Share

Chapter 13

Tinext at tinawagan ako ni Troy ng gabing 'yon. But, I ignored it and I acted like I'm still mad at him. Kahit hindi naman talaga, the reason why hindi ko siya ni replyan. 

Not that he really needs my reply though. Alam ko ang mga lalaki maraming ka text o ka chat ang mga yan, paiba-iba.

Presumably, hindi siya naiiba sa kanila.

Hindi ako isinilang sa mundo para maging bitter at maging isang kritisismo ng mga kalalakihan. It's just that, may alam ako sa kanilang mga gawain. Afterall, men are often predictable.

Hindi kagaya ng mga babae!

" Hoy gaga! Nag-away kayo ni Troy kahapon 'no?" Bulyaw ni Lucy sa akin at mahinang sinapak ang braso ko.

Tiningnan ko siya ng masama. Problema nito? Bigla na lang nananapak! Kaibigan ko nga talaga siya hayst.

" Pakialam mo ba?" tinarayan ko lang si Lucy. Which made her scoffed, at mahinang sinapak ulit ako sa braso.

" Wow! Coming from you huh?" tsaka siya umiling-iling.

" Kung hindi ba naman ako tinadtad ng text at tawag ng manliligaw mo kagabi. Asking me to contact you kasi di ka daw nagre-reply at di mo rin sinasagot ang mga tawag niya. Na disturbo tuloy ang babe time namin kagabi ni Anton." Nagrereklamong saad ni Lucy.

What! Ginawa ni Troy 'yun? My God he's going crazy!

" Oh! Hindi ka nakasagot, kasi totoo. Tsk" umiling-iling siyang umupo sa katabing upuan ko.

" Hindi kami nag-away ni Troy, may hindi pagkaka-intindihan lang", paliwanag ko sa kanya. Pero sinuklian lang ako ng gaga ng mahina niyang tawa.

It's true, hindi naman siguro away 'yon. Kinilig pa nga ako e sa pagtatalo namin e... ang unfair talaga ng mundo. Godness!

Naghihintay na lang kami ng mga kaklase ko, kung kailan matapos sa pagsasalita ang Prof namin. It's already 12 in the afternoon, at hindi pa rin siya tumigil kaka share niya ng mga experiences niya in life, kasi daw ganito, ganyan, ang buhay. Para namang interesado kami sa buhay niya, e sobrang boring niya ngang magsalita e.

Truth is, may mga Professor talaga sa college na lakas maka MMK ng buhay. Akala mo naman binabayaran sa pag sha-share ng kwento nila sa buhay.

" Okay that's all for today. Goodbye class." Sa wakas natapos na rin.

Niligpit ko agad ang gamit ko. Good thing sasama si Lucy sa akin sa canteen.

Kasabay naming tinahak ang daan papuntang canteen. Lucy is busy texting again with Anton. Akala mo naman parang hindi magkikita ang dalawa sa canteen. Buhay nga naman ng mga may lovelife.

My eyes widened at the sight of Troy sitting to the table where Anton is. I wasn't expecting to see him here, kasi di rin naman siya nag text sa akin.  

" Oh, nandito naman pala ang masugid mong manliligaw." panunukso ni Lucy sa akin at inirapan ko lang siya.

Lumapit na kami sa table nila. It surprise me to know na nag order na pala sila ng pagkain para sa amin.

" I already ordered food for you, para hindi ka na pipila pa." paunang salita ni Troy as soon as I sit comfortably on the chair in front of his.

Rinig ko ang tikhim ni Lucy at ang mapanuring mata ni Anton. Gusto ko talagang sapakin ang dalawang 'to, pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Idinirekta ko ang aking tingin kay Troy, na may mapanimbang na titig sa akin.

I smiled awkwardly at him. My brain is still processing what to say, nakaligtaan ko rin talaga ang sasabihin ko sana dahil sa dalawang unggoy na nasa mesa din.

" Ahh.. Thank you." yan na nga lang ang nasabi ko, nakalimutan ko pang banggitin ang pangalan niya. Hayst! Nakaka bobo talaga pag kinakabahan sa harap ng crush mo. Diyos ko para akong nag o-oral recitation nito!

" You're welcome.", sagot niya sa mababang boses.

At dahil sa hindi na talaga ako komportable sa mapanuring mga mata nina Lucy at Anton ay, umusog ako ng kaonti sa kina-uupuan ko. At ng nakita kong busy si Troy sa pagka- kalkal sa bag niya ay nag ka tiyempo ako. Agad kung inapakan ang paa nilang dalawa, na siyang kitang kita ng mata ko sa ilalim ng mesa.

" Aaaaaa-ang sarap ng pagkaing inorder  mo, babe.", kagat labi kong pinigilang matawa dahil sa reaksiyon ni Lucy.

Natatawa naman sinagot ni Anton so Lucy, at hindi nakatakas sa aking mata kung paano nalukot ang mukha ni Anton sa ginawa kung pag - apak sa paa nila.

" Ahahaha. Siyempre naman, babe. I just really want the best for you.", pagbobola ni Anton kay Lucy.

Siguro naman ay alam na ng dalawang ito nais kong ipaalam sa kanila. At mabuti na lang talaga, dahil kinalaunan ay may sariling mundo na ang dalawa.

" Para sa'yo, Shane.", naibalik ko ang atensiyon ko kay Troy ng magsalita ito.

May inabot siya sa aking maliit na paper bag. Nagtataka ko siyang tinignan, ngunit bago pa man ako makapag salita ay inabot niya ang isang kamay ko na nakapatong sa mesa, at inilagay doon ang maliit na paper bag.

Aaminin kung nakikiliti ako sa paraan niya ng pagkakahawak sa aking kamay. Naging maliit tignan ang kamay ko dahil sa malaki niyang gamay na nakahawak sa akin.

" Dumating parents ko at marami silang dalang chocolates... kaya naisipan kung bigyan kita. And sabi rin naman ni mama bigyan daw kita. So, here."

Para pa akong nadismaya ng binitawan niya ang kamay ko. Pero siyempre ngumiti ako sa kanya, I appreciate Troy and his mother's  thoughtfulness for me.   Hindi na ako magtatake kung paanong nakilala ako ng mama niya. He probably shares me to his mother. Or maybe i am just assuming. Anyway.

" Thank you, Troy. At pasabi na rin sa mama mo na salamat, and welcome home sa Pinas.", sabi ko sa kanya at hindi mapigilang ngumiti.

" Okay, " simpleng sagot nito.

Nagsimula na kaming kumain. Ang plano ko pa man sana ay hindi siya pansinin, pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong makipag-usap sa kanya lalo na kung tinatanong niya ako sa mga bagay-bagay tungkol sa akin. I am an interpersonal person, kaya rin siguro hindi masyadong awkward to talk with him.

" Hahaha kung alam mo lang, Troy, kung gaano ka maldita iyang Shane na 'yan sa akin. Para siyang si mommy, palagi akong pinagsasabihan tungkol sa pag-aaral ko." Sabat ni Lucy.

Palabas na kami sa canteen, at siyempre  gusto nila kaming ihatid ni Lucy sa classroom. Medyo nahihiya pa ako sa sinabi ni Lucy kay Troy tungkol sa akin. But it's really the truth.

" It's okay, at least may nagca-care pa sayo at it's an evident that Shane only wants the best for you. Hindi naman masama na pagsabihan ka ng ibang tao, lalo na kung ikabubuti naman pala ito sa iyo,"

I didn't expect na ito pala ang naiisip ni Troy. For a guy like him, sobrang nakaka surprise na mayroon siyang ganitong perception. Mostly kasi sa mga lalaki ayaw din nilang mapag-sabihan.

Tumango-tango naman si Anton sa sinabi ni Troy. No doubt. May point naman talaga siya, at may sense lahat ng sinabi niya.

" Alam ko. Kaya nga ang swerte-swerte ko sa babaeng 'yan e. Kaya, kung paiiyakin at sasaktan mo yan, Troy, malalagot ka talaga sa akin." Pagbabanta ni Lucy sa kanya sabay pakita pa ng kanyang kamao.

We only laugh at Lucy's words for him.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status