LOGINNASA OPISINA SI Denver nang muling magbigay ng notification ang bangko tungkol sa joint account nila ni Janice. Nagulat siyang malaman na nag-withdraw na naman ito ng four million pesos. Kahapon lang ay kumuha na ito ng ten million pesos. Ano bang pinagagamitan nito ng pera samantalang ibinibigay naman niya ang lahat nitong mga pangangailangan?
Sabagay, baka nahihiya lang itong magsabi sa kanya. Anyway, asawa na niya ito at gaya ng sinabi niya rito, lahat ng sa kanya ay pag-aari na rin nito. Isa pa, hindi matutumbasan ng kahit na anong salapi ang kaligayahang nararamdaman niya dahil sa kanyang asawa.
Kaya nga ganado siya palaging umuwi ng bahay.
“Sir, eto na po iyong set ng alahas na in-order nyo,” anang kanyang sekretarya, ipinatong nito sa mesa niya ang isang box na naglalaman ng isang set ng mga alahas. Worth 50 million pesos ang halaga niyon. Gusto kasi niyang sorpresahin si Janice. Ipinasadya niya iyon sa isang jewelry shop na pag-aari ng pinsan niya. Tadtad iyon ng mamahaling diamante at 24k gold.
“Sa palagay mo, magugustuhan ito ni Janice, Miss Albufera?” Tanong niya sa kanyang sekretarya.
“Sir, kahit sinong babae, luluwa ang mga mata sa ganda ng set na yan. . .” sagot ng dalaga sa kanya.
Napangisi siya. Ngayon pa lang ay nasasabik na siyang ibigay iyon sa kanyang asawa. Kaso’y marami pa siyang meeting na kailangang tapusin. Hah, ni hindi niya inaasahang mahibang ng ganito katindi sa isang babae. Maski siya ay hindi makapaniwala. Kung nuon ay wala sa bukabularyo niya ang ganito, ngayon ay naniniwala na siya sa mga kaibigan niyang sobra kung magmahal. Talaga nga palang darating ka sa point na may makikilala kang isang babae na ‘the one’ para saiyo at kapag dumating ang pagkakataong iyon, ito na ang magiging buhay mo.
Naalala niya ang first love niyang si Rosemarie. Inibig rin niya ito ng matindi pero sinaktan lamang siya nito. Pagkatapos nuon, never na siyang naging seryoso sa isang babae. Hanggang sa muli siyang makadama ng matinding pag-ibig. At nakakagulat na nahigitan pa niyon ang damdamin niya para kay Rosemarie.
Masaya siyang dumating sa buhay niya si Janice.
Mushy as it may sound ngunit ganito ang nararamdaman niya para kay Janice. Parang dito na lamang umiinog ang buhay niya ngayon.
LUMUWA ang mga mata ni Minerva nang iabot ang four million pesos mula kay Janice. Napangisi siya. Actually, two million pesos lang naman ang hinihingi niya rito kaya nagulat siya nang doble ang iabot nito sa kanya.
Madali lang naman pala niyang matatakot ang isang ito. “Salamat anak,” tuwang-tuwang sabi niya rito, “Hulog ka talaga sakin ng langit!”
“Mommy, hindi pwedeng palaging ganito kung hindi’y magtataka na si Denver. Kahit ubod ng yaman ang lalaking iyon, maingat iyon pagdating sa pera. Kaya please Ma, dahan-dahan lang sa paggasta, okay?” Pakiusap ni Janice sa ina. Gusto niya itong makitang masaya pero talagang nalululong na ito sa sugal. Kasalanan rin naman niya dahil nuong nakikita niya itong nahihirapan sa nangyari sa Papa niya, nilibang niya ito at dinala sa casino. Hindi naman kasi niya alam na magiging sugarol ang Mama niya. Ang gusto lang naman niya nuon, pansamantala itong makalimot. “Kapag inubos mo yan sa pagsusugal, talagang ipaparehab na kita, Ma.” Babala pa niya rito.
Inirapan lang siya ng Mama niya saka tumayo na. Hinimas niya ang lumalaki niyang tiyan. Sandali na lang at magpapalit na sila ng pwesto ni Jasmine. Nahihirapan na siya sa ganitong kalagayan. Kahit may nurse ang Papa niya, very stressful para sa kanyang araw-araw itong makitang nahihirapan. Kating-kati na ang mga paa niyang maglakwatsa at gumimik.
Hindi siya tulad ng kanyang kambal na magpapakamartir sa pag-aalaga sa ama. Masakit sa dibdib niya iyon. At least kapag nag-eenjoy siya, nakakalimutan niya pansamantala ang katotohanang sinapit ng ama niya.
“ANG GANDA. . .” namimilog ang mga mat ani Jasmine nang iabot sa kanya ni Denver ang isang set ng mga alahas. Halos araw-araw na lamang ay may regalo siyang natatanggap mula rito. At hindi lang iyon basta regalo, mga milyones ang halaga kagaya na lamang ng ipagshopping siya nito ng mga branded bags, shoes at clothes kahapon. Nalula nga siya sa presyo nang makita ang halagang binayaran ng asawa. “P-pero hindi mo naman ako kailangang bilhan ng mga ganito. Actually, wala akong maisip na paggagamitan ng. . .”
“Maniwala ka, marami kang paggagamitan ng mga ito. . .in fact next week invited tayo sa wedding ng kaibigan ko.”
Hindi siya umimik. Para sa kanya, sapat nang kasama niya ito. Hindi niya kailangan ng mga material na bagay para lang maging masaya. Bigla na naman siyang nakaramdam ng takot. Alam niyang pansamantala lamang ang mga sandaling ito. Iniisip pa lamang niyang maghihiwalay sila nito ay para nang tinatadtad ng pinong-pino ang puso niya.
Hindi niya akalaing mahuhulog ang kalooban niya kay Denver. Hindi niya napigilan ang damdamin. Hindi naman kasi mahirap ibigin ang lalaking ito dahil taglay lahat ni Denver ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki.
Ngunit hiram lamang ang mga sandaling ito.
Si Janice ang totoong mahal nito.
“Sweetheart, may problema ba?” Nag-aalalang tanong nito nang mapansin ang malayong tinatakbo ng utak niya.
Umiling siya.
“By the way, kung kailangan mo ng pera, don’t hesitate to tell me. . .walang problema sakin kung anong binibili mo. . .sabi ko nga, pwede mong ubusin ang laman ng joint account natin. And don’t get me wrong, sweety pero ano nga palang pinaggamitan mo ng pera?” Tanong nito sa kanya.
Napakunot nuo siya, “Anong pera?”
Dinukot nito ang phone at ipinakita ang mga withdrawals niya. Kinilabutan siya nang makitang sa loob lamang ng isang Linggo ay nakapag-withdraw siya sa bangko ng twenty five million pesos. Ni singkong duling ay wala siyang kinukuha sa joint account nila ni Denver.
Nagpanting ang mga tenga niya. Sobra naman na yata ang ginagawang ito ni Janice kay Denver.
"M-MOMMY," Hindi makapaniwala si Margaret nang dalawin siya ng kanyang Mommy. Hindi niya magawang salubungin ang tingin nito."Kumusta ka na?" Halos paanas lamang na tanong nito sa kanya."O-okay lang naman po," sagot niya, hinagod niya ng kanyang mga kamay ang buhok. Hindi pa siya nakakapag-ayos dahil kakatapos lang niyang ihanda ang hapunan ni Timothy. Nakatingin ng matiim ang Mommy niya at bawat kilos niya at minamanmanan na para bang gusto talaga nitong matiyak kung okay nga siya."Kumusta ang trato saiyo ni Timothy?" Pinilit niyang ngumiti, "S-sa awa ng Diyos, natutunan na niya akong mahalin," pagsisinungaling niya.Kumunot ang nuo ng Mommy niya. Parang gustong nitong sabihin na; Talaga ba? Ngunit mas pinili na lamang nito iyong hindi isatinig. "K-kayo po, kumusta na?" Tanong niya dito, "Pasensya na po kung hindi ako nakakapasyal sa bahay. Medyo naging busy lang po sa. . .sa buhay may asawa."Hindi ito nagsasalita. Pumasok ito sa loob ng bahay at iginala ang mga mata sa
DUMILIM ang mukha ni Marlene nang makita ang mga larawang ipinost ng kanyang mga pinsan, kasama ng mga ito si Margaret ngunit siya ay ni hindi man lamang niyayang sumama? Nagdadabog na ibinato niya ang kanyang phone. Actually, kahapon pa mainit ang ulo niya dahil hindi sinasagot ni David ang tawag niya. Pasekreto na nga silang magkita at madalang na madalang pa pagkatapos ay ginaganito pa siya ng lalaking iyon?Namimiss na niya si David.Kahapon pa siya hindi mapakali lalo pa at alam niyang lapitin ng babae si David at ito namang si David, lahat yata ng babaeng lumalapit dito ay pinagbibigyan nito. Ni hindi marunong tumanggi. Naalala niya si Melinda Chu, isang socialite from Singapore na halos ayaw tantanan si David at halata niyang nakikipagflirt dito. Sa inis niya ay sinundan niya si Melinda nang magpunta ito sa banyo at ipinad-lock niya ito doon. Handa siyang pumatay para kay David kaya subukan lang ng mga babaeng agawin si David sa kanya, talagang makakatikim ang mga ito sa
TAHIMIK ANG BAHAY nang dumating si Timothy. Wala si Margaret na palagi na ay sumasalubong kaagad sa kanya kapag naririnig nito ang pagdating ng kanyang sasakyan. Kahit nagtataka ay hindi na siya nag-usisa pa. Ngunit napakunot ang kanyang noo nang silipin ito sa kanilang kuwarto at makitang wala ito doon. Nilayasan na ba siya nito? Mabuti naman kung ganon nga ang ginawa nito! Sa loob-loob niya, dumiretso siya sa banyo at naligo.Pagkatapos makapaligo ay nagtungo siya sa library. Iinom sana siya ngunit hindi siya mapakali. Napatingin siya sa wall clock. Mag-aalas dose na ng gabi. Never itong umaalis ng bahay nang hindi man lamang nagpapaalam sa kanya kahit na hindi naman niya ito pinapansin at pinagbabawalang umalis. At never rin itong ginagabi ng ganito.Pero binalewala na lamang niya ang pag-aalalang nararamdaman. Hanggang mag-ala una na at hindi na siya nakatiis pa. Bwisit siya, bakit ba kailangan niyang mag-alala sa babaeng iyon? Pero buntis ito at siya ang ama ng dina
"YAYA FLORA, SASAMA LANG PO AKO SA MGA PINSAN KO, hindi ko alam what time ako uuwi. Baka po maagang dumating si Timothy, pakisabi na lang po," paalam niya sa kanyang Yaya Flora nang sunduin siya ni Sebastian para lumabas silang magpipinsan."Mabuti naman at hindi ganyang palagi ka na lang nagkukulong dito sa bahay," sabi nito sa kanya. May pait sa mga labing nginitian lang niya ito. Hindi na niya kinontra pa ang sinabi nito dahil alam niyang gusto lang naman nitong makita siyang masaya. Nasa salas si Sebastian at naghihintay sa kanya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa."Hindi naman halatang buntis ka," sabi nito with approval habang minamasdan siya. Talagang sinadya niyang magpaganda para naman walang makahalata sa mga pinagdaraanan niya. Alam kasi niyang magkikita-kita silang magpipinsan at ayaw niyang mapagtsismisan pa siya at magmukhang kaawa-awa."Thank you."Doon sila nagtungo sa isang five star hotel kung saan naghihintay ang iba pa nilang mga pinsan. Tuwang-tuwa
"SEBASTIAN," kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdam nang bisitahin siya ng kanyang pinsan dito sa bahay. Kakarating lamang nito galing France at masaya nitong ikweninto sa kanya na nagpropose na ito kay Katalina at next year ay plano ng mga itong magpakasal. Sa lahat ng pinsan niya, kay Sebastian siya pinaka-close. Siguro ay dahil ito ang pinakamatanda sa kanilang magpipinsan at parang isang tunay na kapatid ang turing nito sa kanya palibhasa ay wala itong kapatid na babae. "Mabuti naman ang pinasyalan mo ko dito.""Ikaw lang ang wala sa dinner ko, maski ang kakambal mong si Marlene present dun. Baka kako talagang ayaw mo na kong makita," kunwari ay nagtatampong sabi nito sa kanya."Masyado lang akong busy sa buhay may-asawa," pagdadahilan niya dito.Pero mukhang hindi niya ito na-convince, "I heard what happened. Kahit naman noong nasa France ako, hindi nakakaligtas sakin ang mga bali-balita," sabi nito sa kanya. "Are you happy?""Ano ba namang klaseng tanong iyan, Seba
"KAHIT KAILAN, HINDI KA NAWALA SA ISIPAN KO," Parang nawawala na sa sarili si Timothy habang nakikiusap kay Marlene, hinawakan niya ito sa magkabilang balikat, "God knows, ikaw talaga ang mahal ko, Marlene. Sa maniwala ka at sa hindi, hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng konsensya ko kung paano kita nagawang saktan.""Sinaktan mo na ako at hindi na maibabalik pa iyong nasira nating relasyon. Kasal na kayo ni Margaret kaya please lang, magfocus ka na lang sa kanya lalo na ngayong magkakaanak na kayo," pakiusap nito sa kanya ngunit kitang kita niya sa mga mata nito ang dinaramdam na paghihirap ng kalooban na mas lalo lamang nakakapagpabigat sa guilt na nararamdaman niya. Ang dami nilang binuong pangarap ni Marlene ngunit sinira lamang niya ito at nagpagamit siya kay Margaret para pasakitan ang babaeng ito na wala namang ginagawang masama.Niyakap niya ito nang mahigpit, "I'm sorry, Marlene. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa pananakit ko ng damdamin mo."Itinulak siya nit
ISANG TAON ang matuling lumipas. Nakatanggap siya ng imbitasyon mula kina Alexa at Cali para sa nalalapit na kasal ng mga ito. Excited siyang makita ang dalawa na sa pinagkahaba-haba man ng prusisyon ay sa simbahan rin ang tuloy. Bigla niyang naisip si Lander. Kamakailan lang ay nabalitaan niya
HINDI KUMIBO SI SYLVIA nang makarating sa kanya ang balitang nagtungo sa France si Lander para pamahalaan ang negosyo ng pamilya duon. Nagmaang-maangan siyang hindi apektado ng paglayo nito ngunit ang totoo ay sumisikip ang dibdib niya. Mahal pa rin naman niya si Lander kahit paunti-unti na siyang
“TIKMAN MO ITO PARE,” NAKANGISING sabi ng isa sa mga kaibigan ni Lander. Iniabot nito sa kanya ang isang maliit na box na naglalaban ng tatlong piraso ng kulay dilaw na tableta. Nasa isang bar sila na pag-aari ng isa sa mga kabarkada nila. Mag-uumaga na ngunit ayaw pa rin nilang tumigil sa kasiyah
“SANA nga ganyan lang kadali ang problema ko,” halos paanas lamang na sabi ni Debbie saka huminga ng malalim.Nagkatinginan sina Sophie at Alexa saka sabay na tumingin ng matiim sa kanya. “What is it then?” Nag-aalalang tanong ni Alexa.“I think. . .I think I’m gay. . .” nakatungong sabi nito.“What?”







