Share

AFFLICTION

Tanghali na ng magising ako kinabukasan. Mag-uumaga na rin kasi ng makabalik ako sa kwarto. Masyadong napalalim ang usapan namin ni Idris kagabi. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ngunit nanatili lamang doong nakaupo. Hindi ko sukat akalaing ganoon pala magmahal si Idris. Napapangiti pa rin ako kapag naiisip ko kung gaano kalalim ang pagmamahal niya kay tiya. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng pagkakaiba ng mga lahi ay may nabubuo pa rin ganito. Isang wagas na pagmamahal na handang gawin ang lahat para sa taong mahal niya. Sa panahon ngayon ay napakahirap ng makahanap ng totoong pagmamahal. Napakaswerte ni tiya. 

Pero nakakalungkot lang isipin na kailangan nilang magkahiwalay dahil sa kaguluhan at hindi pagkakaintindihan ng mga lahi. Ang pagkahayok nila sa kapangyarihan ang siyang nagiging dahilan ng lahat. Ano bang mayroon sa mundo at gustong-gusto nilang mapasakanila? 

"Yue.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status