Share

Chapter 5

Kumain lang kami, at paminsan batuhan sila ng mga salita, kada tanong ni Direk at Rancho sinasagot naman ni Stephen kapag naman Si Stephen ang nagtanong sinasagot naman ng dalawa. Hindi naman ako na bobored or out of place dahil kinakausap din naman nila ako

″Ikaw Celes? Mahal mo na ba itong kaibigan namin?″ Pag tatanong ni Rancho.

″Mahal.″ maikling sagot ko.

″Eh pano ba yan, may iba syang mahal?″ tanong saken ni Direk, Direk is type of person na daretuhan. Pero sa tanong nya natahimik ako, hindi ko alam kung may karapatan ba akong sumagot o manahimik na lang.

Pero ako pa din ang sumagot. ″eh ano naman? Ako naman ang asawa!″

Narinig ko ang biglang pag palakpak ni Direk sabay iiling iling naman si Rancho, si Stephen naman naka titig lang saken na parang may hindi kapani paniwala sa sinabi ko.

″Why? May mali ba sa sinabi ko?″ i ask them with full of curiosity.

″wala naman Mrs Velasco namangha lang ako sayo!″ ani ni Rancho.

″Crush na ata kita Celes.″ dagdag naman ni Direk. Nakita ko ang pag kuyom ng kamao ni Stephen sa ilalim ng mesa kaya nag paalam muna akong mag re rest room.

Pag kabalik ko hindi ata nila napansin ang presensya ko kaya may narinig ako ng hindi sinasadya sa uspan nila.

Si Direk ang nag sasalita. ″Bro stop this shits!″ inis na aniya.

″andito na, i don't fucking care at all.″ malamig na ani ni Stephen, ng marinig ko yun ay nag lakad na ako papalapit sa kanila. Parang bumalik ang unang Stephen na kilala ko dahil sa tono ng pananalita nya.

″Wife let's go, para makapag enjoy pa tayo!″ ani ni Stephen at hinala na ako sa harap ng barkada nya.

″Pasok!″ aniya, pag kabukas ng pinto ng kotse nya.

Mukhang galit sya na ewan, hindi ko alam. Seryoso lang syang nag dadrive na parang ang lalim ng iniisip.

″Galit kaba saken?″ tanong ko, dahil hindi ko makita ang rason kung bakit sya ganito, parang kanina lang ay masaya pa sya, malambing ngayon, bumalik ang pagiging cold nya!

Nakita ko ang pag lamlam ng mata nya. ″Im sorry, nainis lang ako sa Direk na yun, may crush daw sayo eh alam nyang kasal kana!″ inis na sigaw nya!

″crush lang naman diba? Atska malay mo nag bibiro lang sya diba? Tsaka sayo lang naman ako love promise″ pag lalambing ko sabay hawak sa kamay nyang naka kuyom.

Is he really mad? Jealousy i guess? Hihi sweet.

″im sorry, tara na manood na lang tayo hmm?″ sabi nya habang hinahaplos ang kamay ko. Nakarating kami sa Mall at dumaretso na sa Cinema namili kami ng panoodin at pumila. Im not into movies dahil nakaka antok lang don, i prefer reading books than watching movies.

Pag kapasok pa lang namin ay ramdam kona ang lamig, pumwesto kami sa likudan para walang masyadong tao, Love story ang Genre ng napili namin. Tulad ng sinabi ko hindi ko na enjoy ang panonood dahil hindi pa nangangalahati ay nakatulog na agad ako.

″im sorry i fell asleep, i don't like movies eh.″ pag aamin ko ng totoo kay Stephen.

″That's fine wife hmm? Atleast may alam na ako about sayo.″ sabi nya sabay halik sa noo ko.

″san mo naman nakuha ang idea na kasama sa date ang panonood ng movie hmm?″ tanong ko habang hawak ang kamay nya.

″ah kay Ariya.″ pag aamin nya ng totoo. Nasaktan ako? Oo syempre? Pero atleast diba inamin nya? Hindi ko alam pero mas gusto kong honest sya kaysa mag sinungaling pa sya.

″ah haha, siguro mahilig sya sa mga movies?″ tanong ko, kahit ang totoo masakit para saken.

Ngumiti sya saken sabay ginulo ang buhok ko. ″hmm Ariya is a simple girl like you, ang gusto nya lang ay watching movies, eating popcorns, going to arcade, or amusement parks, she likes picnic, beach and chocolates, i really love her so much. How i wish kasama naten sya ngayon.″ sunod sunod na sabi nya habang nag lalakad kami papuntang arcade.

May nalaglag na butil ng luha galing sa mata ko hangang sa nararamdaman ko na mag susunod sunod pa, kaya tumakbo ako hangang sa naka rating ako sa arcade. Narinig kopa ang sigaw nya pero nag hanap ako ng tataguan para pahidan ang luhang nag patunay kung gano ako nasaktan sa mga sinabi nya.

″Celes, bat ka tumakbo? ″ tanong nya saken.

″ah may nakilala kasi ako kanina, pamilyar kaso hindi naman pala sya yun hehe″ sabi ko na lang.

″ah, sino naman yung nakita mo?″

″Si Justin, yung last year classmate ko.″ pag sisinungaling ko sa kanya. Gusto ko lang namang makita ang magiging reaksyon nya pero wala, tumango na lamang sya at nag paalam na mag papapalit ng tokens.

Nang makabalik sya ay binigay nya saken ang kalahati non. Nag laro na kami sa ibat ibang Machines dito sa Arcade. Hangang sa nakita ko ang claw machine na may Stuff toys..

We bare bears!! Si Grizzly, Panda and ice bear!! Guso ko nyann!!

I try my luck to get those, pero wala, naubos lang ang token ko kakakuha, nakita ko naman si Stephen na nag shoshoot ng bola, halata sa mukha nya ang saya, minsan ko lang sya makitang ganyan! Totoong nag eenjoy sya! Pang childish mang tignan pero ang saya ko dahil totoo ung mga ngiti nya habang nag sho-shoot ng bola.

Ano bang iniisip nya habang nag lalaro non?

Nagulat ako ng lumingon sya saken, tinuro nya ang token, na parang nag tatanong kung may token pa ako? pero umiling ako, sabay tumingin sya sa likod ka at nakita nyang claw machine iyon.

″Dito naubos ang token mo Wife?″ pag tatanong nya saken.

″Hmm, hirap ih″ sagot ko sa kanya. Sinimulan kong buksan ang video camera ko ng simulan din nya ang pag kuha, naka limang token na sya pero wala pa syang nabibingwit, tawa ako ng tawa habang sya halatang masaya din. Nung pang pitong token nya ay nakuha nya ang panda, sobrang saya na naman nya kaya tinutok ko sa kanya ang camera, pang walong token nya nakuha naman nya si Grizzly at pag siyam ay nakuha nya si Ice Bear, ganun na lang ang palakpak ko ng tatlong sunod sunod nyang makuha ang mga iyon.

Sobrang tuwa den nya ay napayap sya. ″This is for my Ariya..″ natigilan ako sa narinig kaya napatay ko ang video, mukhang natigilan den sya pero tumawa lg sya ng peke sabay abot saken ng mga bears na napalanunan nya.

″Stephen, uwi na tayoo pagod na ko eh″ sabi ko sabay ngiti, totoong pagod na ako pero hindi dahil sa pag lalaro kundi dahil sa sakit ng damdamin ko.

″hmm gusto mo nang umuwi?, tara na uwi na tayoo!″ nakangiting sabi nya sabay akbay saken.

Pilit kong inalis yung braso nyang nakapatong sa balikat ko. Nang maalis ay hindi na ako nag salita at nag lakad na lang ng dare daretso, walang nag sasalita samin.

Nang makarating kami sa kotse nya ay tahimik lang din syang nag drive, tahimik lang din akong sumakay at bumaba ng makarating sa bahay, tahimik lang na tumaas sa sarili kong kwarto, nakaka binging katahimikan ang namayani. Hangang nung gabihan na yun tahimik lang din. Hindi ko sya inimikan, hindi din naman nya ako inimikan.patas lang kami.

Nang mag umaga, nakita kong may nakahanda ng almusal para saken at may notes den. Napangiti pa din ako kahit masama pa din ang loob. Hindi naman kasi talaga mahirap pigilan ang pag mamahal, kaya hindi ko sya masisisi kung hangang ngayon mahal pa din nya si Ariya.

Good morning wife, i hope you forgive me, hindi ko sinasadya yun! Babawi ako promise! Pansinin mona din ako please!! Kainin mo yan ha? Ikaw lang ang ipinag luluto ko sa umaga!

-Your love

Napangiti ako ng lubusan parang biglang nawala lahat ng sama ng loob at tampo ko sa kanya, beef steak ang naka handa, kinain ko yun at wala akong tinira. Naglinis na lang ako ng buong bahay at nag dilig ng halaman, i don't like flower's dahil allergic ako pero hindi ko alam kung bakit dito ako pinunta ng mga paa ko.

″alam nyo ba mga pretty flowers that, i am super happy atleast alam na nya ang pag kakamali nya diba? Atleast marunong syang mag sorry diba? Sa tingin nyo mahal na din nya ako?″ para akong baliw dito kakatanong sa mga bulaklak na dinidiligan ko. Mag aalas dose na nga ako nag didilig eh, kaya para talaga akong baliw.

″asawa ko na ang crush ko, pero hindi naman nya ako mahal *hatching (oh bahing yan ah?) SGE NA BYE pretty flowers baka atakihin ako dito ng allergy ko.″ para akong baliw na kinakausap sila, bago ako umalis inamoy ko muna ang isang bulaklak na nandito. Sa buong buhay ko hindi kopa naamoy ang bulaklak dahil allergy nga ako don pero this time sinubukan ko.

Smells good.

Nag lakad na ako papuntang pinto ng bahay pero naka rinig ako ng kotse, hindi naman si Stephen yun dahil nasa Office sya ngayon? Hindi ko na lang pinansin at dumaretso sa kusina para uminom ng tubig dahil natuyo ata ang lalamunan ko kaka usap don sa mga bulaklak.

Kaso biglang bumukas ang pinto at napatingin ako don. Biglang sumigaw si Stephen na ikinabigla ko.

″WHAT THE FUCK CELESTINE?, FUCK THIS″

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status