"Bakit ka ba nagkasit?" tanong ni Raine sa kanya habang ipinagbabalat siya ng ponkan. Lukot ang mukha nito, nananantiya rin ang tingin.
Napasandal siya sa headrest ng kama at bumaling sa bintana. Tatlong araw siyang nilagnat. Sa sobrang nerbiyos ni Yaya Isay, isinugod siya nito sa ospital nang madaling-araw. Ang unang akala nila ay may dengue siya buti na lamang at nag-negative siya sa dengue test. She had acute bronchitis. Napabayaan niya kasi ang ubo niya. Paano, sa nakalipas na linggo, nag-trabaho siya nang husto. Kahit nga 'yong mga TV guestings na hinihindian niya noon, tinanggap na rin niya. Ayaw niya kasing maburo sa bahay nila.
Working is better than staying at home and think about Rob, that was her reason. Kaya lang, nasobrahan siya 'ata sa kaka-trabaho, kaya heto siya ngayon, may sakit.
"Naku! Lumilipad na naman ang utak ng ale," napapapalatak na komento ni Raine.
Taranta niyang ibinalik ang tingin sa kaibigan. "H-ha?"
"Tingnan mo 'to, halos ma-dehydrate na ako ng kakasalita, kakawento ng kung anu-ano, sa hangin lang naman pala ako nakikipagusap," ani Raine, tikwas ang nguso.
Napalabi na siya. "Sorry naman, nanghihina pa ang kagandahan ko e. Walang energy."
Tinantanan nito ang ponkan na nasa basket of fruits na regalo ng kung sinumang admirer niya. Umayos ito ng upo mula sa kitchen table ng suite at hinarap siya. "E ano ba kasing pinaggagawa mo at nagkakaganyan ka? Baka naman love sick lang yan."
She scoffed. Love sick? Is there such a thing? "Ni wala nga akong love life, kanino naman ako mala-love sick?"
Nagkibit-balikat ito. "Aba, malay ko! Malay ko ba kung meron kang secret love. Lahat kaya ng artista gano'n. Mahilig sa secret relationships."
"E hindi naman ako artista."
"Kilala ka ng mga tao, naka-display ang mga pictures at billboards mo kung saan-saan, at higit sa lahat, kliyente kita. Ganon na rin 'yon. Isa kang certified na artista, Sophia Ysabelle."
Napailing na lang siya sa kakulitan ng kaibigan. "Hay naku, bahala ka na nga kung ano'ng gusto mong isipin. Basta matinding ubo lang ang sakit ko na napabayaan kaya lumala!"
Humugong ito, tumikwas ang nguso bago ibinalik ang atensiyon sa pagbabalat ng ponkan. "Oo na, sige na. Naniniwala na ako sa 'yo. Pero ito ang sagutin mo, bakit hindi ka pa kasi humanap ng boyfriend, e 'di sana boyfriend mo ang kasama mo ngayon imbes na ako."
Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit, nagrereklamo ka?"
"Hindi naman sa nagrereklamo ako, Sophie. You're almost a sister to me and you know that. You're already 23 and very successful. I guess it's high time for you na pumasok sa isang seryosong relasyon."
Tumaltak siya. "Wala ngang magkamali e."
Bumaling ito sa kanya, nakanganga. "Anong wala? 'Yan na nga ang ebidensya o!" Tinuro nito ang receiving area ng hospital suite kung saan siya naka-confine, puno iyon ng mga bulaklak, balloons, at kung anu-ano pang egalo.
"Three-fourths d'yan, hindi ko kakilala. 'Yon namang one-fourths, nakilala ko lang nang minsan."
Rumolyo ang mata ni Raine. Hindi kumbinsido sa paliwanag niya. "Sus! Ang daming explanation! Ang sabihin mo talagang may hinihintay ka."
Napairap na rin siya."E sino naman? Si Batman?"
Then just like on cue, the door of the suite opened. It was Rob. He quickly entered the room. Humahangos itong lumapit sa kanya bago siya niyakap nang mahigpit.
She gasped and gently closed her eyes. The warmth of his embrace was too comforting she wished it wouldn't end.
Funny but she felt energized. She didn't know na may healing effect din pala ang yakap.
Matagal sila sa ganoong ayos.
Pagtikhim ng kung sino ang nagpahiwalay sa kanilang dalawa. Agad siyang nagmulat.
Nanunudyong mukha ni Raine ang nabungaran niya. Kuntodo ngisi ito. "Inform ko lang kayo, nandito pa 'ko. Nagpaparamdam lang, in case you forgot," anito na noon ay nakatayo na sa gilid ng kama.
She felt her cheeks heated up kaya yumuko na lang siya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka?" tanong ni Rob sa kanya maya-maya. Bakas sa mga mata nito ang pag-aalala.
"W-wala. A-alam ko naman na... busy ka. Besides, sabi mo sa card ng bigay mong flowers, you're out of the country so-- "
"Nagbigay ka ng flowers?" nakangising tanong ni Raine kay Rob, tunog nang-iintriga. Hindi sumagot si Rob, kumurap-kurap lang bago namulsa.
Nang sumulyap ito sa kanya, sinamaan na niya ito ng tingin. Gumanti naman ito ng irap bago tumalikod at naglakad sa kitchen table. Pinulot nito ang bag nito bago muling humarap sa kanya. "O siya sige, mauna na 'ko. On-leave 'yong assistant ko kaya hindi ako puwedeng hindi pumasok sa shop. Basta't kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako, okay?" anito bago humakbang patungo sa pinto. Nasa pinto na ito nang magpaalam kay Rob. "O, Rob ikaw na ang bahala diyan sa girlfriend mo, ha?"
"What?" sabay nilang sabi ni Rob.
Raine rolled her eyes. "Girlfriend, as in babaeng kaibigan! Juskolerd ha? Punum-puno ng objection! Tutuloy na nga 'ko. Nakakaloka kayong dalawa!" anito, mabilisi pang kumaway bago tuluyang lumabas ng hospital suite.
Matagal nang nakaalis si Raine ngunit nanatili silang tahimik ni Rob. The awkward slience made it more awkward for her to initiate a conversation. Which is odd because never in their years of friendship did they ever ran out of something to converse about.
Raine was right. Once you cross that thin line of love and friendship, you can never really go back to the way things were. No matter how you try and no matter how you wish it would. Well, at least, that's true for her.
She knew now things are changing between her and Rob. And she must ready her heart for more inevitable changes between them.
Kapag kuwan'y umupo si Rob sa kama. Hinigit nito ang kamay niyang walang dextrose at marahan iyong pinisil.
"I'm sorry," anito, nakatingin nang mataman sa kanya. "Mali ako nang hilingin ko sa iyo na mag-sorry ka kay Rachel. Tama ka, mainit ang dugo niya sa 'yo."
Nanginig ang labi niya. Pilit niyang nilunok ang mga namuong bikig sa kanyang lalamunan. "She hates me Rob."
Napabuntong-hininga ito, hinaplos ang pisngi niya. "Don't say that. Hindi lang siya siguro kumbinsido na magkaibigan lang tayo. Marami kasi siguro siyang nababalitaan tungkol sa mga past girlfriends ko, you know."
Magkaibigan lang.
Bestfriends. Kaibigang-matalik.
Sa bibig na mismo nito nanggaling kung hanggang saan lamang ang kaya nitong ibigay sa kanya. Wala na pala talagang next level ang ugnayan nilang dalawa.
Tumungo siya nang pakiramdam niya may kumamal sa kanyang puso at piniga iyon nang anong higpit. Nangilid na ang luha sa kanyang mga mata ngunit pilit niyang pinalis iyon.
Hindi. Hindi siya iiyak.
Kasalanan niya 'yon. Kasalanan na minahal niya si Rob, higit pa sa kayang ibigay nito sa kanya.
Falling in love with your bestfriend. How pathetic could she be?
Tumikhim siya at mabilis na hinamig ang sarili. Hindi dapat iniiyakan ang pagkakamali, itinatama.
"S-siguro, dapat b-bawas-bawasan na natin ang magkita," aniya sa pinakaswal na tinig.
Tumitig ito sa kanya, kunot ang noo. "Bakit?"
"P-para hindi magduda si Rachel. Para hindi na kayo mag-away. Para maging maayos na ang r-relasyon niyo," sabi niya bago pilit na ngumiti.
Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "You'll do that?"
"O-oo naman," sagot niya, pabulong. Binawi niya rito ang kamay niya bago ibinaling ang tingin sa bintana. "Di ba nga sabi mo, iba si Rachel? Na siya lang ang hindi sakop ng 3 month due date mo sa mga babae. Na puwede mo na siyang dalhin sa simbahan." Napahinto siya. Naramdaman niya kasi na nanginginig ang bibig niya. Muli siyang tumikhim bago nagpatuloy. "At bilang b-bestfriend mo, hindi ako papayag na mawala si Rachel sa buhay mo nang dahil lang sa akin."
"Kung mahal ako ni Rachel, matatanggap niya kung ano kita sa buhay ko."
Bumaling siya rito. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. "K-kahit na a-ako ang maging dahilan ng laging pag-aaway niyo?"
Hindi ito sumagot sa halip ay yumuko. Hindi man ito magsalita, she can feel his confusion. Hindi si Rachel ang unang babaeng naging karelasyon ni Rob na nagduda sa kanya. Pero mukhang ito ang unang babaeng magtatagumpay na paglayuin sila ni Rob.
A sudden pain raked her chest on the thought. But maybe, it is for the best.
She slowly reached for his hand and gave it a gentle squeeze. Nag-angat ito ng tingin. Ngumiti siya kahit na muling namuo ang luha sa kanyang mga mata.
"It's time for me to do my job as your friend, Rob," aniya, pigil na pigil ang paghikbi.
Nagbuga ito ng hininga bago ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. She mustered all the strength she had left to keep herself from crying. At habang nakatitig ito sa kanya, she silently wished na hindi nito makita na nasasaktan siya. Na sana, h'wag bumigay ang mga luha niya. Na sana, paniwalaan nito ang kasinungalingan niya.
Maya-maya pa, hinigit siya nito payakap, mahigpit. "Thank you, Sophie. You really are my bestfriend."
A quite knock on the door made Sophie turn to its direction. Maya-maya pa, bumukas iyon—revealing Rob’s conflicted face.Mabilis siyang lumapit sa asawa habang kinakabit ang diamond earring sa tainga niya. “Why? What’s wrong?” nag-aalalang tanong niya.Rob huffed and shook his head slowly. “I guess your sister is stalling again. Nagkulong na naman daw sa banyo sabi ni Mommy Lucy. I told you, she doesn’t want to have this kind of party. Honey, she’s not comfortable.”Napailing na rin siya, nasapo ang ulo na bigla ‘atang nanakit. Tonight is Jasmine’s, her adoptive sister, 18th birthday. Siya ang nakaisip niyon matapos niyang malaman na binu-bully ang kapatid niya sa St. Gabriel University kung saan ito ngayon nag-aaral bilang senior highschool. She wanted to show the world that though it is a common knowledge that she and Jasmine do not share the same blood, they both carry the Benitez name and nothing will ever change that.Jasmine is her sister. At handa siyang ipagtanggol ito sa kahit
Cassie seemed to be too overtaken by a lot of emotions that her logic starts to fail in comprehension. Pero mas lalo naman siyang natuliro nang marahan siyang akayin ni Rob paakyat sa hagdan. She did not question him. Tahimik lang siyang sumunod dito. Nang marating nila ang 3rd floor, iginiya siya nito sa malawak na veranda. The whole place was surrounded with tea-light scented candles. Nagkalat din sa sahig ang talulot ng gumamela at iba pang bulaklak. Lalong bumilis ang pagkabog ng dibdib niya nang makita niya sina Raine, Tyrone, at ang mga biyenan at magulang niya, all standing on one side of the veranda with satisfied smiles on their faces. Her mind got clouded with confusion almost immediately. "B-bakit kayo nandito? Dad akala ko... Raine, bakit... " Hal
Nagmamadaling lumabas ng sasakyan nito si Raine at dire-diretsong nag-doorbell. Pinagbuksan ito ng isang unipormadong katulong at pinapasok sa maliit na gate.Tensiyonado siyang naghintay sa loob ng sasakyan. Inabala niya ang sarili sa pagtingin-tingin sa cellphone niya at sa baby niya. Kaya lang, sampung minuto na ang nakakalipas subalit hindi pa rin nagte-text si Raine. Nang pumalo na sa kinse minutos ang paghihintay niya, tuluyan na siyang nainip. Malapit na rin kasing lumatag ang dilim sa paligid. Saktong pababa na siya ng kotse nang makatanggap siya ng text mula sa kaibigan. Puwede na raw siyang pumasok.Karga-karga niya ang baby niya nang bumaba siya ng kotse at nagtungo sa sa gate. Magdo-doorbell sana siya pero nakita niyang bukas ang maliit na gate sa gilid ng bahay.
"Alam mo ba na mahal ang bayad sa mga kargador, Sophia?" tikwas ang ngusong reklamo ni Raine habang hirap na hirap ito sa pagbibitbit ng mga iuuwing gamit ni Baby Ethan. "Sa dami nitong gamit ni Baby Ethan, para na rin kayong naglipat-bahay dito sa ospital, a.""E sabi mo 'pag kailangan ko ang nakakasilaw na kagandahan mo tawagan lang kita," kaswal na sagot niya, hinaplos pa ang pisngi ni Ethan na nasa mga bisig niya. "Kailangan ko ng tagahakot e."Lalong nanulis ang nguso nito. "Jusko! Sana sinabi mo man lang na gagawin mo lang pala akong kargador at driver para hindi na ko nag-stilletos!" patuloy na reklamo nito bago nagpatiunang pumasok sa elevator. Hinihingal nitong ibinaba ang ilang bag na naglalaman ng mga ginamit ni Baby Ethan sa mahigit dalawang linggo nitong pananatili sa ospital. Raine kept on murmuring as sh
Nang makauwi si Sophie, nagpakalma muna siya sa kanila bago siya nagpunta sa mga bahay ng biyenan niya. Wala rin kasi sa kanila ang mga magulang niya. Alam niyang abala pa rin ang mga ito sa paghahanda ng nursery ng baby niya. Gusto niyang makita ang nursery ng baby niya. She wanted to cherish that moment of becoming a first time mom no matter how painful is the other side of it. Gusto niya, paglaki ng anak niya, may maikukuwento pa rin siya kung paano at gaano ito kamahal ng mga lolo at lola nito noong dumating ito sa mundo. And no matter how fleeting her baby would stay in that room, she'll make lots of memories in it for her son. Nakapagdesisyon na kasi siya. She'll ask her attorney to draw a legal separation agreement for her and Rob. At kapag kaya na niya,
Tinititigan ni Sophie ang sarili niya sa salamin. She was asking herself what's wrong with the way she looks that her husband just won't take even just a glance at her.Napabuga siya ng hininga at inayos ang buhok niyang nakalugay.Halos dalawang linggo na siyang nagpapaganda, nagbe-bake ng cheesecake at nanunuyo, pero deadma pa rin talaga ang pa-importanteng Kulot!She had tried many times to talk to him but he'd deliberately avoid her at all costs. Ang dahilan nito, busy ito sa trabaho. Marami raw itong na-pending na gawain mula nang ma-coma ito. Rob would stay-up late at night in the office and go home to his parent's house. Habang siya, natutulog sa bahay nila. Ni minsan, hindi pa sila nagtabi na mag-asawa mula nang manganak siya.