“Dad, sino ba talaga ‘yong groom ko? Bakit ayaw mo pang sabihin kung sino ang lalaking maghaharap sa akin sa altar.”
“Alianna Jade, anak… calm down! Don’t stress yourself. Hindi mo naman siguro gugustuhin na maglakad sa aisle na hulas ang makeup ‘di ba? Ikaw din. Hindi mo gugustuhin na pangit ang maging feedback sa iyo ng press kapag na-headline ka.” Nagtaka si Alianna. Anong press ang pinagsasabi ng kanyang ama? Napaisip tuloy siya kung malaking tao ba ang kanyang pakakasalan o kung anong klaseng tao ito kaya kahit anong pilit niyang alamin kung sino ang kanyang ay hindi talaga siya magtagumpay. “Just sit back and relax, Alianna. Everything will be fine.” Turan ni Alvin—ang ama ni Alianna Jade. Kasalukuyan siyang nakatayo sa tabi ng bridal car na lulan ang kanyang nag-iisang anak na babae. Sumandal si Alianna. Bumuntong hininga siya ng malalim bago ituon ang tingin sa labas kung saan kasalukuyang nakatayo ang kanyang ama. “Anong oras na ba, dad?! Bakit hindi pa nagsisimula?” “Iyon nga rin ang hindi ko alam, anak. Nag-start na dapat ang ceremony ten minutes ago, pero hanggang ngayon ay naka-standby pa rin tayo. Teka nga! D’yan ka muna. Magtatanong lang ako sa wedding organizer ha?” Hindi na hinintay pa ni Alvin ang sagot ng kanyang anak. Naglakad na siya palayo dito at agad na hinanap ang wedding organizer sa loob ng simbahan. “Napakarami ng tao. Bakit ayaw pa nilang magsimula?” tanong ni Alvin sa kanyang sarili. Nang makapasok siya sa loob ng simbahan, hindi niya makita ang wedding organizer. Wala ro’n ang mga tao na kinuha nila para gawing perpekto ang kasal ng kanyang anak. “Mr. Sebastiano—” Agad na nilingon ni Alvin ang tumawag sa kaniya. Pinasadahan niya ito ng malaking ngiti bago lapitan. “Don Gregorio, magandang umaga po.” “Are you okay? Mukha kang tense.” Puna ng matanda. Maaliwalas ang mukha nito habang diretso ang tingin kay Alvin. “Okay lang naman po ako. Hinahanap ko lang ‘yong wedding organizer. Gusto ko kasing itanong kung hindi pa ba magsisimula.” “Masyado ka naman yatang nagmamadali na maikasal ang anak mo. Calm down, Alvin! Wala pa si Dwaine, pero huwag kang mag-alala. Hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal na ito. Matutuloy ang kasal nina Dwaine at ni Alianna, whether my grandson like it or not.” Ngumiti ng mapanlinlang si Don Gregorio. Tinapik niya ang braso ni Alvin. “I’ll just call my grandson… excuse me.” Naiwang mag-isa si Alvin kaya nagpasya siyang bumalik na sa kanyang anak. Habang palabas siya, narinig niyang nagtilian ang iilang babae na nakapwesto sa pintuan. “Nand’yan na ang groom!” sigaw ng mga ito. Nagmadali na si Alvin. Gusto niya kasing alalayan ang anak mula sa pagbaba nito ng sasakyan hanggang sa pagpuwesto nito sa pintuan ng simbahan. Ang lahat ay nagdiwang dahil sa pagdating ng groom. Sa wakas ay magsisimula na ang kasal. The grand church was filled with soft candlelight, casting a warm glow over the pews adorned with delicate white flowers. The sound of hushed whispers and anticipation filled the air as the guests awaited the arrival of the bride. The aroma of fresh roses and the soft strains of the violin music added to the ambiance. The wedding ceremony began. Each visitor played their roles while walking down the aisle with a red carpet. “Wear your best smile, my love! Enjoy your wedding day.” Alvin smiled. “Ito ang magiging pinakamasayang araw sa buhay mo.” “Don’t be so overdramatic, dad!” Alianna Jade chuckled. “I am not marrying the man of my dreams.” “What if you’re actually marrying him?!” Ilang segundo ring natulala si Alianna Jade bago tuluyang ma-process sa isip niya ang sinabi ng kanyang ama. “You’re not funny, dad! Stop making fun of me.” “Alianna, paano kapag ‘yong lalaking pinapangarap mo ay siya palang lalaking naghihintay sa iyo sa altar? Anong gagawin mo?” seryoso ang boses ni Alvin habang tinatanong niya si Alianna Jade pero tinawanan pa rin siya nito. Mahinang hinampas ni Alianna ang bridal bouquet na hawak niya sa braso ng kanyang ama. “Daddy naman! We both know na hindi mo kayang ibigay sa akin si Dwaine. Tsaka imposible. I know him. He’s madly in love with Lilia, how come na magpapakasal siya sa akin?” Tumawa lamang si Alvin. Ilang sandali pa, in-approach na sila ng wedding organizer na ilang sandali na lamang ay matatapos na sa paglalakad ang mga ninong at ninang sa kasal. Isasarado na ang pinto para sa paghahanda sa bridal walk. THE WAIT IS FINALLY OVER! The church doors opened, and the bride, radiant in her flowing white gown, entered on her father's arm. Her veil trailed behind her, and her eyes sparkled with happiness as she made her way down the aisle. Alianna Jade became emotional. She closes her eyes and imagines that her groom was Ruston Dwaine—her ultimate crush since childhood. The reason why she was a N.B.S.B. or no boyfriend since birth. She opened her eyes and continued walking while looking at the guest. She saw familiar faces. Some of them were her father’s business colleagues and partners. As the bride reached the altar, her father placed her hand in the groom's. At that moment, Alianna Jade froze in shock after she discovered that her groom was actually the man of her dreams—the one and only heir of the Palacios Family, Ruston Dwaine Palacios. Ilang sandali ring natulala si Alianna kaya inakala ni Alvin na babagsak na ang kanyang anak. Inalalayan pa niya ito bago siya naupo sa tabi ng dalawa niyang anak na lalaki. “I can’t believe that you arranged me with some desperate fangirl, lolo! Napakaraming iba d’yan.” Bulong ni Dwaine. Agad niyang binitawan ang kamay ni Alianna nang makita niya ang mukha nito. “Shut your mouth, Ruston Dwaine Palacios! You have no right to refuse my orders. I am still the head of the family. Umayos ka kung ayaw mong putulin ko ang partnership ng mga magulang ni Lilia sa Palacios group of companies.” “Stop using Lilia’s family just to hold me tight on my neck. Fine! I’ll follow you.” Dwaine rolled his eyes and held back Alianna’s hands. Don Gregorio taps his shoulder and sits beside Alvin. ‘I swear to God I’ll put this fúcking misery to an end. I won’t give up easily.’“Kailangan kong mag-isip ng paraan para hindi mangyari ang nais ni lolo. Lahat ng gusto niya, sinunod ko. Ngayon lang ako tututol dahil ayokong sirain ni Lilia muli ang buhay ko.”Bumuntong hininga ng napagkalalim si Dwaine. Nakabalik na siya sa constructed building na inaasikaso niya dahil iniwan niya na ang matanda sa opisina nito upang maiwasan ang pagtatalo.Habang nakaupo sa swivel chair, bigla siyang nakaisip ng ideya. Kinuha niya ang cellphone niyang nakapatong sa lamesa at saka nag-dial ng numero mula sa kanyang phonebook.[“Hello?”]“May I speak to Mr. Harrison Sebastiano?” [“Yes, speaking…who’s this?”]Tumikhim si Dwaine bago sumagot. “S-si Dwaine ‘to, Harrison. Napatawag ako kasi gusto sana kitang makausap. Kung available ka ngayon, pwede ba tayong magkita kahit saglit lang?”[“Ang random ng pagtawag mo. Ni hindi ko in-expect na alam mo pala ang office number ko, but anyways…what do you want to talk about? Is it about business? Tungkol ba sa partnership between the Sebasti
“Hinding-hindi ko pakakasalan ang babaeng ‘yon, lolo. NEVER!” “No, Dwaine. You have no choice but to marry her. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila na bunga ng pagtataksil ang anak mo? Gusto mo bang makulit na naman ang nangyari, thirty years ago?” Hinilot ng matanda ang sintido niya matapos niyang sabihin iyon.Umawang ang gilid ng labi ni Dwaine dahil sa tinuran ng matanda. “A-ano’ng ibig mong sabihin, lolo? A-ano bang nangyari thirty years ago?”Tinitigan ng matanda ang apo niya. Habang nakatingin siya sa mga mata nito, pinag-iisipan niya kung dapat na ba niyang sabihin ang isa sa pinaka tatago-tago niyang lihim mula pa noong hindi pa ito pinapanganak.“Lolo, ano pong totoo? Sabihin niyo na po, total ay mabanggit niyo na rin naman sa akin. Huwag niyo na po akong bitinin.”Tumikhim ang matanda. Bumwelo ito bago nagsimulang magkwento. “Fine! I’ll tell you the truth, but promise me… you won’t judge me.Ginawa ko ‘yong desisyon na ‘yon para sa’yo at para sa kompanya
Sunod-sunod na katok ang bumasag sa tahimik na sesyon ni Don Gregorio. Kasalukuyan kasi niyang ine-enjoy ang mainit niyang tsaa habang nakatitig sa screen ng monitor sa computer na nasa kanyang opisina.“I’m so proud of my people. Napanatili nilang mataas ang sales ng third quarter ngayong taon.”Pagkahigop ni Don Gregorio sa kanyang tsaa, muli niyang narinig ang katok. “Ano bang kailangan ninyo?!” sigaw ni Don Gregorio. Binaba niya ang tasa na hawak niya, at tsaka binaling ang tingin sa pinto. Nang bumukas iyon, niluwa nito ang kanyang sekretarya. “What do you need, Sandy?! Haven’t I told you to let me enjoy my session?! Can’t you see I’m drinking my favorite tea? You know it’s my daily routine.”“I know, Don Gregorio, but your personal bodyguard is here. He wants to talk to you. He said it’s an important matter.”“Fine! Let him in—”Tumango si Sandy, saka niya tinawag mula sa labas si Joven. Pagpasok nito, sinampolan kaagad siya ng kasungitan ng matanda. “Ano’ng ginagawa mo dit
“In fairness dito sa bunso ni Alianna ha! Ang gwapo. Ang sarap halik-halikan.”Iritableng inikot ni Lilia ang mga mata niya. “Pwede ba, Riyanna… tigilan mo na nga ang pagpuri-puri mo sa batang ‘yan. Matalino ang batang ‘yan. Kapag na-adopt niya ‘yang mga sinasabi mo… masisira ang mga plano ko. Tigil-tigilan mo na ‘yan ha! Baka mabugbóg ko pa ‘yan.”“Kumalma ka nga! Pati ba naman bata ay papatulan mo pa. Ang bait-bait kaya nitong si Caspian oh. Ang behave pa.”“Hay nako. Wala akong pakialam kahit ano pang ugali ng batang ‘yan. Idi-dispose ko lang din naman ‘yan kapag nakuha ko na ang gusto ko.” Nilapitan ng kaunti ni Riyanna si Caspian qReid. Tinakpan niya ang magkabilang tainga nito bago magsalita. “Ikaw, grabe ka magsalita dito sa bata. Inosente ‘to at walang kinalaman sa history niyo ng mga magulang niya, kaya huwag mo siyang idamay. Ginamit mo na nga siya sa plano mo, tapos ayaw mo pa siyang itrato ng maayos.”“Pwede ba, Riyanna… huwag mo na nga akong pangaralan. Kahit ano pang sa
“What happened to my parents?”Diretso ang tingin ni Lilia sa kaibigang biglang binanggit ang mga magulang niya.“Nakausap mo na ba sila?!” Muli pang tanong ni Riyanna. Umiling si Lilia. “I haven’t seen them for years. Mula nang makipag-live in ako kay Blake, hindi na ako umuwi sa amin. Palagi lang kaming magka-videocall ni mommy. I didn’t even mention my pregnancy to her. Magugulat na lang siya kapag nabalitaan niya na meron akong anak.”“Too late, Lilia! She already knew the truth. They knew the truth rather.”Nanlaki ang mga mata ni Lilia dahil sa isiniwalat ng kaibigan. “ANO?! Paano nangyari ‘yon? Sinabi mo ba sa kanila?” Umiling si Riyanna. “No! Blake did it for you.” “Bwísét na Blake talaga ‘yan. Inunahan pa ako sa sarili kong mga magulang. Alam mo, nagsisisi talaga ako na pinatulan ko ‘yang kapatid ni Alianna eh. Pareho silang panira sa buhay ko.” “Hindi mo naman masisisi si Blake. Mabaliw-baliw ‘yon kakahanap sa ‘yo. Halos suyodin na niya ang buong pilipinas mahanap ka lan
“Open this fúcking door—”Nabulabog ang masarap at payapang tulog ni Riyanna nang makarinig siya sa ng sunod-sunod na malakas na katok mula sa pintuan ng condo niya. Ang ganda pa naman ng pagkakahiga niya sa bago niyang sofa ngunit bubulabugin lamang siya ng kung sino.“Sino ba ‘yan?! Agang-aga naman!” Tumayo na si Riyanna. Kahit gulo-gulo pa ang buhok niya’y dumiretso na siya sa pintuan para buksan iyon.Mariing hinawakan ni Riyanna ang doorknob. Pagpihit niya, agad niya itong binuksan. Pagbukas niya, ilang sandaling nanigas ang katawan niya dahil sa gulat.“Oh, ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit parang bigla kang nakakita ng multo?”“What are you doing here, Lilia? After more than two years of ghosting everyone… you still have the audacity to show your face here?” Riyanna said while raising one of her eyebrows. “You know what… I still can’t forget how you hurt me even though I’m just telling the truth.”“Blah… blah… blah…” ani Lilia sabay ikot ng magkabila niyang mata. “It’s been two yea