Share

Chapter 4: To Marry

Kapalit ng kalayaan ng pamilya ko at buhay ng tatay ko, pumayag na ako.” matapang kong sabi sa kanya habang nakatingin sa mga mata nito.

He was surprised by it. Why? Para saan pa? He planned this already! After a couple seconds, his face turned into a serious one.

A smirk formed in his lips. “Great then.” He looked at me. “Go fix yourself so we can talk regarding this matter.”

Hindi ako kumibo. Sumunod na lang ako sa sinabi niya. Pumasok ako sa kwarto kung saan ako nagising kanina at agad na hinanap ang cr. Naglalakad pa lamang ako patungo sa cr ng may napansin akong mga paper bags sa kama. Imbes na sa cr ang punta ko, napabalik ako kung saan naroon ang mga iyon.

Binuksan ko ito at tiningnan ang laman. These are clothes! Inilabas ko ito sa paper bags at isa-isang tiningnan.

“Did he buy these for me?” I asked myself, still looking at the clothes I am holding in my palm.

Bahala na. I don't have my belongings with me, paano ako magpapalit ng damit kung hindi ko ito gagamitin? And maybe I am right, he bought these for me.

Pumasok na agad ako sa cr bitbit ang isang pares ng damit na napili ko. It's a pair of terno pants and a shirt. Pagpasok na pagkapasok ko ng cr, I then stared at my reflection in the mirror. I am so filthy! I look so stressed and abused. Gulong-gulo ang buhok, sobrang putla ng mga labi at sobrang duming damit.

This is insane! Mukha akong basurera!

I tried to compose a smile but I failed. Hindi ko kaya kahit pilitin ko. Ang sakit makita mo ang sarili mo sa salamin na ganito—na nahihirapan at wala ka man lang magawa. No one is there to help either.

“Endure this for a bit, Cecillia. It'll be fine soon, I promise you that.” I cheered myself up.

After cleaning up, I went outside and found Keanu. Natagpuan ko siya sa dining area, so I went closer to him. Nang napansin niya ang pagdating ko, agad niya akong inalok na umupo.

“Sit here,” tinuro niya iyong bakanteng upuan sa tapat niya. “Or sa living room tayo mag-usap para maging komportable ka?”

“I'm fine here,” tipid kong sagot bago umupo.

“Cecelia,” mahinahon niyang tawag sa pangalan ko. How I wish na magbago pa ang isip niya at pakawalan ako.

“Sir,” sabi ko sabay tingin dito.

“I don't want to get hard on you but I really need to do this. I won't apologize for what I did either. Since you have agreed, I will go straight to the point,” Tumigil siya at tiningnan ako ng mga mata niya.

I did not respond. Hihintayin ko pa siya kung ano pa ang sasabihin niya.

“I was wrong when I said you had a mission—”

I cut him off and stared at him, confused. “What do you mean by it?” Trying to calm myself down.

He sighed and raised his hands to the air, parang sumusuko siya. “Let me finish first…the truth is, when I was talking to you earlier, I couldn't find the right word to tell you about what you were going to do. Kahit parang hindi kita ni-respeto dahil kinidnapped kita, know that I am still concerned about you.”

Nakinig ako ng mabuti.

“You're not on a mission. You are going to marry Marcellus, my cousin.”

My jaw dropped in an instant. Wala pa nga akong jowa pero ipapakasal na ako?! Joke ba ‘to?

Hindi pa rin ako maka get over sa narinig. I stared at his face blankly.

“Why do I need to marry him? Hindi ko siya kilala, Keanu. Paano na ang buhay ko? What if masama siyang tao? Paano ako?” Sunod-sunod kong tanong ng makabawi ako sa pagkabigla.

Sa tanang buhay ko hindi ko pa narinig ang pangalan na ‘yan. And his name sounds scary for goodness sake!

“I will remind you again that you have agreed to it already.” He said seriously. “He's a great guy if that's what makes you worried. But I'm gonna tell you Cecilia…he's not gonna fall in love with you so don't ever dare to like him, you'll get hurt. It is not possible to like him since I cannot deny that he has a feature of a god but remember what I have told you today. Isipin mo na lang na ginawa mo ang parte mo—ang pakasalan siya for the sake of your family. Huwag mo na siyang pakialaman so everything will be in the right place.” Mahabang saysay niya.

Hindi naman sumagi sa isip ko kung ano ang mukha ng lalaki na sinasabi niya. Sa lahat ng ipipilit sa akin, pagpapakasal pa. The worst is, sa hindi ko pa kilala.

“Parang may pagpipilian ako, Keanu,” I said hopelessly.

I kept calling him Keanu when I used to call him boss or Sir. A change.

He smirked.

“Indeed,” he agreed. Tumayo siya at pumunta sa kitchen counter, sinundan ko siya ng tingin. Kinuha niya iyong pagkain doon at dinala sa mesa, nilagay niya ang mga pagkain sa malapit lang sa akin. “Kumain ka muna,” sabi niya pa.

I stared at him and then stared at the food, and then stared to him again. “Wala akong gana,”

Kita ko ang pagtaas ng kabila niyang kilay, hindi niya nagustuhan ang sagot ko. Totoo naman, kahit gaano pa kamahal at kasarap para sa kanila nitong pagkain na nasa harapan ko ngayon, walang saysay pa rin kasi wala akong gana. How can I eat if I kept thinking about myself and my family? Paano ko lulunukin ‘yang mga pagkain na iyan kung alam ko na sa mga sandaling ito nag-aalala na ang mga magulang ko sa'kin?

I ignored him.

“You need to eat, Cecilia.” Pamimilit niya. I am aware of how he refrains himself from scolding me. I understand him, he was concerned about my health, but I can't appreciate him for that.

“Kakain na ako kapag may gana na ako. Naintindihan mo naman siguro ako ‘di ba? Naiintindihan mo ako kung bakit ako ganito?” I said directly to his eyes. “Parang awa mo na, huwag mo na muna akong pilitin na kumain sa ngayon, masasayang lang ‘yang mga pagkain na iyan.” dagdag ko pa.

“Okay, if that's what you want,” wala na siyang nagawa pa. “You can have a rest now. May pupuntahan tayo bukas.”

“Saan?”

“Marcellus. He wants to meet you tomorrow.”

“O-okay,”

“Make sure to sleep early,” he reminded me.

“Can I have my phone now? Pumayag naman ako, at wala din naman akong magagawa para takasan pa ito. I just want to call my family. I know they're worried about me lalo na nawawala ako because at this hour, umuwi na ako ng bahay, eh.” Pagsusumamo ko sa kanya.

He was my boss at alam niya ang uwian ko, maliban na lang kapag overtime sa opisina niya.

Laylay ang balikat ko ng umiling siya, masama na naman pakiramdam ko. “After your wedding…you can talk to them. May inutusan na din ako para ipaalam sa kanila na ayos ka lang.” Aniya pa.

“But—”

He cut me off. “No buts, Cecilia." he warned me. "May aayusin ako sa kompanya, babalik ako dito bukas para sunduin ka. May isa pang paper bag sa kabilang dulo ng kama, isuot mo ‘yon. There's also a makeup kit there, use it. And just check the fridge if you ever get hungry.” Bilin niya bago nilagpasan ako.

Hindi pa siya tuloyang nakalayo ng tawagin ko ang pangalan niya. “Keanu,”

I stared at him for a couple of seconds—nag-iipon ng lakas ng loob. “Bakit mo ginagawa ito?”

Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako. “You don't need to know.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status