CALISTA
Pauwi na kami ngayon ni Dayne. Napasulyap ako sa kanya na abala sa pagmamaneho. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan ngayon at hindi umiimik. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi. Sa tuwing maaalala ko ‘yun, hindi ko maiwasan ang mainis. Hindi ko alam kung dapat ko ba ‘yung maramdaman. Una pa lang, alam ko naman ang pinasok ko, pero bakit hindi ko maiwasang mainis? Lalo na sa sarili ko?
Napabuntonghininga na lang ako at hindi na inisip ang bagay na ‘yon.
Ilang oras din ang nakalipas nang makarating kami sa bahay. Napakunot pa ang aking noo dahil naroon ang sasakyan ng mga Managers namin.
Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay agad na sumalubong ang galit na galit na mukha nila.
“What’s the meaning of this, Dayne and Cali?” galit na salubong sa amin ni Manager Grace.
Ibinigay niya sa amin ang hawak nitong cell phone. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita.
Gusto kong maiyak. Hindi ito maaari.
“Kalat na kalat na sa social media ang larawan ninyo ni Patrick, Cali. Ano bang pumasok sa isipan mo at hinayaan mong mangyari ito?!”
Hindi ko na napigilan ang sarili kong lumuha. Nakapaloob doon ang nangyari sa amin sa La Union. May larawan doon na yakap-yakap ako ni Patrick at ang isa naman ay videos na sinugod ako ni Klaire.
Napatingin ako kay Dayne. Walang kahit na anong ekspresyon sa mukha niya.
“Paano natin ito masosolusyonan? Malaking eskandalo ito! Hindi pa nga natatapos ang proyekto ninyo, at maaaring makaapekto ito! Ano na lang ang sasabihin ng fans ninyo? Na malandi si Clarisse?!”
“Stop it, Grace! Wala na tayong magagawa. Nandito na ito!” saad ni Manager Luis.
Mas lalong tumulo ang luha ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung naging maingat lang sana ako, hindi mangyayari ang mga bagay na ‘to.
“S-sorry po. H-hindi ko po sinasadyang m-mangyari ito.”
“I’ll fix this,” malamig na saad ni Dayne at saka umalis.
Gusto ko siyang pigilan at humingi ng tawad sa kanya. Ngunit hindi ko magawa dahil masyado akong nahihiya sa mga nangyayari.
“We’ll fix this!” biglang saad ni Manager Luis kasabay no’n ang pagsunod nila kay Dayne.
Nang makaalis ang mga ito ay doon malayang bumuhos ang luha ko. Hindi ko inaasahan ang bagay na ‘to. Nang dahil sa akin ay nasira ang pangalang iniingatan ni Clarisse. Ngunit lahat ng iyon, ay pagkakamali lang. Ganito ba talaga ang buhay ng mga artista? Kahit hindi totoo ay ikakalat nila?
Ilang oras ang nakalipas nang hindi nawawala ang kaba at pag-aalala sa d****b ko. Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang solusyong gagawin nila ni Dayne. Para na akong masisiraan ng ulo. Imbes na mauwi sa maganda ang plano ay mas lalo pa akong nakagulo.
“Ma’am Clarisse? Nandito po si Misty,” anunsiyo ni Manang.
Doon ay nakita ko ang kapatid ni Dayne na may dalang maleta.
“Misty. . .”
“I’ll stay here for three months. Katulad ng dati.”
Pinilit kong ngumiti at tumango.
“Nagugutom ka ba? Gusto mo bang ipaghanda kita?”
“Don’t act like as if nothing happened, Ate Clarisse! Akala mo po ba hindi ko nabalitaan ang nangyari? Katulad ka pa rin ng dati!”
Padabog na umakyat si Misty. Habang ako ay naiwang nakatulala. Anong ibig niyang sabihin? Hindi ko maintindihan.
Wala akong ibang nagawa kundi ang umakyat sa kwarto ko. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga nangyayari ngayon. Ang pagkalat sa maling balita at ang binitiwang salita ni Misty.
Hindi ako mapakali. Naramdaman ko ang mainit na likidong lumabas sa aking mga mata. Gustuhin ko mang pumunta kay Dayne ngunit wala akong magawa. Kinuha ko rin ang cell phone na ibinigay sa akin ni Dayne. Gusto kong tawagan si Patrick at Klaire dahil sa nangyari. Alam kong tanging sila lang ang makakapagpaliwanag nito.
Naramdaman kong muli ang mainit na likidong umagos sa aking mukha. Tila ba ayaw nitong tumigil dahil sa lahat ng mga nangyayari.
--**--
“Ma’am Clarisse?”
Nagising ako sa isang pagkatok. Doon ko namalayan na nakatulog pala ako dahil sa pag-iyak. Nang tignan ko ang orasan ay alas-otso na pala ng gabi.
Tumayo ako at binuksan ang pinto. Tumambad sa akin si Manang na may dalang pagkain sa tray.
“Hindi pa po kayo kumakain magmula pa kanina, Ma’am. Kaya naisipan ko pong dalhan kayo ng pagkain.”
“Maraming salamat po,” saad ko at kinuha ang hawak niyang tray.
Aalis na sana siya ngunit agad ko siyang pinigilan.
“Si Dayne po ba, nandito na?”
“Opo, Ma’am. Nasa kwarto ho niya”.
Tumango na lang ako kasabay no’n ang tuluyang pag-alis ni Manang.
Ilang minuto ang lumipas nang hindi ko nagagalaw ang pagkain ko. Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang ginawa nilang hakbang para malutas ang issue na ito. Nag-aalala ako sa maaaring maging resulta ng lahat ng ito.
Dahil wala akong gana ay naisipan ko na lang itong dalhin sa kusina. Tatawagin ko sana si Manang na kasalukuyang nagliligpit ngunit agad din akong napatigil nang marinig ko ang usapan nila.
“Hindi na talaga nagbago si Ma’am Clarisse.”
“Oo nga. Ang akala ko pa naman ay magbabago na siya matapos niyang ikasal kay Sir Dayne.”
“Kawawa naman si Sir. Palagi na lang siyang nasasaktan.”
Nanlaki ang aking mga mata sa mga naririnig. Agad akong tumakbo at iniwan sa mesa ang tray. Anong ibig nilang sabihin tungkol kay Clarisse? Ano ba talaga ang nakaraan nilang dalawa?
Napatigil ako sa pagtakbo nang madaanan ko ang nakabukas na T.V at doon ay nanlaki ang aking mga mata. Kasalukuyang ini-interview si Patrick at Klaire.
“This is Klaire Sarmiento, the girl I love for more than three years.”
“What can you say about the issue? About the argument between Klaire and Clarisse? Is it true that you are the reason behind that?”
“Actually, It is all my fault.” Ramdam ko ang pagtibok nang mabilis ng puso ko nang biglang magsalita si Klaire. “Walang kasalanan si Clarisse dahil ako ang biglang sumugod sa kaniya. Inaamin kong naging padalos-dalos ako nang makita ko silang magkayakap without knowing the reason behind that. Parang kapatid na ang turing ni Patrick kay Clarisse at ako na ang maglilinaw sa inyong lahat. Walang namamagitan sa kanilang dalawa. In fact, masaya po silang dalawa ni Dayne at gano’n din po kami ni Patrick. I’m sorry sa lahat ng sumusuporta kina Dayne, Clarisse at Patrick.”
--**--
ILANG linggo matapos mangyari ang interview nina Klaire at Patrick. Sa kabila ng mga nangyari ay nagpatuloy pa rin kami dahil gano’n daw talaga ang buhay ng artista. Hindi maiiwasan ang gano’ng pangyayari dahil kahit anong gawin ay may mga taong pilit na naninira.
Matapos ang interview nina Klaire at Patrick, nabawasan na ang mga bashers sa internet. Hindi man lahat ngunit mas nangibabaw pa rin ang pagmamahal at suporta nila kina Dayne at Clarisse.
Isa pang bagay ang gumugulo sa utak ko ngayon. Si Misty. Pansin ko ang bawat pag-iwas niya sa akin. Bigla ko tuloy naalala ang mga binitawang salita niya sa akin.
“Don’t act like as if nothing happened, Ate Clarisse! Akala mo po ba hindi ko nabalitaan ang nangyari? Katulad ka pa rin ng dati!”
Katulad pa rin ako ng dati? Wala akong naiintindihan sa nangyari dahil hindi naman ako si Clarisse. Isa pa, ano bang nakaraan nila at gano’n na lang umasta si Misty? Pati na rin ang mga kasambahay dito sa bahay?
Kasalukuyan kaming pinagpapahinga ni Direk. Nandito ako ngayon sa set na mag-isa. Umalis kasi si Dayne dahil may kausap ulit ito sa cell phone niya.
Nagpasya na muna akong magtungo sa comfort room. Nang makarating ako roon ay laking gulat ko na lang na naroon si Klaire.
Nakita ko ang masamang tingin nito sa akin kaya’t bahagya akong umiwas ng tingin.
“Uhm, K-Klaire. . .” pigil ko sa kaniya.
Tumingin naman siya sa akin ngunit hindi pa rin naaalis ang masamang tingin nito sa akin.
“S-salamat. . .”
“For what?”
“S-sa interview. . .”
Nakita ko ang paglunok niya at bahagyang pagtaas ng kaniyang isang kilay.
“So you’re expecting na ginawa ko iyon para sayo? Inako ko ang kasalanan na ‘yon not because of you. Don’t expect na ginawa ko iyon para kalimutan ang ginawa mo. Ginawa ko ang bagay na ‘yon dahil ayokong masira ang pangalan ng pinsan ko.”
“P-pero, K-Klaire. . . W-wala kaming masamang—”
“Shut the fuck up, Cali! Nang dahil sa ginawa mo, nasira ang pangalan nina Clarisse at Patrick! Pati na rin ako dahil sa lintik na interview na ‘yon!”
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Hindi ko ginusto ang mga bagay na ‘to.
“But despite all of that. Gusto ko pa ring tulungan si Dayne. Just please, do your job. Just for Dayne.”
CALISTAI was staring my self at the full length mirror wearing a spaghetti strap black dress pair with black pin heels. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nananatili rito.Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa kaba. May live interview kasi kami ni Dayne ngayon sa isang evening show. Kakatapos lang ng taping namin last week pero sunod-sunod na ang nag-i-invite sa amin ni Dayne. Hindi ko maiwasang isipin, ano kaya ang mangyayari sa akin mamaya? Baka magmukha akong ewan kapag nasa harapan na ako ng maraming tao. Isa pa, baka sa isang salita ko lang ay magkamali ako lalo na’t kakatapos lang ng issue. May mga taong mas naniwala sa sinabi ni Klaire ngunit ang ilan naman ay hindi.“What took you so long?” Salubong agad ni Dayne sa akin pagkababa ko ng hagdan. Bigla siyang natigilan nang tuluyan na niya akong makita. Tinitigan niya ako magmula ulo hanggang paa. Nailang ako dah
CALISTA“Bakit ka pumayag?”Nagmistula akong parang isang yelo, hindi ko magawang igalaw ang sarili kong katawan. Halos matumba rin ako dahil sa sobrang panginginig ng tuhod ko. Bakit siya narito?“C-Clarisse. . .”Wala akong ibang masabi. Bakit ganito? Bakit siya nagpapakita sa akin?“May oras ka pa! May oras ka pa, Cali!” Tinakpan ko ang sarili kong tainga dahil nabibingi ako sa paulit-ulit na tinig na iyon.“T-tama na p-please!”“Mamamatay ka, Cali! Katulad ko ay papatayin ka rin nila! Mamamatay ka!”Habol-habol ko ang aking hininga! Napahawak ako sa may gawing pisngi ko at basang-basa iyon ng luha. Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.
CALISTAHINDI ko alam kung saan ako lulugar sa bahay na ito. Tatlong araw na ang lumipas matapos mangyari iyon. Todo iwas sa akin si Dayne at gano’n din ako. Inaamin kong natakot ako sa kaniya ngunit hindi ako galit sa kaniya. Siguro nga gano’n talaga. Kamukha ko ang fiance niya at lasing siya noong mga oras na ‘yon. Isabay pa ang pangungulilang nararamdaman niya kay Clarisse.“Ate Clarisse?”“H-ha?”“Kanina pa po kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin. Pareho kayo ni Kuya. I mean, both of you are acting weird.”“I-I’m sorry. Ano nga ulit ‘yon?” tanong ko para maiba ang usapan.“Magpapaturo po sana ako ng homework ko, eh.”“Ah,” biglang nasaad ko at saka kinuha ang notebook at libro niya. Binasa ko iyon at i
CALISTA“Nate. . .”Napalunok ako nang bigla itong umiwas ng tingin.“Narito ka na pala,” malamig na pagkakasaad nito. Bahagya akong nalungkot dahil pakiramdam ko ay galit ito sa akin.Lalapitan ko sana siya ngunit dumating na si Lola Paz kasama si Miko.“Magmeryenda muna kayo,” saad ni Lola sabay lapag ng turon sa may mesa. “Nathan? Nandito ka na rin pala. Halika, samahan mo ang kababata mo kasama ang kaibigan niya,” dugtong ni Lola.Nagulat na lang ako nang biglang naglakad si Dayne palapit kay Nate.“Dayne, Pare.” Nilahad niya ang isa niyang kamay ngunit tinanguhan lang siya nito.“Busog pa ho ako, Lola,” tipid na sagot ni Nate saka umalis.“Naku! Pagpasensyahan niyo na ang batang iyon!
CALISTANAGISING ako nang maaga. Dahil dalawa lang ang kuwarto rito, magkasama kami ni Dayne sa iisang kwarto ngunit mas pinili niyang matulog sa lapag. Nang tignan ko si Dayne ay kusa na lang nahulog ang panga ko nang makita kong wala na siya roon.'Hindi kaya ay hindi siya nakatulog nang maayos kagabi?'Nang maayos ko ang aking hinigaan ay agad akong lumabas ng kuwarto. Naabutan ko na lang si Lola Paz na kasalukuyang nagluluto ng almusal."Lola," saad ko at agad naman siyang napalingon sa akin."Oh, Cali. Gising ka na pala."Ngumiti ako at tumango. Inilibot ko ang aking paningin. Pansin kong tanging si Lola lang ang narito sa loob ng bahay. Nang tignan ko ang orasan ay alas-sais pa lang ng umaga."Uhm, Lola, nakita niyo po ba si Dayne?""Ah, oo. Nasa labas siya. Maaga ngang nagisin
CALISTA Alas-diyes na ng umaga, ngunit ayoko pang gumising. Napuyat kasi ako kagabi dahil sa kakaisip dahil sa mga binitiwang salita ni Dayne. Babaguhin niya ang Alta Vieza? Paano? Napakunot ang aking noo nang makarinig ako ng ingay sa labas ng kwarto. Sari-saring boses ang naririnig ko habang ang iba ay nagtatawanan. Nang bumangon ako ay naabutan ko si Lola Paz na naghahanda ng napakaraming prutas sa tatlong basket. Sigurado ako na pananim iyon lahat ni Nate. Mayroon ding isang bilao ng pansit. "Lola, ano pong meron?" Nabaling ang atensyon sa akin ni Lola. Agad namang kumorte ang ngiti nito sa labi bago magsalita. "Kaarawan kasi ni Miko ngayon." Nanlaki ang mga mata ko. "Kaarawan po?" gulat na gulat kong tanong. Tumango ito. "Sorry po, Lola. Nawala po sa isip ko." Napal
CALISTA"I will surely miss this place."Napatingin ako kay Dayne na kasalukuyang nagmamaneho. Katulad niya ay mami-miss ko rin dito sa Alta Vieza."Pwede naman tayong bumalik dito, Dayne, eh," saad ko at binalik ang tingin sa labas ng bintana.Napabuntonghininga ako. Masyadong mabigat sa loob na iwanang muli ang Alta Vieza. Kahit pa masyadong mahirap sa lugar na 'to ay narito pa rin ang puso ko. Kung papipiliin man ako, dito ko pa rin gustong manirahan. Kaso, hindi pa natatapos ang misyon ko bilang isang substitute wife ni Dayne. Isa pa, hindi ko pa rin nahahanap ang kasagutan sa lahat ng tanong ko. Kung ano nga ba ang totoo kong pagkatao.Isa pang nagpapagulo sa isipan ko ay ang pag-alis ko sa lugar na ito nang hindi nakakausap si Nate at Madge. Masakit para sa akin na masaktan si Nate. Hindi ko alam o wala man akong ideya na may nararamdaman pala siya
CALISTA “C-Cali . . . P-Please help me!” Napatutop ako sa sariling bibig dahil sa aking nasasaksihan. Hindi ko siya kayang tignan. Tagaktak na ang pawis ko sa noo at sobrang bilis ng pintig ng puso ko. “C-Clarisse,” nasambit ko. Naliligo na siya sa sarili niyang dugo at pilit niyang inaabot ang aking kamay. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Gustuhin ko mang sumigaw at humingi ng tulong ngunit tila mayroong pumipigil sa akin. “H-hindi ko kaya, Cali. H-hindi ko pa kayang iwanan si Dayne! Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako!” Garalgal na ang boses niya at nanghihina na. Pilit pa rin niyang inaabot ang kamay ko kaya’t humugot ako nang malalim na hininga at lakas para abutin iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kanyang kamay na unti-unting naglalaho. Ang kanina