/ Romance / The Unplanned Marriage of the Century / Ika-labing walong kabanata: I quit.

공유

Ika-labing walong kabanata: I quit.

작가: Lady Reaper
last update 최신 업데이트: 2022-05-06 19:29:58

Napakainit ng 'atmosphere' sa loob ng kotse ng asawa ko. Panay ang busina niya sa mga sasakyan na nabubuntutan namin ngayon.

Matapos niyang bigyan ng isang malutong na suntok si Aldrin at kaladkarin palabas ng unit ko'y ako naman ang hinila niya palabas do'n at dinala sa parking lot, at pinapasok sa kotse.

Pinaharurot niya kaagad ang sasakyan, saka ko lang napansin na wala siyang kasamang driver ngayon.

Nagulat ako sa muli niyang pagbusina, konti na lang ay makakakuha na ng kaaway ang lalaki na 'to. Simula kanina'y hindi pa ako nagsasalita, hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin sa kaniya.

'Should I say sorry to him dahil sa nagdala ako ng lalaki sa Condo ko?'

Umiling-iling ako, pero wala naman akong ginagawang masama para mag-sorry, Aldrin just helped me . . . na hindi niya nagawa bilang asawa ko.

"Puwede bang magdahan-dahan ka? Gusto mo na bang mamatay? Kung oo man ang sagot, go . . . pero 'wag mo 'kong idamay." Nagtaray pa rin ako sa kaniya. Hindi lang siya ang puwedeng mag-inarte sa oras na 'to.

Ngunit hindi sumagot si Lance, imbes ay mas idiniin niya pa ang kamay sa 'horn button' ng sasakyan.

Nakagat ko ang aking labi sa ginagawa niyang kabaliwan, ano't tila sobra-sobra naman ang galit niya? Akala mo naman perfect at walang ginawang kasalanan.

"Sh*t up!" 'yon ang isinagot niya sa akin na mas ikinapang-init ng ulo ko. Sisigaw-sigawan niya lang talaga ako?

"Ba't ka sumisigaw? Inaano ba kita?" Sinalubong ko ang init ng ulo niya, hindi puwede na ganito na lang siya parati sa akin.

"Go, ask yourself woman."

Sarkastiko akong napangisi sa sinabi niya, ini-English pa talaga ako?

"Bababa na 'ko, itigil mo ang sasakyan." Diretso ang tingin ko sa unahan. Hinihintay ko na itaba niya ang kotse pero tuloy-tuloy lang siya sa pagpapatakbo.

"Ang sabi ko, bababa ako Mr. Benedicto, bingi ka ba?" Ngayo'y ipinilig ko ang aking ulo patungo sa kaniyang direksiyon.

Sinalubong ako ng mukha ni Lance na naka-half side view, litaw na litaw ang matangos nitong ilong at jawline. Maayos din ang pagkakasuklay ng itim at hindi kakapalan niyang buhok na sobrang nakapagpalabas ng kaniyang gandang lalaki.

Hindi pa rin siya natinag sa mga sinabi ko.

"Lance!" Punong-puno ng otoridad ang boses ko, kailangan na masindak siya sa akin. Hindi 'yong parati na lang akong kawawa sa kaniya.

"Just shut up, ibababa kita kapag nasa bahay na—"

"No, Lance! Hindi ako uuwi sa bahay mo, kung gusto mo ikaw na lang. Marami akong trabaho na kailangang tapusin," sabi ko. "Kailangan mo ng kasama?" Binalingan ko ulit siya't tumagilid ng pagkakaupo ng kaunti paharap sa direksyon niya.

"Bakit hindi mo ayain 'yong kabit mo? Kayong dalawa ang tumira sa malaking bahay na 'yon, bagay naman kayo, siya desperada tapos ikaw nagpapakatanga—"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng bigla niyang kinabig pakaliwa ang manibela dahil upang mapahawak ako sa unahan, konti na lang ay susubsob na ako sa harapan ko. Bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko, muntikan na kasi kaming bumangga sa isang concrete barrier.

Mahigpit ang pagkakakapit ng kamay ni Lance sa manibela ng sasakyan, bumakat ang umiigting niyang mga ugat sa likod ng kaniyang palad.

Gosh.

"Hindi mo ba ititigil ang bibig mo? Nandadamay ka pa ng tao na walang kinalaman sa 'yo." Salubong ang kaniyang mga kilay, ngayon ay nakaharap na sa akin ang aking asawa.

"Walang kinalaman?" Natawa ako. Umayos ako ng pagkakaupo at sinamaan siya ng tingin. "Baka nakakalimutan mong kasal ka na, mas inuna mo pa ang makipagdate sa babae na 'yon kasi sagutin ang text messages ko sa 'yo."

"Cut the crap woman, have you forgotten our deal. Everything is fake starting from that wedding, the only truth between us is the baby, nothing else. So stop nagging out to me, because if I am to choose—it will be Jeyn rather than you."

Biglang tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga sinabi niya. Sapul na sapul ako ng katotohanan, bakit ko nga ba nakalimutan ang tungkol sa mga bagay na 'yon? Ano'ng pumasok sa utak ko't inisip na ang kasal namin ay katulad ng kasal ng ibang mag-asawa? Full of love.

I should not be playing a jealous wife right now, tama siya lahat ng ito ay fake at dumaan sa isang kontrata. Ano nga ba ang role ko sa palabas na ito?

Ah! Iluwal ang anak namin, then makikipag-divorce siya't pag-usapan namin ang child custody, in return, tutulungan niya akong lumago ang bussiness ko't lumawak.

Pero kasi . . .

Ang kaninang matapang kong mga mata'y napalitan ng lumbay. Aywan ko ba, parang tanga ang emotion ko this past few days. Napapikit ako ng ilang segundo, mayamaya'y bumuntong hininga't bumaling muli sa kaniya.

"Okay."

Iyon ang tanging naisagot ko sa kaniya bago tuluyang bumaba sa Mercedez Benz niya. Pabalang ko na isinara 'yon sa sobrang inis na nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Dire-diretso akong naglakad papalayo sa asawa ko, kahit na anong pagtawag niya'y hindi ako lumingon.

So, mas pipiliin niya ang Jeyn na 'yon kaysa sa amin ng anak niya? Then fine, gawin niya lahat ng gusto niya . . . pero sa akin ang anak ko, tapos ang usapan.

Hindi ko na nagawang lumingon pa o tumingin sa dinaraanan ko, at ang kilos kong 'yon ang naging sanhi ng muntikan ko ng kamatayan. Isang paparating na Montero ang umaagibis sa may likuran ko, naging mabagal ang eksenang 'yon sa sistema ko. Hindi ko nq nagawang kumilos sa aking kinatatayuan—my mind was totally wiped out for a second.

"Onie!"

Nagulat na lamang ako ng isang kamay ang humila sa akin patungo sa kabilang gawi ng kalsada. Nakatayo pa rin naman ako, subalit napagtanto ko na may bisig na nakakapit sa akin. Nakasubsob ang aking mukha sa matigas at malapad niyang dibdib. Amoy na amoy ko ang pabango niya'y naging pamilyar na rin sa aking ilong.

'Lance.'

Then he cupped my face and asked me if I was okay or if there was anything that hurt.

Naririnig ko siya pero para bagang cellphone na na-deadbat ang aking utak, hindi nag-fu-function, walang laman, zero.

'Hermaonie.'

Muli'y narinig ko na tinawag niya ako, kumurap ako't hinilang muli ang aking sarili pabalik sa kasalukuyang nangyayari.

I just realized na hawak na niya ako't hinihila patungong muli sa sasakyan. I then immediately grab my hands back, hindi puwedeng magpadala ako sa ganitong gawa niya. Galit kaya ako.

Mabigat ang kamay niya pero ginawa ko pa rin na ibigwas 'yon para mabitiwan niya ako.

"Bitiwan mo 'ko," kalmado ngunit ma-otoridad kong sabi sa kaniya.

"Stop it Onie. Tigilan mo na ang pagiging isip bata mo—"

"Aba! Anong isip bata? Tsk." Hindi ko na napigilan na hindi mapatagsik sa harapan niya.

Inilagay ko ang aking dalawa kamay sa magkabila baywang ko. Sinamaan ko na naman siya ng tingin, hindi man lang din natinag ang mga mata niya sa 'kin. Nakikipagtagisan din ng tingin ang magaling kong asawa.

Akala naman niya ikina-guwapo niya masiyado ang gano'n. Tumaas pa ang kamay niya't niluwagan ang necktie na suot.

"Huwag mo nga akong paandaran ng ganiyan mo Lance, hindi ka nakakatuwa. Umuwi ka kung gusto mo, ako naman, pupunta sa trabaho ko. Let's call it quits, okay. Do whatever you want." Muli'y tinalikuran ko siya.

Ngayon sinigurado ko na makakatawid ako ng maayos at hindi mapapahamak. Nang makarating sa kabilang kalsada'y kaagad akong pumara ng taxi.

Papasok ako sa trabaho kahit na ano'ng mangyari, itutuloy ko ang araw na 'to nang hindi magpapaapekto sa mga kinilos at sinabi ni Lance.

I instantly made a decision, I'm quitting.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 34

    “Ay grabe naman, ginawa nila ‘yo? Diyos ko! Karmahin na lang sana sila.” Panay ang pagtango ko kay Karin sa mga sinasabi nito. Nai-kwento ko na sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa akin sa Ospital kahapon. Ngayon nga pala’y narito na ulit kami sa bakeshop, back to work matapos ang weekend at ang hindi gano’n kasaya na Outing namin. Hindi na nga ako nakatulog nang maayos dahil sa issue na binabato sa akin ng babaita na ‘yon, na ako ang may pakana sa nangyari sa Jeyn na ‘yon. Naku! Kakagigil, kung p’wede lang mamilipit ng leeg ginawa ko na. “Dapat pala ma’am sinabihan mo ako, para sana nakapagresbak ako para sa ‘yo.” May pagtagsik pang sabi ni Karin. “Wala kang magagawa, girl. Kung ako nga wala eh, kahit asawa ko walang naitulong sa akin. Ikaw pa kaya? Hmp.” Lumagok ako ng tubig na dinala rin niiya sa akin kanina lang, baka sakaling mahimasmasan ako kahit kaunti. “Sabagay ma’am, aba, malaking personalidad din kasi ang babae na ‘yon. Maalam ‘yon sa mga pasikot-sikot kung pa

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 33

    “Wait! Ano’ng sinasabi mo, Miss? Hindi ‘yan ang sabi mo kanina. ‘Di ba, takot na takot ka pa nga na malaman ito ng Jeyn na ‘yan kaya ang sabi ko ay ako ang bahala sa ‘yo kung sakaling alisin ka man niya sa trabaho.” Histerikal na sabi ko sa naging sagot din ng PA ni Jeyn na si Belle. Pinatawag nga siya’t tinanong ng tungkol sa sinabi ko, pero hindi ko inaasahan na ako ang babaliktarin nito’t sasabihin na inutusan ko siyang sabihin sa amin na gusto ko raw siyang paaminin na tinangka nga akong pagbintangan ng kaniyang amo. Samantalang sa bibig niya mismo nanggaling na napakasama ng ugali ni Jeyn Corpuz sa kaniya, tapos ngayon ay ganito. Napapailing na lang ako habang hinila ang babae’t pilit na pinapaamin ng totoo. “Stop her Lance! Sinasaktan niya ang PA ko,” sabi ng mahaderang Jeyn kaya naman sinulyapan ko siya na may panlilisik ang mga mata. Ang babaeng ‘to, tiyak na may ginawa siya kung bakit biglang nagbago ang testimonya ng kaniyang PA ngayon. “Onie, please stop it!”

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 32

    “P-pero ma’am, please po, ‘wag niyo na sanang sabihin pa sa amo ko. Mawawalan ako ng trabaho kapag nalaman niyang pinagsabi ko ang tungkol sa bagay na ‘yon. And worst po ay baka kasuhan pa niya ako,” nakayuko na sabi ng Personal Assistant ng Jeyn na iyon. Kinompronta ko na nga siya dahil sa hindi ko na kaya pang sikmurain ang naririnig ko. Gano’n ba talaga kasama ang ugali ng babaeng ‘yon? Ano ba ang nagustuhan sa kaniya ni Lance at kung makahabol ang lalaki ay tila ba isang Dyosa ang modelong ‘yon.“Hindi mo kailangang matakot lalo kung nasa tama ka naman. Ako ang bahala sa ‘yo, kapag sinisante ka niya’y ako ang magbibigay sa ‘yo ng trabaho.” “Pero ma’am–”“Miss, please rin, reputasyon ko rin kasi ang nakataya rito. Kailangan ding lumabas ng katotoohanan. Hindi p’wedeng ako na lang ang magmukhang mali sa nangyari,” pagpapaliwanag ko sa kaniya.“Naiintindihan ko naman po kayo, ma’am. Pasensiya na po kung medyo selfies ako na pigilan kayo sa gusto niyong gawin. Mas kilala ko po kasi

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 31

    “Bakit mo siya binigyan no’n? She’s allergic to peanuts.” Napapikit na lang ako sa mataas na boses ni Lance sa akin. Dinala nila si Jeyn sa malapit na Ospital dahil hindi na ito makahinga matapos kainin ang cupcake na pasikreto kong ipina-serve para sa kaniya. Pero wala naman akong masamang agenda sa ginawa ko, ni hindi ko naman alam na may food allergy pala siya. Napasama pa tuloy ako sa good deed ko naman sana talaga.“Sorry Lance, hindi ko naman kasi alam na may allergy siya sa peanut eh,” malumanay na sagot ko sa kaniya.“Sabihin na natin na gano’n nga, bakit kailangan mo pang magbigay ng food sa kaniya. Or do you really not know it? Baka naman binalak mo talaga ‘yon?”Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, paanong lumabas iyon sa bibig niya? Tingin niya ba’y kaya ko ‘yon na gawin, ang manakit ng ibang tao? Hindi ako sumagot sa walang kwentang haka-haka niyang ‘yon. Tinitigan ko lang siya hanggang sa siya mismo ang makapansin sa sarili niyang maling tanong.“I didn’t want to offen

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 30

    “Talaga ba Ma’am? Tapos ano’ng sabi niya?” tanong ni Karin sa akin. Kinabukasan kasi agad ay ikinuwento ko sa kaniya ang nangyaring pagsasagutan namin ni Jeyn kagabi after the event. “Syempre, supalpal siya sa akin. Ako pa ba magpapatalo sa kaniya?” sabi ko sabay ang pagsipsip sa buko juice na binili nila sa akin. Naglalaro ng volleyball ang team ko. Kitang-kita ko kung gaano sila kasaya sa outing na ito kaya naman maaga pa lang ay nagpareserve na ako ng masasarap na lunch para sa lahat. Tatlong uri ng seafoods at saka litsong kawali with chopseuy ang ulam. Grabe, kahit ako nga ay natakam na. “Uy naman! Sana pala ay hindi ko agad kayo iniwan kagabi Ma’am para na-videohan ko pa kung paanong natameme ang babae na ‘yon. Grabe ang kapal talaga pala ng mukha ano?” Mabuti na lang at nasa side ko parati si Karin. “‘Wag na at baka mag-viral pa siya’t lalong magpaawa lang sa asawa ko. Tama na ‘yon sa kaniya para sa susunod ay alam niya kung sino ang babanggain niya.” Napaigik pa ako ng ka

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 29

    Ang gabing ito ang masasabi kong isa sa pinakamasayang gabi ng aking buhay. Bukod kasi sa nakita ko ng harapan ang ShootHeads ay nakasama ko rin ng walang halong kaplastikan si Lance. And it was wonderful. “You’re happy?” tanong ni Lance sa akin. “Oo naman, super. Kung p’wede lang sana na araw-araw ganito eh,” sagot ko naman sa kaniya. “P’wede naman.” Tinapunan ko siya ng tingin sa sinabi niya. “What do you mean by that?” Medyo nakakunot ang noo ko sa sagot na iyon. “Well, as part of being a good husband ay dapat na masaya ka sa piling ko. Ang gusto ko lang naman sabihin ngayon eh, kung ano man ang gusto o kailangan mo ay sabihin mo lang sa akin. I ca give you whatever you want and need, kaya naman ‘wag kang mag-aalinlangan, naintindihan mo ba?” Tumango-tango ako. “Hmm… Sige susubukan ko ‘yan. Kaso’y hindi ko maipapangako kasi… alam mo naman na natuto akong mabuhay na ako lang, independent at hindi umaasa sa iba. Pero kung ‘yon ang gusto mo ay sige, I will always bare it in

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status