Share

ENTRAPPED

Hindi alam ni mama na na-discharge na ako sa ospital. Kinulit ko kasi yung doctor pagkauwi nya kaya hindi nya alam. Mabuti nalang at napilit ko yung doctor. Kung ano-ano pang drama ang ginawa ko, payagan lang nila ko. Isa pa, baka maulit yung nangyari kagabi kaya mainam na din ito. Sinabi ko naman sa doktor na weekly akong magpapa-check up.

Tahimik ang naging biyahe namin ni Kir. Hindi ko pa din sinasabi sa kanya kung ano ang nangyari kagabi kahit na anong pangungulit nya. It's better for him not to know. The lesser you know, the safer you will be. I don't want to drag them into this. 

Bumusina si Kir nang makarating kami sa harap ng gate. Maya maya pa ay may isang babae ang nagbukas noon na pinagtaka ko naman. 

"Sino siya?" baling ko sa katabi ko.

"Maid," paliwanag nya habang hindi inaalis ang tingin sa babae.

"Himala, naghire na si mama ng maid?"

Ipinasok na ni Kir ang kotse sa garahe. Hinihintay naman kami ng maid na makababa.

"Yup. I persuade her. She's yaya Lisa's granddaughter," sabi niya sabay ngisi saka umibis ng kotse.

Hindi naman na ako nagtanong at sumunod nalang sa kanila. Bumungad sakin ang nakangiting mukha ng bagong maid. Napangiti rin naman ako. I don't want to be rude especially she's yaya's family.

"Sis, this is dominique. Niqs, this is my sister, Yueno," pakilala ni Kir.

"Welcome back po. A- ako na po magdadala ng gamit nyo sir." Atubili niyang nilapitan si Kir at inabot ang bag na dala nito. Agad naman iyong inilayo ng huli saka ngumiti kay Niqs.

Sa uri ng ngiti ngayon ni Kir kay Niqs parang gusto kong kilabutan sa hindi ko malamang dahilan. I smell something fishy dito sa kapatid ko. Is he a gentleman to others? Sakin kasi hindi.

"No need. I can handle this," tanggi ng kapatid ko. "Let's just get inside, shall we?"

Nauna ng maglakad samen si Niqs habang nakayuko kasunod ang kapatid ko na may maliit na ngiti sa labi habang nakatingin sa dalaga. Nakasunod lang naman ako sa kanila habang pinagmamasdan ang kilos nilang dalawa. To my surprise, my brother even opened the door for her. 

Napakunot noo ako bago unti-unting napangisi. Yung totoo? Katulong nga ba talaga?

Hindi ko maiwasang pasadahan ng tingin si Dominique. Well, curious lang naman ako sa kung ano ang tipo ng kapatid ko. He's not that open when it comes to his flings and relationships so I'd better not missed this one.

Wala naman akong masasabi sa mukha ni Niqs dahil kung sa maganda ay maganda talaga ito. Hindi siya sobrang puti at lalong hindi rin katangkaran. Sa height ko na 5'3 ay halos matangkad pa yata ako sa kanya ng one or two inch. Counted yon kasi mas mataas pa rin ako. Mahaba at itim na itim ang buhok niya. Simple din manamit. Well, for my brother, he sure have a good taste. 

"Done checking her out?" mataray na sita sakin ni Kir. Nakapasok na noon si Niqs sa kusina habang kami ay naiwan sa salas. Napangisi ako. Nakahanap na naman ako ng pang-asar sa kanya. 

"Don't worry brother. I have no plans of taking her away from ya," pang-iinis ko sa kanya. Nakita ko pang nalukot ang noo nya bago ko sya lagpasan. "Now where is my mom?"

Noon namin narinig ang pagsigaw ni Niqs mula sa kusina. Agad kaming tumakbo ni Kir papunta don. Naabutan naming salo ni Niqs si mama na halos mawalan na ng malay at mangiyak-ngiyak habang hawak ang cellphone sa isang kamay. Sa itsura ni mama ngayon unti-unting nilulukob ng kaba ang dibdib ko. Halos magkasabay kami ni Kirius na dumalo sa kanya.

"Ma, anong nangyari?" Si Kirius na ang unang nagtanong. Pero bago pa makasagot si mama ay kinuha ko na ang cellphone sa kamay nya. Habang iniinspeksyon ko ang cellphone ay biglang nagsalita si mama.

"Ang papa nyo", hagulgol nya. "Ang papa nyo.."

Naudlot ang mga daliri ko sa pag-scroll at wala sa loob na napatingin kay mama. "No." tanging lumabas sa bibig ko.

Nilingon ako ni Kir na bakas ang takot sa mukha bago humarap kay mama. "Ma, anong nangyari kay papa?"

Humagulgol na ng tuluyan si mama. Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ako makahinga. Isa isa ring nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. 

"Wala na ang papa nyo." Sinapo naman ni mama ang mukha saka dire-direchong humagulgol. Natigagal ako. Parang literal na huminto sa pag-ikot ang mundo ko. This can't be happening.

"Mam Aya! Mam Aya!" Nabalik ako sa realidad ng sumigaw si Niqs. 

Nawalan na ng malay si mama. Agad namang kumilos si Kir para buhatin si mama. Nakasunod lang naman ako hanggang sa dalhin siya ng kapatid ko sa sala at duon ibinaba. Kahit nanghihina ay madali akong naghagilap ng pamaypay at pinaypayan siya. Nang malingunan ko si Kir ay bakas din ang lungkot sa mga mata nito na pilit nyang itinatago. Tama. Kailangang ipakita ko kaya mama na malakas ako dahil sa amin lang siya kukuha ng lakas. I need to be strong. I have to.

Maya maya pa ay nagkamalay na ulit si mama at nagsimula na namang umiyak. Dinudurog na naman ang puso ko. Wala na si papa? Ulila na kami ni Kir sa ama. Kahit madalang umuwi si papa, I can't bring myself the fact na hindi ko na sya makikita pa.

Parang may sirang plaka na biglang nagplay sa utak ko. Isa-isang bumalik sa alaala ko ang mga panahong kasama namin si papa. I remember the times when he came home for vacation. Mga bata pa kami Kir noon kaya madalas pang magaway. Ginagawa ni papa, parehas kaming ilalabas at ililibot sa kung saan. He will create activities that will force us to work with each other. Pagkatapos non, magkabati na ulit kami. He's always been our referee kahit na malalaki na kami.

Hindi ko napigilan ang umalpas na butil mula sa mga mata ko. Malakas pa ang papa ko. Paano nangyari yun? Pinabayaan ba sya ng mga Cayman?

"Anong nangyari kay Papa, ma?" 

"C--car accident. Your father died in a.... car accident", sagot nya habang humihikbi. "Tumawag siya nong isang gabi. Ang sabi nya uuwi daw sya ngayon. Balak niya sana kayong isurprise bago ka sana makauwi sa bahay, Yueno, pero eto ang nangyari."

Napailing ako. No. He was worried kaya siya uuwi. He was worried about me. Pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Kasalanan ko kung bakit niya gustong umuwi. Kung hindi lang sana ako napahamak ng gabing iyon hindi mangyayari ito. Buhay pa sana si papa ngayon.

Hindi ko na napigilang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. 

"Tumawag si Mr. Cayman para sabihin ang masamang balita. Ang sabi niya ay n-nahulog daw sa b-bangin ang sinasakyang kotse ng papa nyo dahil sa pag-iwas sa kasalubong na sasakyan. Nawalan daw ng preno ang kotse, nahulog sa bangin at.... su-sumabog."

Napahagulgol si mama. Si Kirius man ay humagulgol na rin. No. This is just a nightmare. Gusto ko ng gumising sa bangungot na to. Ito na ang pinaka-worst na bangungot na naranasan ko. Ayoko na. Gusto ko ng gumising. Hindi ito totoo. Nasapo ko na rin ang mukha at doon umiyak.

"Tutulungan daw tayo ng mga Cayman sa paghahatid dito at pagpapalibing sa papa nyo," pagpapatuloy ni mama. 

"The body, did they recover the body?" Nagawa pang maitanong ni Kirius.

Umiling si mama. "Ang sabi ay masyado na daw nasunog ang katawan kaya hindi na narecover ng mga authorities. Masyado ring malalim ang kinabagsakan kaya nahirapan na silang kunin."

"What!? Did they just left him there without even trying to recover him?" Umusbong ang galit sa kaloob looban ko. Bakit? Paano nila nagawa yon sa papa ko? Hindi sila pwedeng tumigil.

 "Ang mga Caymans. Anong ginawa ng mga Caymans?" Hindi ko mapigilang sabihin.

Napayuko lang si mama sa sinabi ko. Napakuyom naman ang kamao ni Kirius. Hindi ako makakapayag. How dare them doing that to my father? Iyon na lang ang tanging makikita namin kay papa, hindi ako makakapayag na hindi siya makuha. At ang mga Cayman, wala man lang ginawa.

Walang sabi sabing tumayo ako at kinuha ang susi ni Kirius na nakapatong sa table malapit sa pinto. Diretcho akong tumakbo sa kotse nya. Narinig ko pa ang pagtawag nilang dalawa pero hindi ko iyon pinansin. Never mind me being injured. I need to see it with my own eyes. 

I don't think they'll just left him there. I sense something. Kinukutuban ako ng hindi maganda. Unang-una, I don't trust the Caymans'. There's something in them that I can't seem to comprehend. Hindi ko alam pero masyado silang misteryoso. At kahit na matagal ng nagtatrabaho si papa sa kanila hindi ko pa rin makuhang magtiwala sa kanila. Feeling ko kapag sila ang nagsabi, hindi ko dapat paniwalaan. Na parang lagi silang may tinatago. I need to figure that out.

I drive faster than usual. I need to get there fast. Kailangan kong makita ang pinangyarihan ng aksidente. I used all the resources I have to know the way to get to the Cayman's house. Kung pauwi na si papa that time, wala syang ibang way na dadaanan kundi doon lang.

Malapit ng magdilim nang makarating ako sa lugar. Dali dali akong nag-park sa gilid ng kalsada saka agad na bumaba. Wala ng mga pulis sa lugar. Ganon na lang ba sila kadaling sumuko? 

Nilibot ko ng tingin ang paligid. Kumakabog ang dibdib ko. There is something wrong in this place kung dito nga naganap ang aksidente. Malawak at direcho ang kalsada so there's no reason para magkasalubong ang dalawang sasakyan. Papa is not a reckless driver to just accidentally fall off a cliff. Kinabahan ako. Based on my researches, ito lang ang way papunta sa mga Cayman na malapit sa bangin.

Napalingon ako sa mga railings na nakabaybay sa gilid ng bangin, inilagay iyon duon for accident prevention. Pero bakit walang sira? Wala man lang kahit isang indikasyon na may bumangga roon.

Biglang umihip ang malamig na hangin na siyang nagpatindig ng mga balahibo ko. Nanunuot ang lamig sa kasuluksulukan ng katawan ko kaya hindi ko napigilang yakapin ang sarili.

"I knew you'd come."

Nahigit ko ang hininga sa pagkagulat at agad na napalingon sa likuran ko. Isang lalaki ang nakatayo ilang metro mula saken. Matangkad sya ng di hamak saken. Magulo ang ashgray nyang buhok na tumatabing sa berde niyang mga mata. Matangos din ang ilong at manipis ang maputlang labi. He's intimidatingly handsome. But there something in his aura that sends shiver in me. His presence screams violence. 

"S- sino ka?"

Ngumisi ito bago direktang tumingin saken. Nahindik ako sa takot ng magpalit ng kulay dugo ang mga mata niya. Isa siya sa mga halimaw. Awtomatikong napaatras ako nang magsimula syang humakbang palapit. Ano- Ano bang nangyayari? 

"You don't have to know who I am," anito sa mapang-uyam sa boses. "Cause you'll be with him after I get a taste of you. I wonder if you taste the same as him."

Did he just--  Ang papa ko. Hindi totoong naaksidente? Ibig sabihin, everything were just a ploy. It was all trap. Para kanino? Para kay papa? Para sakin? Ano ba talaga ang nangyari sa papa ko? 

Nanlaki ang mga mata ko ng may apat na lalaking biglang nagsulputan sa likod nya. Mga nakasuot sila ng itim at sa sobrang bilis ng kilos ay hindi na mapapansin sa dilim. Tuluyan ng nagtago ang araw. Hindi ko man kita pero ramdam ko ang mga ngisi nila. Ang bawat kilos nila. Na parang mga leong nakasukol ng kambing para kainin. Nangingibabaw din sa dilim ang pulang pula nilang mga mata.

Representasyon sila ngayon ang mga halimaw na nasa panaginip ko. Lalo akong nangatog sa takot. Kung ganon, may tendency na hindi talaga panaginip yon, kundi premonitions. Mukhang sinwerte lang ako nung una, baka dito hindi na.

Kapag namatay ako dito, hindi ko na malalaman kung ano talaga ang nangyari sa papa ko. Kung pinatay na nga ba talaga sya ng mga ito o kung bakit siya pinatay ng mga ito. Bakit ang papa ko pa? Bakit kami?

Halos mapugto ang hininga ko nang sa isang iglap ay nasa harap ko na sya. Hindi ko man lang nakita ang pagkilos nya sa sobrang bilis. Halos wala ng pagsidlan ang takot ko.

"Why the long face, sweetheart?" Ikiniling pa nya ang ulo saka lumawak ang ngisi. Gumapang ang kilabot sa kasulok sulukan ng katawan ko. "Don't worry. I'll make it quick." 

Napakalapit nya saken na halos ilang sentimetro nalang ang layo nya. Agad siyang yumuko at inihaplos ang mahahaba nyang daliri sa mukha ko. Nanindig ang mga balahibo ko sa lamig non. Tiningala niya ang mukha ko paharap sa kanya. Kitang kita ko ang pagsungaw ng dalawang matutulis na pangil sa kanyang bibig.

Pigil ang hininga ko. Totoo nga ang mga teorya ko. Well, they're never wrong anyways. They're all bloodsucking demons. Vampires.

Unti-unting bumaba ang mukha nya sa leeg ko. Is this the end? NO! Sinubukan kong magpumiglas pero kasing tigas sya ng bato. There is no way na makawala ako sa kanya. Wala na. Its the end. Ipinikit ko ang mga mata ko habang hinihintay ang pagbaon ng pangil nya sa leeg.

Lumipas ang ilang saglit at wala akong naramdaman. Tapos na ba?  Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung meron bang masakit pero wala. 

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Laking gulat ko nang wala na ang lalaki sa harapan ko. He's a few meters away from me, strangled by a woman. Inilibot ko ang tingin sa mga kasama ng lalaki na ngayon ay mga nakahandusay na, walang buhay at unti-unting nagiging alikabok at humahalo sa hangin.

Hindi ko agad namalayan ang brasong mabilis na gumapang sa aking bewang payakap sa aking tiyan. My breath hitched as I turned to look at the owner of these arm, only to be captivated by his beautiful eyes. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Just by the mere fact that I was entrapped in his arms I felt secured. Na parang walang makakapanakit sa akin as long as he's with me. As long as he's there.

Hindi ko napigilang paglakbayin ang mata sa mukha nya. From his brown hair to his fascinating set of grayish blue eyes. I've seen him somewhere but I can't remember where. Nakatulala pa rin ako sa kanya nang yumuko siya na halos humalik na sa pisngi ko at bumulong sa tainga ko.

"Sleep now."

Ang malamyos niyang boses ay parang naging lullaby saking pandinig dahil pagkasabi niya non ay parang nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at bigla nalang nanghina. Parang gusto ko ng matulog.

Hindi ako pwedeng magkamali. Bumalik sa alaala ang gabing una akong inatake ng mga halimaw at ang pagliligtas sa akin ng isang lalaki. Tama. Siya yon. Nakita ko rin sya. Nanlalabo na ang paningin ko at unti unti akong pinanawan ng ulirat. Huli kong naramdaman ang pagbagsak ko sa bisig nya. Kung sana nga lang ay hindi siya agad mawala paggising ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status