Sumisilaw ang liwanag mula sa aking bintana at tumatama ito sa aking mukha. Marahan akong dumilat at iniharang ang aking palad sa liwanag dahil nakakasilaw ito.
Napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan ang aking kamay na nakaharang sa liwanag na pumapasok sa aking bintana.
Bagong bukas, bagong umaga... ngunit hanggang saan nga ba ako? Hanggang saan ang relasyon naming dalawa ni Davin? Hanggang saan aabot ang bukas namin?
Hindi ko alam ang nangyari sa aming dalawa.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.
Wala na akong naiintindihan pa.
Dahan dahang humapdi ang aking mga mata dahil sa nag babadyang mga luha. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na pumapatak na ang aking mga luha.
Anong nangyari? Ito ang lagi kong tanong sa aking sarili. Anong nangyari sa aming dalawa? At lumayo siya sa akin?
Masakit makita at maramdaman na malayo na sa iyo ang taong mahal mo.
Alam ko naman ang dahilan, alam na alam ko. Kaya mas nasasaktan ako sa kadahilanang iyon. Bakit Davin? Bakit ka bumitaw sa mga kamay ko? Sa mga kamay kong kapit na kapit sayo?
Suminghap ako ng hangin at pumikit ng mariin. I hate my self being pathetic, but you can't blame me, i'm really inlove with that fucking-ass man. Umupo ako sa kama at isinuklay ang aking mga daliri sa aking buhok.
Tumingin ako sa gilid ng aking kama, kung saan wala siya. Hindi ba't dapat mag katabi kami? Magkatabi kami sa pagtulog ... Dahil ganoon naman ang mag asawa hindi ba? Ngunit bakit wala siya sa tabi ko? At wala ako sa puso niya? Nasa kanya ang buong pagkatao at puso ko, ngunit bakit wala siyang binigay sa akin kahit kakarampot?Bakit puro pagdurusa ang ibinigay sa akin ni David?
Gusto kong tumawa dahil ito nga pala ang usapan namin, ang hindi niya ako mamahalin.
Inihilamos ko ang aking palad sa aking mukha. Amara stop it! mas lalo ka lang masasaktan.
Muli kong pinasadahan ng aking mga daliri ang aking buhok at umalis sa kama. Humarap ako sa malaking salamin at tinitigan ang aking sarili doon at napangiti nalang ng mapait. I'm beautiful... pero hindi makita iyon ni Davin.
Napaigtad ako sa sunod sunod na katok galing sa aking pinto. "Amara! Open the door." Sa boses palang ay kilalang kilala ko na. Ang boses na iyan ang nagpapatalon sa puso ko, ang boses na iyan ang nagpapataas ng mga balahibo ko.
"Wait!" sigaw ko at agad na pumunta sa pinto upang buksan ito.
"Bakit Davin?" mababang boses na anya ko.
Kinagat ko ang aking pangibabang labi at yumuko dahil pinasadahan niya ng isang mapanghusgang tingin ang aking katawan. Tanging ang suot ko lamang na lingerie ang tumatakip sa aking panloob. Sumulyap ako sa kanyang mukha at wala itong emosyon at inirapan ako, nahuli pa ng aking paningin ang kanyang pagngiwi.
Pakiramdam ko ay hinihiwa ang aking puso, really Davin? Ganyan na ba ako kapangit sa paningin mo?
"Magluto ka." Inirapan niya ako bago niya ako tinalikuran. Napahalakhak na lamang ako ng mapait. Hindi asawa ang tingin niya sa akin... kundi katulong.
Nag ayos muna ako ng sarili bago bumaba at nadatnan ko siya hapag kainan na hawak ang kanyang telepono. Tinitigan ko siya mula sa aking kinatatayuan, walang duda kung bakit minahal ko ng sobra ang lalaking ito.
Ang perpekto niyang panga at ang makinis at maputi niyang balat, at sa unang paglapat palang ng aking mga mata sa kanyang kulay tsokolateng mga mata ay nabighani na agad ako. Sino bang hindi mamahalin ang isang Davin Villaroel? He's the bachelor of the town, and the most famous model and actor in asia.
Unti-unting gumuhit ang sakit sa dibdib ko noong naka ngisi siya habang nagtitipa sa kanyang telepono. Alam ko na, na isa sa mga babae niya ang ka text niya. Sila lang naman ang nakakapag pangisi kay Davin ng ganyan... na dati kong nagagawa ngunit hindi na ngayon, nag iba na ang takbo ng mundo naming dalawa.
Kinagat ko ang aking pang ibabang labi dahil sa nagbabadyang pag iyak. That should be me, dapat ako ang nag bibigay ngiti sa labi niya pero hindi na ata mangyayari iyon.
Pumikit ako ng mariin at nag buga ng hangin. Pumunta na ako ng kusina at nag hanap pupuwedeng lutuin.
Noong tapos na ako ay dinala ko na iyon sa hapag kainan, akmang ilalapag ko na ang aking mga niluto ng bigla siyang tumayo. "Where are you going?" aligagang tanong ko kanya.
Nilamon ng inis ang kanyang mukha, tumingin siya sa akin at suminghal, "Why do you care?" At tinalikuran na niya ako.
Napaiwas ako ng tingin at nag isang guhit ang aking labi. Nakakasama nang loob, pupunta na naman siya sa mga babae niya at madaling araw ng uuwi. Pero ano bang magagawa ko?
I'm just his secret wife.
Yes. Im just his fucking secret wife...
Masakit man sa akin na itinatago niya ay kinakaya kong tiisin, tinataya ko ang puso ko para sa pangarap kong mag kaayos kaming dalawa.
Kahit araw-araw akong nadudurog dahil sa lamig at sama ng pag trato niya sa akin ay tinitiis ko ang lahat. Pag mamahal pa ba ito? O isa nang katangahan?
Tawagin niyo na akong tanga, martir, o kahit ano pa... ang mahalaga sa akin ay ang maayos kaming dalawa.
Kahit masakit, kahit nakakaubos, kahit nakakadurog lahat titiisin ko para lamang sa
kanya.Pero minsan hindi ko mapigilang hindi magalit sa sarili ko, hindi ko mapigilang mainis. Maraming lalaki sa mundo na kaya akong mahalin ng buo at hindi ako sasaktan pero bakit sa kanya pa rin tumitibok ang puso ko?
Bakit sa kanya pa rin kahit ginagawa niya akong tanga at walang kwenta? Bakit sa kanya pa rin ako patuloy na umiibig?
Ganoon nalang siguro ako katanga sa kanya para pati ang kasiyahan ko at pangarap ko ay ibase ko na sa lalaking ito.
Siguro nga ay tanga ako dahil kahit nasasaktan na ako nang sobra ay patuloy ko pa rin siyang minamahal.
Sana nga lang ay may patunguhan ang lahat nang hirap kong ito.
Ito ata ang kauna unahang pag kakataon na hindi ako nakaramdam ng lungkot sa gabi. Payapa ang dibdib at utak ko at ayoko munang isipin kung anong ginagawa ni Davin ngayon dahil baka masaktan lamang ako. Matiwasay akong naka tulog nang gabing iyon. Kinabukasan ay maaga akong nagising upang mag bake ng mga samples na ipapatikim ko kay Miss Zapanta, ang tinawagan ko kahapon. Kahit pawis na pawis ako noong natapos ako ay hindi ako nakaramdam ng pagod. Agad akong gumayak at inilagay sa kotse ang mga cake. Sumakay ako doon at binuhay ang makina.Tinext na sa akin ni miss Zapanta kung saan ko siya pwedeng imeet at sa isang five star hotel. Pag karating ko doon ay nagulat na lamang ako dahil naka abang si Gottfred sa parking lot. Bumaba ako ng sasakyan at nilapitan niya ako. "Kanina pa ko nag hihintay dito. Alam kong marami kang bibitbitin. Tulungan na kita." aniya at binuksan ang likod ng kotse ko at kinuha ang mga kahon ng cake doon. "Thankyou, Gott." Ngumiti ako sa kanya at kinuha an
Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga dahil sa narinig. M-May nangyayari sa kanila? Gusto kong sabunutan ang aking sarili. Malamang Amara! Kung kayang mambabae ni Davin, kaya niya 'ding gawing babae si Inna! Pinilit kong buhatin ang aking paa upang humakbang paatras kahit na hindi ko na maramdaman pa ang aking mga binti. Nang matagumpayan kong makagalaw ay hindi ko na napansin pang tumatakbo na pala ako. Gusto kong umalis sa lugar na ito, gusto kong tumakas sa sakit. Wala ako sa sariling pumasok sa aking sasakyan at napakapit ako ng mahigpit sa aking manibela at napadukdok doon. Habol habol ko ang aking hininga, nanunuot ang sakit sa aking dibdib.Inalis ko ang pag kakadukdok ko sa manibela at inihilamos ang aking kamay sa aking mukha. Nanginginig pa rin ang aking kamay noong binuhay ko ang makina ng aking sasakyan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung saan ako patungo, kung anong daan na ba ang aking tinatahak. Basta ang alam ko lamang ay gusto kong makatakas sa sakit. T
Sa kalagitnaan ng kanyang pag akyat ay huminto siya. Nabuhayan ako nang pag asa na bakasakaling sumabay siya sa akin na kumain. Lumingon siya sa akin, walang emosyon ang kanyang mga mata."Kung nagpapakaasawa ka, tigilan mo na." Nag patuloy siya sa kanyang pag akyat.Napaiwas ako ng paningin sa kanya. Mali ba? Mali bang dapat kong gawin ang nararapat kong gawin?"D-Davin teka lang..." pagpigil ko sa kanya. Gusto kong tanungin ang tungkol sa kanila ni Inna. Tumigil siya ngunit hindi tumingin sa akin. "T-Totoo bang nag dedate na k-kayo ni Inna?" ka'y lakas ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga. "Oo... " Para akong tinakasan ng lakas dahil sa sinabi niya. Walang emosyon ang kanyang boses. Nanlalabo ang aking paningin habang nakatanaw sa kanyang nag papatuloy na naglalakad.Napahawak ako sa sofa at napaupo. Sila na?Hinawi ko ang aking mga luha sa aking mata. Pinilit kong kumalma. Noong umagang iyon ay umalis na naman si Davin, noong tinanong ko kung saan siya p
Pwede bang mag laho na lamang ako? Kasi pakiramdam ko ay wala akong kwenta, walang kwenta ang isang Amara. Buong pag iyak ko lamang ang maririnig sa buong kabahayan. Kaya pala... kaya pala ilang araw siyang wala dahil nasa ibang bansa siya, kaya pala walang dumadating na Davin sa t'wing naghihintay ako. Hindi niya ba naisip na mag aalala ako sa kanya? Kahit anong suksok ko sa aking isipan na wala silang relasyon na dalawa ay kinokontra pa rin ako ng sarili kong kutob na mayroon dahil sa tinginan nila. Masaya ba siya? Masaya ba siya kay Inna? Mas lalong lumakas ang aking pag iyak, hindi ko na alam ang gagawin ko... Davin, paano naman ako? Paano ako? Please... litong lito na ako. Pwede bang mag pahinga muna ako sa sakit kahit isang araw man lang? Kasi napapagod na rin ako pero supling bumitaw. Ayokong bumitaw kasi mahal na mahal ko siya. Umabot na ako sa puntong hindi ko na mahal ang sarili ko dahil nasa kanya na lahat lahat. Handa akong ibigay ang sarili ko sa kanya dahil mahal k
Pagkatapos ng tabing iyon ay bumalik na naman kami sa dating sitwasyon. Uuwi siya ng madaling araw, at ako? Parang tangang naghihintay sa kanya.Pumunta ako sa kusina upang tumingin ng pwedeng lutuin. Ilang araw na rin akong bagot na bagot sa bahay. Paulit ulit lang ang sistema ko, paulit ulit lang rin ang sakit. Nang matapos akong magluto ay inilagay ko na ito sa tupperware. Bumuga ako ng hangin dahil sa pagod. Noong matapos na akong mag ayos ng aking sarili ay sumakay na ako ng kotse. Habang binabaybay ko ang kalagitnaan ng EDSA ay may natanaw akong billboard ni Davin at ni... Inna. Nasa likod ni Inna si Davin habang nakayakap ang lalaki sa likod niya. Mukha silang masaya sa litrato at mukhang mahal na mahal ang isa't isa. Mga artista talaga. Agad kong iniiwas ang aking paningin doon. Sa litrato pa lamang ay nasasaktan na ako. Dapat ba akong makaramdam ng inggit kay Inna? Dapat ba? Dahil nagagawa ni Davin sa kanya ang dapat sa akin. Ang sakit lang isipin na kayang gawin ni Davin
Kakaiba ang boses ni Davin, talagang mahuhulog ang puso mo sa kanya kapag narinig mo ang kanyang boses, sobrang lamig nito at tila kapatid niya ang musika dahil sa galing niya dito. Dahil ata dito sa gitarang ito kaya ako nabihag ni Davin. Wala ako sa sariling tumatawa dahil sa naalala. Kaya hindi na ako mag tataka kung bakit sobrang sikat na niyang artista ngayon, kung bakit maraming humahanga sa lalaking iyon. Kakaiba siya sa stage, tila nag niningning siya. Hindi rin maitatangging magaling din siya sa pag arte sa harap ng kamera.Sinimulan kong kalabitin ito. Napangiti na lang ako noong marinig ang tunog nito na nanunuot sa aking tainga. "Come here! May ipaparinig ako sayo Amara!" sigaw ni Davin mula sa labas, nandoon siya sa damuhan habang nakaupo at may bagogitara na naka kandong sa kanyang mahabang hita. Kulay itim ito at tila kumikintab ito sa t'wing nasisinagan ng araw. "Sige! " sigaw ko pabalik sa kanya. Tumakbo ako papunta sa gawi niya at umupo sa kanyang tabi.Tiningnan k