naman po ako, Tita?” Natawa na nang malakas ang Ginang. Walang pagbabago ang batang inampon nila ng kanyang asawa noon. Siya pa rin ang Ceska noon na ayaw makasakit ng iba kahit na durugin na ng Tadhana ang pagkatao niya. Napakabait pa rin nito. Ugali nito na hindi nagawang baguhin ng mga taong lumipas. Nilingon na ng Ginang ang anak na nakangiti pa rin noon.“Ayaw ka lang siguro niyang masaktan, hijo?” patanong na sagot ng Ginang.“Maling mindset iyon Tita, dapat kung ano ang nararamdaman niya iyon ang sasabihin niya.” anino may ipinaglalabang iba si Benedict
NATAWA LANG ANG Ginang. Hindi naman lingid sa kanilang kaalaman iyon. Sinabihan nga niya na bumalik na si Ceska sa villa na binili ng dating Governor noong bata pa lang ito at mag-hire na lang ng mga makakasama niya ngunit ganun na lang ang tanggi ng dalaga. Ayaw na niya doon. Ayaw niya rin ng kasama nang dahil sa mga naging trauma ng dalaga noon.“Kung gugustuhin ko pong kumuha ng place na titirahan, new place na lang po Mommy.” Naiintindihan naman iyon ng Ginang dahil sa hindi nito magandang karanasan noong kabataan kaya di na ipinilit pa.Nasa labas na ng bakuran si Ceska, palakad-lakad sa labas at inip na naghihintay nang sapitin nila ang tahanan ni Benedict. Malapad na ang ngiti niya habang tinatanaw ang pagpasok ng kanyang ina. Nauuna si Benedict na may bitbit na malaking bag na malamang ay mga gulayin at kung anu-anong pagkain na dala ng kanyang ina mula sa Baguio.“Mom!” takbo na ni Ceska na sinalubong na ang ina nang mahigpit na yakap. Naluluhang ginantihan naman siya ng Gi
BUMITAW SA YAKAP sa aso ang dalaga at nilingon na ang tumawag ng pangalan niya. “Tumawag ang Mommy mo, sinagot ko ang cellphone mo na naiwan sa loob. Sabi niya pupunta raw siya dito bukas upang bisitahin ka.” pagbibigay-alam niya dito na humakbang na palapit sa kinaroroonan nito.Panandaliang natigilan si Ceska. Hindi siya pwedeng makita ng kanyang ina na nalulungkot. Kailangan niyang umayos.“Sinabi mo ba sa kanya ang nangyari?” Umiling si Benedict. Alam niya kung ano agad ang tinutukoy ng babae. Broken hearted siya. Mag-aalala kasi ang matanda na baka bumalik ang kanyang dating sakit kapag hindi niya iyon kinaya. Dapat hindi nila malaman ang pinagdadaanan.“Wala akong sinabi pero kailangan mong uminom ng gamot na ibinigay ng doctor.” Ayon sa check up nito, sobrang emotional ng babae at may tendency na magkaroon na naman ng depression. Ang marinig pa lang iyon, sobrang nag-aalala na si Benedict para sa babae kung kaya naman lagi niya itong pinapaalalahanan na maraming nagmamahal s
NAPABUGA PA SIYA ng hangin upang kalamayin ang kanyang sarili habang pinagmamasdan ang paglapit ng kanyang secretary kasunod ang mabagal na taxi na kanyang kinuha upang kanilang sakyan. Ginugulo siya ng gusto ng kanyang puso at isipan.“Sir, narito na po ang taxi…” anitong binuksan na ang pintuan noon sa gilid. Muli pang sumulyap si Brian sa loob ng hospital na para bang kapag ginawa niya iyon ay makikita niya si Ceska. Kung gugustuhin niya ay pwede naman siyang pumasok sa loob, kaya lang ano bang gagawin niya doon? Wala naman. Magmumukha lang siyang engot kapag ginawa. “Thanks.” Inabala ng binata ang kanyang sarili pagdating sa opisina upang itaboy ang mga naiisip niya. Namalayan na lang niya na alas-otso na ng gabi. Naka-dalawang tawag na rin ang kanyang ina, ngunit sinabi niyang may tinatapos pa siya kaya maya-maya pa. Pinauwi na rin niya ang kanyang secretary na noong una ay nag-alangan na iwan siya, subalit sa bandang huli ay napilit niya pa rin itong umuwi na. Pagkaalis nito
WALANG HUMOR NA tumawa si Haidy na nilingon muli ang kanyang amo. Humihingi ito ng pahintulot kung pwede niya bang sagutin ang tanong ng ina ng kanyang amo. Ngunit sa hilatsa ng mukha nito, halatang mariin na ang pagtutol nito. “Mommy, wala nga! Huwag ka ng makulit.” “Hindi eh, parang meron.” halukipkip na ni Briel na sobrang naaaliw na sa reaction ng anak, para kasing ang Kuya Gav niya ito kapag inaasar niya, sobrang napipikon. Nilingon niya ulit si Haidy na hindi maintindihan kung bakit hindi ng amo maamin sa ina ang tungkol sa designer na si Franceska Natividad. Mukha namang mabait ang ina ng amo. “Malaki ka na, hindi ka na dapat nahihiya. Kapag mayroon, pwede mo sa akin sabihin nang palihim, ililihim natin sa Daddy mo.” “Sabi ngang wala, Mommy. Nangungulit ka na naman!” nabubugnot ng sagot niya sa ina, natawa si Haidy kung kaya siya naman ang pinagbalingan ng inis ni Brian na mayroong pagbabanta. “Humarap ka na nga sa unahan, Haidy!” Sinunod naman iyon ng kanyang secretary. Sa