Share

Episode 33

“Wait! Ano’ng sinasabi mo, Miss? Hindi ‘yan ang sabi mo kanina. ‘Di ba, takot na takot ka pa nga na malaman ito ng Jeyn na ‘yan kaya ang sabi ko ay ako ang bahala sa ‘yo kung sakaling alisin ka man niya sa trabaho.” Histerikal na sabi ko sa naging sagot din ng PA ni Jeyn na si Belle.

Pinatawag nga siya’t tinanong ng tungkol sa sinabi ko, pero hindi ko inaasahan na ako ang babaliktarin nito’t sasabihin na inutusan ko siyang sabihin sa amin na gusto ko raw siyang paaminin na tinangka nga akong pagbintangan ng kaniyang amo. Samantalang sa bibig niya mismo nanggaling na napakasama ng ugali ni Jeyn Corpuz sa kaniya, tapos ngayon ay ganito.

Napapailing na lang ako habang hinila ang babae’t pilit na pinapaamin ng totoo.

“Stop her Lance! Sinasaktan niya ang PA ko,” sabi ng mahaderang Jeyn kaya naman sinulyapan ko siya na may panlilisik ang mga mata.

Ang babaeng ‘to, tiyak na may ginawa siya kung bakit biglang nagbago ang testimonya ng kaniyang PA ngayon.

“Onie, please stop it!” Pagpigil
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status