共有

chapter 1

作者: Alya
last update 最終更新日: 2025-04-06 17:29:10

Hinimas ni Samatha nang langis ang kanyang tiyan. Parang masusuka na naman siya sa sobrang hapdi nito. Hindi pa siya kumain nang hapunan. Katatapos lang niya sa meeting ng mga Adams. Maraming agenda. Isa na dito ang proyektong hahawakan niya at ito ang Isla Puerto.

Tuloy sa pagtupad ng tunkulin bilang isang marketing executive.

Habang nag mamaniho pa uwi ay hindi niya halos mai- fucos ang paningin at atensyon sa pagmamaneho. Parang babaliktad ang sikmura niya sa sobrang pait. P*st*ng ulcer to! Masyado nang feeling close!

Dati pa siyang may ganoon. Pero lately ay dumalas ang pag hapdi ng kanyang sikmura. At ang tindi pa, to the point na nalaarma na siya at napilitang magpa- checkup. Salamat naman at walang nakitang nakakamatay na disease sa kanyang katawan sadyang papansin lang talaga ang tiyan niya gustong oras oras lumamon.

Ang pagkain nang wala sa oras ang isa sa mga dahilan nito kaya madalas itong umataki. Sabi ng doktor hindi dapat malipasan ng gutom.

Dinedma na lang ni Samatha ang payo ng doktor. Wala pa naman siyang naririnig na nakakamatay ang ulcer.

May na-ipon naman siya kahit papano. Ang tunay na dahilan, siya ang tipo ng tao na magkakasakit kapag walang ginagawa. Bata pa ay achiever na siya at walang balak na kung kailan nagging adult ay saka pa pepetiks.

May biglang tumawid. Pusa!

Kung hindi siya inaataki ng ulcer edi sana naka fucos siya, at napagana ang defensive driving skills. Kaso nga ay distracted siya, ang tanging nagawa ay kabigin ang manibela. Sumalpok siya sa malaking puno. Kamuntikan pa niyang masagi ang fishball cart na nakaharang sa sidewalk. Mabuti nalang at kumagat agad ang kanyang preno.

Panay ang litanya niya sa mga santo habang hingal na hingal. Bumaba siya ng sasakyan para alamin kung may na disgrasya siya, maliban lamang sa minalas na puno na tahimik na nakatayo sa gilid ng kalsada. Ang aleng nagtitinda ng fishball ay napasiksik sa gilid ng cart nito. Nang tinanong niya, ay wala naman daw damage sa paninda nito. Inabutan niya ito ng limangdaang piso, danyos para sa emotional trauma ng ale.

Humingi ng paumanhin at lumulan na uli siya sa kanyang sasakyan. Kunting gasgas lang naman ang pinsalang tinamo ng kanyang kotse.

“Nakakasama na sa kalusugan ang pagiging workaholic mo!” Boses ni Tita Claudia ang umepal sa kanyang guni guni. Matapos mag maniubra para maibalik sa kalsada ang kotse.

“Nakakasama rin sa lovelife ang sobrang katangahan sa buhay Samantha!" Yan ang pa ulit ulit na lumalabas sa bibig ng tiyahin. Napangiwi si Samantha, hindi dahil sa sakit nang ulcer niya kundi dahil sa naalalang madalas na sabihin nang kanyang tiyahin.“ Tatanda kang dalaga! Ikaw ang magmamana ng sumpa, magagaya ka sa akin!”

Sa lahat naman ng ayaw niyang mangyari, ay ang magaya sa kanyang tiyahin. Tumandang dalaga at halos manyakin na ang mga kalalakihan upang makahanap nang mapapangasawa. Nakakatindig balahibo naman, kung aabot pa siya sa ganung sitwasyon.

Well, okay naman sana ang kanyang tiyahin. Isang medium-rise building na pinapaupahan sa ibat ibang klase ng business establishment ang naipundar nito, na ngayon retired na ay siyang source of income.

Larawan si Tita Claudia ang isang happy and empowered single lady. Kaya lang walang matawag na sariling pamilya. Dahil na-sobrahan sa pagka independent kaya ngayon nagsisi dahil nagka-edad na. Marami itong advocacies at abala sa mga iyon.

Nagpakabihasa ito sa martial arts. Nag aaral ding bumaril. Pilit pa nga siyang isinama kaya pati siya pwede ng sumabak sa gera. Wla siyang magawa kahit na ayaw niya. Baka sasama ang loob, at atakihin pa nang alta presyon.

Kapag may oras, at hindi busy sa trabaho namamasyal si Tita Claudia kung saan-saan kasama ang ibang mga matronang kagaya nito.

Hangang sa tamaan ito ng ewan, kung anong life stage crisis. Parang sa isang magdamagan lang ay nag iba ang pagkatao ng tiyahin. Daig pa ngayon ang pasaway na bagets kung umasta. Gimik dito gimik doon, kung saan-saan nang i-stalk para makakabingwit ng boylet.

Lalabanan ko ang sumpa sa abot nang aking makakaya! I won’t die a lonely old lady! Kaya kung ayaw mong magaya sa akin dahan dahan kanang lumandi!

Biglang nag-fast forward ang imagination niya twenty years from now, iyong siya naman ang nasa lugar ng Tita Claudia, nangha-hunting nang boylet na puputol sa sumpa diumano nang kanilang angkan.

Parang nakakakilabot na pangita-in ang sumagi sa kanyang isipan. Hindi siya naniniwala sa sumpa. Pero sumpa na rin para sa kanya ang makita ang sarili na nahihibang na kagaya ng kanyang tiyahin.

"Ay!" Muntik na naman siya mabundol hindi niya namalayan may lubak pala sa nadaanan niya. Umaalog ang kanyang sasakayan, distracted na naman siya pero buti nalang alerto na siya. Itinuon na niya ang pansin sa pagmamaneho bago pa siya ma disgrasya o makadisgrasya ulit. Pero salamat na rin sa lubak at tumalsik paalis sa kanyang diwa ang histsura ni Tita Claudia.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • The Unwanted Romance   Chapter 12

    Bago paman siya nagpunta sa dalampasigan. Gumana na agad ang imagination niya naisipan niyang mag suot ng mahabang floral dress. Masarap maglad lakad sa tabing dagat kung comfortable ang suot. Mala-rosalenda ang peg! At na imagine na niyang ililipad lipad nito ang mga buhok niya sa hangin habang pa lakad lakad sa dalampasigan. damhin ang paligid at langhapin ang preskong simoy ng hangin. Pero hangang imaginasyon lang lahat ng iyon dahil maraming basura sa paligid ang mala asul na dagat ay napalitan ng kulay brown at nagkalat ang mga basura sa buhangin. Kahit na medyo galit pa ang karagatan dahil sa malalaking alon may parte naman sa dalampasigan ng medyo hindi naabutan ng mataas at maalon na tubig. Itong suot na floral dress pa ata ang tsutsugi sa kanya at ang buhok nya na hindi tinatali na natatakpan na ang mukha nya dahil sa pag anod anod nito sa tubig,hindi hangin ang magpapalilipad lipad ng buhok nya kundi tubig alat! Saklap! . Anak ng pating! Parang masalimuot pa ata ang k

  • The Unwanted Romance   chapter 11

    Umaga palang ay nagtungo na si Samantha sa dalampasigan para makalanghap ng sariwang hangin. Atleast naman mahimasmasan siya sa nangyari kagabi. Mabigat man sa loob na hindi pweding libutin ang buong kapaligiran ng puerto sinikap parin niyang mapuntahan kahit manlang sa ilang bahagi nito. Para may ma ireport kahit paano. Ayaw niyang makita ang kampon ni satanas. Hanggang ngayon hindi parin maalis alis sa utak niya ang ginawa ng lalaki. Dito nalang muna siya mag iikot baka kung sawayin pa niya ang gusto nito ay baka makaladkad pa siya nito ng wala sa oras. Kung pwedi lang mai-sako ang judas na yon kagabi pa niya sana ginawa. Wala naman siyang sisirain sa resort na ito. Kung maka banta akala mo naman maraming treassure na iniingatan sa lugar na ito na ayaw ma diskubre. Mahirap pa ata sa lovelife niya ang gusto niyang mangyari. Mdyo makulimlim parin ang paligid dahil narin sa bugso ng panahon, kahapon pa nag wewelga ang kalangitan hangang ngayon wala pa itong balak tumigil. Malamig an

  • The Unwanted Romance   Chapter 10

    Tanghali na ng magising si Rafael. Dala siguro marahil sa matinding pagod sa byahi mula canada papuntang puerto. Nang malaman ang plano nang ama. Agad siyang umuwi ng pinas. Matagal na niyang pre-noprotektahan ang Isla. Walang ibang pweding gumalaw sa resort. Ito nalang ang katangi tanging ala-alang na iniwan ng yumaong ina. Dito na sila lumaki ng kanyang kapatid. At ito ang nagpapagaan ng kalooban niya. Makikitang walang pagbabago, at malinaw parin sa mga balintataw niya ang mga nakaraan mahimasmasan manlang ang pangungulila niya sa yumaong ina. Aaminin man nya hangang ngayon uwaw parin siya sa pagmamahal nito. Matagal nang gusto ipa-develop ng ama ang lugar. Ngunit sa abot ng kanyang makakaya pipigilan niya ito. Ilang beses na rin nilang pinagtalunan ito. “Masaya akong bumalik kana dito Rafael,” Wika ni Yaya kareng sa binata habang naghahanda ito ng pagkain para sa agahan. Sumulyap pa ito sa kabilang kwarto at suminyas sa kanya kung nandyan pa ba ang bisita kagabi. Hindi ko nak

  • The Unwanted Romance   chapter 9

    Kanina pa talaga niya ito gustong pa ulanan ng sidekick! Gusto na talaga niyang magsisi bakit pa siya pumayag sa business trip nato. Parang kahit ano pang gawin niya’y hindi ito uubra. Kung magmamatigas siya baka sa labas na siya masikatan ng araw. Baka doon na niya makatabi ang mga totoong multo ng wala sa oras. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. At tumigil ito sa may bandang dibdib niya.Kahit may kapandakan itong babae, makinis at maganda ang portion ng mga balikat. Balingkinitan ang katawan. Dahil sa manipis na sando na suot nito kitang kita ni rafael ang mga naka umbok na mayamang dibdib nito. "Manyakis!" sabay takip ng dibdib.Sandali! hindi siya naka suot ng blouse. Dahil sa pagmamadali upang masilip ang kumakalabog. Nakalimutan niyang mag suot nang pang itaas. tanging sando lang na manipis ang suot niya! Buti nalang hindi niya na isipang mag tangal ng bra kanina! " Anong tinitingin mo dyan? Wag mo akong pagnanasaan!".Wagkang mag alala hindi ako pumapatol sa walang

  • The Unwanted Romance   chapter 8

    “Hindi ka multo? Takang tanong ni Samantha dito. Lalapit na sana siya sa lalaki upang hawakan ng masiguro kung multo ito. Ngunit bago paman siya makalapit may kung anong nakaharang sa paa niya at huli na para makaiwas, natisod na siya sa isang bangketa. At booom! sa pagka taranta ni Samantha hindi niya alam kung saan siya hahawak. Ngunit bago paman siya lumanding sa sahig may nahawakan na siyang isang mataas na bagay na medyo malambot sa pakiramdam. Sa pag angat ng mukha niya d niya alam kung gustohin pa niyang mabuhay! O gusto niyang lalamunin nalang siya ng lupa. Sa lahat ng pwede niya mahawakan! Ay ang hugis spada pa ng kaharap! ang masilang bahagi pa ng katawan ng lalaki! Wala na talaga siyang ginawang tama! Kaya naman pala parang iba ang hugis ng nahawakan niya! Panginoon na mahabagin! dibdib lang naman ang hiniling ko kanina bakit lagpas pa doon ang binibigay mo. Ayaw kung mamatay na makasalanan. Lahat na atang kamalasan sa mundo nasalo na niya.“Are you crazy?” paasik ng lala

  • The Unwanted Romance   chapter 7

    Kung kanina ay medyo mahina pa ang kalabog! Sinamahan na ng hila ng bangko, tumataginting na mga pingan at kutsara!." Pun***tang multo! ayaw ata nito may ibang tao sa resort. Sandali! d kaya magnanakaw? Marami pa naman antique sa kabahayang ito. Parang siyang nasa isang pelikula. Mayrong nagwawala sa paligid tapos lumabas ang mga multo at humihingi nang hustisya!. Kung sino kamang ponsyo pilato ka! magnanakaw kaman o multo, di kita aatrasan! babalian talaga kita ng buto pag nahuli kita!. Hindi siya dapat matakot. Kaya niyang depensahan ang sarili. Baka hindi nito alam black belter siya. Pasalamat nalang siya sa kanyang tiyahin, kahit papano’y may magagamit din siyang self-defense. Hindi nasayang ang pagsama- sama niya sa mga trainings nito. Huwag lang naman sanang halang na kaluluwa baka pag tripan pa siya nitong isama. “Samantha! Sigaw nang nasa kabilang linya. “Nakalimutan mo ata kausap mo pa ako!” “Tita shsssss! Wagka ngang ma- ingay dyan”“Hoy! Bata ka! ano bang nangyayari dyan!

  • The Unwanted Romance   chapter 6

    Ay, Spirito! nagulat na naman siya sa pag tunog ng cellphone niya. Tita niya ang nasa kabilang linya. Bigla siya nitong napabalikwas ng bangon! May kumakalabog. Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatulog. Hindi siya pweding mag-chill kaya tumayo siya. Pasado alas 10 na ng gabi. Gutom na siya."Ay butiki’! Nagulat siya ng tumunog ang kanyang cellphone! “Si Aldena! Ang secretary ng boss niya! “How are you? Andyan kana sa Puerto? nakilala mo na si kareng?" sunod sunod na tanong nito. "Cheni check lang kita kung ok kalang dyan. Napatawag kasi c boss pinatanong kung nakarating kana sa Isla.” “Ay Uho Aldena, Kanina pa mga bandang alas 8 ako nakarating si yaya kareng ang nag asekaso sa akin dito." "Kumusta ang resort sa puerto? Salubong na tanong agad nito sa kanya. “Maganda naman di pangkaraniwan ang desenyo nito mga yari sa bato. I was thingking na maganda cguro kung lagyan ng hotel ang puerto." Sagot niya dito. Maganda ang lugar na iyan Samatha, napabayaan lang ng ilang tao

  • The Unwanted Romance   chapter 5

    Pagdating sa dalampasigan ay agad siyang inalalayan ng bangkero upang makababa ng bangka. Pasado alas 8 na nang gabi ng dumating si Samantha sa Isla puerto. Malayo ito sa kabihasnan pati sa ibang Isla." Ma’am ehatid na kita sa resort ng mga Adams." Bolontaryo ni Istong. "Cge Manong. Salamat". Kinuha ng bangkero ang dala niyang maleta at sumunud narin siya. Nang makarating sa tarangkahan ng resort ay agad na siyang kumatok sa pintuan ng bahay na yari sa bato.Bumungad agad sa kanya ang isang matandang babaeng nasa late 50’s na ang edad nito. Nagpaalam narin ang bangkero ng masiguradong ligtas siyang nakarating sa loob ng resort.“Magandang gabi ho manang” Bati niya dito. “Diosko! basang basa ang damit mo ining! Sambit nito. "Ok lang hu manang". “Halika pumasok kana”. Nagmamadaling hinila ng matanda ang dala niyang maleta upang tuluyan na siyang makapasok. “Ikaw pala ang sinasabi ni Alfonso na paparito sa Puerto iha? “Ay! uhu manang! Ako pala si Samantha.” Pagpapakilala niya

  • The Unwanted Romance   chapter 4

    Pagdating sa pier kumakaway agad ang lalaking naka sombrero, ito ata ang magdadala sa kanya sa isla. Agad din naman silang lumapit dito. Nagpakilala naman agad ang bangkero. "Magandang gabi hu ma'am. Ako po si Istong. "Magandang gabi din sayo manong" Medyo nasa late 40's na ang edad nito. Kung tingnang maigi mabait at bisaha na sa paglalayag si manong. Purmahan palang ng katawan nito alam niyang batak ito sa pagtratrabaho. Di biro ang isang bangkero dahil sa kanila nakasalalay ang buhay ng mga pasahero. Tiningnan niya agad ang karagatan, walang ibang nakikita si Samanta kundi puro kadiliman! Halos umakyat sa balun balunan niya ang nerbyos. Ayaw na niyang tingan uli ang karagatan. Dios na mahabagin! Sa lahat ng pwede niyang pagdaanan ito pang buwis buhay! Kunting mali lang ng bangkero makikita nila agad si San pedro! Hindi pa siya nagkakaboyfriend tapos ito pa ang sasalubong sa kanya. Sobrang malas naman ng buhay niya kung matatapos sa edad na baynte siete. Hindi na ito adven

無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status