Compartilhar

2

Autor: Hadara
last update Última atualização: 2025-09-19 16:17:18

“Pinakasalan ka niya para mabuhay ka at magbayad sa mga kasalanan mo. Walang nakakaalam na kambal kayo ni Karen. He doesn’t believe it, but he has to.” Malamig ang tinig ng ama ni Kyline, puno ng kumpiyansa.

Pagkatapos ng kanyang salita, biglang narinig ang malalakas at sabay-sabay na yabag sa labas. Nang bumukas ang pinto, pumasok si Shawn, malamlam ang mukha, hawak-hawak ang isang babae na nakasuot ng puting balabal, si Rhena.

Nang makita si Kyline, agad nanginig si Rhena at kumapit nang mahigpit sa braso ni Shawn. “Shawn, I’m afraid…” mahina niyang sabi.

Bahagyang hinaplos ni Shawn ang kamay nito para pakalmahin bago ibinaling ang malamig na tingin kay Kyline. “Karen, you dare talk about divorce? Sigurado ka ba na kaya mong akuin pati ng Gonzaga ang magiging resulta ng ginawa mong ito?”

Tinitigan niya ang lalaking nasa harap niya, mayabang at tila handang ipagtanggol ang ibang babae kaysa sa asawa.

Nangitim ang mukha ng ama ni Kyline at mabilis na yumuko sa paghingi ng tawad. “Shawn, huwag mong intindihin si Karen. Hindi niya talaga iniisip ang sinasabi niya, nagagalit lang siya kaya nakapagsalita ng gano’n.”

Yumakap si Rhena sa braso ni Shawn, nanginginig at kunwari’y takot. “I always treated Karen like my real sister. I just don’t understand… bakit galit na galit siya sa akin? Although… kahit na siya mismo ang nagplano na ipanakidnap ako, at halos ipinahamak ako… still, I don’t hate her.” Mahinang hinila niya ang manggas ng lalaki, tila nagmamakaawa. “Shawn, please, huwag mo na siyang ipahiya sa harap ng iba.”

Ang bawat salitang binitiwan ni Rhena ay parang pagtatanggol kay “Karen,” pero sa katunayan, isa-isa niyang tinutusok ang puso ng kabilang panig at pinalalabas ang sarili bilang inosente at mabait.

Mapanuyang tumingin si Kyline sa babaeng umiiyak-iyak sa harap niya. “Alam mong mag-asawa kami ni Shawn, tapos ikaw pa ang pumapagitna sa amin. At ngayon, gagawa ka pa ng imahe na malinis at tapat ka? Hypocrite.”

Hindi niya kayang hindi makita ang tusong galawan ni Rhena.

“I didn’t… Shawn and I are really not the kind of relationship you think,” iyak na sabi ni Rhena, namumula ang mga mata at kunwari’y labis na nasasaktan.

Mas lalong ngumiti ng malamig si Kyline. “Since you say so, sinabi mong para mo na akong kapatid…sa tawagin mong kuya si Shawn.”

Napalingon si Shawn kay Kyline na walang takot na humaharap, saka tumingin kay Rhena na umiiyak na parang laging api. Mabigat ang tinig niya. “Karen, apologize!”

Matigas ang loob ni Kyline. “I never apologize for something I didn’t do.” Siya si Kyline, hindi si Karen.

Nagngalit ang ama niya at mariing tumingin sa kanya. “Karen, kneel down and apologize to Miss Rhena!”

Napakunot ang noo ni Kyline. “Ako ang asawa, siya ang mistress. Bakit ako luluhod at hihingi ng tawad sa kanya?”

Isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang pisngi. “Karen, uulitin ko. Lumuhod ka at humingi ng tawad kay Miss Rhena!”

Huminga nang malalim si Kyline, at lalo pang tumibay ang paninindigan. “I will never kneel down and apologize to a mistress!”

Nanlamig ang mukha ng kanyang ama. Mula sa gilid ay kinuha niya ang isang pamalong kawayan, ngunit ang mga mata niya ay palihim na nakabantay kay Shawn, para makita ang magiging reaksyon. “Ang sinasabi ko ay utos. Ito ang family rules natin. Kung susuwayin mo ako, nilalabanan mo ang mga patakaran ng pamilya!” Umalingawngaw ang kanyang tinig. “Huling tanong ko sa’yo, luluhod ka ba o hindi?”

Naging walang emosyon ang mukha ni Kyline. Lahat ng ito ay hindi naman dapat kanya, ngunit ngayon siya ang pinipilit na magpakaalipin at lumuhod sa isang kabit. ‘Ito ba talaga ang buhay ni Karen?’

“Never!”

Bumagsak ang pamalong kawayan, malakas at sunod-sunod na humampas sa kanyang binti. Puno ng latay at sugat ang kanyang mga hita, naghalo ang dugo at laman, at nagmistulang nakakapangilabot tingnan.

Namumutla na ang mukha ni Kyline, butil-butil ang pawis na dumadaloy sa kanyang noo. Nanlambot na ang kanyang mga binti, hanggang sa tuluyan siyang bumagsak at napaluhod sa isang tuhod.

Mula sa itaas, tinitigan siya ni Shawn, ang dugong binti, ang matigas na paninindigan na hindi bumibigay. Ngunit sa halip na dagdagan pa, tumalikod siya nang malamig at walang pakialam, iniwan ang babaeng duguan at nakaluhod sa sahig.

Nang makalabas si Shawn, agad na nawala ang kunwari’y maamong anyo ni Rhena. Lumapit siya kay Kyline, halos nakadikit sa tainga nito. Ang kanyang mga labi ay bahagyang nakataas, puno ng pang-aasar.

“Karen, give up. No matter what you do, you can’t change Shawn’s heart. He loves me. Deep inside, you know he will never love you.”

Nagmukha pa ring inosente ang mga bilog na mata ni Rhena, ngunit sa loob noon ay nagliliyab ang matinding kasamaa, gaya ng lason ng ahas at alakdan.

“Hm, Karen, why don’t I tell you another secret? Matagal ko nang alam na gusto mong ipakita na plano kitang ipahamak at ipa-kidnap, pero hindi ko iyon itinanggi. Alam mo kung bakit? Because I want to use this matter para tuluyang makita ni Shawn ang tunay mong mukha!” mapanuksong sabi ni Rhena.

Humarap si Kyline, hinila niya ang kwintas sa leeg ni Rhena at pinagdikit sila ng mukha. “Pero hindi ba nagkamali ka rin?”

“What?” nagulat si Rhena, hindi agad nakasagot.

Umisi si Kyline at nagpatuloy. “You risked your life para palabasin na ako ang umapi sa’yo. Do you really think it’s that simple? Hindi lang iyon tungkol sa pagpapakita ng ‘true face’ ko kay Shawn. Ang gusto mo, makita niyang magalit siya at tuluyang patayin ako, para tuluyan mong makuha ang posisyon ko bilang asawa niya. Tama ba ako?”

Hinawakan niya nang mahigpit ang baba ni Rhena, puno ng panunuya ang tinig. “Too bad, you failed. Nakita mo naman, kahit muntik na kitang mapatay, hindi siya nakipag-divorce sa akin. Ni hindi niya ako kayang patayin. So tell me, Rhena, in Shawn’s heart… who is more important? Me, or you?”

Namula sa galit ang mukha ni Rhena. Gusto niyang sumagot, ngunit wala siyang masabi. Pakiramdam niya, bigla ngang nag-iba ang ugali ni Karen, hindi na ito ang dating madaling mauto.

Pinilit ni Rhena na bumawi. “Don’t comfort yourself. Hindi ka pinakasalan ni Shawn dahil mahal ka niya. He married you because he wanted you to live and atone for your sins!”

Matapos sabihin iyon, tumalikod si Rhena at naglakad palayo sa mga yabag ng kanyang high heels.

Naiwan si Kyline na nakatingin, ngunit hindi na siya sumagot. Nang bumaling siya, sinalubong siya ng malamig na titig ng kanyang ama. “Kyline, huwag mong subukang galitin si Shawn at si Rhena. Kahit masaktan ka, kahit mali ang trato nila, kahit bugbugin ka pa, you will bear it! Naiintindihan mo?” mariing pagbabanta nito.

***

Pagbalik niya sa mansyon ng mga Constantino, umupo si Kyline sa sofa at napakunot ang noo, iniisip ang mga sinabi ng ama. Akala niya dati, masarap at marangya ang buhay ng isang anak ng Gonzaga, pero hindi pala.

Sandaling lumapit ang isang katulong. “Madam, oras na po.”

“Oras? Para saan?” nagtatakang tanong ni Kyline.

“Para ihanda ang bath water ng amo at ang kanyang hapunan,” mahinang sagot ng katulong.

Napataas ang kilay ni Kyline. “What? Ako ang maghahanda ng bathwater ng baliw na ‘yon? Then after that, magdi-dinner sila ng mistress niya as if nothing happened? Am I crazy? I am Mrs. Constantino, bakit ako ang gumagawa ng ganitong chores?”

Yumuko ang katulong. “Madam, noon pa po ito. You voluntarily did it for your husband.”

Napabuntong-hininga si Kyline, hawak ang sentido. “Karen, sobrang baba ng tingin mo sa sarili. What are you trying to do?” bulong niya sa sarili. Kahit hindi maganda ang relasyon nila ng kapatid, nakaramdam siya ng kaunting awa nang maisip kung paano ito inaapi.

“From now on, I don’t want to do that anymore. Ikaw na ang maghanap ng tao na maghahanda ng bath water at hapunan,” utos niya sa katulong.

Tumango ito, ngunit tahimik na napaisip. “Nag-iba na talaga ang Madam matapos siyang mawala ng tatlong araw. Parang maliwanag na ang isip niya.”

Mayamaya, dumating si Rhena suot ang puting bathrobe. Lumingon ito kay Kyline at ngumiti ng may panunukso. “Karen, is the bath water ready? Today, I want to take a rose bath.”

Sasagot na sana ang katulong, pero pinutol ni Kyline, nakangiting puno ng sarkasmo. “Rhea, ako mismo ang maghahanda ng bath water mo.”

Kinuyom niya ang galit at nilunok ang salitang “dog couple” na muntik na niyang mabanggit. “Don’t worry, I’ll prepare it for you.”

Alam niyang hindi niya gustong gawin iyon, pero nang makita niyang naka-bathrobe si Rhena, lantaran pang nangingibabaw, hindi niya napigilang kumulo ang dugo. At dahil doon, napagpasyahan niyang bigyan ng kaunting “surprise” ang dalawang traydor na magkasabwat.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   4

    Habang nakatingin si Shawn sa babae, hindi niya maiwasang maalala ang nakaraan, si Karen na nakaluhod sa harap niya, mahigpit na humahawak sa laylayan ng kanyang pantalon, umiiyak nang buong kababaan."Shawn, please, love me. Kahit konti lang…"Nang bumalik siya sa wisyo, nakita niya ang malamig na mukha ni Kyline. Ang tinig ng lalaki ay seryoso at matatag na parang hindi na niya kayang baguhin."Even if you do it, I can’t love you." Mahina niyang banggit.Kalmado ang mga mata ni Kyline, puno ng hiwaga na parang walang hanggan ang lalim. "I don’t want your love, Shawn," saad niya.Sa paningin ni Shawn, ang ngiti ng babae ay may masamang intensyon. Bahagyang kumunot ang kanyang noo, naaalala ang huling gabing may nangyari sa kanila."Shawn, I want you to grant me a wish. At kapag sinabi ko na, hindi mo puwedeng tanggihan ang kondisyon ko," walang emosyong sabi ni Kyline.Kumunot ang noo ni Shawn pero hindi siya nagsalita, inantay niya lang kung ano pa ang sasabihin ni Kyle.Alam ni Kyl

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   3

    “I will look forward to it,” nakangiting wika ni Rhena bago umalis.Ngumiti rin si Kyline, ngunit mas lalo pang naging misteryoso ang kurba ng kanyang labi. “We’ll see if you can still laugh later.”“Madam,” nag-aalangan ang katulong, “kung gusto niyo po, ako na lang ang maghahanda.”Umiling si Kyline at ngumisi. “No. Ako mismo ang maghahanda ng rose bath para sa ‘dear’ husband ko… at para sa mistress niya.” May halong pang-uuyam ang kanyang tinig habang inaayos ang mga kamay na para bang sabik sa gagawin.Naguguluhan ang katulong. Dati, tuwing gagawin ito ni Karen, halatang bugbog at galit ang emosyon niya. Pero ngayong si Kyline ang nasa harap niya, tila ba mas positibo pa at puno ng expectation ang ginagawa nito.Pagkatapos ihanda ni Kyline ang tubig, pumasok si Rhena sa banyo suot ang kanyang puting bathrobe. Humalukipkip ito at ngumiti, parang inosenteng kuneho. “Karen, I’m used to having someone serve me when I take a bath. Stay and serve me.”Ngumiti nang may pag-aalangan si Ky

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   2

    “Pinakasalan ka niya para mabuhay ka at magbayad sa mga kasalanan mo. Walang nakakaalam na kambal kayo ni Karen. He doesn’t believe it, but he has to.” Malamig ang tinig ng ama ni Kyline, puno ng kumpiyansa.Pagkatapos ng kanyang salita, biglang narinig ang malalakas at sabay-sabay na yabag sa labas. Nang bumukas ang pinto, pumasok si Shawn, malamlam ang mukha, hawak-hawak ang isang babae na nakasuot ng puting balabal, si Rhena.Nang makita si Kyline, agad nanginig si Rhena at kumapit nang mahigpit sa braso ni Shawn. “Shawn, I’m afraid…” mahina niyang sabi.Bahagyang hinaplos ni Shawn ang kamay nito para pakalmahin bago ibinaling ang malamig na tingin kay Kyline. “Karen, you dare talk about divorce? Sigurado ka ba na kaya mong akuin pati ng Gonzaga ang magiging resulta ng ginawa mong ito?”Tinitigan niya ang lalaking nasa harap niya, mayabang at tila handang ipagtanggol ang ibang babae kaysa sa asawa.Nangitim ang mukha ng ama ni Kyline at mabilis na yumuko sa paghingi ng tawad. “Shaw

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   1

    Sa madilim na silid, hindi namamalayan ni Kyline na niyakap niya ang isang estranghero. Sa gitna ng kaguluhan, may dalawang kamay na mahigpit na humawak sa kanyang leeg. Isang lalaking gwapo, marangal at malamig ang aura, ang biglang dumagan sa kanya sa kama. Ang kanyang mukha ay puno ng pinipigilang emosyon at halatang galit na may kasamang matinding poot. Kasabay nito, may bahid din ng pilit na pagpipigil.“Even if I die, I will never fall in love with you!” malamig na wika ng lalaki.Akala ni Kyline ay katapusan na niya. Ngunit bigla siyang binitiwan ni Shawn, at kapalit nito’y matinding sakit na naramdaman niya sa kanyang katawan.Mula simula hanggang dulo, hindi kailanman naging emosyonal ang lalaki. Wala man lang halik na ibinigay. Kahit na nasa pinakamalapit silang sitwasyon, ang mga mata nito ay nanatiling malamig at puno ng pagkamuhi.Sa ilalim ng dilim ng silid, umangat si Shawn mula sa kama. Ang ilaw ay nagbigay-diin sa hubog ng kanyang matitigas na likod. Samantala, niyaka

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status