The Unwanted Romance

The Unwanted Romance

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-05-13
Oleh:  AlyaBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
12Bab
10Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

ol ni Samantha ang kanyang Tita Claudia. Bago ito nagsimulang maging manyakis at pasaway sa buhay. Akala mo naman mauubusan ng lalaki. At ayon sa kanyang tiyahin, ganun ang magiging peg niya pag hindi siya nag-effort na nahapin ang pana ni kupido habang bata pa siya at sariwa. Kaya nang mag alok ng business trip ang kanyang boss. Para pag aralan ang resort na pag-aari nito. Hindi siya nagdawalang isip. Sinungaban niya ito agad! Sa unang gabi palang niya sa Puerto, sa balwarte ng mga Adams ay nabulabog agad ang mahimbing na pagtulog niya. Malakas ang kabog ng dibdib na napabangon siya! Ayon kay Aldena, ang secretary ng boss niya, wala namang ibang tao sa resort maliban sa kanya! Matagal nang hindi pinansin ng mga Adams ang lugar. Kaya nagmistula itong itinakwil ng mahabang panahon. Kung ganon?. Sino ang lumikha ng ingay! Dalawa lang ang nasa isip niya. Kung hindi ito multo magnanawakaw! o di kaya’y rapest! mananakaw pa ata ang dangal niya sa lugar na ito. “Who are you?! Paasik ng lalaking nasa harap niya. Napapitla si Samantha sa lakas ng boses nito. “Ms.! Umalis kana sa resort ngayon din! Bago pa ako mawalan ng bait sayo! The man turns out to be Alfonso Son! Anak mg boss niya! Rafael Adams! Virus ata ang tingin nito sa pagkatao niya, kung ipagtabuyan siya nito para siyang may nakakahawang sakit!

Lihat lebih banyak

Bab 1

chapter 2

Maghahating gabi na ng dumating si Samantha sa kabahayan madilim at walang ilaw sa paligid. Hindi na bago iyon sa kanya at sanay na rin siya. Pero nakaka-miss parin iyong panahon na pag uwi niya ay naghihintay ang kanyang tiyahin.

Ngayon. Hindi na niya alam kung saang lupalop ito ng mundo naglalakwatsa.

Napansin niya na madilim pa ang buong kabahayan. Wala pa ang tita Claudia niya. Nang makapasok sa may tarangkahan at pinindot ang switch ng ilaw. Saka napasigaw pagkakita ng isang pigura na nakaupo sa dilim.

“Ay, kabayo!" Sa pagka bigla muntik na itong mahampas nang dala niyang maleta.

“Ay, kalabaw! Bulalas din ng pigura, na si tita Claudia pala!

“Titaaaa!.. aatakihin ako sayo nang wala sa oras eh!. “Buti nakilala ko agad kayo! Diosko, naman! Ba’t ba kasi hindi mo binuksan ang ilaw. Nagtitipid kaba sa kuryente Tita?” reklamo ni Samantha.

Naka pamaywang sa kanyang harapan ang isang 52 anyos na tiyahin. Kahit may edad na. Bagets parin naman itong tingnan.

“Ikaw pa ang may ganang atakihin! ako na nga ang kamuntikan mo nang mahampas nang dala mong maleta'? Pabulyaw na sagot nito sa kanya.

“Buti nga tita nakapag pigil ako kung hindi bukol sana aabutin mo! Bakit andito ka sa bahay tita? nakapagpanibago ata. Walang gimik?" tanong niya dito.

"Tumigil ka Samatha! At bakit ngayon kalang?" Sabay batok nito sa kanya.

“Aray ko po titaaaaa!

Kung hindi lang talaga masama ang pumatol sa nakatatanda pinasok na niya ito sa maleta at dalhin sa pinakatuktuk na hagdan at doon ipagulong-gulong hangang sa bumalik sa katinuan.

“At saan ka naman pupuntang bata ka?" Hindi niya pinansin ang tanong nito.

Bagkos sinuyod niya ito ng tingin. Mula ulo hanggang paa.

Sa mga sandaling ito hindi na niya alam kung normal pa ba ang tiyahin. Naka crop top ito at kulay pink! Tenernuhan ito nang makarina short. Kaparehas din ng kulay ng pang itaas. Hindi rin nakaligtas sa mata ni Samatha ang bulaklaking headband nito sa ulo na mas malaki pa sa bonbonan nito.

Suntukin ko kaya sa balun balunan ang tiyahin ng lumabas lahat ng masasamang espirito na sumanib sa katawan nito.

Diosko! Bakit kasi sa dinami-dami ng kaluluwang pagala-gala sa mundo bagets pa ang pumasok sa katawan ng tiyahin! Mabuti sana kung matandang maligno nalang katangap tangap pa iyon. Masakit pa sa ulcer ang hitsura nito. Nakaka stress!

“Tita ok lang kayo? Buti hindi kayo napagkamalang galing mental”. Saad niya dito habang nagpipigil sa sarili hindi niya alam kung maawa ba siya o matatawa sa tiyahin.

"Cge Samatha kutya-in mo pa ako sa ngayon! kapag lumagpas kana sa kalendaryo saka mo ako maiintindihan!". Himikbi pa ito at nagpahid ng mga luha.

“Tita lalo akong naguguluhan sa inyo eh!" Sa mga oras na ito hindi alam ni Samantha kung sakit sa ulo o sakit sa sikmura ang umataki sa kanya. Napahawak nalang siya sa kanyang tiyan.

“Bakit? Umataki na naman ba ang ulcer mo? Pabalang na tanong ng tiyahin.

Haggard na ang beauty mo girl. Mas fresh pa sayo si Aling Dionisya.

Kung magsalita ito pabagets ng pabagets.

“Kasalanan mo naman yan Samantha, sabi nang doktor mo huwag kang magpapagutom. Eh! dedma ka sa kanya. Kaya wag mong aasahan na gumaling ang ulcer mo, mas lalala pa yan. Mas bobongga pa yan kompara sa lovelife mo!" Patuloy sa paglilitanya nito.

Sarap talagang pasabugin ng bomba ang bibig nang tiyahin ng matigil!

"Tumigil ka nga tita!. lovelife nalang palagi ang bukang bibig mo eh!"

Pasimangot niyang sagot.

"Iwan ko ba sayo bata ka! Lahat naman nang na-ipundar ko sayo naman mapupunta. Pero bakit kayod kalabaw ka! Wag mong maliitin ang na-ipundar ko. Kung wala ka namang bisyo’y pwedi ka namang mamuhay na parang Donya. Nagmamadali kang kumita ng pera. Akala mo naman may bombay na palaging nangungulikta. Twenty -seven ka palang! Pero parang magkasing edad lang tayo kunting kimbot nalang, lalagpas kana sa kalendaryo.!”

“ Anong magkasing edad?! Nalalasing na naman kayo sa mga imagination n’yo Tita? Ang layo kaya ng agwat nang edad natin!” kontra niya dito.

“Hoy, babae! Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin at ikompara mo sa akin. Para kanang dugyot! Daig mo pa ang nalipasan ng isang libong taon. Mabuti sana kung sinali mo sa kayod ang pagkakaroon mo nang lovelife. Kaso Malabo pa sa mata ng matanda! Mag hunos dili ka Samantha! Hindi kana bumabata tatlong taon nalang lalamunin ka ng sumpa!”

“Titaaaaa! kaya kayo napagkamalang kulang kulang sa buwan dahil sa mga paniniwala niyo sa mga ninunu natin!. Matanda kana nagpapaniwala parin kayo?"

“Pwes! Ke maniwala ka sa hindi Samantha. Andiyan pa rin ang masaklap na katutuhanan na pinamanahan tayo ng mga ninunu natin ng isang masaklap na sumpa!. Kaya kung ako sayo lumandi kana hanggat maaga pa at may katas kapa sa katawan. Sa ngayon hindi mo pa alinta. Dahil hindi mo pa nakikita ang pwede mong sapitin. Pero pag nagka edad kana at wala na sa kalendaryo tingnan natin kung hindi mo luluhuran lahat ng mga santo magka dyowa ka lang!"

"Kaya kayo naging pariwara tita, dahil sa ka iisip mo sa mga ganyang bagay!. Kahit sino sino nalang pinatulan mo para magka boylet!"

"Wala kang karapatang isukmat yan sa akin Samatha!. Dahil hindi mo alam pinagdaanan ko!

Hindi alam ni Samantha kung babatukan ba niya ang tiyahin or pa ulanan ng sidekick sa bagang ng mahimasmasan. Tumalikod at nagtungo nalang siya sa kanyang kwarto alam niyang walang patutunguhan ang pagtatalo nilang dalawa.

"At saan ka naman pupuntang bata ka?" Bakit may dala dala kang maleta? Don't tell me aalis kana at iiwan muna ako? Saad nitong nagtataka.

"Hindi tita, kahit kailan d kita iiwan. Sayang ang pamana mo sa akin." Pabirong sagot niya dito.

"Hayyssst. Samantha!. Seryoso saan punta mo? kakalbuhin talaga kita pag hindi ka nagsasabi ng totoo!

"Business trip tita. Ako ang pinapunta ng boss ko sa Isla Puerto" Sagot nya dito

"Owssss!? sagot ng tiyahin na parang nag dududa.

"Seryuso ako tita!

"At sinong kasama mo?" Tanong nito.

"Mag isa lang ako." Sabay talikod nya dito.

“FYI kaya ako nagtatago sa dilim dahil nagluluksa ako!."

Dahil sa narinig bigla siyang napahinto sa may tarangkahan ng kwarto niya at napaharap sa tiyahin.

“Nagluluksa!? Bakit?" may namatay ba? Takang tanong ni Samantha.

"Pinatay ni Alfred ang puso kung umiibig"!. Sabay hagulhol nito.

"Dios na mahabagin! Normal paba kaya ang kanyang tiyahin? Hindi lang kaluluwang bagets ang sumanib sa katawan nito may broken hearted din!.

Kung kanina ulcer lang at sakit sa ulo ang sumakit sa kanya. Ngayon aatakihin na ata siya nang sakit sa puso.

“Bakit naman kasi tita pumatol pa kayo sa bagets. Gagawin lang kayong matrona! Peperahan lang kayo! Bakit di…

“Ano sesirmunan mo ako? Putol nito sa mga sasabihin pa sana niya. I record mo ang conversation natin ngayon Samantha!. Saka mo pakingan kapag ikaw ay kasing edad ko na at wala parin asawa. Huwag kang tumulad sa akin. Huwag mong hintayin na maging tuyo’t matanda kana bago mo maisipang lumandi. Baka tambay nalang sa kanto ang papatos sayo. Ang masaklap pa hindi na ikaw ang pagnanasaan nila kundi ang nasa bank account muna!"

Iling iling nalang na pumasok sa kanyang kwarto si Samantha. Kunti nalang talaga at maniwala na siya na sinapian ito ng masamang elemento o di kaya’y tinakasan ng kaluluwa sa katawan. Kulang nalang tatawag na siya ng albularyo O di kaya sa mental hospital. Tinakasan talaga ng bait ang tiyahin niya. Sana naman bumalik na sa dating katinuan. Yong dating matino, matalas sa pag iisip at pormal kumilos. Ito dati ang kanyang modelo at inspirasyon sa buhay. Pero biglang naglaho, iwan ba niya bakit biglang nag iba ang spirito nito sa katawan.

Bata pa lamang siya nang iwan nang ina sa poder ng kanyang tita Claudia. Para sumama sa ibang lakaki. Ang ama naman niya’y lalo namang wala siyang alam kung saang lupalop ito ng mundo. Fetus palang daw siya sa tiyan ng kanyang ina ay naglaho na ang ama.

Ang kanyang Tita lang ang sulong nagpalaki sa kanya. Tinuri siya nitong parang isang tunay na anak. Kaya nasasaktan siyang makita ang pinagagawa nito ngayon. Hindi naman kasi nakinig sa mga payo niya. Saka lang daw ito makikinig pag nag asawa na siya. Iba talaga ang advocacy nito sa buhay. Kumbaga to see is to believed.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
12 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status