Share

5

Author: Hadara
last update Last Updated: 2025-09-23 20:53:37

Si Kyline ay bahagyang kumurap ng kanyang magagandang mata, at may kaswal na ngiti sa kanyang labi na tila nanonood lamang ng palabas. “Magdamag na magkasama sa iisang silid ang isang lalaki’t isang babae… Rhena, what do you think?”

“Bakit hindi ka lumabas pagkatapos mo siyang gamutin?” galit na tugon ni Rhena habang taas-kamay na siya para manampal. Ngunit bago pa man bumagsak ang kanyang palad, isang maingay na bulalas ang pumigil sa kanya.

“Sir Shawn… can actually sleep?!”

Si Ronald, ang assistant ni Shanw,  halos hindi makapaniwala sa nakita. Sa maliit na siwang ng pinto, nasilayan niya ang kanyang amo na mahimbing na natutulog sa malaking kama. Para bang natulala siya sa gulat, at hindi halos maisara ang bibig.

Ilang taon nang pinapatingnan si Shawn sa iba’t ibang doktor, ngunit wala ni isa ang nakapagpagaling ng kanyang matinding sakit sa pagtulog. Ngunit ngayon, tila may pag-asa. 

Agad siyang napatingin kung sino ang dahilan ng pagbabago, at nang bumaling siya kay Kyline, ang tanong at pagdududa ay kitang-kita sa kanyang mukha.

‘Ma’am Karen? May alam ba siyang hypnosis? At posible ba talagang siya ang lunas sa sakit ni Sir Shawn?’ sa isip niya.

Lumabas si Kyline ng silid na para bang walang nangyari, ngunit bago siya tuluyang tumalikod ay nagpaalala pa ito, mabagal at puno ng kumpiyansa,  “Huwag niyo siyang gisingin para sa hapunan. Just let him wake up naturally.”

Nanlilisik ang mga mata ni Rhena habang pinagmamasdan ang papalayong likod ng babae. Mariin niyang pinisil ang laylayan ng kanyang palda, puno ng galit at inggit.

Karen… kaya mong gamutin ang sakit sa pagtulog ni Shawn gamit lang ang iyong presensya at halimuyak, pero itinago mo ito hanggang ngayon. Ang lalim ng laro mo.’ giit niya sa isipan.

Mayamaya lang, nang tuluyan nang nawala ang samyo ni Kyline sa loob ng silid, biglang dumilat ang malamig na mga mata ni Shawn. Dahan-dahan siyang umupo, hawak ang sariling noo na para bang sinusuri ang sarili.

“Sir Shawn, gising na po kayo.” Lumapit agad si Ronald, puno ng paggalang, at bahagyang napabuntong-hininga nang makita ang linya sa mukha nito, patunay na mahimbing itong nakatulog.

Habang nakaupo, naamoy pa ni Shawn ang unti-unting nawawalang halimuyak sa hangin. Sa halip na antok, malinaw na kamalayan ang dumapo sa kanya. Lalong lumalim ang guhit ng kanyang kilay. “Nasaan si Karen?” tanong niya na puno ng pagtataka.

“Lumabas na po siya, Sir Shawn,” sagot ni Ronald.

Sandaling natahimik si Shawn, ngunit ramdam niyang may kakaibang bagay na gumugulo sa kanya. Nakakainis man na aminin niya, pero ang halimuyak ni Karen lamang ang nakakapagpatulog sa kanya.

‘Impossible. No, I won’t accept this!’ bulong ng kanyang isip.

“Ronald,” malamig niyang utos, “ihanda ang aromatherapy candle. Dalhin mo ang pocket watch… hypnotize me.”

Muling nahiga si Shawn, tila nais patunayan na hindi siya umaasa kay Karen.

“Yes, Sir Shawn.” Sumunod agad si Ronald. Inilapit niya ang pocket watch at marahang ikinawag. “Sir Shawn, are you sleepy?” maingat na tanong nito.

Ngunit habang nakatitig si Shawn sa kumikislap na orasan, lalong dumilim ang ekspresyon ng kanyang mukha. Walang kahit anong antok ang dumapo sa kanya.

“Shawn, let me try it,” alok naman ni Rhena na nakasilip mula sa gilid. Hindi siya makapapayag na si Karen lang ang may kakayahan. 

‘Kung kaya niya, kaya ko rin!’ Sa isip niya.

Ngunit nang lumapit siya, agad sumalubong ang matapang na amoy ng kanyang pabango. Napakunot ang noo ni Shawn at halos mapasigaw ng natural,  “You can’t.”

Alam niyang iba ang amoy nito. Walang kasing-init at kasing-hinahon ng halimuyak na akala niyang si Karen kagabi. Kahit hindi niya gustong tanggapin, iyon ang katotohanan.

Nagbihis si Shawn at agad na tumungo sa kumpanya, hindi man lang napansin ang nanlilisik na tingin at naiwanang galit ni Rhena. Puno ng hinanakit at pagkasuklam ang kanyang mga mata.

Sa loob ng sasakyan, nakasandal ang lalaki habang bahagyang nakataas ang sulok ng kanyang labi. May halong panunuya at pait ang ngiti. “Ronald… fate really likes to play tricks on people.”

Tahimik na nagmaneho si Ronald, ngunit hindi napigilang magtanong,  “Si Ma’am Karen po ba ang ibig ninyong sabihin?”

Alam niyang si Karen ay tinatawag lamang na Mrs. Constantino para sa mga mata ng lipunan, pero sa katotohanan, isa lamang siyang asawang walang pangalan at walang halaga, isang biro para sa buong lugar.

Ngumisi si Shawn ng malamig at mapait. “She’s supposed to be my punishment, yet she’s the only medicine that can cure me. Isn’t that ironic?”

Wala nang idinagdag si Ronald. Alam niyang ang sugat at galit ni Shawn sa mga Gonzaga ay hindi na madaling mabura.

Samantala, sa isang pribadong silid ng café, nakaupo si Kyline. Halos kalahating oras lang siyang naghintay bago dumating si Jonas, nakapustura at naka-amerikana, habang may kasamang babaeng naka-red dress na nakahawak sa kanyang braso.

Bago pa man makapagsalita si Kyline, agad nang umupo si Jonas sa tapat niya, yakap-yakap ang babaeng naka-red dress.

“Are you the ex-girlfriend who keeps pestering Jonas?” malamig na tanong ng babae. Mayabang niyang inilapag ang isang bank card sa mesa. “May isang milyon sa card na ‘yan. Take the money and get out.”

‘Ex-girlfriend?’ Napalingon si Kyline kay Jonas, puno ng pagtataka. ‘Kailan pa ako naging ex?’

Umayos ng upo si Jonas, parang biglang naglagay ng distansya sa pagitan nila. “Ngayon ay may hawak na akong project worth tens of millions at matagumpay kong naitayo ang sarili kong kumpanya. I’m now a big boss. Pero ikaw, isa ka lang maliit na hypnotist na kumikita ng kakarampot.”

Nilamig ang pakiramdam ni Kyline habang pinapakinggan siya. “Ang kapal din ng mukha mong gawin ito sa akin? Do you think you’re still worthy of me para masaktan sa ginawa mo?” tanong ni Kyline.

Matagal siyang natigilan, ang mga mata niya’y nag-iba mula sa pagkagulat hanggang sa tuluyang lumabas ang emosyon niya. Bigla siyang ngumiti, mapait at puno ng pangungutya.

‘Ngayon ko lang talaga nakita ang tunay mong mukha.’ sa isip niya habang nakatingin kay Jonas.

Noon, sa pangakong “I will marry you and give you a home”, nagawa niyang ipagpalit ang sarili, tinanggap ang pakikipagkasundo sa kanyang ama upang tulungan itong makakuha ng investors at magtagumpay sa negosyo. Maging ang pagpapanggap bilang Karen para manatili sa piling ng isang mapanganib na lalaki, tiniis niya.

Pero ang kapalit? Dinala niya ang ibang babae para siya’y insultuhin. ‘How ironic.’ bulong niya sa isipan.

Kumislap ang mga mata ni Kyline habang dinampot ang bank card. Mabilis niya itong ibinato sa mukha ni Jonas. “Tama ka, we are not,” malamig niyang sabi. “Pero tandaan mo, you are not worthy of me, Kyline.”

Hinila niya ang necktie ni Jonas, nilapit ito sa kanyang mukha at malamig na bumulong,  “Jonas, huwag mong isipin na may dumadating na biyayang galing lang sa langit. Kung kaya kitang itaas, kaya rin kitang ibagsak.”

Dugo’t pawis niya ang posisyon niya ngayon sa trabaho niya pero tinrato lang siya bilang isang “maliit na hypnotist” ng lalaking akala niya ay sasamahan siya hanggang sa pagtanda.

Imbes na mahiya, itinulak siya ni Jonas at mabilis na inayos ang necktie, puno ng inis. “Kyline, gusto mo bang palabasin na nakuha ko ang proyekto worth tens of millions dahil sa’yo? That’s ridiculous. Kung magsisinungaling ka, at least make it believable!” Tumaas ang kanyang baba, puno ng kayabangan. “All in all, hindi ka na bagay sa akin. I’m now worth tens of millions.”

Iniwan niya si Kyline na parang walang halaga, binuksan ang pinto at lumabas na walang pag-aatubili.

Bago pa tuluyang magsara ang pinto, narinig pa ni Kyline ang babae sa red dress na nagrereklamo,  “Jonas, bakit ka pa naghanap ng ganyang babaeng mahirap at mayabang? If you can’t get rid of her, I’ll find someone to deal with her.”

“She’s just a lowly woman. Don’t worry about her,” malamig na sagot ni Jonas.

Nanlabo ang mga mata ni Kyline habang pinagmamasdan ang dalawa sa paglayo, magkahawak-kamay. Dahan-dahanng nanikip ang dibdib niya, puno ng galit at pagkadismaya.

Naalala niya bigla ang sinabi ni Jonas noon sa kanyang ama tungkol sa perang may “hindi malinaw na pinanggalingan” sa kanyang account. Dahil sa tiwala, ni minsan hindi siya nagduda kay Jonas na noon ay masunurin at tila tapat sa kanya.

Pero ngayon…tila iba ang pinapakita sa kanya.

Kinuha niya ang cellphone at tumawag sa isang numero lang. “Hanapin mo lahat ng detalye tungkol kay Jonas Romano.”

Makalipas ang ilang oras, bumalik ang tawag. “Kyline, nalaman ko na. Si Jonas ay naglabas ng pera at sangkot sa maraming ilegal na gawain!” galit na ulat ng nasa kabilang linya. “At higit pa doon, he’s a total scumbag! Niloko ka niya. Habang kayo, may lima pa siyang ibang girlfriends! Kaya pala kahit ilang beses kang palihim na nag-invest sa kanya, hindi umangat ang kumpanya niya. Ginamit lang niya ang pera mo para suportahan ang mga kabit niya!”

Habang patuloy ang pag-ulat, lalo pang tumindi ang galit sa tono ng kausap. “Ngayon lang siya nagkaroon ng tens of millions, kaya iniwan kayong lahat. At yong babaeng kasama niya ngayon? Anak ng fruit merchant dito sa lugar natin, worth more than a hundred million. Obviously, he wants to squeeze into the wealthy family by eating rich rice!”

Tahimik na pinakinggan lahat ni Kyline bago ibaba ang tawag. Sa kanyang mga mata, unti-unting sumilay ang talim. “Squeeze into a wealthy family? Jonas, kung makapasok ka man o hindi… depende kung buburahin na kita sa mundong ito.”

Muli niyang hinawakan ang kanyang cellphone, at napangiti ng mapanukso. Naalala niya ang kahilingang ibinigay niya kay Shawn noon, na sana’y matulungan si Jonas sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Constantino.

Pero ngayon? Why would he need the Constantino family, when he prefers to cling to a rich woman instead?

Unti-unting umangat ang gilid ng labi ni Kyline, ang kanyang mga mata ay kumikislap sa kapilyuhan. Marami siyang paraan para tuluyang pabagsakin si Jonas. Ngunit alam niyang kapag siya mismo ang kumilos, agad siyang pagbibintangan ni Shawn, lalo na’t galit ito sa pamilya Gonzaga.

At higit sa lahat, hindi niya pwedeng ilantad ang kanyang tunay na pagkakakilanlan, na siya ay hindi si Karen, kundi si Kyline.

Mas mainam kung gagamitin niya si Shawn bilang sandata. Sa ganitong paraan, makakawala siya nang buo, at may magandang palabas pa siyang mapapanood.

Hindi na siya makapaghintay na makita si Jonas na parang daga sa imburnal, walang ligtas at walang pag-asa pang makabangon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   23

    Habang papalapit ang tunog ng sasakyan sa may gate, mariing pinisil ni Jemma ang kanyang kamao. Muling napatingin siya sa study kung saan naroon si Kyline. Kanina pa niya pinangako na magbibigay ng senyas gamit ang pinto, ngunit ngayon… natigilan siya.Handa na sanang umihip, pero pinigil niya ang sarili. Pinulot niya ang lakas ng loob at bumulong ng mahina sa nakasarang pinto, “I’m sorry…” bago tumalikod at tuluyang tumakas.Sa loob ng study, abala si Kyline sa paghahalughog ng mga libro. Sinusuri niya ang bawat pahina, mabilis ang mata, ngunit wala pa ring bakas ng diary na sinasabi ni Jemma. “Nasaan ba itinatago ni Shawn ang diary na ‘yon?” bulong niya, bahagyang iritado.Bigla na lang bumukas ang pinto. Inakala ni Kyline na si Jemma iyon kaya hindi man lang siya tumingin. “Jemma, can you help me find—”Hindi pa tapos ang salita niya nang isang malamig at malakas na kamay ang biglang pumisil sa kanyang leeg at ibinangga siya sa bookshelf. Napaigik siya sa sakit, halos mawalan ng hi

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   22

    Pagkatapos magtago ni Karen, nagbihis si Kyline ng simpleng itim na palda at sinuotan ng maitim na coat. Lumapit siya kay Jemma.“Jemma, samahan mo ako sa isang lugar.”Naalala niya ang bilin ni Aling Judy na bawal siyang humarap kay Shawn ngayong araw. Pero kung pupunta lang siya para dalawin ang libingan ng ina, siguradong wala namang problema.“Yes, Madam,” mabilis na sagot ni Jemma. Dala agad nito ang payong at tubig bago sila umalis.Pagdating sa sementeryo, biglang huminto si Jemma bago pa sila makapasok. Sanay na nitong pumwesto sa isang sulok sa labas.“Bakit ka huminto?” tanong ni Kyline, napansin ang kilos ng kasama.Mahinang sagot ni Jemma, “Madam, alam ko na po kung bakit kayo narito. Tuwing ganitong panahon, pumupunta kayo para dalawin ang ina ninyo. Pero hindi niyo ako pinapapasok noon, lagi niyo akong iniiwan sa labas.”Nagulat si Kyline. ‘Si Karen… pumupunta rin para mag-alay kay Mama?’Pero kung ganoon, bakit hindi sila kailanman nagkasalubong? Palagi siyang mag-isa s

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   21

    “Oo, Madam. Kaya bukas, bago pa sumikat ang araw, kailangan n’yo nang lisanin ang mansyon.”Tahimik na itinago ni Kyline ang susi at pansamantalang tumugon, “Mm. Naiintindihan ko.”Sa labas ng pinto, nakatayo si Jemma. Bigla siyang nakatanggap ng text mula sa hindi kilalang numero.“Pumunta ka sa kwarto ko.”Pagkabasa, mabilis niyang dinelete ang mensahe. Nagpasulyap-sulyap muna siya, at nang makasiguro na walang nakakakita, palihim siyang pumasok sa isang silid.Isang babae ang nakaupo roon, balingkinitan ang katawan. Umihip ang malamig na hangin, inalog ang mga kurtina, at tinangay ang buhok ng babae kaya natakpan ang kanyang mukha.Lumapit si Jemma at magalang na yumuko. Nang unti-unting maaninag ang mukha ng babae, namutla siya. Maputi at makinis ang balat na parang niyebe, si Rhena.Nakaupo ito sa harap ng salamin habang pinupunasan ang kanyang mukha. Walang pakialam na nagtanong, “How is it? Hindi ka ba pinaghihinalaan ni Karen?”Napakurap si Jemma, biglang naalala ang malaking

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   20

    Mahigpit na hawak ni Kyline ang bolpen habang binilugan niya ang salitang atonement sa papel. “Atonement… ano ba talaga ang ibig sabihin nito?” Hindi lang niya ito nakita sa diary ni Karen, ilang beses na rin niya itong narinig mula kina Shawn at Rhena.Agad niyang pinunit ang papel at inilagay sa shredder. Matalim ang titig niya, puno ng determinasyon. ‘Kung gusto kong malaman ang buong katotohanan… kailangan kong magsimula kay Shawn.’Mayamaya, may kumatok at pumasok si Aling Judy, may dalang mainit na pagkain. “Madam, kumusta na ang pakiramdam ninyo?”Bahagyang tumango si Kyline. “Mabuti na ako.” Paglingon niya, nakita niya si Jemma na nakatago sa likod ni Aling Judy. Balot ng puting benda ang ulo nito, at nang magtama ang kanilang mga mata, bakas ang matinding takot sa mukha ng dalaga.“Jemma…” mahinang tawag ni Kyline.Agad bumagsak si Jemma sa sahig at lumuhod, nanginginig sa takot. “Madam, patawad po! Hindi ko kayo naprotektahan! Patawarin niyo po ako! Huwag ninyo po akong sak

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   19

    Mahigpit na pinisil ni Shawn ang leeg ni Kyline. Hindi siya lumaban. Alam niyang oras na mag-panic siya, siguradong may mahahalata si Shawn.“Who am I? Who else can I be?” mahina ngunit matatag na bulong ni Kyline. “Shawn, I never expect you to believe me. Alam kong para sa’yo… isa lang akong gamit para sa paghihiganti.”Bumagsak ang mga mata niya, puno ng lungkot at sugatang damdamin. Halos isinisigaw ng itsura niya ang kawalan ng halaga at kawalan ng laban.Naningkit ang mga mata ni Shawn. Totoo ngang may atraso ang doktor kay Karen, kaya hindi niya basta matitiyak na tama ang lahat ng sinabi nito. Posible kayang sobra lang siyang nag-aalala?Habang abala si Shawn sa pagdududa, lihim na kumilos si Kyline. Tumingin siya sa doktor at tila hindi sinasadyang pinakawalan ang isang malutong na snap ng daliri.Kasabay niyon, unti-unting kumalma ang doktor. Mula sa pagiging balisa, naging blanko ang mga mata nito, parang inagawan ng kaluluwa.“Sigurado ka ba na nasaktan ako noon?” tanong ni

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   18

    Nagulat si Kyline nang marinig ang mga salita ng doktor. Parang pinagdududahan nito kung siya nga ba si Karen. Lalong hindi siya makapaniwala, oo, si Karen ay ambisyosa at matapang, pero sa pagkakakilala niya, hindi nito kayang pumatay ng tao sa gano’ng kalupit na paraan.“Impossible…” mahina niyang bulong, umiiling.Ngumisi ang doktor na parang baliw. “Just because my mother accidentally saw what those people did! Dahil siya lang ang nakasaksi! Dahil gusto mong manalo sa kaso ng mga mayayaman!” Habang nagsasalita, mas lalo itong nagiging marahas, hanggang sa sumabog sa sigaw. “Kaya pinatay mo siya! Sinira mo ang katawan, sinunog ang lahat ng ebidensya! Karen, a heart like a snake and scorpion, dapat ka sa impiyerno!”Nabigla si Kyline. Hindi niya maunawaan kung bakit papatayin ni Karen ang tao para lang sa isang kaso. Hindi naman ito naghahabol ng pera, mayaman na si Karen. Hindi rin para sa karangalan, dahil isang kaso lang iyon, hindi makakasira sa career. Pero wala na siyang oras

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status