"Beautiful! We're almost done! Three more shots," anang photographer kay Sophie. She continued to pose, this time she seductively bit her lower lip and raise her arm on top of her head and glanced sideways for a candid shot. Kumislap ang mga ilaw na nakapalibot sa kanya.
Maya-maya pa, "That's a wrap! We got it!" sigaw ng baklang producer ng photoshoot na si Tim. Nagta-trabaho ito sa isang sikat na local fashion magazine at isa sa mga naunang nakilala niya sa industriya. Kaya naman nang ayain siya nito for a photoshoot, hindi niya mahindian.
Agad na lumapit ang isang production assistant at binigyan siya ng robe. Kanina pa siya nanginginig sa lamig ng aircon sa studio, why she's just wearing a red two-piece bikini! Nang maisuot niya ang robe, agad niyang sinilip ang monitor kung saan naroon ang mga litrato niya.
"O, di ba?! Ang bongga! Walang patapon na shot. Hindi na kailangang i-edit!"
Napangiti siya sa tinuran ng bakla. "Inuuto mo na naman ako, Tim!" nahihiyang sagot niya. Hinigpitan niya ang hawak sa roba sa may bandang dibdib, lalo kasi siyang nilamig. Which is weird dahil nakadamit na siya kung tutuusin. Hindi gaya kanina na halos hubad siya.
"Maniwala ka, girl. Hindi ako nang-eechos. At saka hindi ka na nasanay sa compliments. Kung nagdududa ka pa rin sa kagandahan mo, magbilang ka ng mga magazine covers mo, ha?" Pinamulahan ng mukha. Lalo namang nalukot ang mukha ng bakla. "Hanggang ngayon ba mahiyain ka pa rin? Itapon mo na yang hiya-hiya na 'yan, girl! Dahil ikaw na ngayon ang reyna ng catwalk. Hindi lang 'yan, super sikat ka na, pinag-aagawan pa ng mga Fafa!" excited na sabi nito. Si Tim din ang kasama niya noong unang photoshoot niya.
Napangiti siya ngunit bago pa siya nakasagot, napahatsing siyang bigla. She covered her mouth with her hand after.
"Ay, may virus ka, girl!" patiling sabi ng bakla, lukot ang mukha. "Layuan mo 'ko! May date kami ng dyowa ko mamaya!" Tumakbo ito palayo.
"Ang OA mo naman!" aniya bago natatawang hinabol ang bakla at niyakap ito. "Thanks, Tim! Parte ka ng bawat achievements ko."
Nalukot ang mukha nito. "I know, girl. Pero please tama na." Pilit nitong inaalis ang kamay niya na nakayakap dito. "'Yang virus mo, iyo na lang. Ayokong maging parte niyan!"
Natatawa niya itong binitiwan. Maya-maya pa dumating na ang isang PA at sinamahan siya sa dressing room. Bumungad sa kanya ang bunton ng mga bulaklak sa vanity—may red roses, tulips at poenies. Subalit ang nakatawag ng pansin niya ay ang isang tangkay ng white orchids na pamilyar sa kanya. Maayos iyong naka-arrange sa isang pink na kahon. Kinuha niya ang card, at tinignan kung kanino iyon galing.
Been wanting to talk to you for days but it seems you are too busy. I am out of the country, let's talk when I get back.
By the way, I'm sorry. Hope you like my peace offering
Rob
The message warmed her heart. She bit her lip to prevent herself from smiling but in the end she can't. She gently opened the box and touched the soft petals of the flower.
Halos isang linggo na ang nakakalipas nang mag-away sila ni Rob. Nakakatanga man, isang linggo na rin siyang mukhang timang na naghihintay ng tawag o text mula rito. Kaya lang, wala talaga siyang nahintay.
She also took the higher road and apologized to Rachel. Nag-text siya rito at nag-sorry. She would've called kaya lang hindi siya sigurado kung kaya niyang makipag-usap rito nang maayos gayong maldita ito. Kaya, nag-message na lang siya rito.
Feeling niya kasi, forever and ever na kontrabida ang tingin nito sa kanya kung hindi niya gagawin iyon, kaya nagpa-kumbaba na lang siya. Besides, kung sa kanya mangyari iyon, tiyak na hihilingin niya rin sa lupa na lamunin na lang siya buhay.
Ang akala nga niya, hindi na magre-reply ang maldita e. Makalipas ang ilang araw, nag-reply ito ng K. Hindi man lang kinumpletong okay. Maiinis sana siya ulit noon, kaso hinayaan na lang niya. Nagpasya siyang pagtiisan na lamang ito,dahil ito ang nobya ni Rob. Hindi ba gano'n naman ang mga bestfriends, supportive
sa isa't-isa.Nagkibit-balikat siya. Basta ngayon masaya siya. Nalusaw na ang inis niya dahil sa bigay ni Rob. Muli siyang napahatsing. Mukhang tama nga si Tim, may virus siya.
-----
"Ma, I'm home!" anunsiyo ni Rob habang pumapasok siya sa bahay nila. His mother came rushing to him. She's wearing a kitchen apron, tanda na nasa kusina ito at nagluluto. Which is odd, dahil wala namang espesyal na okasyon.
"O, bakit napaaga ka? Akala ko ba two weeks ka sa Malaysia?" tanong nito sa kanya matapos niya itong halikan sa pisngi.
Napabuntong-hininga siya at niluwagan ang necktie niya. "Iniwan ko na lang kay Devin ang pag-asikaso sa negotiatons. I have to address the board today," aniya, pilit na pinasigla ang tinig. Kahit na ang totoo, pagod siya. Hindi lang physically kundi emotionally. Malaki kasi ang naging aberya ng project nila sa Malaysia. He shook his head, to dismiss the thought. Kailangan niyang magpahinga ngayon, para mamaya sa meeting mukha siyang may enerhiya. That's the only way the investors and the board would not lose faith in him.
"I'm hungry," aniya, inakbayan pa ang ina.
"Naku, tamang-tama. I have ready meals for you. Tara sa kusina," masayang aya ng Mama niya bago sila naglakad sa kusina.
Pagdating doon, nagtaka siya kung bakit maraming lunch box na naroon.
"Si Papa?" aniya na kumuha ng bowl sa pantry at sumandok ng egg drop soup mula sa kaserola na nasa kitchen island.
"Maagang umalis, may meeting daw with the President." Napabuntong-hininga ito bago hinalo ang laman ng pan na nakasalang sa stove. "I really can't wait for your father to retire, Rob." His father is the current Chief of Philippine Air Force.
"Nagpapahatid ng breakfast si Papa sa office?" takang-tanong niya matapos sumubo ng soup.
Umiling ito bago siya hinarap. "Hindi para sa Papa mo mga 'to. Ipapahatid ko ito kay Rema sa ospital."
Nagsalubong ang kilay niya, tumuwid ng pag-upo sa stool. "Sinong nasa ospital?"
Napapantastikuhan itong tumingin sa kanya. "Si Sophie."
"H-ha?" Tuluyan na niyang binitiwan ang hawak na kutsara.
"Oo, hindi mo ba alam? Aba'y tatlong araw na mataas ang lagnat. Kaya itinakbo ni Isay sa Angelicum Hospital."
Napatayo na siya. Sophie's been sick and yet she had not called him. Kung sabagay ni hindi man lang siya nito tinawagan o tinext kung natanggap nito ang peace offering niya o hindi. Maybe she's still angry at him.
Forcing Sophie to say sorry to Rachel was really uncalled for, he thought.
He immediately fished his phone from his pocket and dialed Sophie's number. Ring lang 'yon nang ring. Galit pa rin ba ito sa kanya? He heaved a frustrated sigh when the voice prompt answered his call.
Muli niyang isinuksok ang cellphone sa bulsa niya bago humakbang palabas ng kusina.
"Rob, where are you going?" habol ng Mama niya sa kanya nang nasa garahe na siya.
"Sa hospital, Ma," sagot niya bago tuluyang pinasibad palayo ang sasakyan.
A quite knock on the door made Sophie turn to its direction. Maya-maya pa, bumukas iyon—revealing Rob’s conflicted face.Mabilis siyang lumapit sa asawa habang kinakabit ang diamond earring sa tainga niya. “Why? What’s wrong?” nag-aalalang tanong niya.Rob huffed and shook his head slowly. “I guess your sister is stalling again. Nagkulong na naman daw sa banyo sabi ni Mommy Lucy. I told you, she doesn’t want to have this kind of party. Honey, she’s not comfortable.”Napailing na rin siya, nasapo ang ulo na bigla ‘atang nanakit. Tonight is Jasmine’s, her adoptive sister, 18th birthday. Siya ang nakaisip niyon matapos niyang malaman na binu-bully ang kapatid niya sa St. Gabriel University kung saan ito ngayon nag-aaral bilang senior highschool. She wanted to show the world that though it is a common knowledge that she and Jasmine do not share the same blood, they both carry the Benitez name and nothing will ever change that.Jasmine is her sister. At handa siyang ipagtanggol ito sa kahit
Cassie seemed to be too overtaken by a lot of emotions that her logic starts to fail in comprehension. Pero mas lalo naman siyang natuliro nang marahan siyang akayin ni Rob paakyat sa hagdan. She did not question him. Tahimik lang siyang sumunod dito. Nang marating nila ang 3rd floor, iginiya siya nito sa malawak na veranda. The whole place was surrounded with tea-light scented candles. Nagkalat din sa sahig ang talulot ng gumamela at iba pang bulaklak. Lalong bumilis ang pagkabog ng dibdib niya nang makita niya sina Raine, Tyrone, at ang mga biyenan at magulang niya, all standing on one side of the veranda with satisfied smiles on their faces. Her mind got clouded with confusion almost immediately. "B-bakit kayo nandito? Dad akala ko... Raine, bakit... " Hal
Nagmamadaling lumabas ng sasakyan nito si Raine at dire-diretsong nag-doorbell. Pinagbuksan ito ng isang unipormadong katulong at pinapasok sa maliit na gate.Tensiyonado siyang naghintay sa loob ng sasakyan. Inabala niya ang sarili sa pagtingin-tingin sa cellphone niya at sa baby niya. Kaya lang, sampung minuto na ang nakakalipas subalit hindi pa rin nagte-text si Raine. Nang pumalo na sa kinse minutos ang paghihintay niya, tuluyan na siyang nainip. Malapit na rin kasing lumatag ang dilim sa paligid. Saktong pababa na siya ng kotse nang makatanggap siya ng text mula sa kaibigan. Puwede na raw siyang pumasok.Karga-karga niya ang baby niya nang bumaba siya ng kotse at nagtungo sa sa gate. Magdo-doorbell sana siya pero nakita niyang bukas ang maliit na gate sa gilid ng bahay.
"Alam mo ba na mahal ang bayad sa mga kargador, Sophia?" tikwas ang ngusong reklamo ni Raine habang hirap na hirap ito sa pagbibitbit ng mga iuuwing gamit ni Baby Ethan. "Sa dami nitong gamit ni Baby Ethan, para na rin kayong naglipat-bahay dito sa ospital, a.""E sabi mo 'pag kailangan ko ang nakakasilaw na kagandahan mo tawagan lang kita," kaswal na sagot niya, hinaplos pa ang pisngi ni Ethan na nasa mga bisig niya. "Kailangan ko ng tagahakot e."Lalong nanulis ang nguso nito. "Jusko! Sana sinabi mo man lang na gagawin mo lang pala akong kargador at driver para hindi na ko nag-stilletos!" patuloy na reklamo nito bago nagpatiunang pumasok sa elevator. Hinihingal nitong ibinaba ang ilang bag na naglalaman ng mga ginamit ni Baby Ethan sa mahigit dalawang linggo nitong pananatili sa ospital. Raine kept on murmuring as sh
Nang makauwi si Sophie, nagpakalma muna siya sa kanila bago siya nagpunta sa mga bahay ng biyenan niya. Wala rin kasi sa kanila ang mga magulang niya. Alam niyang abala pa rin ang mga ito sa paghahanda ng nursery ng baby niya. Gusto niyang makita ang nursery ng baby niya. She wanted to cherish that moment of becoming a first time mom no matter how painful is the other side of it. Gusto niya, paglaki ng anak niya, may maikukuwento pa rin siya kung paano at gaano ito kamahal ng mga lolo at lola nito noong dumating ito sa mundo. And no matter how fleeting her baby would stay in that room, she'll make lots of memories in it for her son. Nakapagdesisyon na kasi siya. She'll ask her attorney to draw a legal separation agreement for her and Rob. At kapag kaya na niya,
Tinititigan ni Sophie ang sarili niya sa salamin. She was asking herself what's wrong with the way she looks that her husband just won't take even just a glance at her.Napabuga siya ng hininga at inayos ang buhok niyang nakalugay.Halos dalawang linggo na siyang nagpapaganda, nagbe-bake ng cheesecake at nanunuyo, pero deadma pa rin talaga ang pa-importanteng Kulot!She had tried many times to talk to him but he'd deliberately avoid her at all costs. Ang dahilan nito, busy ito sa trabaho. Marami raw itong na-pending na gawain mula nang ma-coma ito. Rob would stay-up late at night in the office and go home to his parent's house. Habang siya, natutulog sa bahay nila. Ni minsan, hindi pa sila nagtabi na mag-asawa mula nang manganak siya.