Share

Chapter 3

Author: Athena Jade
last update Last Updated: 2024-09-11 00:56:26

“It’s getting late. Itigil mo na nga ‘yang pag-iinom mo.” 

Tiningnan ni Dwaine ng masama si Alianna. Ang kamay niya ay nakahawak pa rin sa baso na may laman na whiskey. “Pwede bang h’wag mo akong pakialaman sa mga gusto kong gawin sa buhay? Kinasal lang tayo. That doesn’t mean you own me. Alam mo naman sigurong hindi kita gusto ‘di ba?” 

“Please, Dwaine! It’s already 2:00 am. Matulog ka naman.”

“Nang ikaw ang katabi? NO WAY!” Padabog na binagsak ni Dwaine sa lamesa ang baso na hawak niya. “I’d rather sleep outside this five star hotel than sleep here in the same room with you.”

Tumayo na si Dwaine. Nang makita ni Alianna na pasuray-suray na ito ay agad niya itong nilapitan upang alalayan. “Dwaine, you’re drunk. Baka kung ano pa ang mangyari sa ’yo. Huwag ka nang lumabas. Dito ka na lang. Ako na lang ang lalabas. A-ako na lang ang iiwas.”

“Are you sure?” 

Tumango si Alianna. Halata sa kanyang mukha na napipilitan lamang siya.

“Fine! Get out. I don’t want to see your face here, desperate fangirl!” Dwaine ordered. Naglakad siya ng pasuray-suray patungo sa kama at binagsak ang katawan dito ng padapa at nakadipa ang magkabilang kamay. 

Malalim na bumuntong hininga si Alianna. Kinuha lamang niya ang jacket niya’t cellphone bago lisanin ang kwarto na niregalo ni Don Gregorio para sa kanila.

As Alianna Jade walks down the corridor, she remembers her first meeting with Dwaine. Nanonood siya ng basketball sa school ng tamaan siya ng bola. Sa sobrang lakas no’n, halos himatayin siya. Si Dwaine ang unang lumapit sa kanya. Binuhat siya at dinala sa clinic. Mula noon, hindi na tumigil si Alianna Jade na hangaan si Dwaine.

Dwaine became Alianna’s ultimate crush. From the first time she saw him when they were in elementary school, up until today. She’s madly in love with him.

Nang marating ni Alianna ang lobby, naupo siya. Mula pa kanina ay hindi siya gumamit ng cellphone, o kahit anong gadgets kaya wala siyang balita kung ano na ang nangyayari sa social media.

“Ano na kayang latest chikka ngayon!” turan ni Alianna sa kanyang sarili. Binuksan niya ang kanyang cellphone at laking gulat niya ng bumungad sa kanya ang kanyang litrato. Kuha ito noong araw ng kanyang kasal. “What the fúck—”

Bago pa man makapagbasa ng mga komento si Alianna, someone grabbed her at inilayo siya sa lobby.

“Sino ka?! B-bakit mo ako hinahawakan?” nagtatakang tanong ni Alianna. Hindi pamilyar sa kanya ang lalaking humila sa kaniya’t nakahawak sa braso niya ngayon. 

Agad na bumitaw ang lalaki. “Ano po ang ginagawa niyo dito sa lobby, Ma’am Alianna? Bakit wala po kayo sa kwarto niyo ni Sir Dwaine?”

“Bago ko sagutin ang tanong mo, ang tanong ko muna ang sagutin mo. Sino ka at bakit alam mo ang tungkol sa amin ni Dwaine? Stalker ka ba?” Kinuyom ni Alianna ang kanyang mga kamay at itinutok ito sa lalaki. “Huwag kang magkakamali. Kapag gumawa ka ng hindi maganda, bubugbugin kita. Marunong ako sa martial arts at mag-taekwondo.”

Ngumisi ang lalaki. Itinaas niya ang magkabila niyang kamay bago sumagot. “Calm down, Ma’am Alianna. I won’t hurt you. In fact, I came here to protect you.”

Lalong nagtaka si Alianna. Umalon ang mga guhit sa noo niya. “A-ano?! H-hindi ko maintindihan. Sino ka bang talaga?”

“Personal bodyguard po ako ni Sir Dwaine. I expect na kilala mo ako dahil lagi kang nakasubaybay sa amo ko.” Nakangiting sambit no’ng lalaki. “By the way, Ma’am Alianna, ako nga po pala si Julius. Pinapunta po ako ni Don Gregorio dito para samahan po kayo dahil alam po niya na matigas ang ulo ng apo niya. Nasaan po ba siya?”

“Lasing na lasing si Dwaine at nagpapahinga na siya sa kwarto namin. Gusto niya akong umalis sa kwarto dahil ayaw niya akong makita. Wala akong choice. Pinagtatabuyan niya ako kaya umalis ako.”

“Asawa na po kayo ngayon ni Sir Dwaine. Kahit ano pa po ang sabihin niya, huwag po kayong aalis sa tabi niya. Wala pa pong isang araw mula nang kayo ay ikasal. Sinusukuan niyo naman po siya kaagad.”

Bumuntong hininga si Alianna. “Hindi ko gustong iwanan siya. Alam mo ‘yan dahil alam ko na kilala mo ako. Gusto ko lang na makapagpahinga siya dahil masyado na siyang maraming iniisip.”

“Naiintindihan ko po kayo, Ma’am Alianna. Pero paano naman po kayo? Balak niyo po bang mag-stay sa lobby hanggang magising si Sir Dwaine?”

“Handa ko’ng gawin ang lahat para sa kanya.”

Kumamot sa kanyang ulo si Julius. “Mahal na mahal niyo po talaga si Sir Dwaine. Iyan po ‘yong isa sa mga rason kung bakit ikaw ang pinili ni Senior Gregorio na magpakasal sa kanya kasi alam po niya na aalagaan mo ang apo niya kahit na ano pang mangyari.”

Dahil sa sinabi ni Julius, napangiti si Alianna. Pero ang ngiti niya’y may halong pait at kirot sa kanyang dibdib. Mag-work nga kaya ang one-sided love? Posible bang mag-succeed ang isang relationship kung isa lang ang nagmamahal?

Tumikhim si Julius. Tinapik niya ang braso ni Alianna dahil nakatulala na ito. “Ma’am Alianna, okay lang po kayo? Mukhang pagod na po kayo. Ikukuha ko na lamang po kayo ng ibang kwarto para makapagpahinga na rin po kayo.”

“Hindi ba magagalit si Don Gregorio?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Alianna. 

“Mas magagalit po siya kapag hinayaan lang kita dito sa lobby. Isa ka nang ganap na Palacios, Ma’am Alianna. Kahit pagbali-baliktarin pa natin ang mundo, asawa mo na si Sir Dwaine at parte ka na ng pamilya nila. 

“Hindi pa rin ako makapaniwala. Tinititigan ko lang kasi mula sa malayo si Dwaine noon eh! Sino bang mag-aakala na mapapangasawa ko siya. Akala ko sa panaginip lang mangyayari ‘yon.” Emosyonal na sambit ni Alianna. Nagtutubig ang mga mata niya at agad itong umagos sa malambot at makinis niyang pisngi.

“Huwag na po kayong umiyak, Ma’am Alianna. Dapat po ay maging masaya kayo ngayon.” Turan ni Julius sabay abot ng panyo niya. “Halika na po, Ma’am. Ikukuha ko na po kayo ng kwarto at ihahatid ko na po kayo ro’n para makapagpahinga na po kayo.”

“Maraming salamat, Julius! Sinalba mo ang wedding night ko.” Nakangiting saad ni Alianna. Pinunasan niya ng dahan-dahan ang magkabila niyang pisngi. Nagsimula nang maglakad si Julius patungo sa front desk. Sumunod naman si Alianna sa kanya. 

Makalipas ang ilang minuto ay naikuha na ni Julius ng kwarto si Alianna. Ginamit niya ang black card na ipinahiram ni Don Gregorio sa kanya. 

“Goodnight, Ma’am Alianna! Mauna na po ako.” Matapos magpaalam ay iniwan na rin ni Julius si Alianna. 

Samantala, nang makaalis si Julius ay dumiretso sa banyo si Alianna. Nag-shower siya. Doon, naramdaman niya ang pagod niya sa maghapong ganap. Habang dahan-dahang tumatama sa kanyang katawan ang tubig na nagmumula sa shower ng hotel, doon pa lamang isa-isang nagsi-sink in kay Alianna ang nangyari.

“I am not dreaming. It’s happening! I am now the wife of the one and only, Ruston Dwaine Palacios—the man of my dreams.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Untold Heirs of the Billionaire   Chapter 87

    “Kailangan kong mag-isip ng paraan para hindi mangyari ang nais ni lolo. Lahat ng gusto niya, sinunod ko. Ngayon lang ako tututol dahil ayokong sirain ni Lilia muli ang buhay ko.”Bumuntong hininga ng napagkalalim si Dwaine. Nakabalik na siya sa constructed building na inaasikaso niya dahil iniwan niya na ang matanda sa opisina nito upang maiwasan ang pagtatalo.Habang nakaupo sa swivel chair, bigla siyang nakaisip ng ideya. Kinuha niya ang cellphone niyang nakapatong sa lamesa at saka nag-dial ng numero mula sa kanyang phonebook.[“Hello?”]“May I speak to Mr. Harrison Sebastiano?” [“Yes, speaking…who’s this?”]Tumikhim si Dwaine bago sumagot. “S-si Dwaine ‘to, Harrison. Napatawag ako kasi gusto sana kitang makausap. Kung available ka ngayon, pwede ba tayong magkita kahit saglit lang?”[“Ang random ng pagtawag mo. Ni hindi ko in-expect na alam mo pala ang office number ko, but anyways…what do you want to talk about? Is it about business? Tungkol ba sa partnership between the Sebasti

  • The Untold Heirs of the Billionaire   Chapter 86

    “Hinding-hindi ko pakakasalan ang babaeng ‘yon, lolo. NEVER!” “No, Dwaine. You have no choice but to marry her. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila na bunga ng pagtataksil ang anak mo? Gusto mo bang makulit na naman ang nangyari, thirty years ago?” Hinilot ng matanda ang sintido niya matapos niyang sabihin iyon.Umawang ang gilid ng labi ni Dwaine dahil sa tinuran ng matanda. “A-ano’ng ibig mong sabihin, lolo? A-ano bang nangyari thirty years ago?”Tinitigan ng matanda ang apo niya. Habang nakatingin siya sa mga mata nito, pinag-iisipan niya kung dapat na ba niyang sabihin ang isa sa pinaka tatago-tago niyang lihim mula pa noong hindi pa ito pinapanganak.“Lolo, ano pong totoo? Sabihin niyo na po, total ay mabanggit niyo na rin naman sa akin. Huwag niyo na po akong bitinin.”Tumikhim ang matanda. Bumwelo ito bago nagsimulang magkwento. “Fine! I’ll tell you the truth, but promise me… you won’t judge me.Ginawa ko ‘yong desisyon na ‘yon para sa’yo at para sa kompanya

  • The Untold Heirs of the Billionaire   Chapter 85

    Sunod-sunod na katok ang bumasag sa tahimik na sesyon ni Don Gregorio. Kasalukuyan kasi niyang ine-enjoy ang mainit niyang tsaa habang nakatitig sa screen ng monitor sa computer na nasa kanyang opisina.“I’m so proud of my people. Napanatili nilang mataas ang sales ng third quarter ngayong taon.”Pagkahigop ni Don Gregorio sa kanyang tsaa, muli niyang narinig ang katok. “Ano bang kailangan ninyo?!” sigaw ni Don Gregorio. Binaba niya ang tasa na hawak niya, at tsaka binaling ang tingin sa pinto. Nang bumukas iyon, niluwa nito ang kanyang sekretarya. “What do you need, Sandy?! Haven’t I told you to let me enjoy my session?! Can’t you see I’m drinking my favorite tea? You know it’s my daily routine.”“I know, Don Gregorio, but your personal bodyguard is here. He wants to talk to you. He said it’s an important matter.”“Fine! Let him in—”Tumango si Sandy, saka niya tinawag mula sa labas si Joven. Pagpasok nito, sinampolan kaagad siya ng kasungitan ng matanda. “Ano’ng ginagawa mo dit

  • The Untold Heirs of the Billionaire   Chapter 84

    “In fairness dito sa bunso ni Alianna ha! Ang gwapo. Ang sarap halik-halikan.”Iritableng inikot ni Lilia ang mga mata niya. “Pwede ba, Riyanna… tigilan mo na nga ang pagpuri-puri mo sa batang ‘yan. Matalino ang batang ‘yan. Kapag na-adopt niya ‘yang mga sinasabi mo… masisira ang mga plano ko. Tigil-tigilan mo na ‘yan ha! Baka mabugbóg ko pa ‘yan.”“Kumalma ka nga! Pati ba naman bata ay papatulan mo pa. Ang bait-bait kaya nitong si Caspian oh. Ang behave pa.”“Hay nako. Wala akong pakialam kahit ano pang ugali ng batang ‘yan. Idi-dispose ko lang din naman ‘yan kapag nakuha ko na ang gusto ko.” Nilapitan ng kaunti ni Riyanna si Caspian qReid. Tinakpan niya ang magkabilang tainga nito bago magsalita. “Ikaw, grabe ka magsalita dito sa bata. Inosente ‘to at walang kinalaman sa history niyo ng mga magulang niya, kaya huwag mo siyang idamay. Ginamit mo na nga siya sa plano mo, tapos ayaw mo pa siyang itrato ng maayos.”“Pwede ba, Riyanna… huwag mo na nga akong pangaralan. Kahit ano pang sa

  • The Untold Heirs of the Billionaire   Chapter 83

    “What happened to my parents?”Diretso ang tingin ni Lilia sa kaibigang biglang binanggit ang mga magulang niya.“Nakausap mo na ba sila?!” Muli pang tanong ni Riyanna. Umiling si Lilia. “I haven’t seen them for years. Mula nang makipag-live in ako kay Blake, hindi na ako umuwi sa amin. Palagi lang kaming magka-videocall ni mommy. I didn’t even mention my pregnancy to her. Magugulat na lang siya kapag nabalitaan niya na meron akong anak.”“Too late, Lilia! She already knew the truth. They knew the truth rather.”Nanlaki ang mga mata ni Lilia dahil sa isiniwalat ng kaibigan. “ANO?! Paano nangyari ‘yon? Sinabi mo ba sa kanila?” Umiling si Riyanna. “No! Blake did it for you.” “Bwísét na Blake talaga ‘yan. Inunahan pa ako sa sarili kong mga magulang. Alam mo, nagsisisi talaga ako na pinatulan ko ‘yang kapatid ni Alianna eh. Pareho silang panira sa buhay ko.” “Hindi mo naman masisisi si Blake. Mabaliw-baliw ‘yon kakahanap sa ‘yo. Halos suyodin na niya ang buong pilipinas mahanap ka lan

  • The Untold Heirs of the Billionaire   Chapter 82

    “Open this fúcking door—”Nabulabog ang masarap at payapang tulog ni Riyanna nang makarinig siya sa ng sunod-sunod na malakas na katok mula sa pintuan ng condo niya. Ang ganda pa naman ng pagkakahiga niya sa bago niyang sofa ngunit bubulabugin lamang siya ng kung sino.“Sino ba ‘yan?! Agang-aga naman!” Tumayo na si Riyanna. Kahit gulo-gulo pa ang buhok niya’y dumiretso na siya sa pintuan para buksan iyon.Mariing hinawakan ni Riyanna ang doorknob. Pagpihit niya, agad niya itong binuksan. Pagbukas niya, ilang sandaling nanigas ang katawan niya dahil sa gulat.“Oh, ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit parang bigla kang nakakita ng multo?”“What are you doing here, Lilia? After more than two years of ghosting everyone… you still have the audacity to show your face here?” Riyanna said while raising one of her eyebrows. “You know what… I still can’t forget how you hurt me even though I’m just telling the truth.”“Blah… blah… blah…” ani Lilia sabay ikot ng magkabila niyang mata. “It’s been two yea

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status