Share

Chapter 11

Sinalubong agad ako ng yakap ni mama pagkapasok ko sa bahay.

" Good evening, ma!" bati ko sa kanya.

" Salamat naman at naka uwi ka na, I was worried of you Shane ng nabalitaan ko na nasa clinic ka daw " she said and concern was evident on her tone.

Inalalayan niya ako pa upo sa couch namin, and I started sharing to her what happened.

" Buti na lang talaga at tinawagan ako ni Troy at pina- alam sa akin ang nangyari sayo. I was about to go there with you pero nag de-deliver ako ng foods ko that time"

I can only imagine Troy explaining everything to my mother who's panicking.

" Good thing Troy assure me to take care of you kasi sabi ko hindi ako makakapunta. And I was even more thankful ng sabihin niya sa akin na ihahatid ka niya sa bahay " dugtong pa ni mama habang inaalala ang siguro'y napag usapan nila ni Troy.

" But anyway where is he? Bakit hindi mo inimbita man lang sa bahay natin Shane? Gusto ko pa naman na personal siyang pasalamatan" nanghihinayang na saad ni Mama.

" May lakad siya ngayon, ma, medyo late na nga siya e dahil sa paghatid sa akin dito"

I appreciate Troy's effort evenmore, lalo na ng nalaman ko na mas inuna niya pa ako kaysa sa ibang pang bagay.

" Oh Shane anak, mabuti at naka uwi ka na, at saktong nakahanda na ang hapunan na niluto ko" si papa na lumabas galing sa kusina.

Good thing at wala siyang trabaho ngayon, at sa gusto ko na rin siyang tanungin tungkol sa nakita ko sa mall.

" Tinawagan ako ng mama mo sabi e dinala ka daw sa school clinic ninyo, I was about to go there and check on you pero walang papalit sa duty ko" paliwanag ni papa.

Nasa hapag kainan na kami, at ngayon ko na lang ulit nakakasama at nakaka sabay si papa sa pagkain dahil sa nitong mga nakaraang linggo ay palagi siyang wala.

" Okay lang pa at hindi naman malala" I answer as I made eye contact with papa.

He just nods his head at me. The conversation went on and on. Ngunit hindi ko maiwasan na isipin ang mga maaaring itanong ko sa kanya mamaya.

Pagkatapos ng hapunan ay nag volunteer si mama na siya na ang magliligpit at maghuhugas ng pinagkainan namin para daw makapagpahinga ako. But I have one thing to do first.

I think this is my opportunity to ask papa. Nandito siya sa sala nanuod ng palabas. Ng namalayan niya na nasa gilid ako ng sofa na inuupuan niya ay agad niya ako binalingan ng tingin.

" Pa, pwede ba kita maka usap"

Parang gulat ang mukha ni papa dahil sa pagiging seryosos ko.

" Oo naman, Shane, anak ... Ano ba 'yun?"

Umupo ako sa isa pang sofa na nasa gilid din ng kanya. Tumuwid ako sa pagkaka upo at tinitigan siya na parang nagdadalawang isip.

But this is the perfect to ask him for it, kaya hindi ko na sasayangin 'to.

" Kasi, Pa,  noong Sabado, around 10 a.m. in Robinson's mall... I saw you at may kasama kang babae" tinitigan ko maigi si papa at inobserbahan ang reaksiyon niya. 

Ang kanina'y gulat niyang mukha ay mas lalo pang gulat dahil sa narinig niya mula sa akin.

Eversince, it's always my father whom I looked up to. Siya lang ang lalaking pinagkatiwalaan ko ng sobra. But this past three months, I can feel that there's something going on with my father.

Hindi ko man ito gustong isispin, but I can't just ignore the feeling of doubt and curiosity out of it.

" Ahh... I don't remember that day na ,Shane, alam mo na dahil na rin sa katandaan ng Papa mo " at pahapyaw siyang tumawa to make the conversation more light.

" At kung nakita mo nga ako, maybe I'll I'm just with my co-workers. May mga babae rin naman sa company namin anak" dagdag pa niya.

See? Even his reasons are doubtful, and I'm not dumb to not notice it.

But I just can't burst out here and ask him more questions. Not when I don't have more evidences.

Hindi ko gustong isipin ni papa na nagdududa ako sa kanya, kahit iyon naman talaga.

Hindi ko na tinanong pang muli si papa. And I excuse myself to him para makapagpahinga na ako sa kwarto.

A moment later after kung magbihis Ng pantulog ay tumunog ang cellphone ko.

It's a text from Troy.

Troy:

I hope you're feeling better now. I kissed you :)

Hindi ko namalayan nakangiti na pala ako habang binabasa ang text niya. My heart boomed and my cheeks are hot. 

And then he texts me again.

Troy:

'Missed' pala dapat 'yun. I missed you Shane. But since na type ko na rin lang, honestly, I kissed you sa clinic kanina habang natutulog ka. I can't help myself, cute mo kasing matulog e. And I'm not sorry though hehehe.

I let out a chuckle, kung personal niya 'tong sinabi ay baka biniro ko na siya. But as much as I wanted to play with him, tinatamad ako mag text.

Maybe I'll just reply to him shortly.

Shane:

I'm okay now, thank you! Talk to you tomorrow, Troy. Gn:)

Pagkatapos kung ma send iyon sa kanya ay natulog na ako. Mabuti na lang at wala akong menstruation cramps.

Maaga ako pumasok ngayon to catch up what I've missed yesterday. Sabi ni Lucy okay na si Bryle, so it's a kind of relief to me.

Busy ako sa pagsusulat ng mga lessons namin kahapon ng may kumalabit sa akin.

I stopped from writing to see who it is. And it shocked the hell out of me ng nakita ko si Bryle.

Ang gwapo at malinis niyang mukha noon ay napuno na ng small bruises at medyo namamaga pa ang labi niya. I feel sorry sa lahat ng sinapit niya.

Tumayo ako at yinakap siya, I want him to know that I'm deeply sorry for him. He's my friend and it hurts seeing him this way.

" Shane I'm sorry " he said in a low voice.

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kaniya. I look him in the eyes and I see a tears on it.

I shake my head. I know his not the only one who's at fault for what happened yesterday.

" No, Bryle, we shared fair faults for what happened and I'm sorry din"

Tumango lang siya sa sinabi ko. Tiningnan ko muli siya at parang naninibago ako sa kanya ngayon. At akala ko dahil sa pasa niya, hindi pala.

Bryle is not wearing his uniform kaya parang nakakapanibago!

Taka ko siyang tiningnan at nakuha niya naman ang nasi kung ipahiwatig sa kanya.

" I'm leaving for good, Shane " nagulat ako sa sinabi niya.

"What do you mean your leaving for good Bryle?"

" My mom in States wants me to go home and will continue my studies there " he said sadly.

" Ng nalaman niya ang nangyari kahapon gusto niyang sampahan ng kaso ang nangbugbog sa akin" napasinghap ako sa narinig sa kanya.

I knew it, Bryle and his family can sue Troy if they wanted to and it scared me if this will be push through.

" And since they want me to go home so bad, I manipulate their decision Shane. Sinabi ko sa kanila na uuwi ako diyan basta wag na lang silang maki alam sa nangyari kahapon " nangingilid ang luha ko, I can't imagine na aabot pa sa ganito.

Bryle has to sacrifice for our mistakes and for Troy's sake. Hindi ko akalain na siya pa ang nabugbog ay siya pa ang gumawa ng paraan para sa ikabubuti ng lahat.

" Bryle, I'm sorry.. I really am sorry. Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari sana hindi na lang kita kinulit kahapon " hindi ko na napigilan, kusang tumulo ang luha sa aking mga mata.

My little sobs filled the defeaning silence of the room. Kami pa lang and nandito kasi lumabas si Lucy kanina.

" Don't regret anything , Shane, coz I don't regret being with you. Hindi ko pinagsisihan na makilala kita at nagustuhan kita Shane. Yes... I like you Shane the reason why I'm acting weird "

Am I being insensitive? Hindi ko alam 'to, at now that he just confessed to me. I don't know what to do. Bryle is my friend and I want us to remain the same after everything that happened.

" I'm leaving at 5 pm, Shane, gustuhin ko man na hindi na magpaalam sayo but I respect you as a 'friend'? " may pagdududang sambit niya sa huling salita.

And now, my tears won't just stop from falling. Ako lang siguro ang maldita na grabe kung umiyak.

" Yes Bryle, we're friend.. and I want us to remain the same kahit nasa malayo ka na. I like you Bryle, as a friend and I hope you know that I'm happy being with you and Lucy"

I realize that this is all a friendship love at ngayon ko lang naramdaman ito, kasi iba naman sa sitwasyon namin ni Lucy.

" Gusto ko sana ihatid kita sa airport mamaya Bryle, wala naman tayong klase mamayang 4.. iyon ay kung okay lang sayo " sabi ko habang pinapahidan ang luha sa aking pisngi.

He's shocked, siguro hindi siya makapaniwala na gagawin ko yun para sa kanya. Not that I'm feeling guilty but because I value our friendship.

" Ah.. okay lang Shane, e text na lang kita mamaya para sabay na tayo" from the way Bryle said it, I know that his just hiding his happiness.

I smile genuinely at him hoping that my eyes would tell him what I really feel. Eyes can tell what mouth can't.

I texted Troy pagkatapos ng klase namin sa hapon. Nag usap na kami kaninang lunch na sasamahan niya ako sa paghatid kay Bryle sa airport at para na rin makahingi siya ng tawad kay Bryle.

To Troy:

Hello, Troy. Hintayin mo na lang ako sa labas ng gate papunta na ako.

Niligpit ko agad ang gamit ko, hindi na nagtaka si Lucy sa pagmamadali ko. I told here everything, same with Troy. Gusto niya sanang sumama pero may family dinner sila.

Mabilis ang lakad ko papunta sa sasakyan ni Troy. Bago pa siya makalabas para pagbukasan ako ng pinto ay pumasok na ako agad.

" Sebu Cha " habang nag aayos ng seatbelt ko.

Kinapa ko cellphone ko sa bag para ma i-text so Bryle. But I notice that Troy isn't moving. He's just intently staring in front, I confusingly stare at him too. At kita ko ang paggalaw ng kanyang Adam's apple at ang pag igting ng kanyang panga.

" Troy, sa Sebu Cha na tayo. Nandoon si Bryle naghihintay. I don't wanna be late"

" Right for Bryle " sabi niya sa makahulugang tono.

Gusto ko man punain ang tono ng pananalita niya ay hindi ko ginawa,at baka ay humaba pa ang usapan namin.

Nakarating kami agad sa Sebu Cha dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Troy sa kanyang sasakyan. Busy ako sa pagte-text kaya hindi kami kailanman nagkausap sa biyahe.

Binuksan niya ako ng pinto. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay kita ko na si Bryle na kumakaway pa ng kamay sa akin.

I smile at him. Troy is just behind me, waiting for my next move. Pumunta na ako sa table ni Bryle.

Tumayo pa siya para hilahin ang upuan na para sa akin. Umupo ako doon, at tiningnan si Troy na nanatiling nakatayo sa gilid ko.

" Umupo ka na, Troy " utos ko sa kanya.

Naboboryo siyang umupo sa katabing upuan ko. Magkaharap kami ni Bryle ngayon. Siguro medyo gulat at lito siya dahil kasama ko si Troy, akala niya kasi ako lang.

" Ah.. Bryle sinama ko na si Troy para na rin makapag sorry siya sayo sa nangayri kahapon " panimula ko.

Tumango naman siya sa sinabi ko at binalingan si Troy na pinaglalaruan ang straw ng milk tea.

" Troy!" mahinang tawag ko sa kanya ngunit parang hindi ata ako narinig ng lalaking 'to.

" Troy!" ayan nilakasan ko na dahilan para mabaling atensiyon niya sa akin.

Sinipatan ko siya ng mata bilang sinyales na gawin niya na ang sadya niya kay Bryle.

Walang gana niyang binalingan si Bryle. I saw Bryle's irritated face and I understand him because that's the same thing I feel towards Troy.

Bakit ba nag ka ganito ang lalaking 'to!?

" Sorry, Bryle for what happened between us yesterday " he said half heartedly. 

Kahit na medyo nahihiya ako para sa kanya dahil sa ugaling ipinapakita niya. I don't want to spoil Bryle's last time with me.

" Sorry too " ani Bryle, tsaka ako binalingan.

" Ah.. Shane you see binili na kita ng dark chocolate flavored milk tea at corn dog your favorite " maligayang sabi niya.

" Thank you " I smile widely at him.

Nagkamot pa siya ng batok na medyo nahihiya bago muling nagsalita.

" Sorry ito lang na order ko, hindi mo naman ako sinabiban na kasama pala si Troy "

Pagkatapos nang sinabi niya ay nakarinig ako ng mahinang ubo mula kay Troy. Binalingan ko siya, nagkatitigan kami kaya tinaasan ko siya ng kilay bago inirapan.

" Okay lang Bryle, Troy, gusto mo ba? Baka pwede ikaw na lang mag order para sa sarili mo habang nag uusap kami dito " baling ko kay Troy na ngayon ay busangot na ang mukha.

" Okay " tipid niyang sagot bago umalis sa.

Nagkaroon kami ng masinsenang pag uusap ni Bryle. Naputol lamang ang usapan namin ng dumating na si Troy.

Tahimik kaming tatlo na kumakain, si Troy lang naman ang papalit palit ng tingin sa aming dalawa ni Bryle.

At pagkatapos kumain ay napag desisyong naming tumulak na papuntang airport.

" Bryle, sa kay Troy na ako sasakay " parang gulat siya sa sinabi ko. At nanlaki ang mata ko na medyo hindi klaro ang sinabi ko sa kanya.

" I mean sa sasakyan na ako Troy sasakay " agarang sabi ko na nagpatawa sa kanya.

" Kung gusto mo sa kay Bryle ka na sumakay " hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahinang pasiring ni Troy habang nakapamulsa na nakaharap sa kalsada

Ano ba ang problema ng lalaking 'to! Lakas pa sa babaeng tinotoyo e!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status