Share

Chapter 33 - Home

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2025-08-04 23:58:23

Kanina pa nakatayo si Sereia sa harap ng kanilang mansion pero hindi niya magawang pindutin ang door bell. Nagdadalawang-isip siya. Alam niya sa oras na bubukas ang malaking pintuan ay wala ng urungan.

Ilang taon na rin ang lumilipas simula ang huli niyang pagtapak ng mansion. Pinapangunahan siya ng kaba at takot, pero sa tuwing naalala niya kung paano pinalabas sa private room ang kanyang Daddy ay hindi niya maiwasan magalit. Isa lang ang paraan para matigil ang lahat ng ito. At iyon ay kausapin ang kanyang Mommy.

Napabuntonghininga siya. Kinagat ni Raine ang kanyang labi bago niya tinipa ang password ng main door.

Kumunot ang kanyang noo nang biglang tumunog iyon sabay sabing," Access denied."

Naglapat ng mariin ang labi ni Sereia. Nameywang siya at tinitigan mula baba hanggang itaas ang main door ng mansion.

Simula nang mag-away sila ng kanyang nakakabatang kapatid na si Atlas, pinangako na niya sa kanyang sarili na hindi na siya muling tatapak pa sa bahay na ito. Pero ngayon na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 35- Welcoming her

    Nakapamulsa si Sereia habang naglalakad sa kalsada. Malapit na mag- alas sais pero hindi siya nangangamba. Exclusive village naman kasi itong tinitirikan ng mansion nila. Mataas din security level sa lugar na ito kaya bihirang-bihira na may makakapasok na masasamang tao. Hindi rin siya masyadong nakakalayo sa bahay nila kaya kung may magtangka man sa kanya, mahahagip pa rin ito ng CCTC nila. Parte pa rin ito ng labasan ng bahay nila kaya alam niyang safe pa rin siya. Kakadaan pa lang niya sa guard house nila.Ngitngit na ngitngit ang loob ni Sereia habang nililisan ang kanilang mansion. Hindi talaga siya makapaniwala sa nangyayari. Ang dami niya pa gustong sabihin pero mas pinili na lang niya na magtimpi. Kahit ang Mommy niya ay nagulat nang sinabi niyang allergic siya sa seafood. Halata kasi sa mukha nito na nakalimot na ito.Napabuntonghininga si Sereia. Muli niyang inaalala ang nakaraan. Kailan ba ang huling araw na tinatrato siya ng tama ng Mommy niya? Napailing siya. Kahit siya a

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 34- Expensive things over expenses

    "Sige na Atlas, sa taas ka na muna. Gusto ko muna kausapin ang Mommy. Okay lang ba sa'yo?" Paghingi pa ng pahintulot ni Sereia sa kanyang kapatid.Sandali itong napaisip. Mayamaya pa ay bigla itong nagsalita," okay. Usap tayo mamaya ah? I missed you so much."Tumango lang si Sereia para makaalis na ito. "Oo, huwag kang mag-alala." Tinapik niya pa ang balikat nito. "Sige na."Napilitan umalis si Atlas. Dinampot nito ang dalang mamahaling paper bag. Saka ito muling lumingon sa kanya.Muli niya itong sinenyasan. Napabuntonghininga ito. "Mommy, pasabi kay Manong na pabantay muna saglit sa bagong Porsche ko. Yaya!" Biglang sigaw ni Atlas.Hangos na lumabas naman ng kusina si Manang Delia. Pinupunasan pa nito ang kamay habang pumupunta ng sala."Hey, yaya. Nandiyan ka na pala. Can I ask something? Mag-harvest ka po ng grapes sa royal orchard natin.""Oh, and cook some seafood, Manang Delia. Sereia loves it," Zasha added.Palihim na naikuyom ni Sereia ang kanyang kamay. Manipis na ang pasen

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 33 - Home

    Kanina pa nakatayo si Sereia sa harap ng kanilang mansion pero hindi niya magawang pindutin ang door bell. Nagdadalawang-isip siya. Alam niya sa oras na bubukas ang malaking pintuan ay wala ng urungan. Ilang taon na rin ang lumilipas simula ang huli niyang pagtapak ng mansion. Pinapangunahan siya ng kaba at takot, pero sa tuwing naalala niya kung paano pinalabas sa private room ang kanyang Daddy ay hindi niya maiwasan magalit. Isa lang ang paraan para matigil ang lahat ng ito. At iyon ay kausapin ang kanyang Mommy.Napabuntonghininga siya. Kinagat ni Raine ang kanyang labi bago niya tinipa ang password ng main door.Kumunot ang kanyang noo nang biglang tumunog iyon sabay sabing," Access denied."Naglapat ng mariin ang labi ni Sereia. Nameywang siya at tinitigan mula baba hanggang itaas ang main door ng mansion.Simula nang mag-away sila ng kanyang nakakabatang kapatid na si Atlas, pinangako na niya sa kanyang sarili na hindi na siya muling tatapak pa sa bahay na ito. Pero ngayon na

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 32 - Her father

    Nabato si Linux sa kanyang kinatatayuan. Bagaman nagulat man sa sinabi ni Sereia, pinilit niya pa rin magpakaakto na parang hindi naapektuhan. Pero ang totoo niyon ay nagkarambola na sa pagtibok ang kanyang puso. Napabuntonghininga si Sereia. Nagbaba siya ng tingin at namulsa. "Pasensiya na, pero sa ngayon talaga ay ayaw ko muna na may makausap. Kaya kung pwede sana, iwasan muna natin ang isa't-isa," sabi niya sabay talikod. Hindi pa man siya tuluyan nakalayo ay muling lumingon si Sereia."Ang totoo ay natutuwa ako na bumalik ka," mula sa puso na sabi niya. Tipid siya ngumiti. "Pero maiintindihan mo naman siguro na gusto ko muna dumistansiya hindi ba?"Napilitang tumango si Linux. "I understand."Hindi sumagot si Sereia pero tinapunan niya ng makahulugang tingin si Linux. Saka siya tumalikod at kumaway papalayo.Walang magawa si Linux kung hindi tanawin lang si Sereia. Habang tinitigan niya ito ay unti-unti na niyang pinapakawala ang kanyang emosiyon. Tumabi naman si Dismund sa kany

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 31- I don't want to see you

    Pagkatapos magsalita ni Linux ay binalot sila ng katahimikan. Naikuyom ni Adriel ang kanyang kamay habang tinapunan ng isang masamang tingin si Linux. Nagtagis ang kanyang bagang. Nakita naman iyon ni Ayame at naalarma siya pero hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi niya pa masyadong saulo ang ugali ni Adriel.Biglang tumikhim si Dismund. Manghang tumingin siya kay Sereia. "May gano'n na pala?" Pagbasag niya sa katahimikan. He grinned. "Well, if it is what she wants. I can give her my money. Hindi naman iyon kabawasan sa kayamanan ko."Binato ni Sereia ng malamig na titig si Dismund. Napaismid siya. "Isang bilyon? Kaya mo?" pasakay na tanong niya sa kalokohan nito pero ngitngit ang loob.Napakurap si Dismund. Mabilis niyang tinuro si Linux na nasa kanyang likod. "Sabi ko nga, hindi ko kaya, pero si Pareng Linux." Tinapik niya ang balikat nito. "Kayang-kaya niya iyan."Naningkit ang mata ni Linux. Binato niya ng makahulugang tingin si Dismund. Napalunok ito. Nag-iwas ito ng ting

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 30 - Protecting here

    Napako sa kinatatayuan si Ayame. Nilingon niya si Adriel. Katulad niya ay hindi rin ito makagalaw sa kinatatayuan. Kanina pa ito nakatitig sa babaeng nakaupo sa labas ng sinehan.Biglang tumamlay ang mukha ni Ayame. Kilala niya kung sino ang babaeng tinitigan nito. Paano nga ba hindi? Her brother used to cherish that beautiful woman since they were teenagers. She used to think it was pretty cute, but when she saw how Adriel stares to Sereia; she somehow felt an unexplained emotion.Niyugyog ni Ayame ang braso ni Adriel pero hindi pa rin ito lumingon sa kanya. Naglapat ng mariin ang kanyang labi. Marahas niyang niyugyog ang braso nito.Parang nagising naman mula sa pagkatuliro si Adriel. Takang tumingin ito sa kanya."W-what?""Where's the movie theater? Akala ko ay roon tayo pupunta?"Adriel blinked. "Yeah, sorry. I was just..." He shooked his head. "Nevermind, shall we?"Ngumiti ng pilit si Ayame at saka tumango. Muli niyang ikinawit ang kanyang kaliwang kamay sa braso ni Adriel. Ha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status