Ani pa ng mga taong nakapalibot kay Sereia Lilou Rebeiro, siya na ang pinaka - maamong babae na umaaligid kay Adriel Latimer. Animo’y para siya isang aso na panay sunod ng sunod sa kanyang amo kung saan ito magpunta. Bakit nga ba? Isang araw, nang mag - check - in sa isang mamahaling motel si Adreil ay sinundan niya ito. Hindi siya nag - aalinlangan na kumatok sa pinto na inupahan nito. Mas gusto pa niyang sundin ang kanyang kagustuhan, at ang rason kung bakit siya sumunod? Para lang bigyan ito ng payong dahil sa masamang panahon. Nakatikim siya ng bulyaw dahil lang doon. Sinabihan pa siya ng walang hiya pero wala siyang pakialam. Mas importante sa kanya ang makitang nasa magandang kalagayan ang iniingatan niyang babaero ng campus. Sa kabila ng masama nitong reputasyon sa mga babae, naging bingi at bulag siya. Mas gustuhin pa niya na makasama ito kaysa makinig sa mga haka - haka ng mga tao. Pinadaan lang niya sa kabilang tainga ang naririnig niyang tsismisan, kahit na minsan ay parang may isang palaso na nakatarak sa kanyang puso. Hanggang sa isang gabi, isang katotohanan ang siyang kumakatok sa isipan ni Sereia. Nahinuha na lang niya na ang lalaking inaantay niya ng tatlong taon ay nagbago. Hindi na ito katulad ng dati, na parati siyang inaalo - alo at sinasamahan. Dala ng reyalisasyon, tinalikuran niya ito ng walang pasabi. Imbes na tatahimik na ang buhay niya ay kinukutya pa siya ng mga tao. Ani pa nila'y nagpapakipot lang daw siya. Isa na roon si Adriel. Tingin niya ay gusto lang ni Sereia na suyuin niya ito para bumalik siya sa kandungan nito. Pero napawi ang agam - agam ni Adriel noong isang araw, aksidenteng nahulog ang pitaka ni Sereia. Bumungad sa kanya ang isang litrato ng lalaking minsan na niyang iniiwasan.
View MoreAni pa ng mga taong nakapalibot kay Sereia, siya na ang pinaka - loyal na babaeng umaaligid kay Adriel Latimer. Kulang na lang daw ay pati ang nilalakaran ni Adriel ay susundan niya ng pamunas para lang mapasaya ito.
Ilang beses na siya pinahiya ni Adriel, ilang beses na rin siyang pinapagalitan ngunit mistula naging bingi at bulag si Sereia. Isang tawag lang din nito ay gagalaw na ang kanyang biyas para lapitan ito at magmamakaawa na siya sa presensiya nito. Sabi pa nila na napaka - cheap ni Sereia, dahil hindi man lang niya iniisip ang kanyang repustasyon. Alam niyang hindi siya gusto ni Adriel pero pilit pa rin niyang isiniksik ang sarili sa buhay nito. Gumagawa pa rin siya ng paraan para gustuhin siya nito, dahilan upang palagi itong mapikon sa kanya. Isang araw, habang nagkasiyahan sila Adreil kasama ang kanyang mga barkada sa isang pribadong kwarto ng bar. Napag - usapan nila si Sereia. “Adriel, paano ba ‘yan. Mahal na mahal ka ni Sereia. Ayaw ka na niyang lubayan. Kailan mo ba siya pakakasalan?” tanong pa ni James na isa sa pinakamalapit na barkada ni Adreil. Nakangisi pa ito habang nakatukod ang dalawang kamay sa mesa na kanyang pinag - upuan. Adreil smirk. “Is a low rate lady are worthy of my name?” Ang hindi alam ni Adreil ay nakikinig mula sa labas si Sereia. Nakadikit ang tainga nito sa pinto habang ang dalawang kamay ay nakalapat sa malamig na dingding. Kagat nito ng mariin ang labi at napayuko dahil sa kahihiyan. Napayuko siya. ‘Mababa ba siya? Ganito ba talaga ang tingin nito sa kanya?’ may hihinakit na ani ni Sereia sa kanyang isip. Dala ng galit ay marahas niyang tinulak ang pinto. Nabulabog sila Adriel, pati rin ang mga barkada nito. Napaawang ang kanilang mga bibig nang makitang iniluwa mula sa pinto si Sereia. Binalot ng katahimikan ang paligid, ngunit ang pagkaawang ng kanilang mga labi ay unti - unting napalitan ng pagkamangha at ngisi. Limang lalaki ang nasa loob ng private room at pang - anim si Adriel, at dahil kinulang sa bilang si Sereia ay natuod siya sa kinatatayuan. Napasipol naman ang ilan. Nag - apiran pa ang dalawang barkada ni Adriel. Na para bang nasisiyahan sa pinapanood na magandang pelikula. Kanina lang ay tinawagan ni Adreil si Sereia hindi para pagalitan ito, kung hindi papuntahin ito sa bar na pinag - inuman nila. They made a bet and everyone gamble that Sereia would not come. Nag - away kasi ang dalawang kahapon. Paano, nalaman ni Sereia na may dinala na isang magandang babae si Adriel sa hotel kaya inaway niya ito. Ginantihan naman siya ng bulyaw ng huli kaya nauwi iyon sa pagtatalo. Akala nila ay hindi ito pupunta, dahil nga sa pikon pa ito. Hindi nila inaasahan na makunat pa sa bakal ang mukha ni Sereia. Tinawagan lang ito ni Adriel pero sumunod kaagad ito. Na para bang walang masamang namagitan sa kanilang dalawa. Binalewala ni Sereia ang mga aroganteng tingin ng mga lalaki. Sa halip ay walang emosiyon siyang lumapit siya kay Adriel. Napatingin siya sa dalawang babae na nakadantay sa magkabilaang braso nito. Kukulo na yata ang dugo niya dahil tabas ng tela ng mga suot nito. Napaka - revealing at kinulang sa tela. Halos lumuwa na ang suso ng mga ito dahil sa pagka - ipit. Kaunting liyad lang din ata ng dalawa ay masisilipan na ito. Maging ang mukha nito ay tadtad ng make - up. Maputi ang mga mukha ngunit sa bandang leeg ay may kaitiman. Talagang malalaman mong kinapalan ang paglagay ng polbura sa mukha dahil hindi pantay ang kulay nito. Tumikyas ang kanyang kilay pero hindi siya nagsalita. Pinagmasdan niya ang mukha ni Adriel. Kasabay ng kanyang pagtitig ay unti - unting paglaho ng kanyang galit sa kanyang puso. Ito ang isa sa pinakaayaw ni Sereia sa kanyang sarili. Napakabilis niyang bumigay. Pati ang pagtitig niya rito ay puno ng lambing. Binalingan niya ang babae na nasa kanan nito. “Pasensiya na pero pwede bang tumabi ka muna?” Awtomatikong tumaas ang kilay nito at dismayadong napapatitig kay Sereia. “Sino ka ba sa akala mo?” Hindi siya sumagot. Sa halip ay tumayo lang siya roon at hinintay ang babae na tumayo. Nang makitang hindi siya nagpatinag ay mas lalo nitong inilapit ang sarili kay Adriel at sinadyang pinabunggo ang suso. Hinila nito ang palapulsuhan ni Adriel at nagsalita. “Riel, siya ba iyong sinasabi mo na babae na parang aso na buntot ng buntot sa’yo? Ang tapang niya ah.” Napalingon sa kanya si Adriel pero hindi ito nagsalita. Mayamaya pa ay hinawakan nito ang kamay ng babaeng hipon. “What’s wrong? Are you unhappy?” Tumango naman ang babae nang nakabunsangot. Kamuntik ng mawalan ng pasensiya si Sereia dahil sa kaartehan ng babae nito. “I’ll ask her to apologize to you okay? Don’t be sad. It doesn’t suit you, “ he said in a coaxed young voice. Bigla namang sumigla ang babae nito. Nagliwanag pa ang mukha nito at mas lalong nagpa - cute. “Okay,” saad ng babaeng hipon. Saka siya binalingan ni Adriel. Sa isang kurap ay biglang nagbago ang timpla ng mukha nito. “Mag - sorry ka, Sereia.” Pero hindi siya gumalaw. Ni hindi rin bumuka ang kanyang bibig. Wala siya planong makipagtalo sa isang hitad na babae na ang alam lang ay lumandi at magpabebe sa harap ng isang lalaki. Lumalim ang gitla ng noo nito. “Bingi ka ba? Sinabi kong mag - sorry ka. Naririnig mo ba ako?” Napalunok si Sereia. Muli siyang napatingin kay Adriel. Nang makita niya ang galit nito ay nagsimula nang bumangon ang kanyang takot. “Huwag ka ng magalit,” pakiusap pa niya. Adriel snorted smugly. He lifts his chin and arrogantly said,” If you don’t want me to be angry, apologize. Don’t make me wait, Sereia.” Parang tuta na tumango naman si Sereia. Mabilis siyang lumingon sa babae nito at sinabing,” sorry kung na - offend kita,” malamig pa niyang wika. Nawala sa kanya ang paningin ni Adriel. Hinaplos nito ang mukha ng babae at malambing na kinausap. “Okay na ba?” Tumaas ang kilay ng babaeng hipon nang may maanalisa siya. Taas - noo niyang tinitigan si Sereia. Kung ganoon ay walang pakialam si Adriel. Hindi rin nito sinerseryo ang bagong dating na dalaga. Isang masamang ideya ang pumasok sa isip niya. Saglit na umangat ang gilid ng kanyang labi sabay tingin kay Sereia nang nakakaloko. Umiling siya. “Hindi,” sabay simangot. Muli niyang hinaplos ang kamay ni Adriel. “Hindi naman siya sincere.” Inipit ni Adriel ang buhok ng babae sa tainga. “So what do you want?” Napatingin sa paligid ang babaeng hipon. Nang makita niya ang mga bote ng wine sa mesa ay tinuro niya ito. “Kung gusto mong ipakita ang sincerity mo, ubusin mo ang mga wine na nasa mesa.” Biglang dumaan ang katahimikan sa pagitan nila.“Lalabas ka? O ako ang magpapalabas sa’yo?” Napakamot sa ulo si Dismund. “Inutusan mo ako kanina. Ang sabi mo, ako ang mag-didrive. Tapos ngayon palalabasin mo ako dahil lang sa naiinis ka? Nababaliw ka na yata.”Mas lalong nag-iba ang hilatsa ng mukha ni Linux. Binuksan niya ang pinto at lumabas. Tumayo siya sa tapat ng pinto ng drivers seat. Saka niya iyon binuksan.“Labas,” utos pa ni Linux.“Ayoko,” pagtanggi pa ni Dismund. Hinawakan niya ng mariin ang manubela. “It's too hot. Masisira ang balat ko.”“Bakla,” pang-aalaska niya pa rito pero si Dismund ay parang hindi man lang nadala sa kanyang sinabi. “Kalalaki mong tao. Takot ka sa init?”“Bakit? Hindi ba pwede? Ayoko magka-skin cancer,” ganti pa ni Dismund. Umiling siya sabay iwas ng kanyang paningin. “Ayoko. Akin itong kotse eh.”Umangat ang gilid ng labi ni Linux. “Fine. Umuwi ka ng mag-isa.” Saka niya binalibag ng malakas ang pinto ng kotse.Binaba naman ni Dismund ang bintana. Tinitigan niya si Linux. “Ano ba talagang proble
“Si Mommy ang may gusto. Wala na akong magagawa dahil siya mismo ang may hawak ng pera ni Daddy,” sabi ni Sereia habang nakatingin sa labas ng bintana.Natahimik sina Dismund at Linux. Nagkatinginan sila sa rearview mirror at panay bato ng makahulugang tingin. Hindi nila inaasahan ang kanilang narinig. Si Don Augustus? Isa sa pinakamayaman na Don sa bayan nila? Inilagak sa South Wing ng Brigade Hospital? At dahil lang sa gusto ng asawa nito?Kumunot ang noo ni Linux. Itinukod niya nang siko sa ng kotse. Saka siya nakapandekwatro ng upo.Binalingan ni Linux si Sereia. “Alam ba ito ng Lola mo?” Takang tanong pa niya.“Hindi ko alam.” Napabuntonghininga si Sereia. “Pasensiya na pero hangga't maaari ay ayaw ko sana pag-usapan ang kalagayan ng Papa ko.”Naglapat ng mariin ang labi ni Linux. Sumandal siya sa upuan at pinagkasya na lamang ang sarili na titigan ang madadaanan nila na tanawin sa labas.Dumaan ang ilang minuto ay biglang tumunog ang cellphone ni Linux. Kinuha niya sa kanyang b
“Nababaliw ka na. Pwede bang lubayan mo na ako? Naiirita na ako sa pagmumukha mo,” inis na wika ni Sereia. “Bakit hindi mo na lang ihatid ang girlfriend mo? Oh di kaya mag-date kayo? Stop bothering me. Can you?”Sinulyapan ni Adriel ang nobya na nakaupo sa passenger seat. “Tapos na kami mag-date. Nagkataon lang na nakita ka namin.”Naningkit ang mata ni Sereia. “Wala akong pakialam kung tapos na kayo mag-date. Basta lubayan mo na ako.”Mabilis na tumalikod si Sereia. Hindi na niya pinansin pa ang Ferrari ni Adriel. Bahala na kung susunod pa ito. Hindi na lang niya ito papansinin.Habang naglalakad ay panaka-nakang tumitingin si Sereia sa kanyang cellphone. Patingin&-tingin din siya sa kalsada para maghanap ng taxi pero katulad kanina. Wala pa rin dumadaan. Kaya nagdesisyon siya na mag-book na lang ng grab para makaalis na.Huminto si Sereia. Habang abala sa pagkalikot ng kanyang cellphone ay may pumarada na naman na isang kotse. Nalukot ang mukha niya.“Ano ba! Sinabi ko ng ayaw kong
Hindi makakibo si Sereia. Kinalikot lang niya ang kanyang kamay habang nakatitig doon.Napansin naman ni Aling Lydia ang reaksiyon ni Sereia kaya napabuntonghininga siya. “Hindi naman sa nanghimasok ako… Pero.” Umiling siya. “Hindi ko alam kung ano ang namagitan sa inyo. Ayaw kong gawing basehan lang ang sinabi ni Albert. Kung anuman iyon ay sana man lang ay mag-ingat ka. Pwede ba iyon, Hija?”Tumango lang si Sereia bilang sagot. Nagkatinginan naman ang mag-asawa.“Oh, kainin mo ‘to ha? May dalawang tab diyan ng mango float. Iyang mangga pinaghalo ko na iyong hilaw at hinog. Unahin mo kainin iyang hinog. Para hindi maabutan ng paglanta.”Sinipat ni Sereia ang hawak na puting plastic. Saka niya binalingan si Manong Albert. “Maraming salamat po, Manong.”Tumango si Manong. Tinanaw niya ang labasan. “Bakit hindi ka na lang dito mananghalian? Nang makapag-usap pa kayo ng Mamang mo?”Doon na na-realize ni Sereia ang oras. Tinitigan niya ang kanyang cellphone para roon tignan ang oras. “Hi
“Nako, Reiang. Huwag mo ng alalahanin iyon.” Pinagsalikop ni Manang Lydia ang kanilang mga kamay. “Ang importante, maayos ang lagay mo. Hindi ka naman siguro pinapabayaan hindi ba?”Pait na ngumiti si Sereia. Iniwas niya ang kanyang paningin at hindi kumibo.Matagal ng alam nina Lydia at Albert ang nangyari kay Don Augustus. Tatlong taon na ang nakalipas mula ng tumigil sila sa pagtatrabaho sa hacienda. Pumutok ang isang masamang balita tungkol sa Ama nito.Kalat na kalat sa bayan ang sinapit na kagalang-galang na Don, at dahil maraming nakakilala rito, mabilis kumalat ang balita. Marami ang nalungkot at nadismaya. Lalo na ang mga taong natulungan nito.Isa si Don Augustus sa mayaman na haciendero rito sa kanilang lugar. Bukod kasi sa hacienda ay nagmamay- ari rin ito ng mga sikat na hotel and restaurant. Kilala rin ito dahil sa talento nito sa pagpipinta. May mga obra ito na hindi basta-basta natutumbasan ng pera. Kaya nga umugong ang pangalan nito sa industriya ng pagpipinta. Malib
Napangisi si Sereia nang makalabas ng cafe. Pagkalabas ni Manong Albert ay lumabas na rin siya. Naawa na siya kay Adriel. Kung hindi pa siya aalis doon, baka puputok na ito sa galit.Hinabol niya si Manong Albert. “Manong,” sigaw ni Sereia sa kalsada. Napalingon si Manong. “Oh, bakit? Akala ko ay magpapaiwan ka pa roon?”Umiling si Sereia. “Hindi na po.” Ngumiti siya. “Salamat nga po pala sa pagtatanggol sa akin kanina, Manong.”“Nako, Ma’am! Wala iyon.” Tinanaw ni Manong ang likod ni Sereia. Saka niya ito binalingan. “Hindi ba anak ni Congressman iyong kausap mo kanina? Bakit kinakausap ka niya? Magkakilala pala kayo?”“Opo, Manong.” Tipid siyang ngumiti. “Long story po. Magka-school mate kasi kami rati,” saad pa ni Sereia. “Ah, manong. Ano po kasi. Nabasa ko po sa harap ng apartment kanina. I-iyong karatola po.” pag-iiba niya sa usapan.Lumunok si Sereia. ‘May tinda pa po kayo ng mango float?”Kumunot ang noo ni Manong. “Oo, Ma’am. Bakit mo pala natanong?Napakamot sa ulo si Sereia
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments