Share

Chapter 14

Pagkarating ni CJ sa lungsod, dumiretso agad siya sa bahay ng magulang ni Caren para puntahan ang dalaga. Ilang oras din ang naging byahe niya bago makarating sa lungsod at maayos siyang nakapag-isip habang nasa byahe. Buo na ang desisyon niya at hindi na mababago pa iyon kahit na may humadlang pa. Mahal niya si Caren at sisimulan na niyang iparamdam at ipakita iyon sa dalaga. At gagawin niya ang lahat para mahulog din ito sa kanya.

Pumasok siya ng gate bahay ng magulang ni Caren dala ang ilang gamit niya. Mamaya na lang niya iyon iuuwi dahil mas prayuridad niya ngayon ay ang kalagayan ng dalaga. Dahil hindi naman siya tatawagan ng Ninong Carlo niya kung hindi iyon mahalaga at sigurado siyang tungkol iyon sa sakit ng dalaga. And he's hoping na sana ay ayos lang si Caren. Sana ay walang masamang nangyari dito habang wala siya sa tabi ng kaibigan.

Pagpasok niya sa bahay ay nakita niya sa living room ang magulang ng dalaga. Nagmano muna siya sa mga ito bago siya umupo kaharap
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status