Share

CHAPTER 2- DEAL

Author: NORWEINA
last update Last Updated: 2024-12-13 19:08:48

TININGNAN ng maigi ni Hillary ang mga mata ni Mr. Joaquin at ikinaway ang kanyang mga kamay sa harapan para malaman kung may deperensya ba ito sa mata.

Natawa bigla si Mr. Joaquin sa kanyang ikinilos, sinenyasan din siya nitong umayos ng pagkakaupo. "I'm not blind, dear. I can see you clearly." Aniya.

"But sir? I look different from the picture. You should be disappointed at me" Gusto pa ni Hillary na hikayatin itong i-reject siya.

Napatingin din si Hillary sa mga magulang niyang hindi makapagsalita dahil iba rin ang kanilang inaasahan na mangyayari pero mayroong tuwa sa kanilang puso na tinanggap ang kanilang anak ni Mr. Joaquin na walang masamang sinabi. Maliban lang kay Lorraine Gavinski na makikita sa reaksyon ng mukha na hindi niya gusto si Hillary.

"Mr. Joaquin, are you serious with this? B-baka po kasi magkamali kayo ng desisyon?" Tanong ni Harold, gusto niyang klaruhin nito ang kanyang desisyon.

"Yes, I am serious with this. Ang anak mo ang pinipili ko na maging bride ng aking anak. And I'm going to set the wedding tomorrow morning. Is that okay Hillary?" Ngumisi ng malapad si Mr. Joaquin habang nakatingin ng deretso kay Hillary na namumutla na.

Sa mga oras na ito, maraming pumasok na mga bagay sa isipan ni Hillary, karamihan sa mga ito ay mga bagay na kanyang kinakatakot na mangyari, isa na rito ay malagay sa alanganin ang buhay ng kanilang pamilya.

Kung tatanggihan niya ang kasal, tiyak na mapapahiya sila sa publiko kapag ginawa niya iyon, baka mas lalong malugmok ang kanilang negosyo. Ang tanging magagawa niya nalang sa ngayon ay pumayag para wala ng problema. Inisip niya nalang ang kapakanan ng kanilang negosyo. Kailangan nila ng tulong at makukuha nila iyon mula sa pamilya Gavinski.

Nang mapabalik sa reyalidad si Hillary, napalunok siya ng laway bago sumagot. "Y-yes po. P-pumapayag po ako." Nauutal niya pang sagot.

Imbes na matuwa ang kanyang mga magulang sa kanyang sagot, nagkaroon ng kalituhan sa kanilang mga mukha lalo na ang kanyang ina.

"Anak? S-sigurado ka na ba talaga?" Nag-aalala siya na mapilitan itong ikasal sa taong hindi niya naman gusto.

"S-s'yempre naman Mommy, sino pa bang aayaw sa anak niyang si Hugo?"

Sa katunayan, dapat narito rin si Hugo ngayon para kilatasin ang kanyang magiging bride pero hindi na ito naglaan ng oras at mas inuna pa ang ibang bagay, wala kasi itong pakialam.

Ang pangangamba ni Lucille sa anak ay posibleng hindi maganda ang magiging trato ng kanyang mapapangasawa.

"Pero anak kung napipilitan ka lang we can cancel this engagement if you want." Sabi ni Harold.

Bilang ama ayaw ni Harold na maliitin ang kanyang pinakamamahal na babaeng anak. Naghahangad man siya na makakuha ng pondo para sa negosyo pero mas mabigat pa rin sa kanya ang kapakanan ng anak. Ipapakasal ito sa taong medyo matanda sa kanya ng anim na taon kaya normal na mag-alala siya sa kalagayan nito.

"Why are you worried Mr. Bermudez? This arranged marriage is crucial to save your crumbling business. Besides, your daughter is in good hands, my son is a good man." Mahinahong sabi ni Mr. Joaquin, kanina niya pa napapansin na hindi sila komportable tatlo.

"Umm...it's not like that Mr. Gavinski, gusto sana naming humingi ng kaunting oras para makapagdesisyon kami ng maayos. We want to make sure our daughter decide what she wants for herself hindi lang para sa amin." Tugon ni Harold.

“Sure, take your time.” Pahintulot ni Joaquin Gavinski.

Napabuntong-hininga si Hillary na sobrang nalilito na ngayon kung ano ba ang kanyang uunahin, ang kanya bang sarili o ang pamilya?

×××××

Matapos makipag-usap ng pamilya Bermudez sa mga Gavinski, nagpunta si Mr. Joaquin sa opisina ng anak para kausapin ito tungkol sa kanyang darating na kasal.

Makikita niya ang anak na nakaupo sa kanyang desk at sobrang tutok ito sa pagbabasa ng mga dokumento. Napaangat naman ito ng ulo nang marinig ang ingay ng sapatos ng kanyang ama na papalapit sa kanyang mesa.

"Hugo, tomorrow is your wedding day. You have to prepare." Seryosong sabi ni Joaquin.

Saglit na natigilan si Hugo sa pagbuklat ng folder at walang reaksyon ang kanyang mukha na tumingin sa ama na naupo sa harapan.

"I know you hate marriages but you can't run away from this. May nahanap na akong babae na magiging katapat mo." Aniya, napainom pa si Joaquin ng alak na nasa tabi. "And she's 21 years old, not bad, right?"

"This is not a good idea, Dad. Getting married is not in my plans! You really planned for me to marry a twenty year old? That's b*llsh*t!" Inis na sabi ni Hugo, sumakit ang kanyang ulo dahil sa mga pinanggagawa ng ama ng walang permiso mula sa kanya.

"Hugo, if you don't want to get married then expect that you won't inherit this company. You know you need to become a married man to be eligible to acquire all of our assets. Don't wait for your cousins to steal this company from us." Paliwanag ni Joaquin. Matagal niya na itong kinukumbinsi na magpakasal pero ayaw din nitong pumayag. ”Lastly, this is your mother's dream.”

Natahimik si Hugo na walang masabi, may punto ang ama niya dahil posibleng mawalan siya ng kapangyarihan sa kompanya kapag hindi pa siya kasal sa kanyang edad. Naalala niya rin ang pangarap ng kanyang yumaong ina na matagal ng namatay.

"Dad, I know, but I should be the one deciding, not you!" Reklamo ni Hugo.

"Hugo! I have the right to decide because I know what's the best for you." Dikta ni Joaquin at hindi niya gusto ang pananalita nito.

"Really, Dad? Eh, hindi mo nga ako tinatanong kung gusto ko ba o hindi? Ikaw lang naman ang laging nasusunod, it's all about your decisions, not mine!"

"I'm your father, Hugo. Hangga't buhay ako, masusunod ang mga utos ko. I'm doing this for your good, so listen. Tomorrow, you have to get married!"

Gustong matawa ni Hugo. "Hindi pa ako pumapayag, Dad. Don't dictate me what to do!" Pagmamatigas niya.

Napahampas naman si Joaquin sa mesa sa sobrang inis, "It's all set, bukas na bukas kailangan mong maghanda. You have to be there for your bride."

Bago umalis si Joaquin, mayroon siyang inilagay na folder sa mesa at naglalaman iyon ng impormasyon tungkol kay Hillary Bermudez.

Pag-alis ni Joaquin, kinuha niya ang folder at binuksan, unang bumungad sa kanya ay ang magandang larawan ng isang babae.

Hindi niya gustong maikasal sa kahit na sinong babae pero sa oras na nakita niya ang mukha ng babaeng kanyang papakasalan bukas, parang mayroong nagtulak sa kanya na ituloy ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 196-CONSCIENCE

    "Jeah, huwag kang mag-alala. Ayos lang ang kumpanya ninyo. Naniniwala ako kay Auntie. Bukod pa roon, hindi rin pababayaan ni Hillary ang kumpanya niyo, hihingi siya ng tulong kay Hugo."Tinitigan ni Jeah ang may kumpiyansang si Jackson na para bang may tinatagong sikreto. Hindi niya maintindihan kung anong problema mayroon sa utak ng lalaking ito.Sa labas, hindi na nakapigil si Hillary at pinilit si Hugo, kaya’t sa halip na pumasok sa klase ay dumiretso silang mag-asawa sa isang coffee shop upang makipagkita kay Madam Melanie.Maaga pa lang ay dagsa na ang mga taong bumibili ng kape. Bukod sa mga estudyante, marami ring empleyado ang naroon. Magkaharap silang tatlo na umupo.Walang pasabi, tumayo si Madame Melanie at lumuhod sa harap ni Hugo."Auntie! Anong ginagawa ninyo?"Dahil sa dami ng taong dumaraan, agad na nakatawag-pansin ang pagluhod ni Madame Melanie. Agad siyang inalalayan ni Hillary upang makatayo.Humahagulhol si Melanie habang nakikiusap kay Hugo. "Hugo, pakiusap, huwa

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 195-GIVE UP

    Ibinaba ni Hugo ang mangkok at bumalik sa silid. Paglabas niya, dala na niya ang brown sugar na binili niya para sa asawa. Kumuha siya ng ilang piraso at inihalo sa sabaw ng luya.Nang tuluyang matunaw, naging kulay pulang maitim ang tubig. Kumuha siya ng kutsara, hinalo ang brown sugar, at tinikman muna para sa kanyang mahal na asawa.Hindi na ito kasing sama ng dati ang lasa. Kaya kinuha niya ang mangkok at inilapag sa harap ng asawa."Hindi na ito maanghang. Inumin mo na."Lumambot ang puso ni Hillary sa lambing ng asawa. Isang mangkok lang naman ng sabaw na may brown sugar at luya, kaya’t ininom na niya. Hinawakan niya ang mangkok ng dalawang kamay, inilapit sa kanyang labi, itinagilid ang ulo, at tuloy-tuloy na nilagok.Kahit may brown sugar na, hindi pa rin masarap ang lasa. Napangiwi siya at inilabas ang dila. Hinaplos ni Hugo ang ulo ng asawa, yumuko, at diretsong hinalikan ang labi nito doon mismo sa hapag-kainan."Umakyat na tayo." Dahil doon, magagawa na niya ang gusto niya

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 194-GINGER SOUP

    "So?" Nakataas kilay na tugon ni Jeah."Marahil kapag nakita ka niya, naaalala niya ang nawawalang kapatid niya, kaya mabuti ang pagtrato niya sa'yo."Umiiling si Jeah, sinisikap tanggalin ang alaala ng batang nalulunod. Ayaw niyang marinig ang sarili na umiiyak, "Kuya, iligtas mo ako!"Kinuha niya ang mga damit at pumasok sa banyo para magpalit.Kinuha ni Hillary ang panloob na isusuot ng kapatid at nagtanong, "Jeah, huwag sabihin na nahanap ito ng kuya mo sa closet mo."Kinuha ni Jeah ang bra at panty, "Nakita 'to ng mama ko. Hindi naman maganda."Pagkatapos makauso at lumabas, nakatayo si Jackson nang maayos sa tabi ni Hugo sa labas."Jeah, okay ka lang ba?""Ayos lang ako. Uuwi na tayo," sumang-ayon naman silang lahat.Kaya bago pa natapos ang salu-salo, sinundo na ng kanilang mga tagapangalaga ang tatlo.Sa sasakyan, nagsimulang magkaroon ng sama ng loob si Hugo. "Jackson, ikuwento mo nang mabuti tungkol kina Maximus at Nathan.""Aba, si Nathan maliit lang ang papel, sinusunod-su

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 193-OVERLY CONCERNED

    Tinanong ni Hugo, "Nasaan ang tiyahin mo?"Itinuro ni Jackson ang isang kuwarto. "Inaalagaan niya si Jeah."Tumango si Hugo. Pagkatapos ay bumalik siya sa hotel kung saan nakatira ang kanyang asawa at kumatok sa pinto. "Hillary, nandito na ang asawa mo."Mas lalong nagitla ang mga nakarinig sa labas.Ilang sandali lang, bumukas ang pinto.Lumabas ang maliit na mukha ni Hillary. "Asawa ko~"Sinipat ni Hugo ang kabuuan ng kanyang asawa, tinitiyak na ayos lang siya, saka sumilip sa loob. "Nasaan si Amelie?"Lumabas si Hillary at isinara ang pinto sa likuran niya. "Asawa, naliligo si Jeah, hindi maganda kung papasok ka."Naintindihan ni Hugo."Nakita mo ba si Jackson? Nakipag-inuman siya bago siya tumalon para iligtas ang isang tao. Higit sa isang dosenang bote ang nainom niya."Naamoy na rin ni Hugo ang alak sa kanyang pamangkin, kaya alam niyang sobra itong uminom.Napansin ni Hillary ang mga kaklase niyang nagulat. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa at dinala ito sa gitna ng gru

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 192-SPLASHING MEMORIES

    Sinundan si Jeah ng isa pang kaklase at sa gitna ng magulong eksena, may biglang nahulog sa tubig."Naku! Nahulog si Jeah sa pool!" biglang sigaw ng isang tao.Mabilis na lumingon si Hillary patungo sa nagkikiskisang tubig ng pool.Basang-basa at nakasuot pa rin ng damit si Jeah habang pumapaibabaw sa tubig. Nang magbukas siya ng bibig, sari-saring maliliit na bula ang lumalabas at pumapasok sa ilong at bibig niya. Hindi niya mabuksan ang mga mata; kapag bumulong ang ilaw sa mga mata niya, sumasakit ang mga itong butas ng mata.Sinusubukan niyang makalangoy, pero hindi siya makatungo sa gilid pool.Pumikit si Jeah at gustong tawagin si Hillary, nang sumagi sa isip niya ang isang alaala. “Kuya Hugo, natatakot ako.""Huwag kang umiyak, Amelia, kaya kang protektahan ni kuya." Yumakap sa kanya ang isang batang lalaki na natatakpan ng dugo.May mantsa ng dugo rin sa palda niya. Kahawig ng pagkabata ni Hugo ang batang lalaki.Umiling si Jeah, biglang napuno ang isip niya ng malawak na dag

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 191-RISKY BOTTLE GAME

    Ngumiti si Hillary at nagsabi, “Nagpakasal kami nang biglaan, noong nakaraang summer. Tsaka susunduin niya ako ngayong gabi, at malalaman mo rin kapag nakita mo siya.”Itinago ni Hillary ang pagkakakilanlan ng kanyang asawa. Kung sasabihin niya, wala siyang magiging tahimik na gabi. May ilang gustong magtanong tungkol sa asawa ni Hillary, pero umiling lang siya at tumangging magsalita.Ang pagiging asawa ni Hugo ay sapat na para maging sentro siya ng atensyon sa gabing iyon.May isa pang nagtanong kay Jeah, ngunit tiningnan lang ni Jeah ang lalaking makulit sa harap niya. Saan siya kumukuha ng lakas ng loob para ipagkanulo ang kanyang mga kaibigan at ibunyag kung sino ang asawa ni Hillary?Sa isang lugar na hindi pamilyar kay Jeah, dalawang lalaki ang nakatayo sa likod ng mga halaman, palihim na pinagmamasdan ang mga babae. Isa sa kanila ay si Maximus ang lalaking pinaka-kinasusuklaman ni Jackson.Hawak ang isang bote ng alak, nagkubli si Maximus sa dilim kasama ang kanyang mga kaibig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status