Share

The Vampire's Tale
The Vampire's Tale
Author: MD Rosario

PROLOGUE

Habol ko ang hininga habang patuloy pa ring tumatakbo sa kawalan. Hindi ko alam kung ano ang mga humahabol sa akin basta ang alam ko lang ay nasa panganib ang buhay ko. 

Tagaktak na ang pawis at basang basa na rin ang pisngi ko ng luhang hindi maampat-ampat. Halo-halong pagod at takot ang nagpapakabog sa dibdib ko. Hindi ako makapag-isip ng maaaring gawin. Blangko ang utak ko. Basta ang alam ko lang papatayin nila ako kapag naabutan nila ako.

Nila. Wala akong ideya kung ilan silang humahabol sa akin. Nahihirapan na rin akong ihakbang ang mga paa ko. Hindi ko na kaya pang tumakbo. Gaano na ba ako katagal tumatakbo? Nauubusan na ako ng lakas pero hindi nila ako pwedeng abutan. Gusto ko sanang humingi ng tulong pero wala akong ibang makita kundi puro kadiliman. Kahit saan ako tumingin ay pawang napakadilim.

Nasaan ba ako? Anong lugar ba ito?

Ibinuka ko ang bibig para sumigaw pero wala ni isang letra o tinig na lumabas sa bibig ko. I felt hopeless. Napahagulgol ako lalo na nakadagdag sa panghihina ko.

Nanlambot na ang tuhod ko dahilan kaya bigla akong natisod at napaupo. Wala ng pag-asa. Ito na ang katapusan ko. Pilitin ko mang tumayo ay hindi ko na magawa. Suko na ako. Kung ito na ang katapusan ko, then, so be it. 

Nakarinig ako ng ungol sa likod ko. Mga ungol na parang mga gutom na hayop. Nanuot ang takot sa kasulok-sulukan ng katawan ko. Nanginginig man ay nilingon ko pa rin ang pinanggagalingan ng ungol. At duon ko nakita ang mga pares ng mga matang kulay dugo. Nangingibabaw ang kulay noon sa kadiliman. Nakakapangilabot ang mga matang naguunahan papunta sa akin. Na tila ba ako ang gusto nilang kainin. 

Palapit nang palapit ang mga ito at wala na akong ibang nagawa kundi ang ipikit ang mga mata at hintayin ang katapusan.

Ilang sandali pa ang lumipas pero wala akong naramdaman. Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero wala talaga.

Tapos na ba? Patay na ba ako? Pero di ba dapat masakit pag papatayin ka? Ngunit bakit wala akong maramdaman? Hindi naman siguro ako namanhid.

Kinapa ko ang sarili at unti-unti kong idinilat ang mata ko. Pagtataka ang unang rumehistro sa akin. Wala na ang mga humahabol saken. Tahimik na rin ang paligid na parang walang nangyari. Hindi na rin ako umiiyak. Saan napunta ang mga humahabol sa akin?

Wala sa loob na naglakad ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nababalot pa rin ng kadiliman ang lugar. Nakakakilabot. Parang pakiramdam ko, may kung anong susunggab sa akin sa kung saan. Nayakap ko ang sarili ko sa naisip. Naalala ko na naman ang mga humahabol sa akin kanina. Hindi sila tao kundi mga halimaw. Mga halimaw sa dilim.

Habang naglalakad sa kawalan ay nakarinig ako ng batang umiiyak. Kinilabutan ako lalo at napahinto. Multo ba iyon? Wag naman sana.

Lakas loob na hinanap ko ang pinanggagalingan ng iyak. Habang naglalakad ako ay palakas ng palakas ang ingay. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Parang bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa tinig ng bata na iyon. Parang pamilyar. Hindi iyon iyak na nagugutom o kung ano pa man, iyak iyon ng takot. At kailangan nya ng tulong. 

Tinakbo ko ang daang patungo sa pinagmumulan ng iyak. Sa wakas, magkakaroon na ako ng kasama sa kadilimang ito. Baka natatakot ang bata sa dilim kaya panay ang iyak.

Lumingap-lingap ako ng mawala ang ingay. Bakit huminto?

Agad akong napalingon sa likod ng makarinig ng alingasngas. Sa di kalayuan ay nakita ko ang batang nakasalampak at panay ang hikbi habang walang patid na pinupunasan ang mga mata. 

Mukhang nasa edad anim ang batang babae. Nakaponytail at nakasuot ng shorts at tshirt. Madungis rin ito. Marahil ay dahil na rin sa paglalaro. 

Akmang lalapitan ko na ang bata nang may sumulpot na lalaki sa harapan nito na galing sa kung saan. Bakit di ko man lang nakita itong palapit? Saan galing iyon?

Nilingap ko ang lugar pero wala akong ibang nakita.

Pagbaling ko sa bata ay bigla itong nawala sa harap ko bagkus ay nasa likuran ko ito. Dagli akong napaharap dito. Nakatalikod ang bata sa akin kaya kitang-kita ko ngayon ang lalaking nasa harap nya. 

Makisig ang lalake base sa tindig. Itim na itim din ang buhok na tumutugma sa itim na pananamit nito. Elegante syang tignan. At naghuhumiyaw ang napakaputing kutis sa napakadilim na kapaligiran. Napakaganda nyang nilalang. Pero hindi ko maaninaw ang mukha nyang natatabingan ng mangilang hibla ng kanyang buhok.

"Tumahan ka na," anas ng lalake.

Nanindig ang balahibo ko sa swabeng boses ng lalake. Alam kong hindi iyon dahil sa takot pero dahil iyon sa kung anong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. A sudden feel of yearning  to come near him arises inside of me. 

Tumahan din ang bata at napatingala dito. Nagpalingap-lingap ito at parang nagtataka.

"Nasaan na sila?" Humihikbing tanong ng bata saka dahan-dahang tumayo.

"They're all gone. For now," ani ng lalake.

He stoop down to match with the little girl. Pero dahil narin sa tangkad nito ay tanaw ko parin ang mukha nya. Kahit hindi ko pa rin maaninaw. 

Hinaplos nya ang mukha nung bata. Dumaan na naman ang kilabot sa katawan ko nang makaramdam ako ng init sa aking pisngi. Sa pisnging hinaplos nya sa bata. Wala sa loob na napahawak ako duon. 

Inilapit nya ang mukha sa tenga ng bata at bumulong roon. Bulong na may sapat na lakas para makarating sa akin at maghatid ng halo-halong emosyong hindi ko maintindihan. Nahigit ko ang hininga. Napahawak ako sa dibdib ko ng kumabog iyon ng malakas. 

"I'll come for you."

Gumapang ang malamig na hangin mula sa aking tenga pababa sa kasuluksulukan ng katawan ko. Bakit parang sa akin yun sinasabi ng lalake? Naguguluhan na ako nang matingin akong muli sa lalake.

Unti-unti nyang inangat ang mukha at tumingin ng direkta sa akin ang pula nyang mga mata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status