Matapos sumuka ng paulit-ulit, sa wakas ay nakaramdam ng kaginhawaan si Carmina.Huminga siya ng malalim, naghilamos siya ng mukha at tinapos ang kaniyang pagmemakeup bago lumabas."Ma, napatawa kita, I just lost my posture right now.”Tumingin si Carmina kay Megan na nakaupo sa sofa at nakaramdam ng sobrang kahihiyan.Ngumiti lang si Megan, "Okay lang.”Pagkatapos ay sinenyasan niya itong umupo, at agad na umupo si Carmina sa tabi niya nang maingat at dahan dahan.Palaisipan ngayon kay Carmina kung bakit biglaang dumalaw sa kaniya ang kaniyang biyenan.‘Ano kaya ang dahilan bakit nandito ang biyenan ko?’ Tanong ni Carmina sa kanyang isipan.Dahil sa kaba, kumakabog ng husto ang kanyang puso, at medyo hindi na mabagal ang kanyang paghinga, ngunit hindi ito ang pinakamahalagang bagay, lalo siyang natatakot na tanungin siya ng kanyang biyenan tungkol sa "pagsusuka".Pero ang pagsusuka niya ay nagkataon lang.Makalipas ang ilang sandalling katahimikan, ang boses ng kanyang biyenan ay uma
Ang paulit-ulit na tanong ni Megan ay medyo ikinainis ni Enrico.Hinila niya ng bahagya ang kanyang kurbata at mahinahong sinabi niya, "Mom, kung hindi ninyo nalalaman ay napaka kalmado ni Carmina, ang bagay na ito ay hindi kasing seryoso katulad ng mga sinabi mo.”"Hindi seryoso? Anong hindi seryoso?” Sinusubukang pakalmahin ni Megan ang kaniyang sarili at tumingin muli siya kay Enrico, "Hindi alam ng lolo mo ang tungkol dito. Kung ipapaalam mo ang pagpaplanong hiwalayan na inyong ginagawa ni Carmina, alam mo kung ano ang kayang gawin ng lolo kahit na sa maliit na bagay lamang, and don’t not to mention, hindi ito isang maliit na bagay lamang, I am sure na mawawalan ka ng proteksyon kahit pa magagawa mo naman ito nang mag-isa.” Kalmado pa rin ang tono ng ina ni Enrico."At huwag mong isipin na hindi ko nababasa ang iyong iniisip. Dahil lamang sa gusto mong itago ito, itago mula sa akin. Don’t you remember? Grandpa’s health is not in a good condition right now, he’s not as strong as wh
Nang magising si Carmina, dahan dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nakita na puti ang tuktok ng kanyang ulo, at ang amoy ng disinfectant ay naaamoy niya sa lahat ng dako.Umupo si Enrico sa gilid, at nang makita niyang nagising si Carmina ay humakbang siya papalapit dito, "Ano ang nararamdaman mo? Masakit pa rin ba? May iba ka bang nararamdaman na kakaiba?”"Mas mabuti na ngayon."Sabihin man niya na ayos lamang siya ay taliwas ito sa pisikal na makikita kung titingnan ang itsura ni Carmina ngayon. Napakaputla niya, medyo magulo ang kaniyang buhok, at may kaunting dugo sa labi."Nagpabili ako ng lugaw para pag nagising ka ay malalamanan ang iyong tiyan, pero ang tagal bago ka magising kaya lumamig na ito. But then I let someone warm this, kaya kumain ka muna ng konti, Carmina.”Binuksan ni Enrico ang termos, at kaniyang sinandok ang lugaw na sinabi niyang pinainit niya muna.Isa ito sa mga paboritong pagkain ni Carmina."Ayoko kumain.” Umiling siya, gustuhin man niyang kum
Tumingin sa kanya si Enrico, "Sigurado ka bang gusto mo ng 100 milyon?”"Reluctant, Enrico?” Tumingin si Carmina kay Enrico habang nakangisi na para bang nang aasar."As if you don’t know me, Carmina. Is you’re going to ask me that, papayag ako.” Sabi naman ni Enrico.Galit na pinunit ni Carmina ang Divorce Agreement gamit lamang ang kaniyang mga kamay at pagkatapos ay itinapon ang lahat ng mga piraso ng papel nito sa harap ni Enrico."Talagang nabigo ako, Enrico. Nasagot na ang tinanong ko sa iyo nito lamang nakaraan. Sa puso mo pala, ako ay isang babae lamang na sumasamba sa pera at nagmamalasakit lamang sa pag-aari.” Pinipigilan man ngunit may kaunting luha na nagbabadyang pumatak sa mga mata ni Carmina. Hindi niya akalain na talaga palang ganito ang tingin sa kaniya ni Enrico sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama."Do you really love Rebecca that you’re gonna give a hundred million in just a blink?” Kung kanina ay nagagawa pa niyang ngumisi, ngayon ay para nang pinupunit ang k
"Anong deal?” Nagtatakang tanong ni Carmina. "Ayaw mo ba ng pera, Carmina? Gusto ko lang ay itong bracelet. Sampung milyon. Ibenta mo sa akin. Ibenta mo sa’kin ng sampung milyon.” Palusot ni Rebecca. "Sampung milyon?” Ngumisi si Carmina, "Alam nating pareho, Rebecca na ang bracelet na ito ay nagkakahalaga ng isang daang milyon, and now you’re negotiating with me na alam ko sa sarili kong ako lang rin ang malulugi?” ‘Ha! Akala ata ng Rebecca na ito ay gano’n lang ako kababaw.’ Aniya sa kaniyang isip. Nanlamig ang mga kamay at naninigas ang puso ni Rebecca, she gritted her teeth and said, "Okay, sabi mo eh. Ang 100 milyon ay 100 milyon.” Kahit napakamahal nga naman ng bracelet, basta mapapasaiyo ito at papakasalan mo pa si Enrico, kahit ang sampung bilyon ay hindi magiging problema. "You have a hundred million? Tama ba ang rinig ko sa biyenan ko na hindi ka na pinapaburan sa inyong pamilya, Rebecca? Saan mo makukuha ang 100 million na ito?” Nagtatakang tanong ni Carmina habang naka
Si Carmina ay sisigaw na sana, ngunit ilang sandali pa ay isang pamilyar na boses ang nagmula sa kanyang likuran, "Huwag kang matakot, ako ito.”Ang boses na ito?Kung tama ang narinig niya, kay Enrico iyon.Binuksan ni Carmina ang kanyang mga mata, at nang makita niya ang guwapong mukha na iyon na may matingkad na mga mata at bituing kilay, agad siyang natigilan.Matapos matigilan ng ilang segundo, sa wakas ay natauhan siya, at piping nagtanong sa kanya, "Anong ginagawa mo rito? Bakit ka bumalik?”"Ha? Anong ibig mong sabihing bakit ako bumalik? Naririnig mo na ‘yang sinasabi mo? Sa palagay mo ba ay hindi na ako dapat pang bumalik pa?” Tumaas ang kilay ni Enrico."Akala ko magpapalipas ka ng gabi kasama siya sa ospital.”Talagang hindi niya akalain na babalik ito dahil kanina noong sila ay nag uusap ay tila ba naubos ni Carmina ang pasensya ni Enrico.Nang matapos magsalita ni Carmina ay nagsisi siyang ito ang mga itinanong niya kay Enrico, dahil napansin niyang naging seryoso ang at
Natigilan si Carmina, tumalikod siya at mabilis na tumakbo papalayo. Wala talaga siyang lakas ng loob na tingnan kung ano pa ang mga kasunod na mangyayari kung ipagpapatuloy niya ang pa stay roon. Kung kaniya lamang itong pagsisisihan ay mas gugustuhin na lamang niyang hindi na buksan ang pintong iyon.Huminto siya sa pagtakbo at tumigil sa isang corridor, "Enrico, you really are a cruel one, alam mo ba iyon, ha?" Napasandal si Carmina sa dingding, at humihingal.Sobrang sakit ang nararamdaman ng puso niya sa pagkakataong ito at wala siyang ibang choice kundi ang ipikit muna ng mariin ang kaniyang mga mata habang unti unting may pumutak na luha sa mga ito.Nasa isip niya na mabuti pa ang manhid na puso, hindi ito nakakaramdam ng kahit anumang sakit kagaya ng nararamdaman niya ngayon.Biglang bumaliktad ang tiyan niya saglit at tila ba ito ay pinipilipit, nangangasim ang kaniyang sikmura at para bang may mga namumuong laway sa kaniyang bibig. Tumakbo siya sa banyo at kamuntikan ng mahi
"Sabi ko nga." Desidido at simpleng pag-amin ni Enrico.Napangiti ng mapait si Carmina. Bagama't matagal na niya itong nahulaan, gusto pa rin niyang marinig iyon mula sa kanya."Enrico, talaga bang hindi ka na makapag hintay? Hindi ba’t nangako ako sa iyo na kapag kinausap ko si Lolo about our divorce pagkatapos ng kaniyang birthday, eh natural na maibabalik sa atin ang Certificate of Marriage at ang Household Registration Booklet? You don’t have to remind deliberately like this. Hindi ko iyon makakalimutan” Pagkatapos magsalita ni Carmina ay namula ang kaniyang bilog na mga mata.Ang kanyang puso ay pataas at pababa, tulad ng isang marmol na gumulong pabalik-balik na talaga namang hindi kaaya-aya sa pakiramdam.‘Kung gusto mong ipaulit ulit at malaman kung paano sa atin maibabalik ang Certificate of Marriage at ang Household Registration Booklet ay sa akin mo na dapat itinanong, para nasabi ko sa iyo ng mas malinaw. Bakit kailangan mo pang ipadaan sa bibig ni Rebecca ang bagay na i