Araw ng Sabado, muling nabulabog si Sereia dahil sa tawag ng kanyang Mama. Ayaw niya sana ito'ng sagutin pero natatakot siya na baka magalit ito."Sereia, may evening party ang mga Latimer mamaya. Pumunta ka. It's an order. There's no room for your excuses. Naintindihan mo ba ako?" Napabuntonghininga si Sereia. "Yes, Mom.""Good! Hintayin mo na lang ang dress. May pinapadeliver ako riyan. Wear it," Zasha said on the other line."Opo."Saglit na natahimik ang nasa kabilang linya. Mayamaya pa ay narinig niya ito na bumuntonghininga. "Siguraduhin mo lang na magkakasundo ulit kayo ni Adriel, Sereia, dahil kung hindi. Mananagot ka sa akin.""Ma." Lumaylay ang balikat ni Sereia. "Ayaw niya na po. Intindihin mo naman ako.""No buts, Sereia. Gumawa ka ng paraan. Tandaan mo, na sa'yo nakasalalay ang future natin," Zasha said and end the line.Biglang nalungkot si Sereia. Binato niya sa kama ang kanyang selpon. Saka siya pabagsak na humiga roon.Mukhang mapipilitan talaga siya na pumunta ngayo
Last Updated : 2025-06-01 Read more