Humahangos akong napabalikwas ng bangon. Bangungot na naman. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Madilim pa at bukod tanging ang liwanag lamang ng buwan ang tanging nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto. Tila ako naligo sa pawis ng mapagbalingan ko ang sarili. Ang pisngi naman ay basang-basa sa luha na agad ko ring pinunasan. Noon ko lang din napansin na wala na ang misteryosong lalaki na iyon. Nakatulog akong bigla. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog ngunit ang tangi ko lang naaalala ay noong kalong ako ng lalaking iyon sa mga bisig niya ng aksidentend mawalan ako ng balanse mula sa pagkagulat sa kanya.
Nasapo ko ang ulo at ibinalik sa bangungot ang isip. Ang buong akala ko ay hindi na ako muling bibisitahin pa ng mga bangungot ngunit nagkamali ako. Pero kakaiba ang mga pangyayari ngayon. Nandoon na ang papa ko. Muling umahon ang pangungulila sa kalooban ko. Oh how I miss papa so much. Nararamdaman ko na naman ang pagbabadya ng mga luha sa pagbagsak. Hindi ko naman din iyon pinigilan. Hinayaan ko muna ang sarili kong kainin ng lungkot at kinabukasan ay panibagong laban na naman
Dumating ang kinabukasan at balak akong pumunta muli sa study room pero nabigo iyon dahil nanatili sa bahay si Damien at nagkulong roon. Mukhang natutunugan nito ang pangangalap ko ng impormasyon. Kailangan ko rin yatang bantayan si Damien bukod kay Mathilde. Sa dalawa ay may palagay akong mas mahihirapan ako kay Damien.
Mabilis na lumipas ang maghapon at walang naging progress ang pangangalap ko ng impormasyon. Madilim na rin sa labas at ano mang oras mula ngayon ay inaasahan ko ang pagsulpot muli ng misteryosong bastos na lalaki na iyon.
Hindi pa ako tapos sa kanya. Naudlot ang pag-uusap namin kagabi dahil sa bigla akong nakatulog sa hindi ko malamang dahilan. Isang bagay na hanggang ngayon ay ipinagtataka ko pa rin. Kung paanong bigla nalang akong nakatulog habang nasa bisig niya.
Habang naghihintay ay inabala ko muna ang sarili sa pagbabasa ng libro kahit ni isa sa mga ito ay walang pumapasok sa isip ko. Naroon sa paggalaw ng mga kamay ng orasan. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili na tumingin doon parati. Kung bakit kasi napakabagal ng paggalaw noon. Bawat pag-ihip din ng hangin na siyang nagsasayaw sa mga kurtina sa beranda ay napapalingon ako.
Lumipas ang ilang sandali at pumatak na ang oras sa ala-una. Nanlumo ako habang nakatunghay sa paggalaw ng kamay noon. Nagulo ko ang buhok out of frustration. Kung bakit tila ako naiinip sa muli niyang pagsulpot. Bakit ba nag-aabang ako sa muli niyang pagbalik?
Padapa kong ibinagsak ang katawan sa kama saka tinakpan ng unan ang ulo. Hindi ko dapat siya hinihintay. Dapat ay tulog na ako ngayon. Tama. Matutulog na ako.
Umayos ako ng pagkakahiga saka mariing ipinikit ang mga mata. Pinipilit matulog kahit ang utak ay hindi mapakali sa kakaisip kung bakit hindi ito dumating ngayong gabi. Nawawalan na ako ng pag-asang magpapakita pa siya ngayong gabi.
"Still awake?"
Napabangon ako pagkarining doon. O sa madaling salita ay nabuhayan. Ngunit tila hindi lang katawan ko ang nabuhayan kundi pati na rin ang puso ko. Mas maagap kasing rumesponde ang pagkalabog noon kaysa sa pagproseso ng utak ko.
Hayun ang lalaking kanina ko pa hinihintay. Prenteng nakasandal at nakahalukipkip sa pintuan ng beranda. Literal akong napanganga at nanlaki ang mga mata ng mamasdan ito. Malinaw ko kasing namamasdan ang hitsura niya dahil wala na itong tabing sa mukha at dahil na rin sa liwanag na sumusungaw sa beranda galing sa buwan. Alam kong gwapo si Alaric ngunit nasa lalaki na yatang ito ang bias ko. Napakagwapo nito. Makakapal ang itim na itim na kilay at malantik na pilikmatang naglililim sa mapupula nitong mga mata. Matangos din ang ilong na tila ba hinulma ng isang batikang manlililok. Ang labi naman ay manipis ngunit kasing pula ng mga mata nito. Para iyong mansanas na nakakatakam ang pagkapula. Bahagyang gulo-gulo rin ang buhok nito marahil ay sa hangin habang papunta rito. Alam kong karaniwan na ang maputing kutis sa mga bampira ngunit kakaiba ang sa lalaking ito. Tila siya kumikinang sa liwanag ng buwan na tumatama sa balat niya. Iba na rin ang pananamit nito kahit na may bahid pa ring itim sa kulay na siyang nakakadagdag sa kagwapuhan nito. Kulay gray na sleeveless ang pang-itaas nito kung kaya't kitang-kita ko kung paano mag-plex ang mga muscles nito sa braso sa simpleng paghalukipkip lamang. Itim pa rin ang pang-ibaba nito pati na rin ang sapatos at may nakataling kulay ube na bandana sa bewang. Paniguradong papasa agad itong modelo kung gugustuhin lamang nito.
Hindi ko namalayang nakalapit na pala ito ng hawakan nito ang baba ko para maisara ang bibig. Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa hatid na mumunting kuryenteng dala ng simpleng paghawak lang nito. Hindi tuloy ako makahagilap ng sasabihin. Naumid na yata ang dila ko. Mukha akong tangang nakatitig lamang dito.
"Stunned by how gorgeous I am?" tudyo pa nito.
Gwapo nga sana, huwag nga lang bubuksan ang bibig. Hinamig ko ang sarili saka inalis ang kamay nitong nakahawak sa baba ko.
"Why so full of yourself?" pagmamataray ko dito. Hindi ba niya alam na napuyat ako kakahintay sa kanya? "Hindi ko pa rin nakakalimutang bastos ka."
Muli akong napamaang ng tumawa siya. Kung gwapo na ito sa seryosong awra lamang ay mas nadadagdagan iyon lalo kapag nakatawa. Napailing ako sa isip. Hindi dapat ako magpadala sa kagwapuhan nito.
Nang makuntento ay bigla itong nahiga sa tabi saka ipinikit ang mata. Hindi pa rin tumitigil sa paghuhuramentado ang puso ko. Kalmado naman ito kanina maski ng makita ko si Alaric ngunit ngayong ang estrangherong ito ang nakita ko ay hindi na ito mapakali. Ano bang meron ang lalaking ito?
"Pumapayag ka na bang tulungan ako?" untag ko dito. Baka kasi bigla itong makatulog. Natigilan ako sa naisip. Hindi naman natutulog ang mga bampira.
"Pag-iisipan ko," sagot nito habang nananatiling nakapikit ang mga mata.
Mukha itong anghel sa ganoong ayos. Napakaamo pala ng mukha niya. Huwag lang siyang didilat. Tila ako narinig nito ng bigla nitong idilat ang mga mata. Noon ko lang napagtantong nakatitig na pala ako dito kaya dali-dali kong ibinaling sa iba ang tingin.
"Bakit hindi ka pa natutulog? Sa pagkakaalam ko ay mga ganitong oras, dapat ay tulog ka na-" anito. Bahagya itong bumangon at itinukod ang siko bilang suporta saka humarap sa akin. Kitang-kita ko ang pagkislap ng kapilyuhan sa mga mata nito. "Hinihintay mo ba ako?"
"Hindi no! Bakit naman kita hihintayin?" alma ko. Biglang nag-init ang pisngi ko ng mapunto niya ang totoong dahilan kung bakit nananatili pa rin akong gising hanggang ngayon. Hindi niya pwedeng malaman iyon.
Agad akong lumayo rito saka umayos sa pagkakahiga sa kama. "At paano mo naman nalaman na tulog na ako ng mga ganitong oras?"
Ngumisi ito sa akin bago tuluyang tumayo. Dumiretcho siya sa beranda. Marahil ay aalis. Tila ako nakaramdam ng lungkot sa isiping aalis na ito agad. Mas matagal pa ang paghihintay ko rito kaysa sa pananatili niya. Gusto ko sana siyang pigilan pero bakit? Pilit kong kinakalkal ang utak para masagot ang katanungang iyon pero wala akong maisip na sagot.
"Hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo," tawag ko sa pansin niya bago pa siya tuluyang mawala sa paningin ko.
Lumingon naman agad ito sa akin saka ngumiti. Humarap pa ito sa akin saka yumukod. My heart skipped a beat as I witness how breathtakingly beautiful he was as he curtsied right in front of me in the glow of the moonlight.
"Kieran Aldric Lincurt at your disposal, your ladyship," anito sa swabeng British accent saka tumingin ng direkta sa aking mga mata. I was breathless of how magnificent he was. It felt as though I was drawn in a fairytale and he is a prince.
"Sleep now, my lady. We'll talk tomorrow," anito saka nawala na parang bula.
Wala sa loob na napahawak ako sa dibdib ko ng walang humpay iyon sa pagwawala. Kahit kanina pa ito umalis ay hindi ko parin mapakalma ang puso ko. Paulit-ulit din kasing bumabalik sa ala-ala ko ang nangyari kanina.
Kieran Aldric Lincurt. Kung ganoon ay isa siyang British. A British vampire so like the Caymans'. Walang tigil sa pag-ikot ang mga katanungan sa isip ko. Saan kaya siya umuuwi? Saan siya galing? Ilang taon na siya? May pamilya na kaya siya? Bakit bigla-bigla nalang siyang sumusulpot? Kung isa talaga siyang assassin ay kanino siya nagsisilbi? Sino ba talaga ang pakay niya dito?
Nakakailang ikot na ako sa higaan pero hindi pa rin ako makatulog. Kahit anong gawin ko kasi ay pilit sumisiksik ang mukha ni Kieran sa ala-ala ko. At sa bawak paglitaw nito sa isip ko ay siya namang pagwawala na naman ng puso ko. Ano ba ito?
Hindi kaya--? Natigilan ako sa naisip. Hindi maaari. Hindi iyon pwede. Ganito rin ang nararamdaman ko para kay Alaric, hindi ba? Ibig sabihin ba noon ay dalawa silang hinahangaan ko? Pero iba ang kabog nito kapag si Kieran ang kaharap ko.
Hindi. Antok lang ito. Kailangan ko ng matulog. Hindi dapat ito ang iniintindi ko kung ang misyon ko. Bukas ay kailangang makahanap na ako ng iba pang impormasyon kung hindi ay hindi uusad ang plano ko.
Naalala ko ang huling sabi ni Kieran. Mag-uusap daw kami. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkasabik kasabay ng muling paglakas ng tibok ng puso ko. Ngaling-ngaling ko ng dibdiban ang sarili. Baka sakaling magtigil ito sa pagwawala sa tuwing maiisip ko si Kieran. Sa inis ay marahas kong isinaklob ang kumot sa sarili ko saka itinabon ang unan sa ulo. Kinukumbinsi ang sariling matulog. Iyon ang mas mainam na gawin kaysa mag-isip ng kung ano-anong bagay na walang koneksyon sa misyon.
Malayo na kami ay tanaw pa rin ang tuktok ng mansyon ng mga Cayman. Nagbubunyi ngayon ang kalolooban ko dahil lulan kami ngayon ng rolls royce ni Alaric pauwi sa bahay namin. Ilang beses ko pa siyang sinabihan na huwag ito ang gamiting kotse pero wala ring nangyari. Kaninang pagkagising ko pa rin kasi kinukulit si Alaric kung pwede niya akong ihatid sa bahay namin. Mukha namang nakuha ang lalaking ito sa pagmamakaawa ko kaya heto kami at nagbibiyahe. Iyon nga lang ay mananatili rin siya sa bahay bilang kapalit ng pagpayag niya. Gusto ko pa sanang umalma ngunit isinantabi ko nalamang iyon dahil nasasabik na rin akong makauwi. Hindi ko na ipinaalam sa bahay na uuwi ako dahil gusto kong surpresahin si mama at Kirius. Halos isang buwan pa lamang mula ng manirahan ako sa poder ng mga Cayman ngunit pakiramdam ko ay kay tagal na
Nanatiling nakatitig sa akin si Kieran. Ako naman ay nakatunghay rin sa kanya habang naghihintay sa maaari niyang sabihin."You finally figured that out," kaswal na sagot nito na tila matagal na iyong alam. "Hindi ikaw ang nag-iisang Dovana, Yue. Nandyan din si Kirius. Nakalimutan mo na ba na noong panahong kailangan mong sumama sa mga Cayman at hindi ka pumayag ay si Kirius ang gusto nilang isama?""Paano mo nalaman yon?" gulat kong tanong dito. Hindi pa kami magkakilala noon ni Kieran pero paano niya nalaman ang usapang iyon kung wala siya doon. Bigla akong nahiwagaan sa lalaking nasa harap ko. Kung alam niya ang mga bagay na iyon ibig sabihin ay marami siyang alam tungkol sa akin."I know everything," anito saka ako binitawan.
Hindi ako magkamayaw kung paano ko pagpapakalma ng puso ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya kaya siya lumapit ngunit iba pala ang plano nitong gawin. Walang sabi-sabi niya akong binuhat saka mabilis na tumalon. Agad kong ipinikit ang mga mata saka agad na nangunyapit sa leeg nito.Nang maramdaman ko ang tila pag-ugoy namin ay agad kong iminulat ang mga mata. Doon ko nakita ang dahilan ng marahan naming pag-ugoy. Narito kami sa bangkang nakadaong sa may bantilan na hindi kalayuan sa parang. Mahahalata naman sa bangka na hindi ito masyadong gamit dahil makinis pa ang pintura nito. Nakukulayan iyon ng brown maski ang sagwang naroon ay ganoon din ang kulay. Malinis din iyon at may kalaparan. Hindi katulad ng ibang mga bangka na ginagamit pangingisda, na makitid ang mahaba. Ito ay malapad at may kaliitan. Wala ring makikita doong mga kagamitan sa
Madilim pa rin ng makarating kami ni Kieran sa likod bahay. Tahimik din sa loob ng kabahayan tanda ng wala pang gising. Nasisiguro ko kasing madaling araw na. Hindi ko pa rin makalimutan kung gaano siya naging possessive kanina. At nang halikan niya akong muli pagkasabi niya na walang ibang pwedeng humalik sa akin kundi siya lang. Pagkarinig ko noon kanina ay parang gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Pero hindi ko iyon maaaring ipakita sa kanya. Nakakahiya iyon.Dahan-dahan niya akong ibinaba pero nanatili pa rin siya sa tabi ko. Ayoko pa sanang humiwalay sa kanya pero kailangan kong pairalin ang pagiging rasyonal. Hinamig ko muna ang sarili bago humarap sa kanya. Malamlam na ngayon ang mga mata nito marahil ay ayaw pa rin niyang humiwalay. Magkagayon man ay nakikita ko pa rin doon ang kislap. Ang mga pulang matang iyon na ngayon ay iba na ang kahulugan sa akin. Hindi ko akalaing mahuhulog ako
Mabigat ang pakiramdam ko ng magising ako kinabukasan. Sobrang bigat ng katawan ko na tila ba may nakapatong na mga hollow blocks doon. Masakit din ang ulo ko na tila ba may masong pilit iyong binibiyak. Magtatanghali na pero nananatili pa rin akong nakahiga sa kama at namamaluktot dahil pakiramdam ko ay nagyeyelo sa labas kung kaya't sobrang lamig. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko na binuksan ang aircon kagabi at nakasara rin ang mga bintana kung kaya't walang pagdadaanan ng hangin. Pero bakit sobrang lamig? Nakatalukbong na ako ng kumot at lahat pero hindi pa rin maibsan ang lamig na nanunuot sa talampakan ko.Maya-maya pa ay may narinig akong kumatok sa pinto pero hindi ko iyon sinagot. Wala akong lakas na magsasagot sa mga pangungulit nila ngayon."Yue," boses iyon ni Alaric.
Lulan kami ngayon ng sasakyan ni Alaric pabalik sa mansyon. Ilang araw na din kaming na-delay bago makabalik sa manyon. Ayaw kasi ni Alaric na ibiyahe agad ako gayong kagagaling ko palang kaya't nagpalipas muna kami ng ilang araw.Hindi na rin naman namin napag-usapan ni Alaric ang nangyari nang nagdaang gabi. Noong gabing una ko siyang nakitaan ng kahinaan. Hindi na rin iyon naulit. Siguro ay ayaw nalang din niyang maalala iyon. Siya namang ayon sa akin. Pakiramdam ko kasi ng gabing iyon ay magtatapat siya ng nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko naman maiwasang iyon ang isipin dahil iyon ang nakaguhit sa mga mata niya ng mga oras na iyon.Mainam na lamang at hindi niya iyon sinabi kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko. O sasabihin ko. Natatakot akong malaman na baka may nararamdaman na siya
Pakiramdam ko bigla na lamang akong humalo sa hangin bago ko pa maramdaman ang matigas na sementong dapat ay kababagsakan ko. Ramdam ko na may sumalo sa akin. Mabilis kong iminulat ang mata at nasalubong ang mukha ni Mathilde na nakatunghay sa akin. Buhat-buhat niya ako habang nakatayo di kalayuan sa mga tila mga aninong naglalaban. Hindi ko siya nakita sa malapit pero nagawa niya akong iligtas. Kung sabagay ay hindi ko nga sila makita sa sobrang bilis. Hindi na ako nakaimik sa kanya at tumingin nalang din sa mga mata nito. Nababaghan ako sa kung ano ang iniisip niya at mataman siyang nakatingin sa akin.Nang daluhan kami ni Alaric ay saka lamang niya ako ibinaba. Hindi pa man din ako nakakapagpasalamat sa kaniya ay bigla na siyang nawala. Marahil ay nabasa na niya ang isip ko pero gusto ko pa ding sabihin iyon.“Are you alrigh
Mainit na sa labas kaya't minabuti ko ng pumasok sa loob ng bahay. Masakit na sa balat na para bang kapag nagtagal pa ako roon ay masusunog na ang balat ko. Hindi naman ako bampira. Sadya lang hindi ako mahilig magbabad sa init ng araw. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit ako maputi.Kaya ko lang naman naisipang lumabas ay para magpahangin. Hindi kasi ako gaanong nakatulog kagabi dahil pagising-gising ako. Isa pa ay binangungot na naman ako. Ngunit kakaiba ang kagabi. Nababalot pa rin ng kadiliman ang paligid pero sa pagkakataong iyon ay bigla na nalamang iyong nagliwanag. Sobrang liwanag na masakit na sa mata. At sa kung anong dahilan ay tila ba nagmistulang mga lazer beams ang sinag noon. Unti-unti kong nararamdaman ang hapdi at pagkalapnos na nanunoot sa laman. Napadaing ako sa sakit. Pakiramdam ko ay lapnos na ang buong katawan ko. Makalipas ang ilang sandali ay nawala na ang liwanag. Nang muli kong tignan ang pinanggalingan ng liwana