Share

THE MANOR

"You ready?"

Napatango nalang ako saka muling tumingin sa kabahayan. Mukhang matatagalan bago ako makauwi ulit. 

It's been a week mula nang mailibing si papa. Hindi rin namin nahanap ang katawan nya. I wonder what happens to papa. Kung buhay pa ba sya at kinuha lang sya ng mga masasamang bampira o wala na talaga siya. Well, I will figure it out. Sigurado akong may kinalaman ang mga Cayman dito. Malapit ko na ding malaman yun total mapapalapit naman ako sa kanila.

It was already been a week too, since that incident happened. Pag-gising ko ay nakita ko nalang ang sarili ko sa sarili kong kwarto. Ang sabi ni mama ay hinatid daw ako ng isang concerned citizen dahil nakita daw akong walang malay sa kalsada. Kahit anong pilit ni mama ay hindi ko na rin ikinuwento ang nangyari sakin dahil ayokong mag-alala sila. Kahit na ilang beses na akong inatake, hindi pa rin ako makapaniwalang merong totoong bampira. Ang buong akala ko ay mga kwento lang sila sa libro.

I imagined their bloody eyes and their sharp fangs. Kinilabutan ako at napapikit.

"You alright?" tanong ni Lenora na syang nagdadrive. Ang pangatlong anak ng mga Cayman.

Tumango lang ako saka napatingin sa kanya. Di ko pa rin mapigilan ang sarili kong mamangha sa itsura niya. Mukha kasi siyang barbie. Mahaba at wavy ang ash blonde nyang buhok na bagay na bagay sa malaporselana niyang balat. Maganda din ang mukha nya. Deep set of green eyes, small pointed nose and red as cherry lips. Mabait din siya. Wala na yatang panget sa babaeng to. Sabagay, hindi lang sa kanya. Same goes with the other family members. Unang beses ko silang nakita nong nagpunta sila sa bahay. Kasama nya ang papa niya, at ang panganay na Cayman. 

"You have to listen to us, Yueno." The old Cayman pleaded. Though he doesn't look so old. He just seemed to be in his late 30's. 

We're in the sala. Nagulat pa ako kanina ng biglang sinabi ni mama na dumating ang mga Cayman. Though she doesn't seem to be surprised by the sudden visit. Oo nga at bibisita sila sa wake ni papa, pero hindi dito sa bahay. Papa's wake is in the subdivision's chapel. Bet this is important. At sigurado akong alam ni mama dahil simula ng magusap usap kami dito ay tahimik lang sya at hindi tumututol. Does this means...

"Bakit? Para saan?" naguguluhang tanong ko.

"Because it is meant to hap--"

"Lenora!" pigil nung Damon sa kung anong sasabihin ng kapatid.

This is meant to happen. Iyon dapat ang sasabihin nong Lenora. Napatingin ako sa gwapong panganay ng mga Cayman. I couldn't help to check him out kanina. He's too handsome to the point na hindi na siya bagay na nandito siya sa loob ng bahay namin. He looks like a greek god. But my mind says otherwise. 

Mas gwapo pa din ang savior ko. Though they almost have the same eye color. Bluish gray nga lang sa savior ko. His breathtakingly beautiful eyes.

"Yueno?" 

Reality knocks me up. Huminga ako ng malalim bago tumingin ng diretcho sa kanya.

"Mr. Cayman, you see, papa just passed away. You know what we've been through these past few days. I hope you understand."

"I know, Yueno. Believe me, I know what you all have been through. Kami man ay nagluluksa din sa nangyari sa papa mo. But please, be considerate. This is too important to set aside."

"What's too important with this? Why do I have to come with you? Para palitan si papa sa trabaho nya sa inyo? You can always look for someone to fit the job, you're a Cayman. The wealthiest clan in the world." Hindi ko na napigilan ang sariling sabihin ang mga iniisip ko. We'll they can't blame me, they're forcing me.

Sandali pang dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. Nang akala ko ay susuko na sila, nagkamali pala ako...

"Sorry, Yueno. If you refuse then we can't no longer force you to do it. As you say, we can always look for someone. Maybe we can persuade Kirius to come with us," anito sabay tingin sa nananahimik na si Kirius sa tapat nya.

Agad na napatayo ako. "What?" I exclaimed. "No!"

"I'm so sorry, Yueno."

Napailing ako bago lumingon kay mama na derecho lang ang tingin sakin na parang sinasabi na hindi ko na ito matatakasan. 

"Ma, magsalita ka naman. They're trying to take us away from you like what they did to papa."

I'm already losing hope in this argument. Nakatingin ako kay mama habang nasa mata ko ang pakikiusap na wag siyang pumayag. But her eyes were undoubtedly firm. Her decision is already made. Her answer confirmed it.

"It's for your own safety, Yueno. Not only yours, but ours," malungkot na sagot ni mama.

Bagsak ang balikat ko pagkarinig ko noon. Napahawak ako sa ulo ng maramdamang sumakit iyon. 

"Ate..." Agad na tumayo si Kirius pero pinigilan ko na ang kung ano mang sasabihin nya. Humarap ako sa matandang Cayman at nahuli ang tatlong pares ng magkakaibang kulay na mga mata. Damon with gray, Mr. Cayman with coffee brown and  Lenora with green eyes. Normal lang ba sa isang foreign family na magkakaiba ng kulay ng mata? A clan of Foreign blood. Sila lang naman ang well-known clan in the face of earth. They have different lines of business from marketing companies, to architectural, to shipping business. 

Kailan ba kami makakakawala sa mga Cayman?

"You don't have to take Kirius. I'll come with you."

And that's why I'm here. Sitting at the front seat of Lenora's car. Nagbabyahe patungong kulungan. Well, literal na parang kulungan din naman yun. Hindi ako pwedeng umuwi basta basta. 

Napabuntong hininga ako saka ibinaling ang tingin sa bintana.

"Why does it have to be us?" Di ko maiwasang tanungin.

"Wag kang mag-alala. Yan din ang lagi naming tinatanong. "

Napalingon ako sa kanya at nahuli siyang nakangiti habang diretcho pa din ang tingin sa kalsada. Damn. Lalo siyang gumanda. Kung ganyan din sana ako kaganda. Nakaka-insikyora naman tong babaeng to. 

Hindi na ako umimik at tumingin nalang sa daan. Nuon ko lang napansin ang naggagandahang mga puno sa dinadaanan namin. Nagmistula iyong tunnel dahil nag-abot na ang mga sanga nito dahilan para halos hindi na makadaan ang sinag ng araw. Naninilaw din ang mga dahon nito na siyang nagpapatingkad sa paligid. Napakaganda. Parang gusto ko tuloy bumaba at pagmasdan lang yon. 

Di ko akalaing meron palang ganito sa gitna ng halos napakaliblib na lugar. Hindi ko na narating ang lugar na ito ng una akong magawi dito. And that's just been weeks ago. Napabuntong hininga ako saka ibinalik ang tingin sa daan. Kulang nalang ay mapanganga ako sa ganda habang dumadaan kami sa loob noon. It is actually breathtaking. Nakakalimot ng problema. Ibinaba ko ang salamin sa gilid ko saka dumantay doon at pinanood ang mga punong mabilis na dumadaan sa paningin ko. Kasing bilis ng pagdaan nito ang mga naging pangyayari sa buhay ko. 

Nakatulala pa rin ako sa daan ng may napansin akong lalaki na nakatayo sa likod ng puno. Nakasuot ito ng itim na baseball cap, coat at pants. Mabilis lang nawala sa paningin ko ang lalaki. Babalewalain ko na sana iyon pero hindi pa nagtatagal ay may nakita na naman akong lalaki sa likod din ng mga puno. Nakasuot din ng purong itim at nakatingin saken. Bago ito mawala sa paningin ko ay nakita ko ang pulahan niyang mga mata na diretchong nakatingin sakin. Biglang kumalabog ang dibdib ko. Agad akong nagbaling kay Lenora na mukhang napansin na rin ang nakita ko.

"We've been followed," sabi nya sabay tingin sa rearview mirror. She doesn't look frightened, more likely to be thrilled and step on the gas on impulse. Napakapit nalang ako sa seatbelt at sa dashboard ng bumilis ang takbo ng sasakyan.

"L-lenora..."

"I must keep you safe first. That's the protocol," she said calmly as if telling it to herself.

Napakunot ang noo ko sa narinig. Protocol? 

"What d'you mean?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "Why are they after us?"

Ngumisi lang sya sakin saka lalong binilisan ang takbo. Agad ko naman isinara ang bintana sa tabi ko kahit halos nakasiksik na ako sa upuan. Nakita ko sa side mirror ang mga kulay itim na mistulang anino dahil sa bilis tumakbo. Nataranta ako. Mukha akong nakikipaglaban sa hangin habang sinasara ko ang bintana. Humahagupit kasi iyon dahil sa bilis ng patakbo nya. Habol habol tuloy ang hininga ng magawa ko na iyong isara.

"Le-lenora!" 

"Close the window immediately." I can't believe she's still calm. I wonder if she knows what they're capable of.

Habang nakatingin ako sa kalsada, naglalaban naman ang utak at kalooban ko. Hindi ko na kase alam kung para saan ako matatakot. Kung sa mga humahabol ba sameng mga bampira o sa bilis niyang magpatakbo. Parang dahil yun sa huli?

Maya maya ay unti unting bumagal ang takbo namin. Nagpanic ako at napalingon sa likod. Wala ng humahabol sa amin.

"Don't worry. Di sila gagawi dito."

"Bakit?" Nakakunot noong tanong ko. Sa totoo lang, kanina pa ako naguguluhan sa mga pinagsasabi niya.

"Because we're Cayman," simpleng sagot nya saka ngumisi ulit. Hobby ba nya un?

Napatingin na sya sa harap kaya binalik ko na din doon ang tingin. Nuon ko lang din napansin ang isang napakalaking gate sa harapan namin na unti unting bumubukas. Nakakalula sa taas iyon at halatang pangmayaman. Napipinturahan iyon ng itim at napapalibutan ng kakaibang ambiance na nagbigay sakin ng kilabot. Wala sa loob na nahimas ko ang mga braso nang maramdamang kong nagtayuan ang mga balahibo ko roon. Why do I feel strange? Bakit?

Hindi din kami sinundan dito nung mga bampira na yon. Takot ang mga iyon sa mga Cayman? Ano ba sila para katakutan ng mga halimaw na yon?"

Kumakabog pa rin ang dibdib ko pero mas mabilis ngayon kesa kanina. Kinukutuban ako sa kung anong dahilan. I'm feeling restless.

"Welcome to Cayman's manor."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status