Share

Chapter 28

Nakatulala. Nakatulala lamang ako dahil sa sakit. Ang sakit ng likod ko. Nag-aalala ako sa baby ko pero mas nag-aalala ako ngayon kay Justin. Dumudugo yung ulo nya. Sinagip nya ako. Tinulak nya ako kaya sya ang nasagasaan.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ang daming dugo. Nanginginig ang katawan ko sa lamig at kaba. Kasabay ng pag buhos ng ulan ay ang pag agos ng dugo na nang-gagaling sa ulo nya.

What should i do?

Lumapit ako sa kanya. Nanginginig ang kamay ko ng hawakan ko sya sa kamay. Nakapikit sya. Hindi man lang tumigil yung kotse na yun. Hindi man lang nya kami tinulungan. Natatakot ako dahil parang hindi na humihinga si Justin.

″J-justin.. C'mon.. W-wake u-up.″ nanginginig na pakiusap ko sa kanya. Wala syang tugon pero pinipilit nyang buksan ang mga mata nya.

Ngumiti sya sakin. Mas lalo akong napaiyak ng dahil doon. Paano nya makuhang ngumiti habang mamatay na sya dito? Wala akong mahingian ng tulong. Walang nadaan na sasakyan. Walang tao. At malakas ang ulan.

″C-c-celes..
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status