"What made you think that I'll help you?" anito habang mataman akong tinitignan.
Muling kumabog ang dibdib ko sa gawi ng pagtitig nito sa akin. Parang inaarok niya ang kaibuturan ng kaluluwa ka. Dahilan para mahigit ko ang hininga at mapatitig na lamang din sa mapupulang mga matang iyon. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na mahagilap ang takot sa kalooban ko na sa tuwina ay lagi kong nararamdaman sa tuwing makakakita ako ng pulang mata. Tila kasi panatag ang kalooban ko sa kanya.
Nakapagtatakang kahapon ko pa lamang siya nakilala ngunit nakuha na niya ang loob ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Mas nagtiwala pa ako sa isang estranghero. Nakakatawa. Wala akong tiwala sa mga Cayman, pero dito sa mukhang assassin na ito na malamang na patayin ako ano mang oras ay nagtiwala ako. Kung sabagay, kung talaga ngang papatayin ako nito, bakit hindi pa niya ginawa kahapon?
"Alam kong tutulungan mo ako," diretchong sagot ko dito. Hindi ko man siya kilala ay nararamdaman kong tutulungan niya ako. Hindi siya kalaban. May kung ano sa loob ko na nagsasabing hindi niya ako kayang saktan. Kung saan nanggagaling iyon ay hindi ko alam.
Tuluyan na itong humarap sa akin. "Did I give you that impression?" nakangising tanong nito na tila sinusubukan ako. "What if I told you that my service is not for free, how will you repay me?"
Napamaang ako sandali. "Just name your price," ani ko habang ang isip ay Agad na nagtungo sa kung magkano na nga ba ang naipon ko at kung sasapat ba iyon pambayad dito. O kung hindi man ay kung saan ako hahagilap ng pera pambayad dito.
Unti-unting napalis ang ngisi nito saka ako tinitigan. Mas matiim kaysa kanina. Tila ako nabato sa kinatatayuan ng dahan-dahan siyang lumapit hanggang sa ilang sentimetro nalang ang layo namin sa isa't isa. Doon lalong naghuramentado ang puso ko. Parang gusto na yata nitong lumabas sa rib cage ko.
Noon ko lang napagtanto kung gaano ito katangkad. Nagmistula akong unano sa harapan nito nang halos umabot lamang ako sa balikat nito. He was towering over me but that's not what scares me the most. My heart. It pounds so hard that I'm scared he might hear it. Mas malakas pa ang pagwawala nito kumpara sa mga pagkakataong kasama ko si Alaric.
"Paano kung hindi pera ang hingin ko--" anito saka yumuko para magpantay ang mga mukha namin. "Ibibigay mo ba?"
Ano ang ibig nitong sabihin? Ilang sandali pa ang lumipas bago sumagi sa isip ko ang isang bagay. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo kasabay ng pag-iinit ng pisngi ko. Wala sa loob na naitulak ko siya. Ngaling-ngaling kong yakapin ang sarili ko. May pagkabastos pala ang lalaking ito. Nakakainis.
"Pervert!" Hindi ko na napigilang sumigaw.
Agad ko ring tinakpan ang bibig ko ng ma-realize na hindi dapat ako makatawag ng pansin dahil hindi dapat malaman ng mga Cayman na may bumibisita sa akin. Nang hagilapin ko ang lalaki ay wala na ito kasabay ng biglang pagsulpot ni Alaric sa likuran ko.
"What's the problem?" alalang tanong nito na parang handa na ring sumabak sa labanan.
Agad naman akong nag-isip ng idadahilan. "Wala. May naalala lang akong palabas sa tv. Nakakainis kasi yung lalaking iyon. Pervert."
Mukha naman itong kumalma at tila naniwala sa pagdadahilan ko. "Akala ko ay may sumugod na sayo."
Umiling naman ako bilang sagot dito. Lumipad na naman ang isip ko sa lalaking iyon. Saan kaya nagpunta ang pervert na iyon? Muli kong naalala ang sinabi nito. Totoo kaya iyon? O pinaglalaruan lang niya ako?
"Yueno, are you alright?" nagtatakang tanong nito.
Naputol naman ako sa pag-iisip at tumango nalang dito. "Oo, okay lang ako," sagot ko saka alangang ngumiti. "Sige na Alaric, matutulog na ako. Okay lang ako dito. Wala kang dapat ipag-alala."
Hindi sana siya makahalata sa pagtataboy ko sa kanya. Sinamahan ko pa iyon ng ngiti. Bakas man ang pagtataka sa mukha nito ay hindi na ito muli pang nagtanong.
"Okay. Goodnight."
"Goodnight."
Napabuga ako ng hininga ng tuluyang maisara ni Alaric ang pinto. Naiwan akong nakatayo pa rin duon habang isa-isang bumabalik sa isip ko ang mga nakita kong mga dokumento kanina. Ang presensiya ni Alaric ang nagpaalala sa akin noon. Balak ba nila kaming patayin isa-isa? Alam kaya ito ng Älteste? Mukhang kakailanganin ko talaga ang tulong ng bastos na lalaking iyon. Kahit na nakakainis siya. Hindi nga niya ako papayin, pagsasamantalahan naman niya ako.
Lalong nag-init ang ulo ko ng maalala ko kung gaano siya kalapit ng mga oras na iyon at kung paano niya ako titigan. Those red eyes. Why does it seem to be mesmerizing?
Bigla ay parang gusto kong sampalin ang sarili para magising. Kailan pa naging kaakit-akit ang mga pulang mata? Hindi ba galit ka sa mga iyon, Yueno? Ngayon ay kinakastigo ko na ang sarili ko. Ano ba ang nangyayari sa akin?
Napailing ako sa sarili ko. Mas mainam siguro kung itulog ko na muna ito at kung saan-saan na nakakarating ang utak ko. Tama! Kailangan ko ng pahinga dahil bukas ay kailangan kong maghanap ng panibagong impormasyon.
Nagawa ko ng maisampa ang isang paa sa kama ng bigla akong nakaramdam ng malamig na hangin. Napatigil ako sa pag-akyat ng gumapang ang kilabot sa buong katawan ko.
"That was close." Awtomatikong napabalikwas ako sabay takip ng tenga paharap sa taong iyon ng maramdaman ang pagbulong. Nawalan ako ng balanse kaya wala akong nagawa kundi ang kumapit sa lalaking ito para mapigil ang pagbuwal. Hindi ko na kailangan pang magtaka at magulat kung sino iyon pero hindi ko mapigilang kumabog ang dibdib pagkarinig sa boses ng lalaking ito.
Napakapit nalang ako sa damit nito. Naging maagap naman ito sa pagpalibot ng braso sa bewang ko para pigilan ako sa pagbagsak. Wala na akong nagawa kundi ang mas kumapit pa dito.
Hindi ako nakapalag ng maramdaman ko ang mas lalo niyang paghapit sa bewang ko palapit sa kanya. Malapitan ko tuloy na natititigan ang mga mata nitong kulay dugo na siyang lalong nagpapabilis sa pagkalabog ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang maisipang itulak siya. Para kasing may pwersang humihila sa akin palapit sa kaniya. Pamilyar ang pakiramdam na ito na hindi ko maipaliwanag. Na parang matagal ko na itong hinahanap.
Tila may sariling isip ang palad kong hinaplos ang pisngi niya. I was taken aback as I watched how his bright red eyes turned into a darker one. Nagtagis ang mga bagang niya na tila pinipigilan ang sarili sa bagay na gustong gawin. Maya-maya pa ay inilapit nitong muli ang mukha sa aking tenga. May ibinulong itong salita na hindi ko maintindihan.
Ang alam ko lang ay bigla nalang akong nakaramdam ng antok at parang gusto nalang matulog. Nangunot ang noo ko sa pamilyar na pangyayaring hindi ko matandaan kung saan naganap. Hindi ko na sinubukan pang isipin iyon dahil hindi ko na mapaglabanan pa ang antok at kusa nalang akong nagpatangay sa kawalan.
Madilim ang kapaligirang bumungad sa akin ng imulat ko ang mga mata ko. Hindi ko makita kung nasaan ako. Hindi ko ba nabuksan ang ilaw ng kwarto? O kung nasa kwarto ba ako?
Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa semento. Nabalot ako ng pagtataka. Hindi ko naman siguro babalaking matulog sa semento kung nasa kwarto ako. Kung ganoon ay nasaan ako? Inilibot ko ang tingin sa paligid ngunit wala pa rin akong makita. Kinapa ko pa ang mga mata para makasigurong nakadilat na ako.
“Yueno.”
Sa gitna ng katahimikan ay bigla kong narinig ang boses ng papa ko. Mahina lamang iyon ngunit sapat ang lakas upang makarating sa aking pandinig. Kumabog ng malakas ang puso ko at umahon ang emosyong matagal ko ng pinipigilan. Ang pagkasabik sa papa ko. Hindi ko na napigilan ang pagragasa ng mga luha sa aking mga mata.
“Pa!” balik-sigaw ko. Umaasang sasagot siyang muli.
“Yueno.”
Napahagulgol na ako pagrinig noon. Mas malakas na iyon kaysa noong una. Agad akong tumakbo kahit hindi ko makita ang dinadaanan ko. Patuloy kong tinatawag ang pangalan niya at bawat pagsagot niya ay sinusundan ko ang pinanggagalingan noon. Kahit halos magkandadapa na ako sa pagtakbo ay pilit kong hinahanap sa kadiliman ang tinig ng papa. Gusto ko na siyang makita. Gusto ko siyang mayakap. Miss na miss ko na ang papa ko. Habol-habol ko ang hininga dahil sa pagod at sa paghikbi nang may makita akong liwanag sa hindi kalayuan. Sa sobrang liwanag noon ay natakpan ko ang mga mata.
“Yueno.”
Agad kong inalis ang pagkakatakip sa aking mata pagkarinig ko noon. Wala na ang liwanag at ang tanging nandoon ay ang papa ko. Nakatayo ito habang nakatingin sa akin. Nakabuka ang mga braso nito na tila ba inaaya akong yakapin siya. Lalo akong napahagulgol. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tumakbo na agad palapit dito. Ngunit ng malapit ko ng maabot ang mga kamay nito ay bigla itong naglaho na parang bula.
Nagtatakang inilibot ko ang paningin habang tinatawag siya. Nayakap ko ang sarili ko sa halo-halong emosyong hindi ko na makayanang pigilan. Pangungulila, takot, pag-aalala. Isang lingap pa sa paligid at may nakita akong bagay sa lupa sa malayo. Lalong nag-umapaw ang takot ko ngunit lakas-loob ko iyong lapitan. Dahan-dahan ang bawat hakbang ko habang ang mga luha ko ay walang patid sa pagbuhos.
Nanlalambot ang tuhod ko habang papalapit ng papalapit sa bagay na iyon. Na kung tutuusin ay hindi bagay kundi tao. Nakahandusay ito sa lupa at naliligo sa sarili nitong dugo. Parang huminto sa pag-ikot ang mundo ko ng makilala ko ang suot na damit noon. Nang tuluyan na akong makalapit ay halos panawan ako ng ulirat. Ayaw ko pang maniwala noong nasa malayo ako ngunit ngayong nasa harapan ko na ito ay parang dinudurog ang puso ko. Doon na ako tuluyang nawalan ng lakas at napaupo nalang. Isinubsob ko ang ulo sa braso saka ibinuhos ang lahat ng nararamdaman sa pag-iyak.
Alam kong wala na ang papa ko pero hindi ko parin matanggap na ganito ang kinahantungan niya. Hindi niya deserve ito. Muling umahon ang galit sa puso ko. Ang mga nilalang na iyon ang may kasalanan kaya namatay ang papa ko.
“Yueno.”
Nanggaling iyon sa likuran ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay isang lalaking nasa di kalayuan ang tangi kong nakita. Wala na sa paligid ang papa ko. Agad kong inilingap ang paningin para hanapin ito ngunit pawang kadiliman ang naroon. Nang ibalik ko sa lalaki ang tingin ay unti-unti itong naglalakad palapit sa akin. Ang dugong umaagos sa kamay nito ang unang nakatawag ng atensyon ko. Nang umangat sa mukha nito ang tingin ko ay nahigit ko ang hininga at nagsimula na namang umagos ang luha sa mga mata ko. Duguan ang bibig nito na kung hindi ako nagkakamali ay sa papa ko. Natatabingan ng anino ang buong mukha nito ngunit ang boses ng tumawag sa akin ay pamilyar. Na parang narinig ko na iyon kung saan.
Huminto ito hindi kalayuan sa akin. Saka itinaas ang isang kamay na nababalutan ng dugo. Agad akong napaurong at biglang napatayo. Nang humakbang siya ay napaatras ako. Ito ang pumatay sa papa ko.
“Yueno.”
Narinig kong muli ang pamilyar na boses nito na tinatawag ako pero umiling ako. “Huwag kang lalapit,” sigaw ko na binalewala naman sa kanya dahil tuloy pa rin siya sa paglapit. Doon na ako nagsimulang tumakbo.
“Hindi mo ako matatakasan, Yueno.”
Hindi ko na iyon pinakinggan at nagpatuloy sa pagtakbo. Kahit nanginginig ang mga tuhod ay pinilit kong makalayo. Kahit hindi ko alam ang patutunguhan ko ay tumakbo pa rin ako. Kailangan kong makalayo roon. Makalayo sa halimaw na iyon.
“I’ll come for you, Yueno.”
Paulit-ulit iyong umalingawngaw sa buong paligid na halos mabingi na ako sa sobrang lakas. Napahinto ako sa pagtakbo at wala ng ibang nagawa kundi ang magtakip ng tainga. Madiin ko iyong tinakpan huwag ko lamang marinig ang boses nito ngunit walang epekto. Hindi. Ayoko.
AYOKO.
Humahangos akong napabalikwas ng bangon. Bangungot na naman. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Madilim pa at bukod tanging ang liwanag lamang ng buwan ang tanging nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto. Tila ako naligo sa pawis ng mapagbalingan ko ang sarili. Ang pisngi naman ay basang-basa sa luha na agad ko ring pinunasan. Noon ko lang din napansin na wala na ang misteryosong lalaki na iyon. Nakatulog akong bigla. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog ngunit ang tangi ko lang naaalala ay noong kalong ako ng lalaking iyon sa mga bisig niya ng aksidentend mawalan ako ng balanse mula sa pagkagulat sa kanya.Nasapo ko ang ulo at ibinalik sa bangungot ang isip. Ang buong akala ko ay hindi na ako muling bibisitahin pa ng mga bangungot ngunit nagkamali ako. Pero kakaiba ang mga pangyayari ngayon. Nandoon na ang papa ko. Muling umahon ang pangungulila sa kalooban ko. Oh how
Malayo na kami ay tanaw pa rin ang tuktok ng mansyon ng mga Cayman. Nagbubunyi ngayon ang kalolooban ko dahil lulan kami ngayon ng rolls royce ni Alaric pauwi sa bahay namin. Ilang beses ko pa siyang sinabihan na huwag ito ang gamiting kotse pero wala ring nangyari. Kaninang pagkagising ko pa rin kasi kinukulit si Alaric kung pwede niya akong ihatid sa bahay namin. Mukha namang nakuha ang lalaking ito sa pagmamakaawa ko kaya heto kami at nagbibiyahe. Iyon nga lang ay mananatili rin siya sa bahay bilang kapalit ng pagpayag niya. Gusto ko pa sanang umalma ngunit isinantabi ko nalamang iyon dahil nasasabik na rin akong makauwi. Hindi ko na ipinaalam sa bahay na uuwi ako dahil gusto kong surpresahin si mama at Kirius. Halos isang buwan pa lamang mula ng manirahan ako sa poder ng mga Cayman ngunit pakiramdam ko ay kay tagal na
Nanatiling nakatitig sa akin si Kieran. Ako naman ay nakatunghay rin sa kanya habang naghihintay sa maaari niyang sabihin."You finally figured that out," kaswal na sagot nito na tila matagal na iyong alam. "Hindi ikaw ang nag-iisang Dovana, Yue. Nandyan din si Kirius. Nakalimutan mo na ba na noong panahong kailangan mong sumama sa mga Cayman at hindi ka pumayag ay si Kirius ang gusto nilang isama?""Paano mo nalaman yon?" gulat kong tanong dito. Hindi pa kami magkakilala noon ni Kieran pero paano niya nalaman ang usapang iyon kung wala siya doon. Bigla akong nahiwagaan sa lalaking nasa harap ko. Kung alam niya ang mga bagay na iyon ibig sabihin ay marami siyang alam tungkol sa akin."I know everything," anito saka ako binitawan.
Hindi ako magkamayaw kung paano ko pagpapakalma ng puso ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya kaya siya lumapit ngunit iba pala ang plano nitong gawin. Walang sabi-sabi niya akong binuhat saka mabilis na tumalon. Agad kong ipinikit ang mga mata saka agad na nangunyapit sa leeg nito.Nang maramdaman ko ang tila pag-ugoy namin ay agad kong iminulat ang mga mata. Doon ko nakita ang dahilan ng marahan naming pag-ugoy. Narito kami sa bangkang nakadaong sa may bantilan na hindi kalayuan sa parang. Mahahalata naman sa bangka na hindi ito masyadong gamit dahil makinis pa ang pintura nito. Nakukulayan iyon ng brown maski ang sagwang naroon ay ganoon din ang kulay. Malinis din iyon at may kalaparan. Hindi katulad ng ibang mga bangka na ginagamit pangingisda, na makitid ang mahaba. Ito ay malapad at may kaliitan. Wala ring makikita doong mga kagamitan sa
Madilim pa rin ng makarating kami ni Kieran sa likod bahay. Tahimik din sa loob ng kabahayan tanda ng wala pang gising. Nasisiguro ko kasing madaling araw na. Hindi ko pa rin makalimutan kung gaano siya naging possessive kanina. At nang halikan niya akong muli pagkasabi niya na walang ibang pwedeng humalik sa akin kundi siya lang. Pagkarinig ko noon kanina ay parang gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Pero hindi ko iyon maaaring ipakita sa kanya. Nakakahiya iyon.Dahan-dahan niya akong ibinaba pero nanatili pa rin siya sa tabi ko. Ayoko pa sanang humiwalay sa kanya pero kailangan kong pairalin ang pagiging rasyonal. Hinamig ko muna ang sarili bago humarap sa kanya. Malamlam na ngayon ang mga mata nito marahil ay ayaw pa rin niyang humiwalay. Magkagayon man ay nakikita ko pa rin doon ang kislap. Ang mga pulang matang iyon na ngayon ay iba na ang kahulugan sa akin. Hindi ko akalaing mahuhulog ako
Mabigat ang pakiramdam ko ng magising ako kinabukasan. Sobrang bigat ng katawan ko na tila ba may nakapatong na mga hollow blocks doon. Masakit din ang ulo ko na tila ba may masong pilit iyong binibiyak. Magtatanghali na pero nananatili pa rin akong nakahiga sa kama at namamaluktot dahil pakiramdam ko ay nagyeyelo sa labas kung kaya't sobrang lamig. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko na binuksan ang aircon kagabi at nakasara rin ang mga bintana kung kaya't walang pagdadaanan ng hangin. Pero bakit sobrang lamig? Nakatalukbong na ako ng kumot at lahat pero hindi pa rin maibsan ang lamig na nanunuot sa talampakan ko.Maya-maya pa ay may narinig akong kumatok sa pinto pero hindi ko iyon sinagot. Wala akong lakas na magsasagot sa mga pangungulit nila ngayon."Yue," boses iyon ni Alaric.
Lulan kami ngayon ng sasakyan ni Alaric pabalik sa mansyon. Ilang araw na din kaming na-delay bago makabalik sa manyon. Ayaw kasi ni Alaric na ibiyahe agad ako gayong kagagaling ko palang kaya't nagpalipas muna kami ng ilang araw.Hindi na rin naman namin napag-usapan ni Alaric ang nangyari nang nagdaang gabi. Noong gabing una ko siyang nakitaan ng kahinaan. Hindi na rin iyon naulit. Siguro ay ayaw nalang din niyang maalala iyon. Siya namang ayon sa akin. Pakiramdam ko kasi ng gabing iyon ay magtatapat siya ng nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko naman maiwasang iyon ang isipin dahil iyon ang nakaguhit sa mga mata niya ng mga oras na iyon.Mainam na lamang at hindi niya iyon sinabi kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko. O sasabihin ko. Natatakot akong malaman na baka may nararamdaman na siya
Pakiramdam ko bigla na lamang akong humalo sa hangin bago ko pa maramdaman ang matigas na sementong dapat ay kababagsakan ko. Ramdam ko na may sumalo sa akin. Mabilis kong iminulat ang mata at nasalubong ang mukha ni Mathilde na nakatunghay sa akin. Buhat-buhat niya ako habang nakatayo di kalayuan sa mga tila mga aninong naglalaban. Hindi ko siya nakita sa malapit pero nagawa niya akong iligtas. Kung sabagay ay hindi ko nga sila makita sa sobrang bilis. Hindi na ako nakaimik sa kanya at tumingin nalang din sa mga mata nito. Nababaghan ako sa kung ano ang iniisip niya at mataman siyang nakatingin sa akin.Nang daluhan kami ni Alaric ay saka lamang niya ako ibinaba. Hindi pa man din ako nakakapagpasalamat sa kaniya ay bigla na siyang nawala. Marahil ay nabasa na niya ang isip ko pero gusto ko pa ding sabihin iyon.“Are you alrigh