Share

Kabanata 21

Hanggang ngayon palaisipan pa din sa'kin ang binitawang mga salita na 'yon ni Director, siguro ay concern lang s'ya sa pinsan n'ya dahil baka iniisip n'ya magrereklamo ako, ngunit kahit anong mangyari 'di ako magsusumbong sa pulis dahil naiintindihan ko ang kalagayan ni Rue. 

"Sa'yo na lang ulit 'yong pagkaing dadalhin dito ng Aide, Love," wika ni Rue na nakasuksok lang sa sofa dahil nilalamig daw s'ya.  

"Hindi p'wedeng 'di ka kumain lalo na ngayong masama ang pakiramdam mo," sagot ko naman habang naglalakad na papalapit sa kan'ya dala-dala ang thermometer. 

Nang sandali na akong makalapit sa kan'ya ay binuksan ko na ang thermometer at inipit 'yon sa kili-kili n'ya. Makalipas ang tatlong minuto, tumunog na ang device at pagtingin ko sa resulta, 38.5 °C ang temperatura n'ya. 

"Nilalagnat ka na," saad ko. Kaninang alas siyete kasi ay sinat pa lang ang nararanasan n'ya ngayon ay tumaas na ang temperatura n'ya. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status