NAPAGPASYAHAN NI ICE na dumaan ng Hanggang Ngayon Café nang araw na iyon. Kaagad siyang sinalubong ni Jade pagpasok palang niya ng café.
"Libre to ha." Biro niya sa kaibigan.
"Kailan ba kita pinagbayad?" She beamed.
"Kaya nga ayaw kong araw arawin baka sabihin mo nananamantala ako." Aniya rito.
"Nabayaran mo na nga at ako pa ngayon ang may utang dahil free ang gown ko." Ani Jade.
Yeah, she was right. Libre lang ang gown na ginawa niya para sa kasal nito. It's one of her gifts to the couple.
Pinagmasdan niyang mabuti ang kaibigan. Nag-go-glow ito. Halatang masaya ito sa buhay may asawa.
"O bakit mo ako tinitingnan ng ganya
SI DARREN ANG driver nila papuntang Zambales. Ayon kay Jayden tutuloy sila sa bahay bakasyunan ng pinsan nito sa may Pundaquit. Wala siyang masyadong alam sa Zambales maliban sa nandoon ang famous na Mt. Pinatubo at masarap at mura ang mga mangga doon. Kaya ipinangako niyang bibili siya ng maraming hinog na mangga. Ripe mangoes are one of her favorites.Sina Erie, Jade at Bastie nalang ang hinihintay nila. Kasama na niya sina Jayden at Dean. Hindi maawat sa pag-a-asaran ang dalawa."Ice sino ang panalo sa OOTD ngayon? Si Dean o ako?" Pangungulit ni Jayden. Kanina tinatanong siya kung sinong mas gwapo tapos sinong mas hunk, ngayon naman outfit of the day!"Alam niyo kayong dalawa, pag-umpugin ko kaya mga ulo niyo?" Biro niya sa dalawa."Ang KJ naman ng Diyosa na 'to
NAGMULAT NG MATA si Ice at nag-inat. Nanghikab siya at muling pumikit at humilig kung saan siya nakahilig kanina. Isiniksik niya ang mukha sa may katigasan na bagay na iyon ngunit nakakahalina ang mabangong amoy. Nanonoot sa ilong niya ang pamilyar na bangong iyon. She inhale, then inhale and another inhale atsaka palang siya nag-exhale. Ang sarap kasing amuyin, nakaka-relax. May ngiti sa kanyang labi habang patuloy na sinasamyo ang amoy na iyon. "Baka naman ako na ang masinghot mo niyan." Anang baritonong boses na kilalang kilala niya. Mabilis siyang dumilat at nanlaki ang mga mata ng mapag-tantong nakahilig siya sa matipunong pangangatawan ni Bastie! Wala sa sariling itinungkod niya ang dalawang palad sa dibdib nito at tumingala upang makita ang mukha ng bina
TATAWA-TAWA PA SILANG dalawa ni Dean nang buksan nila ang pintuan ng rest house."Baliw kang talaga." Aniya rito."Mas baliw ka kase nakikinig ka sa mga jokes ko." Anito."Where have you been?"Sabay silang napabaling sa pinanggalingan ng boses na iyon. Tinig iyon ni Bastie na nakatayo sa may sala ng rest house. At mukhang signal number five na naman ang pagmumukha nito. Anong problema nito?Nakita niyang nasa sala din ang mga kaibigan nila."Bawal bang mamasyal?" Sarkastikong balik na tanong niya rito imbes na sagutin ang tanong nito."I've been calling you! For God sake!" Bahagya pa siyang napapitlag sa lakas ng boses nit
NANG SUMAPIT ang gabi napagpasyahan nilang kumain sa may tabi ng dagat. Naglatag sila ng mga banig sa tabi ng dalampasigan at gumawa ng bonfire. Si Erie ay may dalang gitara at panaka-nakang tumutugtog. This is really a best way to relax. Yun nga lang medyo na-i-stress ang puso niya sa tuwing nakikita niya kung gaano ka asikaso si Bastie pagdating kay Maine. Dati kase siya ang inaasikaso ng binata. "Dati yun te." Tudyo ng kanyang isipan. Biglang napatingin si Bastie sa kanya. Wala siyang lakas para magbaba ng tingin. Nakipag-titigan siya sa binata. Hindi niya maipaliwanag ang emosyon na lumukob sa kanya. Alam niyang sa bawat araw ay nangungulila siya sa binata. She missed him. The way he talks to her, the way he cares for her, the way he protects her and the w
HINDI ALAM ni Ice kung ilang minuto na siyang nakapikit habang nakahiga sa buhanginan. Hindi niya alintana ang lamig dahil sanay naman siya. She actually likes cold weather.Palaisipan pa rin sa kanya kung bakit biglang umalis si Bastie. Hindi din niya alam kung bakit pa-iba-iba ito ng mood. Minsan masungit at minsan naman ay okay. Ang gulo lang talaga!Dumilat siya ng maramdamang may kung anong bumalot sa pang itaas niyang katawan. Pag-dilat niya ay nakita niyang makapal na tuwalya iyon. Pagkatapos ay binalingan niya ang lalaking tumabi sa kanya sa pagkaka-higa. Walang iba kung hindi si Bastie! Biglang parang tinambol ang puso niya. He did not leave her after all."Oo hindi kita iniwan." Anito na parang narinig ang iniisip niya. "Kumuha lang ako ng towel, baka kase magkasakit ka— well pangalawang rason
KINA-UMAGAHAN AY nagpasya silang maglakad lakad ni Jade sa tabing dagat. Napakasarap ng simoy ng hangin. Nakakatuwang panoorin ang bawat paghampas ng alon sa may dalampasigan. Huminga siya ng malalim at tumingin sa karagatan."What is it?" Tanong ni Jade sa kanya."Ha?" Wala sa sariling baling niya sa kaibigan."Bestie, hindi ka okay. Kanina kapa hinga ng hinga ng malalim diyan. So something is bothering you." Wika nito. "Si Bastie no?" Usisa nito ng hindi siya sumagot."Ewan ko ba, ang hirap magpakatotoo sa nararamdaman ko sa kanya bestie." Aniya at tumigil sila pansamantala sa paglalakad at pinanood ang mga alon na humahampas sa dalampasigan."Nag-usap ba kayo kagabi? Kasi hindi na kayo bumalik. Tapos nakatulog na ako at la
HALOS UMUSOK ang ilong ni Ice nang makita si Bastie na pina-pahiran ng Sunblock Cream si Maine sa mga braso. Kutong lupa na to! Kung totoo ang sinasabi nitong mahal siya nito, bakit ang bilis naman yatang mawala ng pagmamahal na sinasabi nito? Bakit ang bilis nitong makahanap ng iba? "May pa, I never stopped watching over you pa! Hmp! Tapos ngayon ibang babae ang tinitingnan!" Hindi maiwasang himutok niya. Lumapit siya sa mga ito. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Bastie kahit ng matapos ito sa ginagawa. "Gusto mo ng sunblock?" Tanong ni Maine sa kanya. Akmang sasagot siya ngunit binalingan ng dalaga si Bastie. "Pahiran mo rin si Ice nito." Nanlalaki ang kanyang mga mata at napatingin siya kay Maine. Kinindatan lang siya nito. Hindi niya ito maintindihan sa
TATLONG ORAS NG naghihintay si Ice sa may reception ng opisina ni Bastie. Ayon sa sekretarya nito ay may mahalaga itong meeting. Noong una ay duda siya ngunit hinayaan siyang sumilip nito sa conference room at totoo ngang may ka-meeting ang binata.Nauubusan na talaga siya ng pasensiya. Pakiramdam niya ay sinasadya ng binatang patagalin ang meeting nito.Bumilang siya sa isip ng isa hanggang isang daan. Nang hindi pa rin lumabas ang binata ay walang pasubaling pumasok siya ng conference room.Nagulat ang lahat ng nasa conference room. Nakatutok lahat sa kanya ang tingin ng mga ito. Malapit na siyang panghinaan ng loob ng marinig ang tinig ni Bastie."Ice? Hindi ba ang instruction sa iyo ay, wait until I finished my meeting?" Tila iritadong salaysay ng binata.