“I will look forward to it,” nakangiting wika ni Rhena bago umalis.
Ngumiti rin si Kyline, ngunit mas lalo pang naging misteryoso ang kurba ng kanyang labi. “We’ll see if you can still laugh later.”
“Madam,” nag-aalangan ang katulong, “kung gusto niyo po, ako na lang ang maghahanda.”
Umiling si Kyline at ngumisi. “No. Ako mismo ang maghahanda ng rose bath para sa ‘dear’ husband ko… at para sa mistress niya.” May halong pang-uuyam ang kanyang tinig habang inaayos ang mga kamay na para bang sabik sa gagawin.
Naguguluhan ang katulong. Dati, tuwing gagawin ito ni Karen, halatang bugbog at galit ang emosyon niya. Pero ngayong si Kyline ang nasa harap niya, tila ba mas positibo pa at puno ng expectation ang ginagawa nito.
Pagkatapos ihanda ni Kyline ang tubig, pumasok si Rhena sa banyo suot ang kanyang puting bathrobe. Humalukipkip ito at ngumiti, parang inosenteng kuneho. “Karen, I’m used to having someone serve me when I take a bath. Stay and serve me.”
Ngumiti nang may pag-aalangan si Kyline at agad na sumang-ayon. “Okay, Rhea.”
Sa kanyang mapagpakumbabang anyo, nakaramdam ng kakaibang ligaya si Rhena. Sa wakas, nailabas niya ang kanyang tunay na kulay. “Kung noon pa, Karen, marunong ka nang sumunod, hindi sana malungkot ang buhay mo dito sa mansyon. Mrs. Constantino? You can’t hold that position. Sooner or later, ako ang magiging manugang ng pamilyang ito. Even the most noble man, he is mine.”
Mayabang ang kanyang tinig habang hinuhubad ang bathrobe, at kasabay nito, ibinato niya ang kanyang underwear sa paanan ni Kyline. “You have to wash my clothes by hand.”
Ngunit nang pumasok na siya sa bathtub, bigla siyang napatili. Ang ngiti sa kanyang labi ay agad na natigilan. May matutulis na bubog na bumaon sa kanyang talampakan. Nang tingnan niya, nabalot ng putik at tinadtad ng mga bubog ang buong bathtub.
“You did this on purpose, right?!” galit na sigaw ni Rhena sabay taas ng kamay para sampalin si Kyline.
Ngunit bago pa bumagsak ang sampal, mabilis na nasalo ni Kyline ang kanyang pulso.“Rhena,” malamig ang boses niya, “hindi ko alam kung kaya kong manatili bilang Mrs. Constantino. Pero isa lang ang sigurado, as long as I live, you will never take that position. And don’t mess with me. I’m not the pushover you think. Kung hindi ka natatakot mamatay, then try me.”
Pagkasabi nito, binitiwan niya ang kamay ni Rhena at ginamit ang paa para sipain ang underwear nito diretso sa inidoro.
Nagngalit ang bagang ni Rhena, handa na sanang lumaban, pero bigla siyang nakarinig ng mga yabag mula sa labas. Mabilis siyang nagbago ng taktika, hinawakan ang kamay ni Kyline at bumagsak sa sahig, para bang itinulak siya nito.
Umiiyak siyang nagsimulang umarte. “Why are you pushing me? Why are you torturing me like this? What did I do wrong?”
Sakto namang pumasok si Shawn, at ang bumungad sa kanya ay si Rhena na nakahandusay, umiiyak, at may sugat sa paa, habang si Kyline ay nakatayo lamang sa tabi, kalmado at walang reaksyon.
Nakita rin ni Shawn ang bubog at putik sa bathtub, at agad na dumilim ang kanyang mukha. “Have you made enough trouble?!”
Tumingin si Kyline nang malamig, at ngumiti nang may halong pang-uuyam. “So this is it? She pulls off another fake fall drama, another shit acting… and here comes her savior.”
Mariing bumuntong-hininga si Shawn. “Hindi ka na natuto! Since you love pranks so much, then experience your own prank!”
Hinila niya ang pulso ni Kyline at itinapon ito mismo sa bathtub.
Pagbagsak niya, agad siyang binalot ng putik na tubig. Pumasok sa kanyang bibig at ilong ang maruming tubig habang ang matutulis na bubog ay bumaon at naghiwa-hiwa sa kanyang balat. Mabilis na namula ang tubig, humalo ang dugo sa mga pulang talulot ng rosas na palutang-lutang.
Natigilan si Shawn. Doon niya lang napansin ang dami ng bubog sa loob ng bathtub. Naisip niya ang pag-iyak ni Rhena kanina dahil lamang sa maliit na sugat sa paa. Akala niya, ganito rin ang gagawin ni Kyline, iiyak, magwawala, magmamakaawa.
Pero nagkamali siya.
Kahit sugatan, duguan, at halos mawalan ng hininga, hindi man lang naglabas ng kahit isang reklamo si Kyline. Tahimik lamang siya, pinipilit tiisin ang sakit.
Kaka-check pa lang sana ni Shawn kung ano ang nangyayari nang biglang hatakin siya ni Kyline sa kuwelyo at sabay hilang bumagsak sa bathtub. Pareho silang nahulog, at sa pagbagsak, ang tuhod ng lalaki ay napunta sa pagitan ng mga binti ng babae, habang ang kanyang mga kamay ay agad na sumuporta sa gilid ng bathtub. Sa hindi sinasadya, dumampi ang labi niya sa noo ni Kyline.
Basang-basa si Kyline sa kumalat na mainit na tubig, at ang kanyang damit na dumikit sa balat ay mas malinaw na nagbigay-diin sa kanyang hubog. Ang posisyon nilang dalawa sa bathtub ay sobrang malapit at nakakaalangan.
Nakita iyon ni Rhena, at agad na namula sa selos ang kanyang mga mata. Nakakuyom ang kanyang mga kamao, puno ng galit, bago siya tuluyang napahiga at nawalan ng malay.
“Rhena!” agad na napansin ni Shawn at mabilis na itinulak palayo si Kyline. Hindi niya inalintana ang sugatang babae sa bathtub, bagkus ay agad niyang binuhat si Rhena na may sugat sa paa at dali-daling umalis ng banyo.
Tahimik na tinignan ni Kyline ang likuran ng dalawang paalis, bago siya dahan-dahang tumayo mula sa dugong may halong bubog na tubig. Mabilis niyang binanlawan ang kanyang mga sugat at lumabas din ng banyo.
“Madam, sugatan kayo!” agad na salubong ni Aling Judy, at marahang inupo siya sa sofa upang gamutin.
Medyo natulala si Kyline habang pinagmamasdan ang matanda. Si Aling Judy lang ang tanging tao sa buong Constantino na tunay na nagmamalasakit sa kanya. Noon, siya rin ang nagbigay ng aborsyon na gamot kay Karen. At ngayon…
Napansin niyang paulit-ulit na humihikab si Aling Judy habang naglalagay ng gamot, tila pagod at hirap na hirap sa katawan. Kaya tinanong niya ito. “Aling Judy, hindi ba kayo nakakapahinga nitong mga araw?”
Napabuntong-hininga ang matanda. “Palagi na lang akong nagigising at nananaginip. Kahit gamot, walang bisa. Siguro dala na rin ng katandaan.”
Matapos marinig iyon, tinanggal ni Kyline ang isang lumang pocket watch na nakasabit sa kanyang leeg. “Aling Judy, let me help you.”
Dinala niya ito sa kwarto at hinayaan niyang tumingin si Aling Judy sa pocket watch na dahan-dahang umiindayog. “Look at the pocket watch. Unti-unti kang makakaramdam ng antok…”
Unti-unting pumikit si Aling Judy, hanggang sa tuluyan itong nakatulog nang payapa. Tinago ni Kyline ang pocket watch at nakahinga nang maluwag. Kung sino ang mabuti sa kanya, iyon din ang gagantihan niya ng kabutihan.
Maingat niyang isinara ang pinto at naglakad pabalik sa kanyang silid. Ngunit bago siya makapasok, nakita niya si Rhena na papasok sa silid ni Shawn habang may hawak na sleeping pills.
“Anong ginagawa ni Rhena na may dalang sleeping pills?” tanong niya sa isang katulong.
“Madam,” sagot ng katulong, “si Sir po ay may malalang insomnia. Hindi siya nakakatulog ng maraming araw. Kahit mga doktor dito sa Luzon, walang magawa. May nagsabi noon na tanging si Mr. Gonzaga, isang magaling na doctor sa sakit na gaya ni Sir, ang makakatulong. Pero galit si Sir sa lahat ng may apelyidong Gonzaga, kaya hindi niya kailanman inimbita.”
Napayuko si Kyline, tinitingnan ang sarili niyang sugat habang inaalala ang galit at paghamak ni Shawn sa kanya. Kung ganito siya tratuhin, sigurado siyang ganito rin ang pagtrato kay Karen noon. Hindi niya matanggap na ganito na lamang nila apihin at alipustain ang kambal.
Pumasok siya sa kwarto ng lalaki. Nakapangalumbaba siya sa may pintuan, at nagbuntong-hininga. “Severe sleep disorder. Sleeping pills won’t work.”
Nakahiga si Shawn, nakadilim ang ekspresyon, bakas sa mukha ang pagod at pagkahapo. Ngunit kahit hirap, galit ang nangingibabaw. “Get out!”
Mabilis namang sumabat si Rhena, parang pinapakalma ang lalaki. “Karen, don’t mess around! Shawn needs rest. Don’t disturb him.”
Hindi siya pinansin ni Kyline. Sa halip, diretsong tinitigan niya si Shawn. “I can cure your sleep disorder.”
Nabakas ang matinding pagdududa sa mukha ng lalaki. “Do you know the consequences of lying to me?”
Saglit na natahimik si Kyline, bago ngumiti nang mapanukso. “And what if I can actually do it?”
Habang nakatingin si Shawn sa babae, hindi niya maiwasang maalala ang nakaraan, si Karen na nakaluhod sa harap niya, mahigpit na humahawak sa laylayan ng kanyang pantalon, umiiyak nang buong kababaan."Shawn, please, love me. Kahit konti lang…"Nang bumalik siya sa wisyo, nakita niya ang malamig na mukha ni Kyline. Ang tinig ng lalaki ay seryoso at matatag na parang hindi na niya kayang baguhin."Even if you do it, I can’t love you." Mahina niyang banggit.Kalmado ang mga mata ni Kyline, puno ng hiwaga na parang walang hanggan ang lalim. "I don’t want your love, Shawn," saad niya.Sa paningin ni Shawn, ang ngiti ng babae ay may masamang intensyon. Bahagyang kumunot ang kanyang noo, naaalala ang huling gabing may nangyari sa kanila."Shawn, I want you to grant me a wish. At kapag sinabi ko na, hindi mo puwedeng tanggihan ang kondisyon ko," walang emosyong sabi ni Kyline.Kumunot ang noo ni Shawn pero hindi siya nagsalita, inantay niya lang kung ano pa ang sasabihin ni Kyle.Alam ni Kyl
“I will look forward to it,” nakangiting wika ni Rhena bago umalis.Ngumiti rin si Kyline, ngunit mas lalo pang naging misteryoso ang kurba ng kanyang labi. “We’ll see if you can still laugh later.”“Madam,” nag-aalangan ang katulong, “kung gusto niyo po, ako na lang ang maghahanda.”Umiling si Kyline at ngumisi. “No. Ako mismo ang maghahanda ng rose bath para sa ‘dear’ husband ko… at para sa mistress niya.” May halong pang-uuyam ang kanyang tinig habang inaayos ang mga kamay na para bang sabik sa gagawin.Naguguluhan ang katulong. Dati, tuwing gagawin ito ni Karen, halatang bugbog at galit ang emosyon niya. Pero ngayong si Kyline ang nasa harap niya, tila ba mas positibo pa at puno ng expectation ang ginagawa nito.Pagkatapos ihanda ni Kyline ang tubig, pumasok si Rhena sa banyo suot ang kanyang puting bathrobe. Humalukipkip ito at ngumiti, parang inosenteng kuneho. “Karen, I’m used to having someone serve me when I take a bath. Stay and serve me.”Ngumiti nang may pag-aalangan si Ky
“Pinakasalan ka niya para mabuhay ka at magbayad sa mga kasalanan mo. Walang nakakaalam na kambal kayo ni Karen. He doesn’t believe it, but he has to.” Malamig ang tinig ng ama ni Kyline, puno ng kumpiyansa.Pagkatapos ng kanyang salita, biglang narinig ang malalakas at sabay-sabay na yabag sa labas. Nang bumukas ang pinto, pumasok si Shawn, malamlam ang mukha, hawak-hawak ang isang babae na nakasuot ng puting balabal, si Rhena.Nang makita si Kyline, agad nanginig si Rhena at kumapit nang mahigpit sa braso ni Shawn. “Shawn, I’m afraid…” mahina niyang sabi.Bahagyang hinaplos ni Shawn ang kamay nito para pakalmahin bago ibinaling ang malamig na tingin kay Kyline. “Karen, you dare talk about divorce? Sigurado ka ba na kaya mong akuin pati ng Gonzaga ang magiging resulta ng ginawa mong ito?”Tinitigan niya ang lalaking nasa harap niya, mayabang at tila handang ipagtanggol ang ibang babae kaysa sa asawa.Nangitim ang mukha ng ama ni Kyline at mabilis na yumuko sa paghingi ng tawad. “Shaw
Sa madilim na silid, hindi namamalayan ni Kyline na niyakap niya ang isang estranghero. Sa gitna ng kaguluhan, may dalawang kamay na mahigpit na humawak sa kanyang leeg. Isang lalaking gwapo, marangal at malamig ang aura, ang biglang dumagan sa kanya sa kama. Ang kanyang mukha ay puno ng pinipigilang emosyon at halatang galit na may kasamang matinding poot. Kasabay nito, may bahid din ng pilit na pagpipigil.“Even if I die, I will never fall in love with you!” malamig na wika ng lalaki.Akala ni Kyline ay katapusan na niya. Ngunit bigla siyang binitiwan ni Shawn, at kapalit nito’y matinding sakit na naramdaman niya sa kanyang katawan.Mula simula hanggang dulo, hindi kailanman naging emosyonal ang lalaki. Wala man lang halik na ibinigay. Kahit na nasa pinakamalapit silang sitwasyon, ang mga mata nito ay nanatiling malamig at puno ng pagkamuhi.Sa ilalim ng dilim ng silid, umangat si Shawn mula sa kama. Ang ilaw ay nagbigay-diin sa hubog ng kanyang matitigas na likod. Samantala, niyaka