Maagang gumising si Samantha para bumyahe at simulan ang bagong proyekto ibinigay sa kanya. Hindi ata umaayon sa kanya ang panahon. Mukhang umiiral na naman yata ang epekto ng balat ni samatha sa puwit, minamalas ang kanyang byahe papuntang Puerto. Ang lakas ng ulan. Samahan pa ng kulog at kidlat!
Ngayon pa talaga nagsusungit ang panahon. Nagmamadali na siyang umalis para maabutang ang unang trip ng bus papuntang lungsud ng Aginan puerto. Kahit medyo siksikan ang mga pasahero kailangan niyang makipag unahan. Buti nalang at naabutan pa niya kahit medyo traffic sa mga na daanan. Hindi nya pweding dalhin ang kotse dahil malayo ang Isla puerto kailangan pa niyang sumakay ng bangkang de motor. Maraming pasahero dahil weekends, maraming uuwi sa kani-kanilang probinsya. Kamuntikan pa siyang maubusan ng upuan kung natagalan pa sa traffic kanina. Sumpa agad siya sa loob para makasigurong makukaha agad ng upuan. sa may bentana siya pumuwesto. Maginaw sa loob ng bus, masyadong malakas ang aircon. Makapal naman ang jacket na suot suot niya hindi basta basta malamigan ang kanyang katawan. Ano kayang madadatnan niya pagdating sa paradahan ng mga jeepney. baka lubog din sa baha. Maraming nadaang lungsud na medyo baha na sa ibang parte. Mabuti nalang malaki ang bus na sinasakyan niya, hindi ito basta basta titirik. Pagdating sa terminal ng aginan kung saan andoon ang mga nakaparadang sasakyan ng jeep. Hindi siya nagkamali halos lubog na sa tubig ang mga gulong nito. Agad namang lumapit ang isang matandang lalaki sa kanya. Naka suot ito ng kaputi. Sa tantya niya nasa late 50's na ang edad ng matanda. Pasado alas tres na ng hapon ng dumating siya. "Ma’am Magandang Gabi hu. Kayo po ba si ma'am Samantha?" Sabay pakita ng larawang nasa screen ng cellphone nito. Nanlaki ang mga mata niya, tiningnan niya itong mabuti at Inilapit ang kamay ni manong sa kanyang mukha. Upang masiguro kong tototo ang nakita. Naka-nganga siya sa larawan at kita ang buong gilagid! Panay ang hikab niya ng mga oras na yon. Kumukulo pa ang sikmura niya sa sobrang gutom. Pasado alas tres na nang hapon natapos ang meeting nila. Napangiwi nalang si Samantha. "Tang**! sa dinami daming picture na pweding ibigay kay manong, ito pang patay gutong ang hitsura niya! Kuha ang larawan kung saan nag me-meeting sila kahapon. "Ay uho! ako hu.. yan manong." Nahihiyang sambit niya. Sino kayang Judas ang nagbigay ng picture kay manong!. Babalian ko talaga ng buto sa leeg!. "Ok lang kayo ma'am?" nang mapansin nag iba ang templa ng kanyang hitsura. "Uho manong." sabay bungisngis nya dito. "Tawagin mo nalang akong manong Roberto ma'am. Inutusan ako ni Don Alfonso na ihatid kita sa pier." Magalang na tugon nito. "Manong! if you don't mind!. Sinong poncio pilato ang nag bigay ng larawan sayo. Gusto ko lang balian ng buto sa leeg!" Pabirong saad nya dito. Tumawa lang ang matanda. " Si Don Alfonso ma'am. Ako ang humingi ng larawan. May number naman ako sayo. Pero para mamukhaan kita agad, humingi na ako." Kinunan pala siya ng larawan. Pinagtripan talaga siya ng matanda! "Cge na hu ma'am, sumakay na kayo sa jeep. Para hindi tayo masyadong ginagabi. Dapat makarating tayo sa dalampasigan ng alas siete ng gabie, baka lalong lalakas ang ulan. Ipanatag mo ang sarili mo sa loob. Medyo malakas parin ang buhos ng ulan. Ako na magdala ng gamit mo." Bolontaryo ng matanda. "Ay! magaan, lang naman to manong!, ok lang po." Sabay hila ng kanyang maleta upang maipasok na sa likuran ng jeepney. Sa harap siya uupo at sa likuran naman niya nilagay ang dalang gamit, isang maleta lang naman ang dala niya at maliit na sling bag. Pang isahang tao lang ang pwede sa harap maliban sa driver. Medyo may kalumaan na rin ang jeepney ni manong halos kinakalawang na ang kabuuhan nito kunting galaw mo lang at masagid kaibigan muna c titano. Ang mga upuan ay medyo kupas na at may mga butas butas narin. May kinausap lang sa cellphone ang matanda, at sa tingin niya asawa cguro nito. Maya't maya sumakay narin at lumulan na sila. Halos hindi na maaninag ni manong driver ang dinaanan na binabaybay nila. Mabagal na rin ang takbo ng sasakyan dahil sa maputik na daan. Walang makita masyado kundi puro kadiliman maliban lang sa mga puno na natamaan ng ilaw na nagmula sa sinasakyan nilang jeep. “ Manong malayo pa ba tayo?" Basag niya sa katahimikan. Habang minamasdan ang nadaang liwanag sa labas ng sinasakyan. "Parang horror o hunted forest na tong dinaanan natin manong. Mukhang nasa ibang dimension na tayo ng mundo." Pabiro niyang sabi. "Kayo talagang mga kabataan ngayon kahit ano nalang ang nasa isip." "Matagal na hu ba kayong nanilbihan sa mga Adams Manong?" Tanong uli niya. "Ay! uhu, halos binata pa ako ng magsimulang nanilbihan sa kanila. Kaya lang noong mamatay si Donya Alicia asawa nito ang tinutokoy ng don. nagpasya na ang Don na sa maynila na manirahan kasama ang dalawang anak." Ni minsan hindi pa niya nakikita sa kompanyang pinagtratrabahuan ang dalawang lalaking tinutukoy nito. Maraming nagsasabing ka-officemate niya na minsan itong nakikita sa computer screen ng Don at sobrang gwapo daw ng dalawa lalo na't ang bunso anak nito.Sinundan nalang ng tingin ni Rafael ang papalayong babae. At napailing nalang. Habang abala sa pagliinis ng mga kwarto ang matanda'y may narinig na mga yabag na aminoy paparating. Andito na siguro ang dalawa, at mula sa pagkakayuko ay nag unat ng mga likod ng marining ang papasok na mga yapak Pumasok si Samantha na walang ibang suot kundi ang panloob lang. Dahil hindi na mahagilap ang suot na floral dress. Pagpasok palang niya sa loob ng kabahayan ay sinalubong agad siya ng matanda. " Pordios pursato iha! naliligo ka nga!. Buti hindi ka tinangay ng alon. "kung hindi ako dumating pinaglalamayan na sana ang pandak na iyan!" Boses ni Rafael ang nasa likoran niya. Nakasunud pala agad ang impaktong lalaki. Kung nakakamatay lang sana ang mga tingin na ipinukol niya natumba na ito. "Anong nangyayari Rafael.?"Tanong ng matanda. Hindi sumagot ang lalaki, bagkos tumalikod lang ito at pumasok sa kwarto. Rafael pala ang pangalan ng judas na iyon. Kumuha agad ng tuwalya ang matanda at saka
Naghahabol parin siya sa kanyang hininga, tumaas-bumaba ang dibdib. Hindi niya ma-imagine na kamuntikan na siyang kunin ni kamatayan. Mabuti nalang at sumulpot ang mukong na ito. May ilang sandali pang nanatiling nakahandusay si Samantha sa buhangin, hindi alintana ang nakabuhanghang katawan sa harapan ng lalaki. Alam niyang kanina pa siya nito tinitigan. Naglalaway kaya ang judas na ito? Pansin niyang napamura ito. Napangiwi siya sa naalala kagabi. Hindi nya alam kung matatakot siya o masiyahan dahil nakita niya ang paghanga na rumihistro sa mukha nito. Lumayo ng kaunti si Rafael sa babae. Naghahabol rin siya sa kanyang hininga kahit pandak ang babaeng ito, nangalay din ang kanyang braso sa paghila nito. May ilang sandaling nanatili rin siyang naka upo sa buhangin, hindi niya mapigilang mapatitig sa babae ng di sinasadya. Damn! this girl!. Pasigaw ng utak niya. Nang Nahimasmasan si Samantha ay bumangon at iniayos ang sarili sa paupong posisyon sa buhanginan. Tinukod ang mga braso ni
Bago paman siya nagpunta sa dalampasigan. Gumana na agad ang imagination niya naisipan niyang mag suot ng mahabang floral dress. Masarap maglad lakad sa tabing dagat kung comfortable ang suot. Mala-rosalenda ang peg! At na imagine na niyang ililipad lipad nito ang mga buhok niya sa hangin habang pa lakad lakad sa dalampasigan. damhin ang paligid at langhapin ang preskong simoy ng hangin. Pero hangang imaginasyon lang lahat ng iyon dahil maraming basura sa paligid ang mala asul na dagat ay napalitan ng kulay brown at nagkalat ang mga basura sa buhangin. Kahit na medyo galit pa ang karagatan dahil sa malalaking alon may parte naman sa dalampasigan ng medyo hindi naabutan ng mataas at maalon na tubig. Itong suot na floral dress pa ata ang tsutsugi sa kanya at ang buhok nya na hindi tinatali na natatakpan na ang mukha nya dahil sa pag anod anod nito sa tubig,hindi hangin ang magpapalilipad lipad ng buhok nya kundi tubig alat! Saklap! . Anak ng pating! Parang masalimuot pa ata ang k
Umaga palang ay nagtungo na si Samantha sa dalampasigan para makalanghap ng sariwang hangin. Atleast naman mahimasmasan siya sa nangyari kagabi. Mabigat man sa loob na hindi pweding libutin ang buong kapaligiran ng puerto sinikap parin niyang mapuntahan kahit manlang sa ilang bahagi nito. Para may ma ireport kahit paano. Ayaw niyang makita ang kampon ni satanas. Hanggang ngayon hindi parin maalis alis sa utak niya ang ginawa ng lalaki. Dito nalang muna siya mag iikot baka kung sawayin pa niya ang gusto nito ay baka makaladkad pa siya nito ng wala sa oras. Kung pwedi lang mai-sako ang judas na yon kagabi pa niya sana ginawa. Wala naman siyang sisirain sa resort na ito. Kung maka banta akala mo naman maraming treassure na iniingatan sa lugar na ito na ayaw ma diskubre. Mahirap pa ata sa lovelife niya ang gusto niyang mangyari. Mdyo makulimlim parin ang paligid dahil narin sa bugso ng panahon, kahapon pa nag wewelga ang kalangitan hangang ngayon wala pa itong balak tumigil. Malamig an
Tanghali na ng magising si Rafael. Dala siguro marahil sa matinding pagod sa byahi mula canada papuntang puerto. Nang malaman ang plano nang ama. Agad siyang umuwi ng pinas. Matagal na niyang pre-noprotektahan ang Isla. Walang ibang pweding gumalaw sa resort. Ito nalang ang katangi tanging ala-alang na iniwan ng yumaong ina. Dito na sila lumaki ng kanyang kapatid. At ito ang nagpapagaan ng kalooban niya. Makikitang walang pagbabago, at malinaw parin sa mga balintataw niya ang mga nakaraan mahimasmasan manlang ang pangungulila niya sa yumaong ina. Aaminin man nya hangang ngayon uwaw parin siya sa pagmamahal nito. Matagal nang gusto ipa-develop ng ama ang lugar. Ngunit sa abot ng kanyang makakaya pipigilan niya ito. Ilang beses na rin nilang pinagtalunan ito. “Masaya akong bumalik kana dito Rafael,” Wika ni Yaya kareng sa binata habang naghahanda ito ng pagkain para sa agahan. Sumulyap pa ito sa kabilang kwarto at suminyas sa kanya kung nandyan pa ba ang bisita kagabi. Hindi ko nak
Kanina pa talaga niya ito gustong pa ulanan ng sidekick! Gusto na talaga niyang magsisi bakit pa siya pumayag sa business trip nato. Parang kahit ano pang gawin niya’y hindi ito uubra. Kung magmamatigas siya baka sa labas na siya masikatan ng araw. Baka doon na niya makatabi ang mga totoong multo ng wala sa oras. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. At tumigil ito sa may bandang dibdib niya. Kahit may kapandakan itong babae, makinis at maganda ang portion ng mga balikat. Balingkinitan ang katawan. Dahil sa manipis na sando na suot nito kitang kita ni rafael ang mga naka umbok na mayamang dibdib nito. "Manyakis!" sabay takip ng dibdib. Sandali! hindi siya naka suot ng blouse. Dahil sa pagmamadali upang masilip ang kumakalabog. Nakalimutan niyang mag suot nang pang itaas. tanging sando lang na manipis ang suot niya! Buti nalang hindi niya na isipang mag tangal ng bra kanina! " Anong tinitingin mo dyan? Wag mo akong pagnanasaan!". Wagkang mag alala hindi ako pumapatol sa