Share

KABANATA 39

last update Last Updated: 2025-07-05 21:16:35

Kasalukuyang taon...

SA MUNDO NG MGA TAO

Pangalawang araw na nila Misan sa bahay nila Mang Rios at Aling Sabelia. Ilang araw na siyang may malalim na iniisip. Ilang gabi na siyang walang saktong pahinga. Matapos nilang makapag-usap ni Zabel nang araw na iyon ay sinabi ng babae na pareho sila ng duda na si Rycon at Prinsipe Zumir ay iisa.

Alas singko y media ng umaga ay tumulak na siya palabas ng silid nila ni Zabel at ng kaniyang ina na si Meryam. Nais niyang maglakad-lakad upang makalanghap ng sariwang hangin at upang makapag-isip ng maayos.

Pinili ni Prinsipe Zumir na manirahan ang dating mga magulang nito sa kabundukan kung saan maraming mga puno at napapaligiran ng naglalakihang bato upang huwag silang masunog sa init ng araw. Iba ang mundo ng mga tao, nagpapakita ang araw dito. Sa mundo ng mga bampira ay palaging makulimlim ang paligid at kahit ganoon ay nabubuhay pa rin ang mga halaman lalong-lalo na ang mga bulaklak.

Nang makalabas siya ng bahay ay naabutan niya si Aling Sabeli
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 61

    Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULMuling nagsalpukan ang kanilang mga espada. Ang bawat hampas ay nagdudulot ng lindol sa ilalim ng kanilang mga paa, at bawat pagsabog ng enerhiya ay nagpapalipad sa mga bato’t alikabok sa kalangitan. Ang kanilang mga mata ay tila apoy sa gitna ng unos, puno ng poot, determinasyon, at sugatang dangal.Si Prinsipe Zaitan ay halos hindi na humihinga sa tindi ng labanan, ang puting apoy ng kaniyang mahika ay patuloy na umaalab sa kaniyang mga palad. Samantalang si Prinsipe Zumir, na muling nakabawi ng lakas mula sa dugo ni Sastareus, ay nagliliyab sa mapulang enerhiya ng kadiliman. Ang bawat galaw niya ay tila halimaw na nagising mula sa mahabang pagkakatulog.Malamig, mabilis, at nakamamatay.Nagbanggaan muli ang kanilang mga espada. Mula sa kanilang mga katawan ay nagsabog ng liwanag. Puti laban sa itim, liwanag laban sa anino. Sa bawat hampas ay may kasabay na pagsabog ng kulog.“Hindi na ito laban ng dangal, Kamahalan!” sigaw ni Prinsipe Zumir habang pi

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 60

    Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULMahigit sampung dipa ang layo ng mga mata nila Prinsipe Zumir at Prinsipe Zaitan habang malakas na sinasayaw ng malamig na ihip ng hangin ang kanilang mga kapa. Makulimlim ang kalangitan, ang mga ulap ay tila lumalapit sa dalawang bampirang puro makapangyarihan at nag-aagawan sa trono."Ikaw nga ay tunay na may dugong itim... Napaniwala mo akong ikaw ay tunay na kaibigan, tinrato kita na parang aking kapatid, ngunit lingid sa aking kaalaman ay ikaw pala ang bampirang labis kong pinaghandaan sa aking buong buhay... Ito ang unang paghaharap natin bilang ikaw ay si Prinsipe Zumir... Tama ba, Rycon?" madilim ang mga matang sambit ni Prinsipe Zaitan.Lumakas ang ihip ng malamig na hangin, maging ang kulog ay maririnig na rin sa kalangitan. Hinawakan ni Prinsipe Zumir ang espadang nasa kaniyang tagiliran at saka nagsalita."Hindi ko batid kung ako ba ay hihingi ng paumanhin o ikaw ay sasabihan ko ng katotohanan, ngunit alam ko na ikaw ay hindi rin naman manin

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 59

    Taon 1805...KAHARIAN NG SARSUL"Kamahalan, marami ang nasawing kasamaan sa digmaan, at umurong na ang mga dakilang lobo matapos matalo ng Supremo ng mga itim si Pinunong Harez at mapaslang ang kaniyang dalawang mga anak." Bulong ni Sandaro, ang isa sa mga itim na bampira na kasama sa pagsugod."Nasaan sina Ate Amira at Lola Luela?" Tanong ng Prinsipe.Hindi agad nakasagot si Sandaro dahilan upang mas lalong mapatingin sa kaniya si Prinsipe Zaitan."Parehong nasawi ang dalawa, kamahalan. Si Prinsesa Amira ay napaslang ng mahikerang si Usban at ang Tandang Luela, ayon sa ating mga kasamahang nakasaksi ay kinitil nito ang sariling buhay matapos mapaslang si Usban." Sagot ni Sandaro.Hindi makapaniwala si Prinsipe Zaitan sa kaniyang mga naririnig na mga ulat mula kay Sandaro. Hindi niya lubos maisip na wala na ang natitirang mga kamag-anak niya na palaging nasa kaniyang tabi noong mga panahon halos humalik na siya sa lupa.Kumuyom ang kaniyang mga palad at mariin na ipinikit ang kaniyang

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 58

    Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULTila bumulong ang hangin kay Tandang Luela nang marinig mula sa 'di kalayuan ang iyak ni Prinsesa Amira. Iyak ng isang dagliang pagkapaslang. Nagkulay pula ang kaniyang mga mata, nagsilabasan ang mga ugat sa kaniyang mga braso at sa kaniyang leeg. "Saan ho kayo magtutungo?" Tanong ni Analya, isa sa mga dalagitang puti na nakapansin ng agarang pagtalikod ni Tandang Luela habang ang mga matatalas na paningin ay nakatingin sa isang direksyon."Siguraduhin niyo na mauubos ang lahat ng itim na naririto." Aniya, tinutukoy ang mga kalabang itim sa mga oras na iyon."Pero—" hindi na naggawang tapusin ni Analya ang sana ay sasabihin nang tumalikod na ang matanda.Sa isang iglap, gamit ang puting mahika ay narating ni Tandang Luela ang kinaroroonan nina Usban, Inang Reyna Zenya, at Reyna Zafi. Mas lalong nanlisik ang mga mata ni Tandang Luela nang makita ang pamilyar na bestida at balabal na prenteng nakakalat sa tuyong lupa. Ang kasuotan ni Prinsesa Amira ay n

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 57

    Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULNapangisi si Prinsesa Amira nang makita sina Prinsesa Xesha, Reyna Safi, at Inang Reyna Zenya na nagmamadaling nagtatakbo nang makita sila. Bakas ang takot sa mga mata ng tatlo habang pumupuslit."Saan kayo magtutungo?" mala-hangin sa bilis na hinarang niya ang tatlo at isa-isang itinulak gamit ang palad na may puting mahika.Tumilapon si Prinsesa Xesha sa may batohan dahilan upang mabali ang kaniyang tadyang. Humiyaw ang Prinsesa dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman habang sinusubukang makatakas."Anak!" Sumigaw si Reyna Zafi at nilapitan ang kaniyanv anak. Akmang gagamitan ng mahika ni Prinsess Amira ang mag-ina nang biglaang tumakbo si Inang Reyna Zenya at humarang sa harapan ng dalawa."Ako na lamang ang iyong saktan, huwag na sila!" Sigaw ng Inang Reyna."Kamahalan, kayo ay umalis riyan." ani Reyna Zafi.Umiling lamang si Inang Reyna Zenya."Nilalamon ako ng aking konsensiya nang hayaan kong mamatay ang ating mga kasamahan, hinding-hindi ako nar

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 56

    Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULNagharap sina Supremo Atcandis at Pinunong Harez. Parehong may mag matatalim na tingin sa bawat isa na may malalim na pinanghuhugutan. Unti-unting nagkukulay dugo ang mga mata ng Supremo, nagsilabasan ang mga naglalakihang ugat sa leeg at braso, at ang unti-unting pagtalim ng kaniyang mga kuko. Habang si Pinunong Harez ay nagsisimulang magkulay tanso ang mga mata, nanalim ang mga pangil, at ang dahan-dahang pagpapalit anyo bilang lobo."Hindi-hindi ko mapapatawad ang lahi ninyo, Atcandis. Tandaan mong gagawin namin ang lahat mabura lamang kayong mga itim sa buong kasaysayan ng mga bampira." galit na galit na sambit ni Pinunong Harez.Malamig na nakatingin si Supremo Atcandis sa Pinuno ng mga lobo habang parehong tinatangay ang mga kapa nila ng mahinay hampas ng malamig na hangin."Ang atraso ng aking mga ninuno ay hindi magiging akin, Harez. Hindi ako ang pumatay kay Savanna kaya wala kang dahilan upang—" hindi naggawang tapusin ni Supremo Atcandis ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status