"Yay! Finally setting foot on my beloved place again!"
Isinuot ni Rienne ang shades niya. Nilingon niya si Andro na ngayon ay nakakunot ang noo. Nakatulog kasi ito sa eroplano at kagigising lang, kaya malamang ay grumpy na naman ito."Hey, my love! Picture tayo."Hindi niya na hinintay ang pagsang-ayon ni Andro. Kinuha niya na ang smartphone at lumingkis sa braso nito. Naka-anim na shots sila at pare-pareho lang ang itsura ni Andro. Nakasimangot lang ito. Pero okay lang. Hindi naman nakabawas iyon sa kaguwapuhan nito.Habang naglalakad ay ipinost na ni Rienne ang mga photo nila ni Andro. Wala pang isang minuto ay nagkaroon na agad ito ng sandamakmak na likes at comments. Siya pa ba? E siya nga ang ever so gorgeous na si Rienne, dagdag pang abot hanggang outer space ang kaguwapuhan ng kasama niya. Mukha ngang hango sa magazine ang mga picture nila e. Partida, no filter ang mga 'yon.Nag-browse siya ng comments at mangilan-ngilang "bagay kayo" o "youNagising si Rienne dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Nang tumingin siya sa kisame ng kuwartong 'yon, hindi niya mapigilang mapangiti. Ang ganda kasi ng panaginip niya. Nasa ulap daw siya at may pakpak. In short, isa siyang angel sa panaginip niya. An ever so gorgeous angel...Naputol ang pag-iisip niya sa panaginip niya nang bahagyang gumalaw ang katabi niya. Oo nga pala! Kaya maganda ang panaginip niya kagabi ay dahil katabi niya ang lalaking mahal niya. Wala silang ginawa. Natulog lang talaga. Hindi siya mapansamantala, 'no!Humarap siya kay Andro na ngayon ay nakadapa paharap sa kaniya. Tulog pa rin ito, pero alam ni Rienne na anytime ay magigising na rin ito dahil sa sinag ng araw. Wala siyang balak ibaba ang kurtina dahil 'pag ginawa niya 'yon, baka mamayang hapon pa gumising ang isang 'to. Sayang naman ang pangalawang araw kung magtutulog lang ito, aba!Pinagmasdan niya ang nakapikit na si Andro. Hindi niya mapigilang mapangiti. Ang guwapo-
"Hay naku. Dios mio!"Napatingin si Andro kay Nanay Linang ngayon ay napaupo habang nakahawak sa sentido. "Ano ho ang problema? May masakit po ba sa inyo?" Tiningnan siya ng matanda sa mata. Mayroong nakitang kislap ng emosyon si Andro sa mga mata nito, pero hindi niya alam kung ano at para saan iyon. Imbes na sagutin ang tanong niya, tinitigan siya ng matandang parang pinag-aaralan ang itsura niya. Parang siya lang. Nakikita niya ang sarili niya rito 'pag inoobserbahan niya si Adrienne. "Hijo, ikaw ba ay may ibang iniibig? May kasintahan ka ba sa siyudad o babaeng tinitibok ng iyong puso?" Napakunot ang noo ni Andro sa tanong ng matanda. Bakit siya tinatanong nito ng gano'n? Irereto ba nito siya sa alaga nitong si Adrienne? "Wala po, Nanay Lina." Iniabot ng matanda sa kaniya ang sinangag kaya nagsandok na siya noon. Pagkatapos ay kumuha na rin siya ng tocino. Nang maa
Kakatapos lang maligo ni Andro at tatanungin niya dapat si Adrienne kung saan siya puwedeng mamasyal nang maabutan niya ang babaeng abalang-abala sa kusina. Nagluluto kaya ulit ito ng tocino?“Ano ang ginagawa mo?”Saglit lang siyang tinapunan ng tingin ni Adrienne, at pagkatapos ay ibinalik na ulit nito ang atensyon sa ginagawa.“Carrot cake for someone special.”Natigilan si Andro dahil doon. Lumapit siya kay Adrienne at hindi makapaniwalang tiningnan ito. Seriously, is she trying to kill him?“Adrienne, I am sure na alam mong allergic ako sa carrots. Are you trying to kill me with that carrot cake?”Adrienne has this amused look sa mukha niya nang tingnan siya nito. Base sa reaksyon nito, parang iniisip nitong ano ang nangyayari at pinagsasasabi niya. After a few seconds, mukhang natauhan naman ito. She bit her lip para pigilan ang . . .pagtawa? Seriously? Nagagawa niya pang matu
“My Eya! I miss you, baby!”Hindi maipaliwanag ni Rienne ang saya niya nang makita ang kaisa-isang anak na babaeng si Eya. Niyakap niya ang bata nang mahigpit, at naramdaman niya na lang ding medyo nababasa ang manggas ng suot niyang T-shirt. Nang silipin niya ang mukha ng anak, nakita niyang umiiyak ito, kaya maski siya ay medyo naiiyak na rin.“Why are you crying, my baby E?”Narinig niyang suminghot-singhot pa ang anak niya. Nang tanggalin nito ang brasong tumatakip sa mukha nito, nakita niyang namumula-mula ang mga mata nito at ma-pink din ang mga pisngi. Kahit umiiyak ang anak niya, ang ganda-ganda pa rin nito. Manang-mana talaga sa mommy niyang si ever so gorgeous Rienne.“I just miss you, mommy R.”Adrienne can’t help but smile with what her daughter said. Na-miss niya rin kasi ito. Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nang huli silang magkita.“Ayan, hija. Mula
"Daddy A! Pasan mo po 'ko!"Napangiti na lang si Rienne nang marinig ang sinabi ng anak kay Andro. Natutuwa siyang nagkakasundo na ang dalawa. Dalawang linggo na mula nang tuluyang pumayag si Androng maging father figure ni Eya at pansin ni Rienne ang sayang dulot noon sa anak niya."Sure, baby E!"Araw-araw, halos ganito ang eksena nila. Minsan nga ay medyo nagtatampo na si Rienne dahil parang mas close na ang dalawa. Pero isinasantabi niya 'yon. Gustuhin man niya kasing pasanin si Eya gaya ng gusto nito ay hindi niya na kaya. Kaya hinahayaan niya na lang ang mag-ama niya.Mag-ama. Ang sarap pala sa feeling na tawaging gano'n sina Andro at Eya."Mommy R! Come on!"She went to Eya at pinahiran ito ng sun screen. Magbababad kasi sila sa ilalim ng araw kaya kailangan nito. Harmful na rin kasi ang sinag ng araw sa ganitong oras. Mas okay nang protektado kaysa magsisi sa huli. Ang hirap kayang magkasakit."'Yan
"Hindi ko alam Aveline. Hindi pa siya nagigising."Lumapit si Andro sa kamang hinihigaan ni Adrienne at inalis ang ilang hibla ng buhok sa mukha nito. Nang makita niya sa malapitan ang maputlang mukha nito, hindi niya pa rin mapigilang mag-alala."Sige sige, Kuya. Papunta na ako. Siguro bago mag-gabi, nakarating na 'ko diyan. Alagaan mo si Ri, ha. 'Wag mo 'yang iwanan. Tatamaan ka sa akin kahit mas matanda ka sa akin, kuya. Nakita mo."Napailing na lang si Andro dahil sa sinabi ng pinsang si Aveline. Patuloy pa rin ito sa pagbilin sa kaniya at parang naririnig niya pang nakikipagtalo ito sa kabilang linya."Sa'n ka nga pupunta sabi?"Naupo na lang muna si Andro sa upuan sa tabi ng kama habang nakikinig pa rin sa usapan sa kabilang linya. Don't get him wrong. Hindi siya chismoso. Sadyang may ipapakisuyo lang siya kay Aveline kaya hinihintay niya munang matapos itong makipag-usap sa kabilang linya."'He! 'Wag mo akong k
Hindi mapakali si Andro habang nasa labas ng kuwarto ni Adrienne. Kanina pa kasi nag-uusap ang dalaga at ang doktor. Hindi niya alam, pero pakiramdam niya ay seryosong-seryoso ang mga pinag-uusapan ng mga ito."Daddy A! Is Mommy R awake?"Napatigil lang siya sa pagbabalik-balik nang lapitan siya ni Soleia na natuyo na ang buhok dahil kanina pa ito nakaligo. See? Ganoong katagal nang nag-uusap ang dalawa sa loob mula nang magising si Adrienne."Yes, baby. But she is still talking to the doctor that's why we can't go in yet."Nakauunawang tumango sa kaniya ang anak. Binuhat niya na lang ito at pumunta sa kusina. Mukhang matagal pa naman ang usapan sa loob kaya papakainin niya muna si Soleia."Kain ka muna ng carrot cake na binake ng mommy mo, ha."Iniupo niya lang ang bata sa upuan sa kusina at ipinaghiwa na ito ng isang slice ng carrot cake. Ipagtitimpla na niya sana ito ng gatas nang sabihin ni Soleiang tubig na lang
"Andro, mami-miss mo man lang ba ako pagkatapos ng 50 araw at hindi na ako nagpakita sa 'yo?"Inulit lang ni Rienne ang tanong niya kay Andro at hinihintay ang sagot nito. Para namang nabigla ang binata sa tanong niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito sumasagot."Ako po, Mommy R, I'll miss you po!"Nginitian ni Rienne si Eya at niyakap ito. Mayamaya pa ay hinihintay pa rin niya ang isasagot ni Andro. Hindi kaya nahihiya itong sabihin ang tunay na nararamdaman sa harap ni Eya? Baka nga sobrang pagkamuhi sa kaniya ni Andro at hindi nito masabi-sabing hindi siya nito mami-miss kahit kailan. Baka hindi lang masabi ng binata iyon dahil nakikinig sa kanila si Eya.Akmang ibubuka na ni Andro ang bibig para magsalita nang unahan niya na ito."Whatever. I know you won't. And even if you will, well, you should not miss me, Andro."Siya na ang nagsabi dahil alam niyang masakit kapag narinig niya ang mga iyon mula sa bibi