Share

Room 205

*Alana*

"Alana! Alana!"

Nagising ako sa tinis ng boses ni Molly.

Kinusot ko ang mga mata ko.

Nakadungaw siya sa bintana ng apartment ko. Hindi ko alam kung paano niya nabuksan ang bintana dahil sa pagkakaalala ko ay inilock ko iyon bago ako natulog.

Teka, anong oras na ba?

Napabalikwas ako ng bangon nang makita sa wall clock ko na halos sampung minuto na lang ay sasapit na ang alas otso. Kaagad akong nagshower.

"Alana, ano ba!" Patuloy na sigaw ni Molly habang abala ako sa pag-aayos ng sarili.

Kaya ko pa naman sigurong takbuhin ng limang minuto ang Sun Valley Academy.

Hindi ako puwedeng umabsent ngayon dahil isang linggo akong hindi nakapasok last week. Ayokong sa ikalawang pagkakataon ay maubos ang pasensiya sa'kin ni Mr. Marquez.

Saka ko lamang binuksan ang pinto nang papaalis na rin ako.

Alam kong maraming tanong sa'kin si Molly peru wala na talaga akong time. Babawi na lang ako next time sa kaniya.

"Alam mo, sobrang late na ako Molly. Next time na lang tayo mag-usap." Nagmamada
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status