Share

The Tycoon's Triplets
The Tycoon's Triplets
Author: Rhea mae

Kabanata 1

Hilaw na tumawa si Celeste, para bang pinipiga ang puso niya sa sobrang sakit pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya. Hindi niya matanggap na ang shares na dapat ay para sa kaniya ibinigay pala ng kaniyang ama sa half-sister niya.

“Dad, tell me that you’re lying. Tell me!” sigaw niya na sa kaniyang ama na blangko lang ang mukha habang nakangiti naman si Hannah at Elloise, ang mag-inang peste sa buhay ni Celeste.

“Huwag mo ngang sinisigawan si Daddy—”

“You, shut up!” halos manlisik ang mga mata ni Celeste kay Hannah, ang nagmamagaling niyang half-sister. Natahimik silang lahat dahil ngayon lang nila nakitang nagalit si Celeste. Halos gumuhit ang mga litid ni Celeste sa leeg niya sa tindi ng galit niya.

Minsan pang tiningnan ni Celeste ang kaniyang ama pero nananatili pa rin itong tahimik.

“You will pay for this, itinayo ni mommy ang kompanyang ibinigay mo sa kabit mo dad. Dugo at pawis ang puhunan niya tapos ibibigay mo lang sa kanila ng ganun kadali? Where is your conscience?!” tila isang kulog na dumadagundong ang sigaw ni Celeste.

Napapalunok na lang si Hannah dahil nasanay silang tahimik lang si Celeste at para bang walang pakialam sa mga nangyayari pero nagkamali sila dahil ibang ibang Celeste ang kasama nila ngayon.

“Don’t shout at me, Celeste. I’m still your dad and don’t question my decisions. Pera pa rin ng lolo mo ang ginamit namin para maipatayo ang kompanya.” Hilaw na namang tumawa si Celeste. Oo, pera nga ng lolo niya ang ginamit, ang ama ng daddy niya pero hindi pa rin magiging tagumpay ang negosyo nila kung hindi dahil sa ina ni Celeste.

“Ito lang ang sasabihin ko, huwag sanang dumating sa oras na pagsisisihan mo ang ginawa mo sa anak mo.” may diin niyang saad saka siya tumayo at tiningnan naman si Hannah at Elloise. “Siguraduhin mong mapapanindigan mo ang kompanya Hannah, siguraduhin mo rin ang sekuridad niya para maprotektahan mo ang kompanya ng mommy ko mula sa akin dahil darating ang araw na sisiguraduhin kong mababawi ko kung ano ang nararapat para sa’kin.” Dagdag pa niya saka niya kinuha ang bag niya at umalis na sa hapag kainan nila.

Mariing naipikit ni Logan ang  mga mata niya nang makaalis na ang kaniyang anak. Hinawakan ni Elloise ang kamay ng asawa niya at dahan-dahan niya itong hinaplos.

“Huwag mo na siyang isipin honey, tama lang ang ginawa mo. Look what she did to you, wala siyang respeto paano niya mapapangunahan ang kompanya kung hindi niya kayang kontrolin ang emosyon niya? Magtiwala ka lang sa magagawa ng anak natin at sisiguraduhin kong hindi mo pagsisisihan na inilipat kay Hannah ang mga shares mo. Ikaw na ang may karapatan sa mga shares ni Clariz simula nang mamatay siya huwag mong pakikinggan ang sinasabi ng anak mong nagrerebelde.” Panunulot ni Elloise kay Logan.

Ngumiti naman si Hannah sa kaniyang ina dahil nagtagumpay sila sa plano nila. Nakuha na nila ang shares at nailipat na sa pangalan ni Hannah lahat.

Samantala naman, hindi mapigilan ni Celeste ang galit niya. Sigaw siya nang sigaw para ilabas ang sakit na nararamdaman niya. Kahit naman magwala siya at sumigaw maghapon wala namang makakarinig sa kaniya dahil nasa matahimik siyang lugar.

Nagngingitngit ang mga ngipin niya. Limang taon siyang nanahimik, limang taon niyang itinago ang sakit na nararamdaman niya. Hindi siya makapaniwalang nagawa ito ng sarili niyang ama sa kaniya. Limang taon na ang nakalilipas simula nang mamatay ang kaniyang ina na si Clariz at yun din yung taon na nalaman ni Celeste na may kapatid pala siya sa kaniyang ama na halos kaedad niya lang.

Hindi niya lubos maisip kung paano nagawa ng kaniyang ama na lokohin ang kaniyang ina habang ipinagbubuntis siya. Nakakatanda lang siya ng ilang buwan kay Hannah. Pigil ang pag-iyak ni Celeste, nakagat niya na lang ang pang-ibaba niyang labi.

Pakiramdam niya ay sasabog na siya, para bang pinipiga ang buong katawan niya. Napaupo na lang siya sa buhanginan at humikbi nang humikbi. Sa loob ng limang taon, tiniis niya ang lahat ng sakit, kinimkim niya lahat.

Durog na durog pa siya noon nang mamatay ang kaniyang ina at mas lalo siyang dinurog ng sarili niyang ama nang iuwi niya ang kabit at ang anak nila sa sarili nilang bahay.

“Mom,” mahina niyang usal habang humihikbi. Para siyang tuta na nawawala at hindi alam ang patutunguhan, hindi niya alam kung anong gagawin niya. Paano ba niya mababawi ang kompanya sa kamay ng mag-ina?

Wala siyang pera, wala siyang kahit anong ari-arian.

Napatigil sa pag-iyak si Celeste ng maalala niya ang pinag-uusapan nila noon ni Sarah, ang kaibigan niya simula noong high school. Pinunasan ni Celeste ang mga luha niya saka niya nilunok ang sarili niyang laway.

Minsan nilang napag-usapan ang isa sa mga kaklase nila na naging escort, escort siya ng mga VIP clients ng isang bar at nalaman nila kung gaano kalaki ang kinikita. Napayuko na lang si Celeste, ibababa ba niya ang dignidad niya para lang sa malaking pera?

Pinag-isipang mabuti ni Celeste ang mga gagawin niya. Wala siyang ibang kailangan kundi ang malaking pera para makapagsimula siya at masimulan ang plano niyang pagbawi sa kompanya.

Pinuntahan ni Celeste ang kaibigan niya para makahingi ng tulong dito.

“Pasensya ka na Star pero wala rin akong ganyan kalaking pera eh. Alam mo naman na kagagraduate pa lang natin, pareho tayong 21 pa lang din at buong buhay ko hindi pa rin ako nakakahawak ng million. May problema din kasi ang kompanya namin sa financial ngayon so I don’t think that I can help you now. I’m sorry.” Nagiguilty na wika ni Sarah.

“I understand, I’m sorry too wala na rin kasi akong alam na lalapitan ko eh.”

“How about your lolo? Bakit hindi ka magtanong sa kaniya?” umiling si Celeste, ayaw niyang lumapit sa pamilya ng kaniyang ama lalo na at masama rin ang loob niya sa kanilang lahat dahil wala man lang silang ginawa noong iuwi ng kaniyang ama ang kabit at ang anak nila.

“Naalala mo yung sinabi mo sa akin na naging trabaho ni Ria. Pwede mo bang sabihin sa akin kung anong bar yun?” nagsalubong ang mga kilay ni Sarah sa tinatanong ng kaibigan niya.

“Nasisiraan ka na ba ng bait? Gusto mong pumasok bilang escort? Alam mo naman na maiiksing skirt at revealing tops ang isinusuot nila dahil escort ka.”

“I don’t have a choice, yun na lang din ang tanging paraan na naiisip ko ngayon para magkaroon ng malaking pera. Ayaw kong maupo at manahimik na lang habang nagkakasiyahan si Hannah at ang mommy niya dahil hawak na nila ang kompanya. Isang oras lang naman akong magsusuot ng revealing clothes, hindi ko naman isusuko ang pagkababae ko kaya huwag kang mag-alala.” Napabuntong hininga na lang si Sarah at walang nagawa nang pilitin siya ni Celeste.

Pinuntahan kaagad ni Celeste ang bar na sinabi ni Sarah. Pumasok na siya sa loob at bago siya nagtanong tungkol sa pagiging escort ay lumagok muna siya ng alak para magkaroon siya ng lakas ng loob pero nanlumo siya dahil ang perang kikitain niya sa pag-eescort ay kulang pa rin para magsimula siya.

Napaupo na lang si Celeste sa isang sulok, napapasabunot na lang siya sa sarili niya dahil hindi niya alam kung ano pa bang dapat niyang gawin.

Samantala naman, napag-isipan na ni Logan na ibigay ang kalahati ng shares kay Celeste. Kausap niya na ngayon ang kaniyang lawyer at narinig lahat ni Elloise ang plano ng kaniyang asawa kaya mabilis niyang pinuntahan si Hannah para sabihin ang nalaman niya.

“No!” anas ni Hannah, hindi siya makakapayag na maghahati sila ni Celeste sa shares dahil kapag nakapasok ng kompanya si Celeste madali na lang para sa kaniya ang lahat at mabawi ang kompanya.

Nag-isip kaagad ng paraan si Hannah at tinawagan ang taong inutusan niya para manmanan ang bawat kilos ni Celeste.

Napangisi siya ng malaman niya kung nasaan si Celeste.

“Alam kong pera ang kailangan ni Celeste ngayon, puntahan mo siya at alukin ng pera para sa isang gabi pagkatapos kuhanan mo ng video. Sigurado akong kakagat siya kapag malaking pera ang iaalok mo sa kaniya. Kapag naipakita ko na kay Dad ang video ni Celeste sigurado akong babawiin niya ang shares na ibibigay niya.” saad ni Hannah sa lalaking kausap niya.

Nagtawanan naman ang mag-ina dahil sa evil plan nila.

****

Tatayo na sana si Celeste at lalabas ng bar nang may lalaking lumapit sa kaniya kaya napatingala siya.

“Do you want to spend the night with me, pretty lady?” saad nito, nagtiim naman ang bagang ni Celeste dahil ano bang tingin sa kaniya ng lalaki, a prostitute?

Tumayo si Celeste at hinarap ang lalaki.

“I am not what you think, mister. Get out,” masungit niyang wika at umalis pero bago pa man siya makalayo ng tuluyan ay nagsalita ang lalaki na ikinahinto ni Celeste.

“50 million for one night, deal?” alok ng lalaki sa kaniya. Para bang nabingi si Celeste at nagpaulit-ulit sa utak niya ang 50 million.

“The hell wrong with you?” inis na wika ni Celeste dahil kahit na gaano pa kalaki ang iaalok sa kaniya hindi niya isusuko ang pagkababae niya. Napangisi ang lalaki dahil alam niya ng mahirap mapapayag si Celeste.

“Okay then, will you be my escort? Sasamahan mo lang ako sa mga pupuntahan ko. Deal?” napaisip si Celeste sa alok sa kaniya.

“Sasamahan lang kita?” paninigurado niya.

“Of course, that’s it.” Pumayag naman kaagad si Celeste dahil malaki na ang 50 million para makapagsimula siya. Sumakay na siya sa kotse ng lalaki at nagtungo sila sa isang hotel. Dumiretso naman sila sa restaurant at umorder ng pagkain.

Nang umalis ang lalaki para kausapin ang nasa counter ay humugot ng malalim an buntong hininga si Celeste. Nakahinga siya ng maayos dahil sa restaurant siya idinala. Napapaisip lang siya kung bakit handang magbayad ang lalaki ng 50 million para lang samahan siyang kumain.

“Is this not a scam? You’re not kidding me, right?” tanong niya na naman nang makabalik ang lalaki.

“Of course not, pupunta rito mamaya ang ex-girlfriend ko at gusto lang kitang gamitin.” Pagsisinungaling ng lalaki, naniwala naman kaagad si Celeste as long as nasa public place sila kampante siya.

Kumain na silang dalawa at nagtoast pa. Hinihintay naman ni Celeste ang babaeng sinasabi ng lalaking kasama niya pero napahawak na lang siya sa ulo niya ng makaramdam siya ng hilo at init ng katawan.

“Are you okay?” tanong ng lalaki sa kaniya na ikinatango lang ni Celeste. Inisip niya na lang na baka nahihilo na siya dahil nakainom din siya sa bar kanina.

“I’m fine,” sagot niya.

“Kung nahihilo ka na at gustong magpahinga here’s my room key in this hotel. Don’t worry wala akong gagawin sayo.” wika ng lalaki. Gusto sanang magstay ni Celeste pero hilong-hilo na siya at para bang kakaiba ang nararamdaman na init ng katawan niya ngayon kaya wala siyang nagawa kundi kunin ang room key na hawak ng lalaki.

“I’m sorry, excuse me.” aniya na ikinangisi naman ng lalaki. Naglakad si Celeste at hinanap ang kwarto dahil gusto niyang ibabad ang sarili niya sa malamig na tubig.

Samantala naman, galit na galit ang isang lalaki sa secretary niya at kinuha ang susi ng kwarto niya. Galit na galit siya dahil sa mga palpak na trabaho ng mga empleyado niya.

“Sir Maximus,” tawag ng lalaki sa boss niya.

“Don’t you dare to follow me.” halos manlisik ang mga mata ni Maximus sa secretary niya. Sa takot naman ng secretary niya ay hindi ito sumunod. Nang makapasok na si Maximus sa kwarto niya ay alak kaagad ang hinanap niya at para bang tubig na ininom.

“Damn it!” mura ni Maximus at mahigpit na hinawakan ang baso dahilan para mabasag ito sa mga kamay niya. Walang emosyon niyang tiningnan ang kamay niyang dumudugo na ngayon pero ni hindi niya maramdaman ang sakit dahil mas nangingibabaw ang galit sa puso niya.

Halos maubos ni Maximus ang isang boteng alak. Naramdaman ni Maximus na may pumasok sa loob ng kwarto niya kaya napakibot ang mga mata niya ng hindi gumagalaw ang ulo niya.

Walang pwedeng makapasok ng kwarto niya dahil nakalock ito at siya lang ang may susi maliban sa mga empleyado ng hotel.

Hinubad ni Celeste ang damit niya dahil init na init na talaga siya at ng makita niya ang isang lalaki na nasa malapit ng bintana ay nilapitan niya ito. Hindi niya alam pero pakiramdam niya hindi niya kontrolado ang isip niya.

“100 million mister and I will give myself to you.” aniya. Kunot noo naman siyang nilingon ni Maximus. The only Maximus Lim in the country. The most powerful businessman at ang kinatatakutan ng lahat because he is one of the elite.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Chris Macias
Ang story nya hawig sa story ng Three little guardian angel.. Hope hindi mahabang ang story na to 🫰
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status