SINAMANTALA NI JASMINE na nasa trabaho si Denver para makipagkita kay Danica. Pinuntahan na rin nila si Janice para sabay nilang maipaliwanag nang maayos ang sitwasyon.
“So pumayag ka sa kagagahang yan ng kambal mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Danica sa kanya sabay baling kay Janice, “Balewala lang saiyong mapahamak si Jasmine?”
“Kung di mo ititikom yang bibig mo, talagang mapapahamak sya! Saka sino ka ba para makialam sa mga buhay namin, ha? Ikaw ba ang nagpapalamon samin? Kaya mo bang sagutin ang pagpapagamot kay Papa?” Sumbat ni Janice dito.
“Ate. . .” awat niya sa kapatid saka muling binalingan si Danica, “Please Danica, gawin mo ito alang-alang kay Papa. . .at sa magiging pamangkin ko, okay?”
Napahinga ng malalim si Danica saka napailing. Maya-maya ay hinila siya nito sa isang sulok, “Hindi ako makapaniwalang parang laro lang saiyo ang buhay mo. Hindi mo ba naiisip ang mga consequences ng ginagawa mo, ha? Asan na iyong pinky promise natin sa isa’t-isa na ibibigay lang natin iyong mga sarili natin sa taong mahal natin, ha Jasmine?”
Hindi siya makapagsalita. Ni hindi niya masabing nahulog nang tuluyan ang damdamin niya kay Denver.
“Gosh bestfriend, naiisip mo ba ang naiisip ko?” muling tanong nito sa kanya. “What if mainlab ka sa Denver na iyon? Palagay mo, papayag ang very selfish mong kapatid na pangatawanan mo na lang yang pagpapanggap mo? For sure babawiin rin nya saiyo si Denver lalo pa at ubod pala ng yaman ang lalaking iyon. Ginogoogle ko na ang pamilya Craig. My God, Jasmine, hindi natin kayang bilangin kahit hanggang next year ang yaman nila. . .”
Hindi siya kumibo.
“Ano sa palagay mo ang gagawin ng pamilya nya sa inyo kapag nagkabistuhan? Jasmine, gusto ko lang ipaalala saiyo na sa mga bilyonaryong kagaya ng pamilya ng lalaking iyon, normal lang ang pumatay kapag naagrabyado sila. . .” Nag-aalala pang sabi nito sa kanya.
Tahimik lang siya habang nakikinig dito. Maya-maya ay huminga siya ng malalim. “Danica. . .” Bago pa niya maituloy ang sasabihin ay dumating na ang kanyang Mama.
MAINIT ANG ULO NI GINANG MINERVA lalo na nang makita ang kaibigan ni Jasmine na si Danica, “Oh, ano na namang ginagawa mo rito?” Nakasimangot na tanong nito, nagsindi ito ng isang stick ng sigarilyo, “Hindi ba sabi ko wag kang magpapakita sakin dahil naalibadbaran ako sa pagmumukha mo?”
“Ma. . .” Saway ni Jasmine sa kanya.
“Nagpapakatotoo lang ako no!” pairap na sabi niya kay Jasmine saka naupo sa tabi nito, “Uy, nasabi mo na ba kay Denver iyong perang hinihingi ko?”
“Ma, huwag nyo naman syang abusuhin. Lahat na lang bas a kanya natin iaasa pati yang bisyo nyo?” sagot ni Jasmine sa kanya.
Nag-init bigla ang mga tenga niya. Mabilis niyang nasampiga ang anak. Nang akmang aawatin siya ni Danica ay mabilis niya itong naitulak. Kung hindi pa napatakbo sa kinaroroonan nila si Janice ay baka naingudngod na niya si Jasmine sa sahig.
“Ma, ano na naman ba ito?” Sita ni Janice sa kanya.
“Yang magaling mong kapatid, kung makaasta akala mo sya ang tunay na asawa ni Denver. Akalain mong pagsabihan akong inaabuso ko raw ang kabaitan ng peke niyang asawa!” Reklamo niya dito. “Humihingi lang ako ng two million pesos pandagdag sana sa puhunan ko. . .”
Maging si Janice ay nagulat sa sinabi niya, “Two million pesos? Ang laki naman yata nun Ma, saka hindi ba kahihingi mo lang ng pera sa kanya nuong isang araw? Don’t tell me ipinatalo mong lahat yun sa sugal?” Sumbat ng paborito niyang anak sa kanya.
“Pati ba naman ikaw, ha Janice? Akala ko ba magkakampi tayo?” Aniyang bahagyang humikbi.
“Oo naman ma pero tama naman si Jasmine. Hindi naman natin pwedeng abusuhin ng sobra-sobra ang kabutihan ni Denver,” paliwanag ni Janice sa kanya, “Mamaya makahalata iyon, san tayo pupulutin?” anitong tumabi sa kanya at nilambing siya, “Ma, medyo hinay-hinay lang sa paggasta, okay?”
Kahit na paano ay lumambot ang puso niya. Madilim ang mukhang nilingon niya si Jasmine, “Pasalamat ka at mabait itong kapatid mo kung di’y tapos kayong magkaibigan sa akin!” Babala niya saka nagdadabog nang pumasok sa loob ng kuwarto. Mas lalong nag-init ang ulo niya nang makita ang natutulog na asawa.
‘Walang silbi’ pabulong na sabi niya rito saka dumiretso na sa banyo para mag-shower.
Nang pakasalan niya si Arnulfo, inaakala niyang habang buhay na siyang nakatuntong sa ginto. Ngunit pagkatapos ng sixteen years nilang pagsasama, inatake ito sa puso. Dahilan kung bakit nagkandalugi-lugi ang mga negosyong itinayo nito. Kaya heto, binubuhos na lamang niya ang lahat ng sama ng loob niya sa pagsusugal. Hindi siya martir para magtiyagang mag-alaga sa isang baldado.
At least kapag nasa casino siya ay nakakalimutan niya ang kanyang mga problema.
“HINDI AKO makapaniwalang may magulang na kagaya ng Mama mo!” bulong ni Danica kay Jasmine, “Bakit ka pumapayag na tratuhin ng ganun ng sarili mong ina?”
“May laban ba ako? Hindi ko naman sya pwedeng bastusin dahil kahit paano, sya pa rin ang nanay ko!” Katwiran niya sa kaibigan. Oo at may mga sandaling parang gusto na niyang sumigaw rito ngunit mas nanaig pa rin ang malaking respeto at pagmamahal niya sa ina. Isa pa, baka tuluyan na nitong layasan ang Papa niya kapag lumaban siya rito. Alam niya kung gaano kamahal ng Papa niya ang Mama niya.
Pasalamat nga siya kay Denver dahil ikinuha nito ng nurse ang Papa niya. Alam niyang hindi magtitiyaga ang Ate Janice niya at ang Mama niya sa pag-aalaga rito.
And speaking of Denver, ilang sandali na lamang at pauwi na ito ng bahay kaya nagmamadali na siyang nagpaalam. Ewan ba niya kung bakit nasasabik siya sa tuwing papauwi na ito ng bahay. Na para bang ilang oras pa lamag niya itong hindi nakikita ay miss na miss na niya ito kaagad.
Inihatid na lamang niya si Danica sa tinutuluyan nito.
Hindi nga ito makapaniwalang marunong na siyang mag-drive.
“Sabagay, hindi naman kita masisisi. . .sarap kaya ng buhay mo ngayon,” makahulugang sabi nito sa kanya, “Ang sa akin lang, baka me karma yang panlolokong ginagawa nyo kaya ingat ka. At lagi mong tatandaan na mahal kita, okay?” Paalala ni Danica sa kanya bago tuluyan na itong bumaba sa sasakyan.
Tumango na lamang siya saka pinaandar na muli ang kotse. Ngunit tila nanunuot sa kanyang dibdib ang mga sinabing iyon ni Danica. May karma ang panlolokong ginagawa niya. . .
HABANG PAPAUWI ay palaisipan kay Denver ang itinawag sa kanya ng bangko. Nag-withdraw ng 10 million pesos si Janice mula sa kanilang joint account. Although hindi naman malaking bagay ang halagang iyon para sa kanya, pinagtatakhan pa rin niya kung ano ang paggagamitan nito ng pera since lahat naman ng mga pangangailangan ng buong pamilya nito ay ibinibigay niya, sobra-sobra pa nga. May allowance rin itong natatanggap mula sa kanya at hanggang ngayon ay hindi naman niya pinuputol iyon bukod pa sa cash na binibigay niya para sa lahat ng gastusin sa bahay. Kaya nang makauwi sa bahay ay inaasahan niyang sabihin ni Janice ang tungkol duon pero ni wala itong nabanggit sa kanya tungkol sa pera.
“May paggagastusan ka bang malaking halaga?” Usisa niya rito pagkatapos nilang kumain.
Umiling ito. “Wala naman.”
Tiningnan niya ito ng matiim, “Are you sure?”
“Oo. Bakit?”
Nagkibit balikat siya, “Wala naman,” aniya saka inakbayan ito. Anyway, maliit na bagay lang naman iyon. Kung tutuusin, kahit magkano ang hingin sa kanya ng asawa ay ibibigay niya, makita lang itong masaya. Kaya kinalimutan na lamang niya ang tungkol sa perang iyon.
“MABUTI na yung nakakasigurado,” sabi ni Janice sa sarili habang pinag-iisipan kung saan itatago ang ten million pesos na kinuha niya sa joint account nila ni Denver. Binuksan iyon ng binata bago ito magtungong Amerika. First time lamang niya iyong ginalaw since malaki naman ang allowance niyang natatanggap mula rito.
Ngunit kagabi ay nakapag-isip-isip siya. Walang kasiguraduhan kung habang buhay nilang maitatago ang katotohanang ito. Kapag nagkataon ay tapos ang maliligayang araw niya kung kaya’t kinakailangan niyang maging wise pagdating sa pera. Hindi na siya sanay maging mahirap. Ayaw na niyang bumalik sa wala.
“Letse!” Nagdadabog na sabi ng Mama niya nang lumabas ito ng kuwarto, “Hindi mo ba magagawan ng ihingi ako ng pera kay Denver?” Tanong nito sa kanya, “Bored na bored na ko dito sa bahay!”
Tiningnan niya ng masama ang ina, “Wala ba kayong balak tigilan ang bisyo nyo, ha Ma?” naiirita nang sabi niya rito. Kahapon pa siya nito kinukulit at hinihingian ng pera ngunit nagmatigas siya.
Masyado ng nalululong sa sugal ang ina at kung hindi niya ito pipigilan, baka maubos nitong lahat ng mayroon sila ngayon.
“P*****a naman, Janice. Pati ba naman ikaw kaaway ko na rin ngayon?”
“Ma naman. . .”
“Alalahanin mong ideya ko kaya nagpalit kayo ng posisyon ni Jasmine. What if sabihin ko kaya kay Denver ang tungkol sa lihim mo?”
Gulat na napatingin siya sa ina. Hindi siya makapaniwalang masasabi ito sa kanya ng ina.
“Magagawa ninyo akong traydurin, ha Ma?”
“Kung kinakailangan, bakit hindi?” Nakangising sabi nito sa kanya.
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan