Share

6

Author: Hadara
last update Last Updated: 2025-09-23 21:09:07

Pagkapasya niya, agad na sumakay ng taxi si Kyline papuntang Constantine INC..

Pagdating sa lobby, agad siyang hinarang ng receptionist. “Gusto kong makita si Shawn,” diretsong sabi ni Kyline.

Napailing ang babae sa front desk at sagot nang may panlalamig, “Ma’am Karen, without an appointment, you can’t see the president. At isa pa, may utos ang president.” Pinakita niya ang sulat sa isang maliit na papel. Binasa niya ito. “Karen amd the dogs are not allowed to enter the company.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Kyline. ‘Pati aso? What the hell is this man?’ inis niyang sabi sa isipan. 

Pinalagay ni Shawn si Karen sa parehong antas ng isang aso. At pinayagan pa niyang ipahiya siya ng mga tauhan sa harap ng lahat.

Mariin niyang niyakap ang sariling braso at malamig na tumitig sa babae. “Ngayon, kailangan kong makita si Shawn. Either you lead the way, or you get out of here.”

Ngunit imbes na matakot, mapangahas pang ngumisi ang receptionist na nagngangalang Anna. “Ang taong kagaya ng aso, anong karapatan mong mang-utos? Umalis ka na kung ayaw mong ipahabol kita sa security.”

Nag-iba ang ekspresyon ni Kyline. Isang maliit na front desk lang ang ganitong magmalaki? Ibig sabihin, sanay na si Karen na apihin dahil mismong si Shawn ang naglagay sa kanya sa ganitong posisyon.

Inayos niya ang buhok niya, inilagay lahat sa isang gilid at ngumiti nang nakabibighani, hanggang sa sandaling iyon, napatigil si Anna sa ganda niya. Ngunit kasunod nito, mabilis na dumapo ang palad ni Kyline sa kanyang pisngi.

Napatakip ng pisngi si Anna, gulat na gulat. “How dare you…”

Hinila ni Kyline ang kwelyo niya at muling isinampal ang kamay nito. “Why wouldn’t I dare? Simula ngayon, bawat salita mo, isang sampal. Kung isang daang salita, isang daang sampal!”

“Kapag nalaman ng president na nandito ka at nagwawala—” wala nang pakialam si Anna, tinuloy ang pananakot. Alam niya kasing dati, si Karen ay lagi lang nakayuko at tahimik kay Shawn.

Ngumiti si Kyline, binibilang ang daliri. “One word, one slap.”

Sunod-sunod ang mga sampal hanggang sa ang dating maayos na makeup ni Anna ay naging parang namamagang ulo ng baboy.

Pagkatapos, itinaas ni Kyline ang manggas, iniikot ang leeg na may tunog. “I’m done warming up. Do you want to try another tongue twister?”

Mula sa panunuya, ang mga mata ni Anna ay napalitan ng takot. Hindi niya alam kung nababaliw na ba si Karen. “Wala—”

Huling sampal, at bumagsak si Anna sa sahig, nawalan ng malay.

Nakangiting tinawagan ni Kyline ang ambulansya, at nang dumating ito, maingat pa niyang kinawayan ang kawawang babaeng isinakay. Para bang nagpaalam sa isang kamag-anak na nagbabakasyon.

Pagharap niya sa mga empleyado, ngumiti siya nang inosente. “So, who else wants to stop me?”

Nagsitakbuhan palayo ang lahat, nanginginig sa takot. Kahit na hindi nila iginagalang si Karen, alam nilang siya pa rin ang Mrs. Constantino. Kung sakaling makabangga nila siya, baka sila naman ang masampal gaya ni Anna.

Samantala, sa opisina ng presidente, pinagmamasdan ni Shawn ang lahat mula sa CCTV. Unti-unting lumalim ang kanyang tingin. “Karen has been acting strange lately. Her personality, her attitude… it’s like she’s a different person.”

Nilingon niya si Ronald. “May resulta na ba ang ipinapahanap ko?”

Maingat na yumuko ang assistant. “Sir Shawn, nagtanong na ako sa pamilya Gonzaga. Isa lang ang anak ng pamilyang iyon. Walang kambal si Karen.”

Napaisip si Shawn. Tatlong araw na siyang nawawala noon, at nang bumalik ay parang ibang tao na.

Karen… ano ba talaga ang plano mo?’ sa isip nito.

Mayamaya, tumunog ang doorbell ng opisina. Sinilip ni Ronald at bumaling sa kanyang amo. “Sir Shawn, si Ma’am Karen.”

“Let her in,” malamig na tugon ni Shawn.

Dahan-dahang bumukas ang pinto ng opisina ng presidente. Pinilit pigilan ni Kyline ang pagkadismaya sa kanyang mukha at sinubukang gayahin ang dating katahimikan at pagtitimpi ni Karen.

“Shawn,” mahinahong wika niya, “hindi ba’t sobra naman ang patakaran mo na ipinapantay mo ako sa isang aso at ipinagbabawal akong makapasok dito?”

Habang nakatutok pa rin sa dokumentong hawak, malamig na sumagot si Shawn nang hindi man lang siya tinitingnan. “Do you have any objections?”

Diretsahan siyang tumingin ni Kyline. “I withdraw that rule.”

Biglang tumigil ang ballpen sa kamay ni Shawn, at madiin niyang pinindot ang dulo nito sa papel. Sa wakas, itinaas niya ang tingin at tumama kay Kyline ang malamig at mapanganib na mga mata nito. “Bakit parang nakikipag-negotiate ka na ngayon sa akin?”

“Because I can cure your illness,” sagot ni Kyline nang kalmado, hindi natinag ng bigat ng titig nito.

Nanlamig ang mukha ni Shawn. Ayaw niya sa pakiramdam na may hawak laban sa kanya ang babae. Ngunit hindi rin niya maikakaila, matagal na rin mula nang makatulog siya nang mahimbing, at kagabi lamang siya nakaranas ng kapahingahan.

“Ronald.”

Kaagad na yumuko ang lalaki. “Yes, Sir Shawn.”

Sa pagkakataong iyon, nag-iba ang tingin ni Ronald sa babaeng kasama nila ngayon bilang Karen. Kilala niya si Karen bilang babaeng laging nagpapakumbaba, halos walang dangal, sa harap ni Sir Shawn. Pero ngayon, sa tila digmaan ng salita, nakalamang siya. Nakakagulat.

Isang discarded wife ang siyang nagpatiklop sa kilalang malamig at malupit na si Shawn Constantino. Wala pang nakagagawa nito.

“Don’t come to Constantine INC. again if you have nothing to do,” malamig na utos ni Shawn.

Ngunit hindi natinag si Kyline. “I came here with something important.” Tumalim ang mga mata niya, at sa isiping si Jonas, saglit na kumislap ang galit. “Shawn, I want you to help me fulfill a wish.”

Nagkrus ng mga braso ang lalaki, ang malamig na tingin niya’y may halong kuryosidad.

Yesterday she mentioned a wish, and now she’s here to claim it?’ isip niya.

 “Say it.”

“Gusto kong pabagsakin si Jonas Romano. Gusto kong mabaon siya sa utang na aabot ng sampu-sampung milyon.”

Kung siya mismo ang nagtulak kay Jonas para umasenso, siya rin ang sisira dito, at sisiguraduhin niyang magiging abo ang kinabukasan nito.

Pagkatapos sabihin iyon, umalis na si Kyline na para bang nagdala lang ng isang bagay sa opisina ni Shaw. 

Napakunot ang noo ni Shawn. ‘Jonas? Pangalan ng lalaki iyon.’ isip niya.

“Ronald, alamin mo ang lahat tungkol kay Jonas.”

Makalipas ang ilang oras, nakalatag na sa mesa niya ang makapal na impormasyon.

“Sir Shawn,” ulat ni Ronald, “ordinaryo lang si Jonas. Pero sa totoo lang, hindi siya basta ordinaryo. Nagkaroon na siya ng anim na girlfriend, at lahat iyon tinago niya nang mahusay. Paulit-ulit siyang sumubok magnegosyo pero palaging bagsak. Hanggang sa biglang nagbigay ng malaking proyekto ang pamilyang Gonzaga, na umabot ng sampu-sampung milyon, at iyon ang nagpaangat sa kanya para maging milyonaryo. Pero guess what? Right after he got rich, he dumped all his six girlfriends at pinatulan ang anak ng fruit merchant. Malinaw na gusto niyang umakyat sa mataas sa pamamagitan ng babae.”

Malamig na kumalampag ang daliri ni Shawn sa mesa. ‘Bakit nga ba susuportahan ng Gonzaga ang isang walang kwentang tao?’ tanong niya sa sarili.

 “What does the Gonzaga have to do with him?”

Umiling si Ronald. “Wala, Sir Shawn.”

“Then what about Karen? Anong relasyon niya kay Jonas?”

Muli itong umiling. “None, Sir.”

Ngunit hindi iyon pinaniwalaan ni Shawn. Tahimik siyang nag-isip, nanatiling may pagdududa sa mga mata. ‘Karen has never been this willful. If she’s targeting Jonas like this, then she must have a reason.’

“Do as she wants,” malamig niyang utos.

“Yes, Sir Shawn.”

Habang palabas, lihim na napabuntong-hininga si Ronald. ‘Kapag kumilos si Sir Shawn, buong lugar ang natitinag. Pero ngayon… isang maliit na hamak na tao lang ang pinupuntirya niya, at para lang sa isang babae. This is the first time.’

Napatingin siya sa papalayong likuran ni Kyline. Sa isip niya, simula ngayong araw, hindi na niya muling mamaliitin ang babaeng ito. Dahil marahil, sitwasyon sa buhay ni Shawn ay magbabago dahil sa isang babae.

Paglabas ni Kyline ng Constantine INC., bigla siyang napahinto. Para bang may matinding liwanag na pumasok sa kanyang isipan.

Wait… bakit ko pa nga ba kailangang magpanggap bilang Karen?’

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   96

    Matapos ang halos dalawampung minutong biyahe, pumasok ang taxi sa isang makitid at madilim na daan. Sa magkabilang gilid, nakatayo ang matataas na punongkahoy na halos tinatakpan na ang liwanag ng langit. Walang bahay, walang tao, tila isang lugar na iniwan na ng panahon. Ngunit nang makalagpas sila sa makipot na daan, biglang bumungad sa kanila ang isang paikot na kalsadang paakyat ng bundok.Sa tuktok nito, nakatayo ang isang napakagarbong villa, isang palasyong tila itinago sa gitna ng kagubatan. Sa harap ng mansiyon, may isang malaking fountain na may mga cherub na may hawak na trumpeta. Dalawang marmol na haligi ang nakatayo sa magkabilang panig ng gate, nagpapakita ng yaman at kapangyarihan. Pero sa kabila ng karangyaan, may kakaibang lamig sa paligid, isang presensyang nakakatindig-balahibo.Ibinaba ni Kyline ang bayad at ngumiti ang matandang driver, tuwang-tuwa. “Miss, kung may ganitong biyahe ulit, tawagin mo lang ako, ha? Veteran driver ako rito sa City”Ngumiti lang siya

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   95

    Pagkatapos ianunsyo ang lihim na kasal nina Shawn at Karen, biglang naging sentro ito sa buong city. Halos araw at gabi may mga paparazzi at media na nakatambay sa labas ng mansion, naghihintay ng kahit anong eksklusibong balita tungkol sa kanila.Wala nang nagawa si Kyline kundi manatili sa loob ng bahay, nakahiga sa sofa at nababato. Hanggang sa biglang tumunog ang cellphone niya. Nang makita niya ang pangalan ng sender, napakunot siya ng noo.‘Rhena?’Ito ang unang pagkakataong nag-text sa kanya ang babae. Out of curiosity, binuksan niya ang mensahe.“Let’s meet.”Napataas ang kilay ni Kyline. Siya pa talaga ang nagyayang magkita? Hindi na siya nagdalawang-isip. Mabilis siyang nagpalit ng simpleng sportswear, komportableng suotin at madaling galawan, bago lumabas.Sa may gate ng mansion, nagkakagulo ang mga reporter. Kaya dumaan siya sa likod na pinto, kung saan iilan lang ang nakapuwesto. Pero kahit doon, napansin pa rin siya ng ilang paparazzi na agad nagsipaglapitan.“How did yo

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   94

    Marahan na tinapik ni Kyline ang balikat ni Aling Judy, seryoso ang titig niya rito. “Aling Judy, may ipagagawa ako sa’yo.” Lumapit siya at bumulong sa tainga ng matanda. Bahagyang lumaki ang mga mata ni Aling Judy, halatang nagulat, pero agad din siyang bumalik sa pagiging kalmado. “Yes, Madam. Alam ko na ang gagawin.”Pagkaalis ni Aling Judy, napatingin si Kyline kay Jemma, handang magsimula ng bagong usapan tungkol kay Jay, ngunit nauna itong nagsalita.“Madam, puwede po ba akong mag-leave ng isang araw? Gusto ko sanang dalawin si Lola sa ospital.”Tumango si Kyline at agad nag-transfer ng sampung libo sa bank ni Jemma. “Ito, gamitin mo sa vitamins at bagong damit ni Lola. Consider it as a small gift from me.”Napatingin si Jemma sa phone, halos hindi makapaniwala. Noon lang siya nakaranas ng ganitong kabaitan mula kay Karen. Namula ang mga mata niya habang mahina ang tinig. “Thank you, Madam.”Pagkalabas ng balitang kasal nina Shawn at Kyline, nagkagulo ang buong tao sa kumpanya

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   93

    Medyo nagulat si Kyline. Totoo naman, isa iyon sa mga plano niya, ang ipa-announce kay Shawn ang tungkol sa kanilang lihim na kasal. Pero hindi niya inasahan na ang lalaking dati’y nag-aalangan pa ay bigla na lang pumayag ngayon.Napatingin siya sa direksyon kung saan inaalis ng mga tao ang blond na lalaki at napabulong, “You didn’t agree just because you were jealous, right?”Gayunman, naisip niya ring may mabuting epekto ang desisyon ni Shawn. Kapag nalaman ng lahat na kasal na siya, siguradong magdadalawang-isip na ang mga taong gustong ipahamak siya. Kung tutuusin, panalo pa rin siya sa pagkakataong ito.Pagkatapos ng bakasyon, sabay silang apat na bumalik sa Maynila, sakay ng private jet. Paglapag nila, at paalis na sana si Kyline, bigla siyang tinawag ni Jay.“Karen.”May kakaiba sa tono ng boses nito, kaya sumunod siya sa hardin. Umupo siya sa isang kahoy na upuan at kalmado niyang sabi, “If you have something to say, just say it.”Nag-atubili si Jay sandali bago ngumisi at dir

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   92

    Hindi man lang naniwala ang lalaking blond sa sinabi ni Shawn. “Beauty,” aniya habang nakangisi, “sigurado ka bang asawa mo ’tong lalaking mukhang yelo? You’re way too pretty for an iceberg face like him.”Napakunot ang noo ni Jay, halatang nabigla. ‘Diyos ko,’ sa isip niya, ‘siya pa lang ang unang taong naglakas-loob na sabihan si Shawn ng ganyan.’Tahimik niyang hinila si Jemma paatras ng ilang hakbang.“Sir Jay, bakit po tayo umaatras?” inosenteng tanong ni Jemma.“Para hindi tayo matalsikan ng dugo mamaya,” seryosong sagot ni Jay, halos pabulong. Alam niyang delikado ang taong kaharap nila, at ang blond, mukhang bagong silang na guya na walang takot sa tigre.Biglang nagbago ang ekspresyon ni Shawn. Ang malamig niyang tingin ay parang yelo sa gitna ng tag-init, at ang presensiya niya ay tila biglang nagdilim ang paligid. Ramdam ni Kyline ang tensiyon sa pagitan nila, kaya bago pa tuluyang madurog sa galit si Shawn ang blond, mabilis siyang lumapit at kunwaring hinawakan ang braso

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   91

    Hindi pa rin kumbinsido si Shawn sa mga sinasabi ni Jay, kaya napilitan itong maglabas ng panghuling alas. “Sige, ito pa. Sabi rin ni Lola, ang babaeng nakatadhana sa’yo ay may apelyidong Gonzaga.”Biglang napatigil si Shawn. Kumurap siya, at sa malamig niyang titig ay sumilip ang bahagyang pagkabigla at interes. Hindi niya itinangging may kakaibang hatak sa kanya si Kyline, pero hindi ibig sabihin niyon ay handa na siyang itali ang sarili sa isang babae habambuhay.“Interesting,” malamig niyang sabi. “Pagbalik natin, pupuntahan natin ang lola mo.”Ngumiti si Jay, tuwang-tuwa. “Deal! Siguradong matutuwa si Lola pag nalaman niyang darating ka.”Pagsapit ng gabi, matapos ihatid ni Jay si Jemma sa kabilang kwarto, tanging sina Shawn at Kyline na lang ang naiwan. Tahimik ang buong silid, tanging tunog ng hangin mula sa aircon ang maririnig.Nakaupo si Shawn sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng babae. Plano sana niyang tumayo para kumuha ng tubig, pero biglang may mala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status