“Bakit mo siya binigyan no’n? She’s allergic to peanuts.” Napapikit na lang ako sa mataas na boses ni Lance sa akin. Dinala nila si Jeyn sa malapit na Ospital dahil hindi na ito makahinga matapos kainin ang cupcake na pasikreto kong ipina-serve para sa kaniya. Pero wala naman akong masamang agenda sa ginawa ko, ni hindi ko naman alam na may food allergy pala siya. Napasama pa tuloy ako sa good deed ko naman sana talaga.“Sorry Lance, hindi ko naman kasi alam na may allergy siya sa peanut eh,” malumanay na sagot ko sa kaniya.“Sabihin na natin na gano’n nga, bakit kailangan mo pang magbigay ng food sa kaniya. Or do you really not know it? Baka naman binalak mo talaga ‘yon?”Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, paanong lumabas iyon sa bibig niya? Tingin niya ba’y kaya ko ‘yon na gawin, ang manakit ng ibang tao? Hindi ako sumagot sa walang kwentang haka-haka niyang ‘yon. Tinitigan ko lang siya hanggang sa siya mismo ang makapansin sa sarili niyang maling tanong.“I didn’t want to offen
“P-pero ma’am, please po, ‘wag niyo na sanang sabihin pa sa amo ko. Mawawalan ako ng trabaho kapag nalaman niyang pinagsabi ko ang tungkol sa bagay na ‘yon. And worst po ay baka kasuhan pa niya ako,” nakayuko na sabi ng Personal Assistant ng Jeyn na iyon. Kinompronta ko na nga siya dahil sa hindi ko na kaya pang sikmurain ang naririnig ko. Gano’n ba talaga kasama ang ugali ng babaeng ‘yon? Ano ba ang nagustuhan sa kaniya ni Lance at kung makahabol ang lalaki ay tila ba isang Dyosa ang modelong ‘yon.“Hindi mo kailangang matakot lalo kung nasa tama ka naman. Ako ang bahala sa ‘yo, kapag sinisante ka niya’y ako ang magbibigay sa ‘yo ng trabaho.” “Pero ma’am–”“Miss, please rin, reputasyon ko rin kasi ang nakataya rito. Kailangan ding lumabas ng katotoohanan. Hindi p’wedeng ako na lang ang magmukhang mali sa nangyari,” pagpapaliwanag ko sa kaniya.“Naiintindihan ko naman po kayo, ma’am. Pasensiya na po kung medyo selfies ako na pigilan kayo sa gusto niyong gawin. Mas kilala ko po kasi
“Wait! Ano’ng sinasabi mo, Miss? Hindi ‘yan ang sabi mo kanina. ‘Di ba, takot na takot ka pa nga na malaman ito ng Jeyn na ‘yan kaya ang sabi ko ay ako ang bahala sa ‘yo kung sakaling alisin ka man niya sa trabaho.” Histerikal na sabi ko sa naging sagot din ng PA ni Jeyn na si Belle. Pinatawag nga siya’t tinanong ng tungkol sa sinabi ko, pero hindi ko inaasahan na ako ang babaliktarin nito’t sasabihin na inutusan ko siyang sabihin sa amin na gusto ko raw siyang paaminin na tinangka nga akong pagbintangan ng kaniyang amo. Samantalang sa bibig niya mismo nanggaling na napakasama ng ugali ni Jeyn Corpuz sa kaniya, tapos ngayon ay ganito. Napapailing na lang ako habang hinila ang babae’t pilit na pinapaamin ng totoo. “Stop her Lance! Sinasaktan niya ang PA ko,” sabi ng mahaderang Jeyn kaya naman sinulyapan ko siya na may panlilisik ang mga mata. Ang babaeng ‘to, tiyak na may ginawa siya kung bakit biglang nagbago ang testimonya ng kaniyang PA ngayon. “Onie, please stop it!” Pagpigil
“Ay grabe naman, ginawa nila ‘yo? Diyos ko! Karmahin na lang sana sila.” Panay ang pagtango ko kay Karin sa mga sinasabi nito. Nai-kwento ko na sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa akin sa Ospital kahapon. Ngayon nga pala’y narito na ulit kami sa bakeshop, back to work matapos ang weekend at ang hindi gano’n kasaya na Outing namin. Hindi na nga ako nakatulog nang maayos dahil sa issue na binabato sa akin ng babaita na ‘yon, na ako ang may pakana sa nangyari sa Jeyn na ‘yon. Naku! Kakagigil, kung p’wede lang mamilipit ng leeg ginawa ko na. “Dapat pala ma’am sinabihan mo ako, para sana nakapagresbak ako para sa ‘yo.” May pagtagsik pang sabi ni Karin. “Wala kang magagawa, girl. Kung ako nga wala eh, kahit asawa ko walang naitulong sa akin. Ikaw pa kaya? Hmp.” Lumagok ako ng tubig na dinala rin niiya sa akin kanina lang, baka sakaling mahimasmasan ako kahit kaunti. “Sabagay ma’am, aba, malaking personalidad din kasi ang babae na ‘yon. Maalam ‘yon sa mga pasikot-sikot kung paano tuma
Mataas na ang sikat ng araw nang umalis si Onie sa kaniyang condominium. Ngayon ang schedule nang pakikipagkita niya kay Mrs. Villarial upang mapag-usapan ang balak nitong pag-open ng branch ng kaniyang O’bakeshop. If ever na maging okay ang kanilang pag-uusap ay magiging lima na ang branches ng kaniyang bussiness. Hermaonie Cortez, Onie for short, is the breadwinner in the family. Nakagraduate lang siya ng dalawang taong kurso na Hotel and Restaurant Services. Ngunit hindi naging hadlang ang lahat nang iyon upang dumapo lang siya sa pinakamababang sanga. Nangarap si Onie, nagpursigi, hindi sumuko sa kabila nang ilang ulit na pagbagsak. Anim na taon nga matapos ang paulit-ulit na pagsubok ay naabot rin niya ang mas maayos na takbo ng buhay. Matapos niyang lumahok at manalo sa isang baking contest ay nagtuloy-tuloy na ang kaniyang pag-angat. Naanyayahan siya na magjudge sa iba’t-ibang paligsahan about baking and pastry. Na-offeran ng posisyon bilang head ng pasty sa isang hotel. At
Onie's POV“Miss Onie, narito na sila.” Boses ni Karin ang nagpatigil sa akin sa pagtipa sa laptop na nasa harapan ko.Hindi ko na nagawa ang pag-idlip kanina, nang mapansin ko ang calling card ay nagtungo agad ako sa search engine ng g****e at tiningnan kung ano ba ang ‘status’ ng walang modong lalaking nakasalamuha ko kanina lang.In fairness, ‘amoy mayaman’ nga ang lalaking ‘yon. Siya ang CEO sa kilalang jewelry company sa bansa. At talagang nagkaroon pa nang chance na makilala ko ang taong ‘yon?But then, for all I care, ‘di ba?Guwapo nga siya, kaso ungentleman naman.“Sige. Susunod na ako.” Isinara ko na ang gadget, kinuha ang Hermes pouch at hinanap ang face powder.“Kailangang presentable tayong haharap sa client. Sayang branch, sayang ang income.” Pakikipag-usap ko sa sarili ko.“See? Ang ganda mo self.”I need to add some self confidence para hindi ako mangarag mamaya. I admit, hindi na bago sa akin ang pakikipag meet sa client pero kasi. . . According to my source, Mrs. Vill
Maayos na natapos ang maghapon.Nakakapagod ngunit worth it naman. Pagpatak ng alas otso ng gabi ay nakapagsara na kami ng bakeshop. At dahil sa goodnews na nakuha ko kanina regarding sa soon contract namin ni Mrs. Villarial ay binigyan ko ng maagang pa-blow out ang aking staff. I treated them for a drink and karaoke, pero hindi na ako sumama dahil may importante pa akong pupuntahan. Well, my friend Chelsea just book me for a blind date.And it sucks! Wala akong magagawa kundi puntahan ang lugar na sinabi niya sa akin. Chelsea is my long time friend, at iba kung magtampo ang isang 'yon. I sighed after parking my SUV on the Restaurant. I read on the glittering large signage up as I reach the entrance.Green Glass Restaurant.Nagpalinga-linga ako ng makapasok sa loob ng Five star restaurant . Napaka classy dito, mabango, maaliwalas at malamig. Niyakap ko pa nang bahagya ang sarili, may aircon din naman sa shop niya pero hindi ganito kalakas."Reservation for two," sabi ko sa waiter na
Two months ago. Onie's POVHindi ko pa ata kayang bumaba, nangangatal pa rin ang mga tuhod ko't pinagpapawisan ang aking mga kamay. Kinakabahan ako. Despite of perfect weather, beautiful dress, and the huge church I think I am still having a second thought. 'Tama ba ang kasal na ito?' 'Hindi ba 'ko nagkamali?' "Ma'am, kailangan niyo na raw pong lumabas." Panandaliang naputol ang kaba ko nang magsalita ang driver ng bridal car kung saan naroon ako ngayon. Hindi ako nakasagot sa sinabing 'yon ni Manong, instead I leaned my back to the soft backseat. "Five minutes. Five minutes pa." I keep on telling myself. Dalawang buwan na rin ang nakalipas ng makilala ko ang aking groom at isang buwan kaming naghanda para sa araw na ito. Mabilis ang naging pag-prepare sa mga kakailanganin for this wedding. Hindi ko nga akalain na sa maikling panahon na 'yon mabubuo ang isang magarbo at mahal na kasalang 'to. Ano nga bang aasahan ko, isang mayamang pamilya ang mayroon ang aking mapapangasawa.