Share

Kabanata 17

Author: Ginger Bud
"Mr.Goldmann, bakit mo naman naisip na sinadya ko iyon? ang tanging ginawa ko lang ay ipareha ka kay Willow, hindi ha?" Paliwanag niya habang nagpupumiglas.

Sapilitan siyang hinila ni Nolan, at muntik nang bumagsak si Maisie sa mga braso niya.

Malamig ang kaniyang boses. "Ikaw ang nagsabi kay Willow na imbitahin ako sa bahay ng mga Vanderbilt. At iyon ang pinaplano mong gawin?"

Nagulat si Maisie at nagduda. Saka siya tumingala, pinantayan ang tingin ni Nolan at natawa. "Ako pala ang nagsabi kay Willow na imbitahin ka sa bahay ng mga Vanderbilt? napakaganda ng reputasyon ko, ano?"

Mariin at malamig ang titig ni Nolan. "Maisie Vanderbilt, wala ka sa posisyon para pakialaman ang kung anumang mayroon sa amin ni Willow. Wala akong pakialam kung anong balak mo, huwag kang umaktong parang isa lanh wisenheimer."

"Nolan, mayroon akong sasabihin sa iyo ngayon. Hindi ko sinabi kay Willow na imbitahin ka rito. Kahit na hindi ko alam kung anong sinabi sa iyo ni Willow, wala akong kinalaman rito."

Tinabig ni Maisie ang kamay ni Nolan at seryosong sinabi, "Wala akong pakialam sa kung anumang mayroon sa inyong dalawa. Kaya bumalik ka na at sabihin mo sa girlfriend mo na huwag ituro sa akin ang mga daliri niya sa tuwing kailangan niya ng mapapasahan ng sisi. Hindi ako kung sino lang na pwede niyang banggain kung kailan niya gusto!"

Wala ng pakialam si Maisie sa imahe at mga salitang sinasabi niya dahil sa matinding galit. Tumalikod siya at aalis na sana pero bigla siyang hinila ni Nolan papasok ng sasakyan.

"Mr. Goldmann, anong ginagawa mo? bitawan mo ako!" Tinulak ni Maisie ang naka-lock na pinto sa likod at tiningnan nang masama si Nolan na papasok pa lang ng sasakyan. "Nolan Goldmann, pakawalan mo ako, o tatawag ako ng pulis!"

"Gawin mo ang gusto mo." Hindi siya pinansin ni Nolan at pinaandar na ang sasakyan.

Si Willow na kalalabas pa lang ng bahay ay nakakuyom ang mga kamao habang pinapanood ang pag-alis ng sasakyan.

Minaneho ni Nolan ang kotse sa kawalan at hininto ang kotse. Alerto siyang tinitigan ni Maisie. "Anong ginagawa mo? nasa gitna tayo ng kawalan. Plano mo ba akong patayin dito?"

"Lumabas ka," Dalawang salita lang ang sinabi ni Nolan.

Pinagmasdan ni Maisie ang kadiliman sa labas ng sasaktan at nagtanong, "Gusto mong bumaba ako dito?"

Tila wala ng pasensya si Nolan. "Sinasabi mo bang hindi mo naiintindihan ang simabi ko? lumabas ka ng kotse!"

Nag-alinlangan si Maisie, tinulak niya ang pinto, at lumabas ng sasakyan. Kaagad na nagmaneho paalis si Nolan pagkatapos masara ng pinto.

Habang pinapanood ang paglalaho ng ilaw ng sasakyan, sumigaw si Maisie. "Mr.Goldmann, ang lakas ng loob mo!"

Napakadilim ng paligid, at hindi na makita ang dulo ng walang katapusang highway.

Maririnig ang tunog ng mga insekto na nagmumula sa gubat. Inilawan niya ang paligid gamit ang flashlight ng kaniyang cellphone at naglakad sa kabilang bahagi ng kalsada. Mga bato at tubig-dagat lang ang nasa ilalim ng bangin sa gilid.

Gustong tumawag ni Maisie ng taxi, pero walang signal sa lugar na ito.

'Hindi naman siguro ganoon kasama kung dito ako magpapalipas ng gabi, tama?'

Matagal na minaneho ni Nolan amh kotse bago niya ito hininto sa gilid ng kalsada. Hindi niya alam kung anong problema sa kaniya, pero talagang nawalan siya ng pasensya kanina.

'Nakakainis talaga ito. Akala ko talaga ay si Maisie ang nagsabi kay Willow na imbitahin ako sa bahay ng mga Vanderbilt para lang kausapin ako tungkol sa pagpapakasal kay Willow.

'Hindi ko kailanman inamin sa publiko na girlfriend ko si Willow. Kahit na si Stephen at nanay ni Willow ay walang lakas ng loob para tanungin ako kung kailan ko papakasalan si Willow. At wala nga akong plano na pakasalan si Willow, kahit na si Willow ang babaeng nakatalik ko noong gabing iyon.

'Pero ang sabi ni Maisie ay hindi siya ang nagsabi kay Willow na imbitahin ako sa bahay ng mga Vanderbilt. Kung ganoon, bakit sinabi sa akin ni Willow na si Maisie ang nagsabi non? nagsisinungaling ba si Maisie, o nagsinungaling sa akin si Willow?'

Nagsalubong ang mga kilay ni Nolan, at hindi na naman siya mapakali.

'Mag-isa lang ang babaeng iyon sa lugar na iyon… Natatakot na siguro siya ngayon, ano?

Pinaikot niya ang sasakyan at nagmaneho pabalik.

Nang bumalik siya sa lugar kung saan niya ito iniwan, nakita niya si Maisie na nakaupo sa isang bato na kaharap ng beach.

Nakaupo nang tuwid ang maganda nitong anino, at nakalugay amg mahaba, makapal at kulot nitong buhok. Sinuklay nito ang buhok gamit ang mga daliri, nagsuot mg hairband, at nabunyag ang manipis nitong leeg. Para siyang isang napakagandang swan.

Binalot ng langit sa gabi ang katawan niya na para bang isang misteryosong gasa, sinuman ay gugustuhing punitin ang gasang ito.

Lumingon si Maisie at nagulat sa lalaking nakatayo sa likuran niya. Nakangisi niyang sinabi, "Akala ko ay balak talaga akong iwanan nang magdamag ni Mr.Goldmann dito. Hindi ko inakalang makokonsensiya ka, huh?"

Kumunot ang noo ni Nolan habang pinapanood niya si Maisie na tumayo at lagpasan siya. Hinala niya ay humahanga siya isang supernatural figure. Mas lalong ayaw niyang aminin na mayroon siyang naiisip na mainit sa pagtingin lang sa babae habang tinatali nito ang buhok.

Lumapit si Maisie sa likuran ng kotse at akmang bubulsan ang pinto nang marinig niya ang boses sa likuran. "Sa harapan ka umupo."

Lumingon sa kaniya si Maisie.

Walang emosyon ang kaniyang tono. "Hindi mo ako driger."

Sumakay sa kotse si Nolan pagkatapos sabihin iyon.

Naglakad si Maisie patungo sa harap ng passenger seat, sumakay sa kotse at naupo. "Mr. Goldmann, magulo kayong lalaki."

Hindi siya pinansin ni Nilan at nagmanehong madilim ang mukha.

Hindi na rin nag-abala si Maisie na makipag-usap sa kaniya. Sinandal niya ang ulo sa kaniyang kamay at dumikit sa bintana ng kotse. Nang makaalis sa kadiliman ang kotse, tumunog ang cellphone ni Maisie.

Tiningnan niya ang kaniyang cell phone- si Wayton ang tumatawag!

'Oh my God, 9:30 om na! Nag-aalala na siguro sila nang sobra dahil hindi pa ako nakakauwi nang ganitong oras.'

Sinagot niyanang tawag, at kaagad na naging banayad ang kaniyang tono. "Hello, sweetheart?"

Nagdilim ang ekspresyon ni Nolan. 'Sweetheart? mayroon ba siyany boyfriend?'

"Pasensya na, mayroon lang nangyari at nagkaroon ng delay. Pauwi na ako ngayon, kaya hintayin mo na lang ako sa bahay. Muack~See you." Pinatay ni Maisie ang tawag.

Suminghal ang lalaki sa tabi niya. "Boyfriend?"

Sinulyapan siya ni Maisie habang malapad ang ngiti. 'Oo, ang lalaki sa buhay ko."

'Hindi lang isang 'lalaki' ang naghihintay sa akin sa bahay, kung hindi dalawang lalaki!

Walang sinabi si Nolan, pero mas lalo siyang nakaramdam ng pagka-irita.

Pinalabas niya kaagad ng sasakyan si Maisie nang makarating sila sa downtown. Salamat sa hindi maipaliwanag na attitude ni Nolan, ang tanging nakuha lang ni Maisie sa byahe nila ay ang gulat niyang mukha.

10:00 pm na nang makauwi siya, itinabi ni Waylon ang tsinelas niya at kumunot ang noo. "Mommy, mayroon ka bang kasamang masamang lalaki kanina?"

Tumawa nang malakas si Maisie. "Paano mo nalaman?"

Humalukipkip si Waylon at nagpaliwanag. "Tinatawag niyo lang kaming sweetheart sa phone kapag mayroon kayong kasamang masamang lalaki."

'Pro na si mommy pagdating sa ganiyang mga sitwasyon. Noong nakatira kami sa ibang bansa, magpapadala siya ng message kay Colton o sa akin at sasabihin na magpanggap kaming boyfriend o asawa niya sa tuwing tinatawag siya ng mga lalaking hindi niya gusto.'

Lumuhod si Maisie at hinaplos ang maliit na pisngi ni Waylon. "Ang matalino kong anak, bawat detalye talaga ay naaalala mo, huh. Nasaan sina Colton at Daisie?"

"Nakatulog na sila."

Tinapik niya ang ulo ni Waylon. "Salamat. Palagi mong inaalagaan ang mga nakababata mong kapatid kapag wala si Mommy sa bahay."

Binuka ni Waylon ang mga kamay. " Ako ang panganay, hindi ba?"

******

Sa Vaenna Jewelry…

Naglakad si Maisie papunta sa elevator at papasok na sana, pero naabutan siya ni Willow at hinila siya.

"Willow Vanderbilt, naghahanap ka ba ng away?" Binawi ni Maisie ang kamay at nginisian si Willow.

"Maisie Vanderbilt, hindi ko inasahang mayroon ka pa lang balak, huh?"

"Anong binabalak ko?" Tumawa si Maisie.

Nagngalit ang mga ngipin ni Willow at tiningnan nang masama si Maisie na para bang gusto niya itong punitin. "Hindi ba't binalaan na kita na huwag magkaroon ng interes kay Nolan? Anong ginawa niyo kagabi?"

Nakita niyang sumakay si Maisie sa kotse ni Nolan, at hindi na bumalik si Nolan kagabi.

'Siguradong inakit ng bruhang ito si Nolan!'
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
excited ako sa oras na malaman no Nolan na hindi namam talaga ikaw ang nakatalik nya nung gabing yon Willow
goodnovel comment avatar
Reymalyn agamata
why is not loading when i reached the level 18?
goodnovel comment avatar
Julie AnnCandole Alfonte Mahinay
bakit po nka lock Ang kabanata 20?
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2771

    “Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2770

    Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2769

    “Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2768

    Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2767

    Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2766

    ”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status