Share

Kabanata 3

Author: Ginger Bud
Ang matalim na tingin ng lalaki ang tumambad kay Maisie nang lumingon siya. Natulala siya dahil sa mukha nito.

Maputi ang balat ng lalaki, napakaganda ng features ng mukha nito, kapansin-pansin ang kulay amber nitong mga mata na tila mayroong tinatagong lalim, at isang linya ng maninipis na labi na kasing talim ng kutsilyo.

Kamukhang-kamukha nito sina Colton at Waylon. Pareho din sila ng kulay ng mga mata!

Nalaman lang ni Maisie na triplets ang magiging anak niya noong nasa labor na siya sa Stoslo. Walang namana sa itsura niya ang panganay at pangalawa niyang anak. Pero, mayroong kaunting pagkakahawig sa kaniya ang bunso na mayroong itim na itim na buhok–kapareho din ng lalaking nakatayo sa harapan niya ngayon.

Nagdilim ang mga mata ni Maisie habang tinititigan niya ang lalaki sa harapan niya.

‘Sino ang lalaking ito? Anong relasyon niya kay WIllow?’

Naka-focus ang mga mata ni Nolan Goldmann sa mukha ni Maisie. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. ‘Ang babaeng ito…’

Nang makitang tinititigan ni Nolan ang mukha ni Maisie. Nagngalit ang mga ngipin ni WIllow. ‘Lagot, hindi naman siya nakikilala ni Nola, hindi ba?’

Hindi niya hahayaang mangyari iyon!

Hinawakan niya ang braso ni Nolan, at habang nagpapaawa ay sinabi niyang, “Nolan, pasensiya ka na, hindi dapat ako nagpadalus-dalos. Pero binuhos ng tatay ko ang buong puso niya sa Vaenna Jewelry. Ginawa ko lang iyon dahil kong protektahan ang kumpanya.”

Kasing lamig ng yelo ang mga tingin ni Nolan. Hindi niya pinansin ang paliwanag ni WIllow at humakbang paabante. “Malulugi ang Vaenna Jewelry? Anong karapatan mong sabihin iyon?”

Ngumisi si Maisie. BInuhos ng tatay niya ang buong puso niya para rito? Please, ang tanging ginawa lang ng tatay niya ay magtago sa lilim ng isang punong iba ang nagtanim. Magaling talagang gumawa ng kwento si WIllow.

Tumingala si Maisie at diretsong tiningnan sa mga mata si Nolan Goldmann. “Ano naman kung sinabi ko nga iyon?”

Lahat ng tao ay nagpigil ng hininga nang marinig nila iyon.

Ang lakas ng loob ng babaeng iyon na sagutin si Mr. Goldmann!”

Gusto niya bang mamatay?

Nang makitang sumama ang itsura ni Nolan, humalukipkip si Maisie at ngumiti. “Anong kinalaman nito sa iyo? Pinagtatanggol mo ba siya dahil lang boyfriend ka niya?”

Pfft. Bagay na bagay sila, magkasintahang masasama ang ugali!

Imposibleng maging disente ang sinumang lalaking ipagtatanggol si WIllow.

“Alam mo ba ang sinasabi mo?” Malamig na tanong ni Nolan.

Tumaas ang isang kilay ni Maisie at sarkastikong sumagot, “Oo naman. Kinuha ako ng kumpanyang ito mula sa ibang kumpanya pero pinapahirapan naman ako ngayon. Napakaganda ng serbisyo ng lugar na ito.”

‘Kinuha siya mula sa ibang kumpanya?’

Nautal si Willow. “Anong….Anong sinasabi mo? Kailan ka nilapitan ng Vaenna?”

Nababaliw na ba ang bruhang ito?

“Miss Vanderbilt, baka medyo mahina na ang memorya mo. Hindi ba’t inalok niyo ako ng $150,000,000 noong nakaaang buwan para makuha ako mula sa Luxella? Kung walang balak ang Vaenna Jewelry na respetuhin ako, kalimutan na natin ang collaboration.”

Gulat na gulat ang lahat

Si Maisi pala ang sikat na sikat na jewelry designer na si Zora!

Halata sa mukha ni Willow ang labis ng gulat. “Imposible. Paanong naging ikaw si Zora?!”

Sa sandaling ito ay tiningnan siya ni Nolan. Napilitan si WIllow na pigilin ang gusto niyang sabihin. Namula siya sa kahihiyan.

Dinirekta ni Maisie ang tingin niya kay Nolan. “Sa tingin ko, sir, ikaw ang nagbayad ng $150,000,000 nang hindi niya nalalaman?”

Ang ganoong kalaking pera ay siguradong hindi mailalabas ng ama niyang si Stephen, lalo na si Willow. Kaya naman, itong lalaki na lang ang natitirang opsyon.

Nakahanap pala si Willow ng isang mayamang tao para tulungan siya nitong mga nakalipas na taon.

Pinagmasdan ni Nolan ang babae sa harapan niya. Para bang mayroong kung anong pamilyar sa babaeng ito, hindi niya lang matukoy kung ano. Para bang nagkita na sila noon…

Natatakot si Willow na baka makilala ni Nolan si Maisie. Mabilis niya itong nilapitan. “Nolan, siguradong nagsisinungaling siya. Imposibleng siya s Zora!”

Paano nangyaring si Maisie at Zora—isang world-renowned designer—ay iisa lang? Matagal niyang nakasama si Maisie. Paanong hindi niya alam na mayroong talento sa pagdidisenyo ng alahas ang kapatid niya?

Kahit na ang media ng fashion industry ay hindi pa nakakakita ang misteryosong designer. Kahit sino ay maaaring magpanggap na sila si Zora, tama?

“Sinasabi mong ikaw si Zora. Kung ganoon, magpakita ka ng ebidensiya. Sa pagkakaalam ko, nakatanggap si Miss Zora ng isang commemorative badge mula sa royal family ng Stoslo. Hindi iyon basta-basta makukuha ng kahit na sino lang!”

Pagkatapos magsalita ni Willow, makikita ang kayabangan sa kaniyang mga mata.

‘Tama, pwede siyang magsinungaling hangga’t gusto niya.

Kung hindi maipapakita ni Maisie ang badge, patunay iyon na nagpapanggap lang siya at saka ginalit niya rin si Nolan Goldmann. Kalimutan niya na ang ideyang makakatapak pa siya sa bansang ito!
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bheng Villa
tama,ipakita mo para masupapal cya
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ipakita mo ang hinihingi ni willow ng mawala ang kayabangan nya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2771

    “Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2770

    Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2769

    “Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2768

    Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2767

    Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2766

    ”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status