Share

Ika-labing pitong kabanata

Naimulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ang bigla kong pagsipa, nanaginip na naman ako na nahuhulog. Walang kabuhay-buhay na naupo ako mula sa pagkakahiga, inilihis ang aking naniningkit pang mata sa telepono na nasa side table.

32 messages received.

20 missed calls.

15 emails received.

It was already seven in the morning, as my phone clock stated. Bumangon ako't dumiretso sa banyo. I didn't even bother open the messages and calls I received. I took my morning shower, and planning to have a breakfast on the nearby fastfood before going straight to work.

I missed this life, iyong wala akong ibang iisipin kundi sarili ko lang.

Pinatutuyo ko ang aking buhok habang nakaharap sa malawak na salamin na nasa loob ng comfort room. I tied it up neatly para hindi mabanas mamaya kapag tanghali na.

I am brushing the upper part of my teeth when I suddenly run my eyes to my tummy. It's been three months at lumilitaw na nang bahagya ang umbok sa aking tiyan.

Marahan na hinaplos ko 'yon at napamuni-muni. I regret being with Lance that night, dahil kung hindi naman nangyari ang kasalanan na 'yon ay hindi sana ako nahihirapan ng ganito. Hindi ko sana nararamdaman na ma-neglect ng tao na binigyan ko ng vow sa harapan ng altar, though it was just a 'mistake wedding', but still I am now entitled as his wife—and I should not be treated like this.

Ngayon ako nagsisisi kung bakit tinanggap ko ang alok niya, sana'y inisip ko na lang na buhayin ang anak ko mag-isa, baka naging masaya pa ako now, hindi stress.

But, another part of me is saying that everything that happened have it's reasons. And having a baby is a blessing, at isa pa, may mali rin naman ako sa pangyayari na 'to. I should not just blame Lance and the destiny for this one.

"Ano kayang masarap na kainin ngayon" pagtatanong ko sa sarili ko habang nag-aaply ng manipis na eyeshadow sa mata. I stopped from worrying, magkaka-wrinkles lang ako sa sobrang pag-iisip.

"Sandwich with egg and honey filling and a hot choco? Pancake with my favorite fries paste? O rice and bacon partner with soy sauce?" Nagbigay ako sa utak ko ng pagpipilian para sa agahan ko ngayong araw. Ang kaso'y ang hirap pala mamili, lahat gusto ko e.

I put on my white blouse and curled the edges from my wrist up to my elbow, I paired it with my black trousers.

Umikot ako sa harapan ng salamin upang makita ang bawat detalye mula sa likurang bahagi.

"Perfect!" sabi ko at saka hinablot ang Kelly bag na nasa may kama ko. Good thing na hindi talaga nila hinakot lahat ng gamit ko rito.

"Okay, Onie, let's go." I pushed myself out of my bedroom, I think I know what breakfast I would like to it.

. . .

Biglang umakyat ang aking dulo sa mukha ko ng mabungaran si Aldrin sa kusina. Gosh, nawala sa isipan mo na narito pa nga pala siya.

Matapos kong magamot ang sugat niya'y nagpaalam siya na aalis na. Um-oo ako sa ideyang 'yon ngunit nang palabas na siya ng aking unit ay biglang nagbago ang lahat. There was a sudden fight from my neighbors, nagkasakitan ang mag-asawa na nakatira sa katapat na unit ko. Nagkaroon pa ng pagkakataon na tumawag ng ambulansiya dahil sa pagkakabato ng lalaking tenant ng nabasag na bote ng alak sa kaniyang asawa.

Natakot ako, kaya naman nang paalis na si Aldrin ay pinigilan ko siya. Naisip ko na puwede naman siyang matulog rito kahit sa salas lang. Actually, tinitigan niya lang ako kagabi't hindi siya sumagot agad sa sinabi ko. Aywan ko ba kung hinihintay njya na magmakaawa ako sa kaniya, o lumuhod pa dapat ako. Then later on, he just shut my door and sat on the sofa again.

Nanghingi siya ng unan at kumot at nahiga kaagad. He didn't even bother saying 'okay' or 'sige, sure'. Nahiga na lang talaga siya't pumikit na.

Nangunot lang ang noo ko no'n habang nakatingin sa kaniya, he's weird. Hindi naman siya tahimik na gano'n, he likes letting out his voice and say what he just wanted to kahit pa alam niyang makakasakit siya ng tao. He prefer to be 'prangka' basta tama siya, pero ano't nanahimik na lang siya kagabi?

"Hey! Ano'ng ginagawa mo sa kusina ko?" Nagmartsa ako patungo sa kaniya, suot niya ang oversized t-shirt ko na may print na 'Just Love'. Muntikan pa akong matawa sa kaniya dahil sa ga-pakpak niyang suot. Ngunit hindi natuloy nang mapansin ko na bagay sa kaniya ang damit ko, at apron na bulaklakin.

Bigla ko tuloy naaalala na ako ang nagsusuot ng mga damit niya kapag mag-i-stay over ako sa place niya noon. Nalungkot ang puso ko dahil sa alaala na 'yon subalit bigla rin nawala nang magpalit ng senaryo ang utak ko.

"Nagkakalat ka sa kusina ko, ba't hindi ka pa umaalis?" Nakita ko ang pagkasindak sa kaniya sa mga sinabi ko, napalakas ata ang sigaw ko. Eh, kasi naman naalala ko 'yong time na nahuli ko siyang may ibang babae noon. Naiinis ako't bigla ko siyang gustong sumbatan at pagsabihan.

Ang totoo'y siya ang may kasalanan ng lahat ng ito e. Kung hindi sana siya nagloko no'n, tiyak na kami pa rin ngayon, hindi ko sana makakasama si Lance ng gabing 'yon . . . siya sana ang ama ng anak ko.

Pero, ano pa nga ba ang magagawa ko?

"Ang ingay mo, oo, aalis na rin ako pero siyempre kailangan ko munang kumain—at ikaw din. Paano ako makakapagdrive kung gutom ako, mabuti sana kung pinakain mo man lang ako kagabi, 'di ba?"

At ano'ng gusto niyang sabihin ngayon?

"Binigyan naman kita ng cup noodles ha, nagrereklamo ka samantalang 'yon din naman ang kinain ko kagabi." Nakapameywang na ako rito. Napakaarte niya talaga.

"Pagkain ba ng may pera ang cup noodles? May pera ka na pero nag-iimbak ka pa rin ng gano'n dito. Tsk."

Aba aba! Nagbago na nga siya, naging maarte na sa pagkain.

"Akala mo naman hindi ka kumakain ng gano'n, halos 'yon nga lang ang kinakain natin noon tapos—"

Oops! Minsan talaga iba rin ang tabas ng dila ko e.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa, nagtama ang mga mata namin ngunit bigla rin akong nag-iwas—nakakailang.

Ganoon pa rin ang hitsura ni Aldrin, medyo nagkalaman lang ng kaunti ang mga braso niya, mukhang alagang work-out na. Maayos rin ang mukha niya, mas kuminis. At parang naragdagan ata ang height niya o baka dahil lang sa sapatos na kaniyang suot—branded. Ang sabi niyang ra-racing daw siya e, well that's cool, he pursued his bigest dream in life.

"Kumain ka na muna, ihatid kita pagkatapos then, aalis na rin ako," aniya.

Tumango ako bilang tugon sa kaniya, hindi na ako nagsalita pa't dumiretso na sa isang silya. Ngunit hindi ko pa man nailalapat ang aking puwetan ay tumunog ang door bell na ikinagulat ko.

"L-lance?" Nauutal kong sambit nang buksan ko ang pintuan. "Ano'ng g-ginagawa mo rito?" Napalunok pa ako ng laway pagkatapos siyang tanungin.

"Should I be the one asking 'you that, dear wife? Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Ahm, ano kasi—"

Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko, tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob.

'Lagot na.'

Dumiretso siya sa sala, sunod ay sa kitchen.

"Who are you?" Dumagundong ang boses ni Lance sa kabuuan ng unit ko.

Nakaupo si Aldrin sa silya't mukhang kumakain na. Pinanlakihan ko siya ng mga mata, ang manhid niya, ni-hindi man lang siya nagtago muna?

"I'm asking, who are you? Bakit kasama mo ang asawa ko?"

Lumapit na ako kay Lance, kailangan kong magpaliwanag sa kaniya about this one. Kainis, dapat talaga maaga siyang umalis kanina.

Tinapunan ako ni Lance ng tingin, nanlilisik ang mga mata niya't umuusok anh ilong sa galit, halatang-halata sa mukha niya. "Yeah, you should."

Hinawakan ko siya sa kamay at pilit na hinila palabas ngunit sadyang malakas ito. Nakaalpas ang kamay ko sa braso niya't halos takbuhin niya si Aldrin.

Kitang-kita ko nang hilahin niya ito sa may bandang leeg, gosh, mapupunit pa ata qng damit ko sa ginawa niya. Nanatili lang na tahimik si Aldrin—good!

"Asshole!" 'yon ang narinig ko mula kay Lance bago natumba si Aldrin sa kinatatayuan niya.

Napapikit na lang ako dahil doon.

Double kill.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status