GOOD EVE! SORRY LATE UPDATE! MAHINA PO INTERNET HERE
Pumasok ang mga pulis sa banyo at tiningnan ang paligid. Paglabas nila, sumilip sila sa likod ng kurtina. Gaya ng inaasahan, siya lang ang naroon sa kwarto."Nasaan na 'yung lalaki? Kung hindi siya magsasabi ng totoo, dadalhin namin siya sa presinto para imbestigahan."Umiling si Jeah. "Wala pong iba, ako lang po."Sa mga sandaling iyon, may nakakita ng hindi pa bukas na kontraseptibo sa basurahan, at napahiya si Jeah."Ano 'to?"Itinuro ng pulis ang hindi pa nabuksang bagay sa basurahan at tinanong si Jeah sa mahigpit na tinig. Napa-urong si Jeah sa takot at nauutal na sumagot, "A-ako po, binuksan ko lang 'yan para sa katuwaan. Ma-maniniwala po ba kayo?"Dahil sa kanyang pagkakautal, lalong nagduda ang mga pulis na may tinatago siya. Pero siya lang naman ang nakita sa kwarto, baka nga tumakas na ang lalaki."Isara ang pinto." utos ng isa sa mga pulis sa kasamahang nakabantay sa pinto.Handa na silang imbestigahan si Jeah. Nang makita ni Jeah na kailangan niyang humarap sa lima o anim
Napangiti nalang si Jeah nang pagpiyestahan siya ng mga relatives na sobrang nawili sa kanya at sa kuya niya dahil sa kanilang hitsura.Ibinaba ni Cedrick ang dalang regalo, at agad namang niyakap ng lola na tuwang tuwa na makita siya.โApo, mas lalo kang gumwapo!" Masayang sabi ng matanda.Napakamot naman ng batok si Cedrick, nahihiya sa mga papuri nila.Mayamaya pa, nasa hapagkainan na sila para magsalosalo sa hapunan.Naupo si Cedrick sa dulo. "Si Dad ba nasa ospital pa rin kasama si Lolo?""Oo, sinasamahan niya pa para magcheck-up. Bukas na lang kita dadalhin sa ospital para makita si Lolo mo." Sagot ni Melanie."At kamusta na po ang kalagayan ni Lolo?" Tanong naman ni Jeah."Hindi maganda. Kung pwedeng i-stabilize dito, hindi na sana namin siya ililipat sa ibang ospital. Pero limitado ang teknolohiya rito. Kapag hindi na talaga kaya, plano naming dalhin siya pabalik sa siyudad para doon gamutin."Narinig iyon ni Jeah at agad na kumapit sa braso ng ina habang nakatingala. "Mom, ba
Matapos mag-usap ng dalawa, nagpunta muna ng banyo si Hugo para magpalamig.Nang marinig ang tunog ng tubig sa banyo, bumalik naman si Hillary sa kama, at kinuha ang kanyang cellphone upang kausapin ang kaibigan."Jeah, tulog ka na ba?"โOo naman, papunta kami sa bahay nila Lolo at Lola.โ Sagot ni Jeah sa kabila.Nagitla si Hillary na marinig na nagbabakasyon pala ito.Noong Biyernes ng hapon, humiling ng bakasyon si Cedrick mula sa team at sinabing nais niyang umuwi upang bisitahin ang kanyang lolo at lola. Inaprubahan naman ito ng kanyang mga superyor.Pagdating nila sa gate ng university, kinuha niya ang kapatid na babae at nagmaneho ng apat na oras bago nakarating sa kanilang bayan.Sa kalagitnaan ng biyahe, si Cedrick na ang nagmamaneho dahil wala siyang tiwala sa kapatid na hindi alam ang speed limit.โDad, ayaw ibigay ni Kuya saโkin ang manobela!โ Sumbong ni Jeah sa tatay niya sa phone."Ano bang nangyari? Bakit kayo nag-aaway ng kapatid mo?"Si Cedrick ay hindi na nagbigay pans
Nalito lang si Hillary kanina, at halos matapos na ang ginagawa nila. Sa mga oras na ito, wala nang bahid ng pagnanasa sa kanyang mga mata.Sa halip, si Hugo naman! Kailangan na naman niyang maligo ng malamig.โHoney, maliligo muna ako.โPinipigilan ni Hugo ang nararamdamang pagnanasa at mahinahong nagsabi, "Mahal, malamig ang panahon. Hindi maganda sa katawan ang palaging pagligo ng malamig.""Di naman ganon, asawa. Naisip ko lang si Amelia."Biglang kumabig ang utak ni Hillary, at naalala niya ang isang alala noong araw na nahuli sila ni Hugo na naglalaro ng billiards. Matapos kasi nilang umalis doon, napansin niyang natigilan si Hugo sa paglalakad at bigla itong may sinundan."Hillary, ano bang sinabi mo kanina?"Umiiwas ang tingin ni Hillary, sabay tulak sa asawa, "Umm, teka lang. G-gusto ko munang maupo."Tiningnan ni Hugo ang posisyon nilang dalawa. Nakapatong siya sa asawa kaya nabibigatan ito. Kaya't gumilid siya at tumagilid sa kama. Nahihiya ring tinakpan ni Hillary ang saril
Pinakalma ni Mr. Joaquin ang anak niya at hiniling na palayain na niya ang nararamdaman niya. Ngunit ang pagkadismaya ni Hugo ay paulit-ulit na nauuwi sa mas matinding kawalan ng pag-asa.Naniniwala si Harry sa sinabi ng kanyang ama at kumbinsido na siyang patay na ang kanyang kapatid na babae. Matagal silang tatlo na nag-usap sa opisina ng kanyang ama.Samantala, nahanap ni Hillary ang lahat ng limang regalo, at masaya siyang gumulong-gulong sa kama, kumuha ng mga litrato, at nag-post sa kanyang social accounts.[Ang sarap sa pakiramdam na may asawa, kahit nasa business trip siya, laging may pasalubong.] Caption niya pa bago i-post.Makalipas ang isang oras, bumalik na si Hugo sa kwarto. Dahil sa mabibigat na paksa ang pinag-usapan, mabigat din ang pakiramdam ni Hugo.Nang makita si Hillary, ayaw niyang sirain ang kasiyahan ng asawa. โAsawa ko, maliligo muna ako.โโSige lang.โ Nakaluhod pa rin si Hillary sa kama, kinukunan ng litrato ang mga regalo niya.Pagkalipas ng ilang sandali, l
Pagkaalis ng karamihan ng mga tao sa paligid, nag-inat si Hillary at naghanda nang umalis. Ayaw pang umalis ni Hugo at tinitigan lamang ang kanyang asawa."Honey, bakit mo ako tinitingnan? Hindi ka pa ba nagsasawa sa bahay, kaya lumabas ka pa para lang tumingin ulit? Yang mga mata mo..."Habang nagsasalita si Hillary, biglang lumapit si Hugo at hinalikan siya sa labi sa loob ng sinehan.Marahil dahil sa kinain niyang matamis na popcorn kaya matamis ang kanyang labi.Hindi mahilig si Hugo sa kendi, pero gusto niya ang matamis na labi ng asawa. Habang nagkakadikit ang kanilang mga labi, ipinikit ni Hillary ang kanyang mga mata."Ehem, tapos na po ang palabas." Pumasok ang isang staff para maglinis.Nang makita silang naghahalikan, hindi napigilang paalalahanan sila.Biglang dumilat ang mga mata ni Hillary. Nahuli silang naghahalikan sa publiko.Nahihiya siya at tinakpan ang mukha gamit ang kanyang mga kamay, hindi makaharap sa ibang tao.Namula rin ang tenga ni Hugo sa hiya.Gayunpaman,