Share

The Tycoon's Unexpected Wife
The Tycoon's Unexpected Wife
Author: NORWEINA

CHAPTER 1- PROPOSAL

Author: NORWEINA
last update Huling Na-update: 2024-12-13 19:06:27

"You need to get married now, Hillary."

Kakauwi lang ni Hillary sa mansyon matapos ang nakakabaliw na examinations sa university at ngayon uuwi siya na makakatanggap ng ganoong klaseng balita.

"Dad?? Are you freaking serious?? Ipapakasal mo na ako sa edad kong 'to??" Taka niyang tanong habang nakapameywang.

Magsasalita sana ang ama pero agad niya itong pinigilan. "Hep! Kung ipapakasal mo lang ako sa isang matandang lalaki na kalbo at kulubot na ang mukha, hinding-hindi ako papayag!"

Napabuntong-hininga ang ama niyang si Harold, "Calm down! Hindi pa ako tapos sa aking sasabihin, kaya makinig ka."

Napaupo si Hillary na naka-krus ang braso at hindi maipinta ang kanyang mukha.

"Fine."

Tinabihan naman siya ng kanyang ina na si Lucille at tinapik ang kanyang balikat. "Lary, please? Don't get mad."

Nang maging mahinahon na si Hillary, nagpatuloy na magpaliwanag ang ama. "So me and your mom decided just a week ago, and I think this is the right time to discuss this with you. I know you're upset but this is for your good and our business."

"Dad, walang magandang maidudulot sa akin ang pagpapakasal. You see? Wala akong balak na mag-asawa and I won't do that for the sake of our business! Huwag niyo nga akong gawing alay." Parang masusuka si Hillary sa ideya na maglalakad siya sa pasilyo habang nag-aantay ang kanyang groom sa altar.

For her, it's cringeworthy and not part of her fantasies!

"Doon ka rin naman papunta anak, at kami na ang naghahanap ng taong karapat-dapat para sayo." Pang-eenganyo ni Lucille, ngumisi pa ito na parang sinasabing hindi niya ito pagsisisihan.

"Mommy, can't you hear? I said, wala akong balak na mag-asawa. And I'm not aware na matchmaker na pala kayo ngayon??" Inis niya pang sabi, naguguluhan sa takbo ng utak ng kanyang mga magulang.

Tanging nasa utak lang naman ni Hillary ay maging matandang dalaga. Tingin niya mas tahimik ang buhay kapag mag-isa kaysa na magkaroon ng makakasama na magdadala lang ng problema sa kanyang buhay.

"Sa katunayan, may pumili sayong pamilya bilang isa sa mga candidate na maaring ipakasal sa kanilang anak." Pagkaklaro ni Harold.

Kumunot ang noo ni Hillary, "Huh? Mukha nga akong aswang sa hitsura kong ito at may nagbabalak na ipakasal sa akin? Dad, kailangan ko ba itong gawin para maisalba ang nalulugi niyong negosyo??" Sarkastiko niya pang sabi.

"Hindi sa gano'n…," Napakamot ng batok si Lucille kung papaano ito sasabihin. "Isa lang din itong oportunidad para mabago ang buhay natin."

"So sino ba siya? Uumpugin ko ang ulo nun para magising siya sa reyalidad."

Napalunok ng laway si Harold bago ito ibunyag. "I know you're familiar with Hugo Gavinski, right?"

Napanganga si Hillary sa gulat at hindi siya makapagsalita. Kumalabog naman ang kanyang puso sa sobrang kaba.

"H-hugo?" Usal niya sa pangalan nito.

Hindi siya makapaniwalang papakasalan siya ng isang kilalang mayaman at tanyag na businessman sa kanilang bayan.

"Am I dreaming, Mom??" Napalingon siya sa ina at hinawakan ang mukha nito, isip niya na baka isa lang itong bangungot.

Umiling sa kanya si Lucille na ngumiti ng mapait. "This is real, sweetie."

Napahawak sa bibig si Hillary na hindi pa rin maintindihan kung bakit ito nangyayari.

"Anak, bukas na bukas, pupunta tayo sa kanilang mansyon para mag-umagahan at magdiskusyon sa kasal. Kaya ihanda mo ang iyong sarili dahil nais kang makita ng pamilya Gavinski." Paalala pa ni Harold.

"Teka, kailangan ko munang huminga!" Paalam ni Hillary.

Tumayo siya sa couch at dumeretso sa hagdan para magkulong sa kanyang kwarto sa taas.

Naiwan ang kanyang mga magulang na parehong nagtinginan at bakas ang pag-aalala sa kanilang mukha.

Padabog namang isinara ni Hillary ang pintuan at napatalon siya sa kanyang kama at nagpagulong-gulong.

Hindi niya talaga inaasahan na ang taong tulad ni Hugo na ubod ng yaman at syempre pinagpala sa kagwapuhan at tangkad, ay maiisipan na ipakasal sa babaeng tulad niya na burara.

At ang mas nakakamangha, ang pamilya ni Hugo ang isa sa mga mayamang pamilya na mayroong malalawak na koneksyon sa mga malalaking negosyo sa ibat-ibang bansa.

"This can't be happening..." Usal ni Hillary.

Ngunit kung tatanggi siya sa bagay na ito, tiyak na ikakagalit ito ng pamilya Gavinski dahil walang sinumang tumatanggi sa kanilang alok.

Buong gabi, nilamon ng pangamba si Hillary kung papaano niya haharapin itong dumating na delubyo.

×××××

BIYERNES ng umaga, maagang nagising ang pamilya Bermudez maliban kay Hillary na naghihilik pa sa kanyang kwarto.

"Hillary! Wake up!" Malakas ang pagkakakatok ng kanyang ina kaya siya napabangon sa kama.

Kinusot ni Hillary ang mga mata na mayroon ng maiitim na eyebags. Tumayo na ito para maghanda pero wala siyang balak na ayusin ang kanyang hitsura.

May naisip kasi siyang ideya na kapag makita ng pamilya Gavinski kung gaano siya kapangit, mapipilitan silang maghanap ng ibang babae na ipapakasal kay Hugo.

Alas siete ng umaga, nakarating na sina Hillary kasama ang kanyang mga magulang na labis na naghanda habang nagmukha siyang isang chakadoll.

"Anak? Anong klaseng make-up 'yan?? Para ka ng si Annabelle!" Nawindang si Lucille na kumuha ng wipes at akmang pupunasan ang mukha nito.

"No, Mommy! This is my look today." Pagtataray niya at hinawi ang kanyang buhok na kanya pang tinirintas.

"Naku, anak. Baka matakot pa sila sayo n’yan." Napakamot sa ulo si Harold na nag-naalala rin sa magiging reaksyon nila.

“I don't care, this is the real me.”

Pagpasok nila sa loob ng mansyon ng mga Gavinski, namangha sila na makita kung gaano ito kalaki at kasosyal.

Mayamaya pa, natagpuan ni Hillary ang sarili na nasa tapat ni Mr. Joaquin Gavinski na mga ama ni Hugo at si Lorraine Gavinski na anak nitong babae.

Napakurap si Lorraine na tumitig sa mukha ni Hillary na sobrang layo sa larawan na ipinakita sa kanila.

"I-is this really Ms. Hillary Gail Bermudez?" Pagtataka nito. Sumakit ang kanyang mata na tumingin kay Hillary na walang fashion sense at magulo pa ang make-up.

"Yes, I am. Nice to meet you!" Ngumisi si Hillary ng nakakaloko at sinadyang ma-turn off ang mga ito. Kaso wala ngayon si Hugo dahil mayroon daw itong pinuntahan na mahalagang event.

"Oh? I see." Napilitan si Lorraine na ngumiti, bumaling din siya sa ama na binigyan niya ng makahulugang tingin.

Naghihintay nalang ngayon si Hillary na sabihin ng mga ito na hindi siya pasado sa kanilang standards. Iyon talaga ang inaasahan niyang magiging resulta.

Habang umaasa naman ang kanyang mga magulang na sana ay matanggap siya ng mga ito dahil malaki itong tulong sa kanilang naluluging negosyo. Ngunit napag-usapan naman nilang mag-asawa na respetuhin ang desisyon ng anak kung ayaw talaga nitong pumayag.

"Ma'am, Sir, hihingi sana ako ng paumanhin dahil nadismaya kayo sa aking anak kaya hindi po namin ipipilit ito." Mahinahong sabi ni Harold na inunahan na sila.

Ngumisi naman si Mr. Joaquin at tumingin kay Hillary. "No, I'm not disappointed. I'm glad I've found the perfect woman for my son." Sabi nito.

Kulang nalang ay lumuwa ang mata ni Hillary sa sobrang gulat. "PO??"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 196-CONSCIENCE

    "Jeah, huwag kang mag-alala. Ayos lang ang kumpanya ninyo. Naniniwala ako kay Auntie. Bukod pa roon, hindi rin pababayaan ni Hillary ang kumpanya niyo, hihingi siya ng tulong kay Hugo."Tinitigan ni Jeah ang may kumpiyansang si Jackson na para bang may tinatagong sikreto. Hindi niya maintindihan kung anong problema mayroon sa utak ng lalaking ito.Sa labas, hindi na nakapigil si Hillary at pinilit si Hugo, kaya’t sa halip na pumasok sa klase ay dumiretso silang mag-asawa sa isang coffee shop upang makipagkita kay Madam Melanie.Maaga pa lang ay dagsa na ang mga taong bumibili ng kape. Bukod sa mga estudyante, marami ring empleyado ang naroon. Magkaharap silang tatlo na umupo.Walang pasabi, tumayo si Madame Melanie at lumuhod sa harap ni Hugo."Auntie! Anong ginagawa ninyo?"Dahil sa dami ng taong dumaraan, agad na nakatawag-pansin ang pagluhod ni Madame Melanie. Agad siyang inalalayan ni Hillary upang makatayo.Humahagulhol si Melanie habang nakikiusap kay Hugo. "Hugo, pakiusap, huwa

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 195-GIVE UP

    Ibinaba ni Hugo ang mangkok at bumalik sa silid. Paglabas niya, dala na niya ang brown sugar na binili niya para sa asawa. Kumuha siya ng ilang piraso at inihalo sa sabaw ng luya.Nang tuluyang matunaw, naging kulay pulang maitim ang tubig. Kumuha siya ng kutsara, hinalo ang brown sugar, at tinikman muna para sa kanyang mahal na asawa.Hindi na ito kasing sama ng dati ang lasa. Kaya kinuha niya ang mangkok at inilapag sa harap ng asawa."Hindi na ito maanghang. Inumin mo na."Lumambot ang puso ni Hillary sa lambing ng asawa. Isang mangkok lang naman ng sabaw na may brown sugar at luya, kaya’t ininom na niya. Hinawakan niya ang mangkok ng dalawang kamay, inilapit sa kanyang labi, itinagilid ang ulo, at tuloy-tuloy na nilagok.Kahit may brown sugar na, hindi pa rin masarap ang lasa. Napangiwi siya at inilabas ang dila. Hinaplos ni Hugo ang ulo ng asawa, yumuko, at diretsong hinalikan ang labi nito doon mismo sa hapag-kainan."Umakyat na tayo." Dahil doon, magagawa na niya ang gusto niya

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 194-GINGER SOUP

    "So?" Nakataas kilay na tugon ni Jeah."Marahil kapag nakita ka niya, naaalala niya ang nawawalang kapatid niya, kaya mabuti ang pagtrato niya sa'yo."Umiiling si Jeah, sinisikap tanggalin ang alaala ng batang nalulunod. Ayaw niyang marinig ang sarili na umiiyak, "Kuya, iligtas mo ako!"Kinuha niya ang mga damit at pumasok sa banyo para magpalit.Kinuha ni Hillary ang panloob na isusuot ng kapatid at nagtanong, "Jeah, huwag sabihin na nahanap ito ng kuya mo sa closet mo."Kinuha ni Jeah ang bra at panty, "Nakita 'to ng mama ko. Hindi naman maganda."Pagkatapos makauso at lumabas, nakatayo si Jackson nang maayos sa tabi ni Hugo sa labas."Jeah, okay ka lang ba?""Ayos lang ako. Uuwi na tayo," sumang-ayon naman silang lahat.Kaya bago pa natapos ang salu-salo, sinundo na ng kanilang mga tagapangalaga ang tatlo.Sa sasakyan, nagsimulang magkaroon ng sama ng loob si Hugo. "Jackson, ikuwento mo nang mabuti tungkol kina Maximus at Nathan.""Aba, si Nathan maliit lang ang papel, sinusunod-su

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 193-OVERLY CONCERNED

    Tinanong ni Hugo, "Nasaan ang tiyahin mo?"Itinuro ni Jackson ang isang kuwarto. "Inaalagaan niya si Jeah."Tumango si Hugo. Pagkatapos ay bumalik siya sa hotel kung saan nakatira ang kanyang asawa at kumatok sa pinto. "Hillary, nandito na ang asawa mo."Mas lalong nagitla ang mga nakarinig sa labas.Ilang sandali lang, bumukas ang pinto.Lumabas ang maliit na mukha ni Hillary. "Asawa ko~"Sinipat ni Hugo ang kabuuan ng kanyang asawa, tinitiyak na ayos lang siya, saka sumilip sa loob. "Nasaan si Amelie?"Lumabas si Hillary at isinara ang pinto sa likuran niya. "Asawa, naliligo si Jeah, hindi maganda kung papasok ka."Naintindihan ni Hugo."Nakita mo ba si Jackson? Nakipag-inuman siya bago siya tumalon para iligtas ang isang tao. Higit sa isang dosenang bote ang nainom niya."Naamoy na rin ni Hugo ang alak sa kanyang pamangkin, kaya alam niyang sobra itong uminom.Napansin ni Hillary ang mga kaklase niyang nagulat. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa at dinala ito sa gitna ng gru

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 192-SPLASHING MEMORIES

    Sinundan si Jeah ng isa pang kaklase at sa gitna ng magulong eksena, may biglang nahulog sa tubig."Naku! Nahulog si Jeah sa pool!" biglang sigaw ng isang tao.Mabilis na lumingon si Hillary patungo sa nagkikiskisang tubig ng pool.Basang-basa at nakasuot pa rin ng damit si Jeah habang pumapaibabaw sa tubig. Nang magbukas siya ng bibig, sari-saring maliliit na bula ang lumalabas at pumapasok sa ilong at bibig niya. Hindi niya mabuksan ang mga mata; kapag bumulong ang ilaw sa mga mata niya, sumasakit ang mga itong butas ng mata.Sinusubukan niyang makalangoy, pero hindi siya makatungo sa gilid pool.Pumikit si Jeah at gustong tawagin si Hillary, nang sumagi sa isip niya ang isang alaala. “Kuya Hugo, natatakot ako.""Huwag kang umiyak, Amelia, kaya kang protektahan ni kuya." Yumakap sa kanya ang isang batang lalaki na natatakpan ng dugo.May mantsa ng dugo rin sa palda niya. Kahawig ng pagkabata ni Hugo ang batang lalaki.Umiling si Jeah, biglang napuno ang isip niya ng malawak na dag

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 191-RISKY BOTTLE GAME

    Ngumiti si Hillary at nagsabi, “Nagpakasal kami nang biglaan, noong nakaraang summer. Tsaka susunduin niya ako ngayong gabi, at malalaman mo rin kapag nakita mo siya.”Itinago ni Hillary ang pagkakakilanlan ng kanyang asawa. Kung sasabihin niya, wala siyang magiging tahimik na gabi. May ilang gustong magtanong tungkol sa asawa ni Hillary, pero umiling lang siya at tumangging magsalita.Ang pagiging asawa ni Hugo ay sapat na para maging sentro siya ng atensyon sa gabing iyon.May isa pang nagtanong kay Jeah, ngunit tiningnan lang ni Jeah ang lalaking makulit sa harap niya. Saan siya kumukuha ng lakas ng loob para ipagkanulo ang kanyang mga kaibigan at ibunyag kung sino ang asawa ni Hillary?Sa isang lugar na hindi pamilyar kay Jeah, dalawang lalaki ang nakatayo sa likod ng mga halaman, palihim na pinagmamasdan ang mga babae. Isa sa kanila ay si Maximus ang lalaking pinaka-kinasusuklaman ni Jackson.Hawak ang isang bote ng alak, nagkubli si Maximus sa dilim kasama ang kanyang mga kaibig

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status